Pangwakas Na Pagtataya - FSPL - Linggo Blg. 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pagbabalik ng Face-to-face Classes sa Kolehiyo

Ang kasalukuyang pandemyang COVID-19 na naitalang nagsimula noong buwan

ng Disyembre 2019 sa rurok ng Wuhan China, ang nagbigay ng mahirap na pagsubok

sa nakararaming mag-aaral, guro, at mga kababayang nagtratrabaho bilang Overseas

Filipino Workers (OFW). Nakaapekto ng maraming bansa ang pandemyang nanggaling

sa bansang China na nakapagpahirap sa mga pilipinong natanggalan ng trabaho dulot

nito. Maliban sa nakaapekto ito sa kalusugan at kabuhayan ng maraming tao,

malubhang nakaapekto ang pandemyang COVID-19 sa sistema ng edukasyon sa

buong mundo. Dulot nito, kinakailangan ng pagpapatupad ng iba't-ibang libel ng

community quarantine sa buong bansa. Sa pagpapatupad ng RA 11469, o ang kinikilala

bilang "Bayanihan to heal as One Act", sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force for

the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ito ay naipatupad ng gobyerno

kung saan naglagay ng alituntunin sa pamayanan upang mapigilan ang epekto ng

COVID-19 sa buong bansa. Nakatala ang ilan sa mga alituntunin ng community

quarantine ang mahigpit na pagpapatupad ng kaligtasan at kalusugang mga protokol

katulad ng physical and social distancing, pagpapasarado sa mga establisiyementong

wala sa pangangailangan ng mga tao, at pagsara ng mga pampribado at publikong

paaralan.

Ang paghihigpit ng community quarantine at patuloy na paglaganap ng

pandemyang COVID-19 ang nagbigay ng dahilan upang magsara ang mga paaralan sa

loob ng apat na buwan. Sa paghihigpit ng face-to-face classes, nagpatupad ang

Philippine Department of Education and Commission on Higher Education (CHED) ng


flexible learning upang magpatuloy ang mga mag-aaral sa pag-aaral sa gitna ng

pandemya. Inanusyo ng The Commission on Higher Education (CHED) noong araw ng

biyernes Ika-27 ng Agosto na daan daang higher education institutions (HEIs) sa buong

mundo ang pinayagang magimplementa ng limited face-to-face classes. Ang

pagimplementa nito ay para lamang sa mga mag-aaral na may kursong Medical

Technology sa National University. Ayon sa CHED Chairman Prospero De Vera III,

habang iginagawad sakaniya ang Certificate of Authority upang magbukas muli ang

limitadong face-to-face classes sa Mindoro Occidental, kaniyang sinabi na mayroong 93

higher education institutions (HEIs) ang pinayagan nang muli upang magsagawa ng

limited face-to-face sa may mga kursong medikal at kaugnay na mga agham nito.

Kabilang sa mga pinayagang lugar upang magsagawa nito ang Metro Manila sa labing

anim na Unibersidad at kolehiyo at kabilang ang ibang bilang sa ibang rehiyon.

Humingi ng paalam sa Presidente Rodrigo Duterte ang Commission on Higher

Education (CHED) upang palawakin ang sakop ng mga kursong maaring magsagawa

ng kinakailangang harapang interaksyon sa pag-aaral, kasama rito ang engineering,

hotel and restaurant management, at maritime programs. Unang kadahilanan ang

kasalukuyan na mayroong 13,188 na mag-aaral na may kursong medisina at mga

kaugnay na agham ang pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes sa 118

na paaralan sa buong mundo. Isa na rin sa dahilan na ligtas ang pagsasagawa nito

dahil halos 10,000 na mag-aaral ang nabakunahan na. Sa lahat ng mag-aaral na

nakikibahagi sa harapang interaksyon, 41 na katao lamang ang natamaan ng sintomas

ng COVID-19. Humigit kumulang 1,048 na guro ang pinayagang magturo sa paaralan

kaharap ang mga estudyante. Sa mga gurong nakibahagi sa face-to-face classes, 15


ang nakakuha ng mababang sintomas ng COVID virus. Sa kabuuhang pananaw ng

CHED sa resulta ng pag-aaral, ligtas at mahigpit ang kalidad ng pagpapatupad ng

community guidelines. Halos 2,000 na Unibersidad at kolehiyo na ang nag bukas ng

paaralan at ang iba ay nagplaplanong magbukas pagsapit ng buwan ng Sepyembre o

Oktubre.

You might also like