Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Emelyn L.

Pangan T1-FIL ED14 10:30-11:30 1SEM21


BSED Filipino 3 Ika-19 ng Oktobre, 2021

A. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO
Ayon kay Abad (1996), ito ay anumang karanasan sa bagay na ginagamit ng guro
bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay,
kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang maging kongkreto,
dinamik at ganap ang pagkatuto.
Ayon naman kay Johnson (1972), ang kagamitang pampagtuturo ay isang tanging
gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at guro na tumitiyak na
sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalaman, teknik ng paglalahad, pagsasanay at
paggamit ng nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang iba’t ibang teknik.
Ito rin ay isang espesyal na dinisenyong gamit sa silid-aralan na binubuo ng mga
panuto para sa mga mag-aaral, at nakasaad ang mga layunin ng pagkatuto, ang
paksang dapat matutuhan, mga teknik ng presentasyon ng aralin, kasanayan at gamit
ng paksa o aralin.

LAYUNIN NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


1. Maging malinaw ang aralin.
2. Pinapanatili ang atensyon o pokus ng mga mag-aaral sa araling tatalakayin.
3. Kapag mayroong kagamitang panturo tulad ng biswal ay napapanatili ang memorya
ng mga mag-aaral sa aralin. 
4. Nagiging malikhain ang isang guro sa kanyang pagtuturo dahil sa kanyang mga
kagamitang panturo.

KAHALAGAHAN NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

1. Nagbibigay ng de-kalidad, maayos at makahulugang pagtuturo sa guro.


2. Nagkakaroon ang guro ng mga kawilihan at sistematikong pagtuturo.
3. Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita at pagtalakay ng mga
aralin sa loob ng klasrum/silid-aralan.
4. Nagiging makabuluhan at walang naaaksayang panahon, oras at salapi ang guro
dahil sa mga nakahandang kagamitan.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa pagtalakay ng aralin ang guro sapagkat nagiging gabay
nito ang kanyang mga kagamitan.

B. Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang pagtuturo gamit ang graphic
organizer.

(Nasa naka-attached po na larawan ang aking kasagutan.)

You might also like