Filipino Project

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Ang Pilipinas ay nababalot ng maraming pamahiin o mga

paniniwala ng mga matatanda tungkol sa mga bagay-


bagay na walang relasyon sa ating nakikita o ginagawa.
Halos bawat okasyon sa buhay ng tao ay may kaakibat
na pamahiin na dapat sundin upang swertihin at malayo
sa kapahamakan. Ito ay mga paniniwala na walang
basehan kung ito ay may katotohanan o pawang
nagkataon lamang. Malaki ang naging impluwensiya ng
mga pamahiin sa buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga
usapin sa buhay tulad ng kultura, emosyon, tagumpay at
kabiguan. Ito ay isang kaugaliang namana sa ating mga
ninuno na patuloy pa rin isinasagawa ng karamihan.
Ayon pa rin sa mga nakakatanda, ang hindi pagsunod sa
mga pamahiin ay nagdudulot ng kamalasan o ng
kasawian.
Ang mga pamahiin ay mga paniniwala sa mga bagay,
pangyayari o mga gawain na may kaugnayan sa mga
espesipikong kaugalian natin, ngunit wala itong basehan
o lohikal na dahilan sa maaaring kalabasan nito.
Ilan sa mga halimbawa ng pamahiin na nakalista dito ay
posibleng pinaniniwalaan mo hanggang sa ngayon. Ilan
dito ay ang mga paniniwala tungkol sa mga sanggol na
ginawa ng aking nanay sa aming magkakapatid:
Ang paglalagay daw ng sinulid sa noo ng sanggol ay
nakakatulong upang mawala ang sinok. Kahit anong
sinulid ang gamitin pero mas mabisa kapag galing sa
natastas na sinulid ng damit at binabasa ng laway tapos
ilalagay sa noo ng sanggol.
Ang paggamit ng bigkis para hindi lumaki ang tiyan ng
bata. Ang bigkis ay isang telang puti na ibinabalot sa
tiyan ng bata. Nilalagyan ng bigkis ang bagong silang na
sanggol upang lumubog ang nakausling pusod
pagkatapos itong putulin.
Ang pag-ipit ng unang gupit na buhok sa libro o sa
diksyunaryo upang tumalino ang sanggol. Ang sabi ng
iba na kapag inilagay sa makapal na libro ang unang
ginupit na buhok ay kakapal ang buhok at kapag sa
diksyunaryo naman ang bata ay lalaking matalino.
Siguro dahil ang diksyunaryo ay puno ng iba’t–ibang
bokabularyo kaya maraming matututunan ang sanggol
habang lumalaki.
Himasin ang ilong ng sanggol para tumangos. Ayon sa
iba, dapat daw himasin at pisilin ang ilong ng sanggol sa
pagkagising sa umaga upang tumangos ito. Ang
karamihan kasi ng Pilipino ay ipinapanganak na pango o
maliit ang ilong.
Huwag dapat batiin ang bata baka mausog.
Pinaniniwalaan na kapag sumakit ang tiyan ng bata at
walang tigil sa pag-iyak, ito ay nausog matapos batiin ng
bisita. Kaya naman nakasanayan na ng mga Pilipino na
magsabi ng “Puwera usog!” at pinapahiran ng laway ang
tiyan ng bata para makaiwas sa pagkakasakit. Ang iba
naman ay nilalagyan ng pulang lipstick ang noo ng
sanggol upang hindi mausog/mabalis.
Sa kabilang dako naman ay ang ilang pamahiin para sa
pagpapakasal o pag-aasawa:
Huwag ligpitin ang pinagkainan hangga’t hindi pa tapos
ang lahat dahil ang maiiwang tao ay hindi makakapag-
asawa.
Huwag kumain ng palipat-lipat ang puwesto dahil darami
ang asawa.
Hindi maaaring magkita ang ikakasal isang araw bago
ang takdang araw ng pagpapakasal upang mas madama
ang pagmamahalan at kasiyahan sa pagharap sa altar.
Hindi pwedeng magbiyahe ang bagong kasal dahil
malapit sila sa disgrasya.
Ang paghahagis ng bigas sa bagong kasal ay nagdadala
ng masaganang buhay sa mag-asawa.
Ang pagreregalo ng arinola sa ikinasal ay magbibigay ng
suwerte. Magdadala ng kalungkutan sa buhay ng mag-
asawa kapag nahulog ang singsing.
Hindi maaaring ikasal ang magkapatid o magkamag-
anak sa loob ng isang taon at hindi maaaring
magpakasal kapag may namatay na kapamilya kaya
dapat iurong ang kasal sa susunod na taon. Ito ay
kilalang “Sukob sa Kasal” at “Sukob sa Patay” dahil ito
ay nagdadala ng malas o mayroong mamamatay na
kaanak sa kanilang pamilya.
Ang pangkasal na kasuotan ay hindi dapat sinusukat ng
babae dahil pinaniniwalaang hindi matutuloy ang kasal.
Marami pang ibang pamahiin tungkol sa pagpapakasal
at ang mga nasabing halimbawa ay ang mas kilalang
pamahiin at kadalasang sinusunod ng karamihan.
Sa karagdagan, maraming iba’t-ibang pamahiin para sa
pang araw-araw na gawain. Makikita dito na ang bawat
kilos o pangyayari na ating ginagawa ay may kaakibat
na paniniwala na hindi daw dapat baliwalain upang
manatiling ligtas at magkaroon ng matiwasay na
pamumuhay:
Ang sabi nila kapag may nahulog na kutsara habang
kumakain may darating na bisitang lalaki, kapag tinidor
naman ay babae at kapag kutsilyo ay ang kagalit na tao.
Ang patusok na hugis ng tinidor ay simbolo ng
pagkalalaki at ang palabag na hugis ng kutsara ay
simbolo ng pagkababae.
Huwag kumuha ng litrato kapag tatlong tao lang dahil
ang nasa gitna ang unang mamamatay.
Huwag kumanta sa harap ng kalan dahil matandang
lalaki ang mapapangasawa.
Maglagay ng isang sentimo sa iyong sapatos upang
maalis ang kaba o takot kapag ikaw ay nagsasalita sa
harap ng maraming tao.
Ang pagluluto ng pansit sa kaarawan ay nagbibigay ng
mahabang buhay.
Kung habang kumakain ay may paalis, ikutin ang mga
plato upang maging ligtas at makaiwas sa aksidente.
Pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang libro sa ilalim
ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa
iyong isip.
Ang taong ipinanganak na una ang paa o ang taong
“suhi” ay may kakayahang magtanggal ng tinik sa
lalamunan.
Ang babaeng may regla ay pinagbabawalang maligo sa
ulan dahil ang init ng katawan ay mapupunta sa ulo na
nagiging sanhi ng pagkabaliw.
Habang dumadaan sa madilim at masukal na lugar lalo
na kung bago mo pa lang ito napuntahan ay dapat kang
magpasintabi o humingi ng paumanhin sa mga bagay na
hindi mo nakikita tulad ng nuno at duwende at ibang
masamang espiritu upang hindi ka mapaglaruan. Ang
kalimitan sinasabi ay “Tabi-tabi po, makikiraan po.”
Iwasan ang maglabas ng pera o ang pagbabayad ng
utang sa gabi dahil ito ay magdudulot ng kamalasan
pagdating sa pera.
Huwag ipadaan ang pera sa bintana dahil
pinapaniwalaang tatakbo ang pera palayo sa iyo.
Kapag may dumaan na mga itim na langgam sa kahit
anong parte ng bahay ay nangangahulugang may
darating na pera sa iyo. Ang pagkati din ng iyong palad
ay udyok ng pagkakaroon ng pera.
Kapag binatukan ka ng isang ay dapat mong katukin
pataas ang iyong baba upang hindi ka mabobo.
Bawal ang magwalis ng bahay sa gabi dahil ang
pagwawalis daw sa gabi ay kasabay ng pagkawala ng
iyong swerte.
May mangyayaring masama sa iyo kapag may dumaan
na itim na pusa sa daraanan mo kung kaya naman dapat
lumihis ng daan upang maiwasan ang disgrasya o
huwag nangg tumuloy sa dapat puntahan.
Sa paglilipat ng bahay, ang bigas, asukal, asin at ang
poon ang unang ipinapasok upang itaboy ang
masamang espiritu at upang maging masagana ang
pamumuhay.
Huwag buksan ang payong sa loob ng bahay, dahil ito
raw ay malas, o baka malalaglagan ka ng ahas o butiki.
Advertisements

Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino


Ano nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?

Ito ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila.
Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay
mahilig maniwala sa mga pamahiin. 

Kami ay magbibigay ng mga Halimbawa.

Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino


 Piyesta

 Mahal na araw/ Senakulo

 Mamanhikan
 Harana

 Simbang gabi

 Flores De mayo
Madalas na Kaugalian

Pagmamano – ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga
nakatatanda sa kanila.
Paggamit ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba – nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.

Madalas na Paniniwala

Sa Kusina:

Bawal kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.


Bawal kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.

Sa Kasal:

Bawal isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa kanila.
Dapat unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.

Kapag may sumakabilang-buhay

Bawal matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo mo.
Bawal magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
 – upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.

Iba pang pamahiin:


Bawal maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
“Friday the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
Paggsing ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga ispiritu.
Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta
ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)

Mga Pambansang Pagdiriwang 

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at


lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipinosa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong
pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga
opisina a tpaaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Eneroipinagdiriwang ang Bagong Taon.Masayang sinasalubong ito
bagomaghating-gabi ng Disyembre 31.Masayang sama-samang kumakain atnagkukuwentuhan
pa ang mga kasapi ngmag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong
sigla sapagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong familyreunion. Dito ipinapakita ang
pagbubuklud-buklod ng pamilya.

 Araw ng Rebolusyong EDSA


Makaysaysayan ang araw na ito.Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25
ng Pebrero. Angaraw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan
 
mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipinosa EDSA noong
Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo atCamp Crame. Sinuportahan ito ng
mga mamamayan. Tinawag itongRebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong
People's PowerRevolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.

Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan angnagpapagunita hinggil sa mga matatapang na
sundalongPilipino na lumaban sa mga Hapones noong IkalawangDigmaang Pandaigdig.
Dambana ng Kagitingan ang tawag sabantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng
Kagitingantuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisalaban sa mga dayuhan.

 Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Arawng Manggagawa. Pinahahalagahan ang
mgamanggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod salipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa
pagtugon saating mga pangangailangan. Tumutulong sila upangtayo'y may pagkain araw-araw,
maayos na tirahan,iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Timaura ni Antipas Delotavo, 1991

Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita atipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng
Kalayaan mula saEspaña. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayogni Rizal.
Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
 
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.Marami pang
inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwangna ito. Sama-sama ang mga
Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

 Araw ng mga Bayani


Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwangtuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang
mgaPilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mgapalatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw
na ito angmga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan atkapakanan ng bansa.

 MGA KULTURA AT TRADISYON NG MGA PILIPINO


Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda.
Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang
pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis.
Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
PAGMAMANO
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring
tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng
isang komunidad para sa isang layunin.
BAYANIHAN

ang kasaysayan ng Pilipinas nang dumating ang mga sinaunang tao sa


Pilipinas sa Nagsimula pamamagitan ng mga tulay na lupa 67,000 taon na
ang nakalilipas. Ang unang tala na pagbisita na mula sa Kanluran ay ang
pagdating ni Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangan
ng Samar noong 16 Marso 1521. Nagtayo ng mga permanenteng
paninirahan sa Cebu kasabay ng ekspedisyon ni Miguel López de
Legazpi noong 1565, at marami pang mga paninirahan ang itinatag pa-
Hilaga hanggang sa maabot ng mga kolonyalista ang Look ng Maynila sa
pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad sa Maynila at dito nagsimula ang
panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.
Nagsimula ang rebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na
pagkaraan ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyon ng kalayaan
at ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. Ngunit ang Kasunduan
sa Paris, na naganap sa katapusan ngDigmaang Espanyol-Amerikano, ay
naglipat ng pamamahala sa Pilipinas sa Estados Unidos. Nagsimula ang
kolonyal na pamamahala ng Estados Unidos sa Pilipinas
noong Disyembre ng 1899, kasama ang limitadong lokal na pamamahala
noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili ay iginawad noong 1935, bilang
paghahanda sa isang ganap ng kalayaan mula sa Estados Unidos noong
1945. Ngunit ang 10-taong transisyon mula sa komonwelt patungo sa isang
soberanyang bansa ay naantala dahil sa pagsakop ng Hapon sa Pilipinas
noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. At pagkatapos ng
pagkatalo ng mga Hapones noong 1945. At ang huling pagbabalik ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano para sa Kampanya ng Pagpapalaya sa
Pilipinas mula 1944 hanggang 1945. Kaya ang ganap na kalayaan ay
iginawad lamang sa Pilipinas noong Hulyo 1946.
Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas noong dekada 1950 at 1960, ngunit
nagkaroon ng kaguluhan noong mga huling taon ng dekada 1960 at mga
unang taon ng dekada 1970 laban sa mapang-aping diktatoryal ni
Pangulong Ferdinand Marcos na nagpahayag ng batas militar noong 1972.
Dahil sa malapit na relasyon ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald
Reagan kay Pangulong Marcos, sinuportahan pa rin siya ng Estados
Unidos kahit na kilala ang kanyang administrasyon sa malawak na
katiwalian at pang-aabuso ng mga tao. Ang mapayapang Rebolusyon sa
EDSA noong 1986 ang nagpatalsik kay Marcos (na tumakas
sa Hawaii lulan ng isang helikopter na pag-aari ng militar ng Estados
Unidos, kung saan siya nanatili hanggang sa siya'y mamatay) at ang
nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngunit nang nagsimula ang panahong
iyon, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa politika at humina
ang ekonomiya ng bansa.
Mga Pambansang Pagdiriwang 

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaongnapakahalaga sa kasaysayan at


lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipinosa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong
pambansang pagdiriwang.Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga
opisina atpaaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Eneroipinagdiriwang ang Bagong Taon.Masayang sinasalubong ito
bagomaghating-gabi ng Disyembre 31.Masayang sama-samang kumakain atnagkukuwentuhan
pa ang mga kasapi ngmag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong
sigla sapagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong familyreunion. Dito ipinapakita ang
pagbubuklud-buklod ng pamilya.

 Araw ng Rebolusyong EDSA

Makaysaysayan ang araw na ito.Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25


ng Pebrero. Angaraw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan
 
mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipinosa EDSA noong
Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo atCamp Crame. Sinuportahan ito ng
mga mamamayan. Tinawag itongRebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong
People's PowerRevolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.

Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan angnagpapagunita hinggil sa mga matatapang na
sundalongPilipino na lumaban sa mga Hapones noong IkalawangDigmaang Pandaigdig.
Dambana ng Kagitingan ang tawag sabantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng
Kagitingantuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisalaban sa mga dayuhan.

 Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Arawng Manggagawa. Pinahahalagahan ang
mgamanggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod salipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa
pagtugon saating mga pangangailangan. Tumutulong sila upangtayo'y may pagkain araw-araw,
maayos na tirahan,iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Timaura ni Antipas Delotavo, 1991

Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita atipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng
Kalayaan mula saEspaña. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayogni Rizal.
Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
 
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.Marami pang
inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwangna ito. Sama-sama ang mga
Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.

 Araw ng mga Bayani


Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwangtuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang
mgaPilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mgapalatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw
na ito angmga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan atkapakanan ng bansa.

 MGA KULTURA AT TRADISYON NG MGA PILIPINO


Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa nakatatanda.
Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay ang
pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis.
Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.
PAGMAMANO
Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring
tumukoy sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng
isang komunidad para sa isang layunin.
BAYANIHAN

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.

Sa Pilipinas, ito ang  mga sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:

Filipino: ay ang pangunahing wikang sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna


ng Tagalog kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.

Tagalog: sinasalita ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga
nasa rehiyon sa  CALABARZON AT MIMAROPA. Ito rin ang pangunahing wika
ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.

Ilocano: pangunahing wika ng mga taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga
nasa rehiyon 1 at 2.

Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at


Gitnang Luzon.

 Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon

Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.

 Cebuano: Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu,Silangang


Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
 Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang
Negros.

 Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf Samar at Leyte sa Silangang


Visayas.

Idaan natin sa Sining


Ang mga Pilipino ay malikhain tao. Sa iba't ibang klase ng sining, makikita ang mga
talento ng mga Pilipino.

Sayawan: 

Tinikling 

Singkil

Pandanggo sa ilaw

Kanta:

OPM - Original Pilipino/Pinoy Music

Halimbawa: 

Laro:

Tumbang-preso
Patintero

Piko
Sipa

Palo-Sebo
Pambansang Kasuotan
Ito ang imahe ng pambansang kauotan ng Pilipinas

Ginawa ni: John Kenneth Millena 


Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o nakagawiang gawain na ipinamana ng
kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa iba’t ibang larangan sa
kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga ninuno .
Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

“Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”

 Mga Kultura sa Pilipinas:

1. Wika
2. Paniniwala
3. Tradisyon o Kauglian
4. Pagkain
5. Sining
6. Kasuotan
7. Relihiyon

Kagaya rin ng iba't ibang wikang matatagpuan sa Pilipinas, ang katutubong sayaw ng bansa ay
makikita sa makukulay, sari-sari at nakaaanyayang indak at tugtugin na makikita sa halos lahat ng
rehiyon ng bansa. Maraming impluwensiyang nagmula sa mga katutubong Ifugao, mga dayuhang
Indones, Kastila at Hapon ang makikita sa mga sayaw na gaya ng "Ragragsakan", "La Jota
Moncadena", "Tinikling", "Singkil", "Binasuan", "Pandanggo sa Ilaw", "Subli", "Sakuting",
"Regatones" at "Binasuan" ang patuloy na nagbibigay aliw at bighani maging sa mga turista at mga
kapwa Pilipino. Pinakikita rin sa pamamagitan ng katutubong sayaw ng Pilipinas ang maalab na
damdamin, pag-ibig, kasiyahan, kabuuan ng loob, pagkakaisa at pagkakaiba na hudyat ng isang
bansang binubuo ng 7,107 isla. Ilang piling manananghal ang patuloy na bumubuhay sa mga
katutubong sayaw ng bansa ang kilala rin sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang Bayanihan Dance
Troupe at Ramon Obusan Folkloric Group ay ilan lamang sa grupo ng mga Pilipinong pinag-aaralan
ang bawat hakbang at mahusay na nagdudokumento ng mga sayaw na matatagpuan sa
buongkapuluan.

The binasuan is a Filipino folk dance in which the performer holds full wine glasses in each hand
while performing balancing tricks. Wine may be used to fill the glasses, but other liquids may be
substituted. The arms are rotated over and under the shoulder in order to keep the palms facing up
so as not to spill the liquid while nevertheless allowing the radius to cross over
the ulna via pronation. Binasuan originated in Pangasinan and is popular at festive events such as
weddings.
Since the binasuan inverts the arm through rotation, it is sometimes given as a macroscopic,
physical demonstration of the rotation properties of a spin-½ spinor. As the liquid never spills, the
rotation can all occur within the same plane. Upon a rotation of 2π radians, the elbow changes
between pointing up and down. Upon a rotation of 4π radians, the palm "doubly covers" the
shoulder, and the elbow points in its original direction.

inikling is a traditional Philippine folk dance which originated during the Spanish colonial era.[1] The


dance involves two people beating, tapping, and sliding bamboo poles on the ground and against
each other in coordination with one or more dancers who step over and in between the poles in a
dance. It is traditionally danced to rondalla music, a sort of serenade played by an ensemble
of stringed instruments which originated in Spain during the Middle Ages.

Pandanggo is a Philippine folk dance which has become popular in the rural areas of


the Philippines. The dance evolved from Fandango, a Spanish folk dance, which arrived in the
Philippines during the Hispanic period. This dance, together with the Jota, became popular among
the illustrados or the upper class and later adapted among the local communities. In the early 18th
century, any dance that is considered jovial and lively was called Pandanggo.

akuting is a dance from the province of Abra. It was originally an all-male dance performance
presenting a mock fight between Ilocano Christians and non-Christians using sticks. The dance
is traditionally performed during Christmas at the town plaza or throughout the town, from one
house to another

Ang cariñosa ay isang uri ng panrarahuyong sayaw sa buong Kapuluan ng Pilipinas na may


Hispanikong pinagmulan. Ang sayaw ay ginagamitan ng pamaypay at panyo.

Ang Baro’t saya ay isang uri ng pambansang damit sa Pilipinas na isinusuot ng mga kababaihan.
Ang pangalan ay mula sa dalawang salitang Tagalog na baro at saya.

Mga Uri

You might also like