Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Emelyn L.

Pangan T1-FILED9 8:30-9:30 1SEM21


BSED Filipino 3 Ika-19 ng Oktobre, 2021

1. Ano ang kabuluhan at kahulugan ng kulturang popular?


Ayon kay Orito, ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain,
kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda
ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong
tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin
maipakilala ang kanilang sarili.
May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito
ang mga:

a. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante


Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang
pangangailangan. Maaaring ito ay pangangailangan maging maputi, maging diretso
ang buhok, magkaroon ng kolorete sa mukha at iba pa para matawag na maganda.
Maaari rin namang gamitin ito ng mga negosyante sa mga teknolohiya; natatanim sa
utak ng tao na hindi na sila mabubuhay ng wala silang magagandang cellphone,
camera, at iba pa. Dahil dito, napipilitan bumili ang mga tao ng mga produktong
ginagawa ng mga negosyante para lang matugunan ang pangangailangan na ito. Ang
produktong ito ay siya namang nagiging sikat at napapasama sa kulturang popular
kinalaunan.

b. Latak
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang latak. Panghalili sa mahal
at sa orihinal. Sinasabing nangyayari ito dahil ang masa ay hindi makabili ng mga
kustal at kasuotan na mamahalin kaya sila ay nagkakasya na lamang sa pagbili ng
mga damit at bag na mura hanggang sa ito na ang maging uso at gamit na ng lahat.

c. Pangmasa o komersyal na kultura


Kaugnay ng sinasabi natin kanina tungkol sa mamahaling mga gamit, ang mga
mumurahing gamit ay kadalasang sumasailalim sa maramihang produksyon o mass
production. Ang kulturang popular ngayon ay ang mga pagkakaparepareho ng mga
kagamitan na nabili ng mga tao sa murang halaga.

d. Ginagawa ng tao
Ito naman ang nagsasabing ang kulturang popular ay ginagawa ng tao --maaaring
ng isang sikat na personalidad na nais tularan ng marami. Sa pag-gaya dito ng mga
tao, unti-unti itong napupunta sa mainstream. Ito ang tinatawag na pagpapauso. Ito ay
maaaring ginagawang pang hanapbuhay, pampasikat o tikis na pang-libangan lamang.

e. Larangan ng gahum
Sinasabi rin naman na ang kulturang popular ay isang ebidensya ng mataas na
tingin natin sa isang gahum na bansa. Kung ano ang mga gamit, damit, bag o kung
ano man na ginagamit sa kanilang bansa ay ating tinatangkilik dahil ito ang maganda,
nakahihigit at nakatataas para sa ating paningin. Sinasabing nakakasama ito para sa
ating sariling bansa dahil unti-unti nitong nakikitil ang ating sariling industriya dahil
walang tumatangkilik sa ating sariling mga produkto. Dahil dito, sinasabing mas
napapahalagahan natin ang kalinangan at kabihasnan ng iba kaysa sa sarili nating
kultura.

f. Pagkalusaw ng mga hangganan


Sa tumitingding globalisasyon at pagkakaugnay-ugnay ng mga kultura at
sibilisasyon sa buong mundo, hindi na nagiging hadlang ang distansya ng mga bansa
para magkaroon ng iisang kulturang popular. Nawawalan na ng distinksyon ang
mataas at mababang kultura, ang sariling kultura, comersyal at popular na kultura.
Lahat ng kultura ay nagkakasabay-sabay na ginagamit at nagiging isa.

2. Anong papel ang ginagampanan ng kulturang popular sa mga sumusunod:


a. Panitikan
Nabibigyan ng panibagong anyo ang mga panitikan lalong-lalo na ang mga
literatura noon. Halimbawa, ang nobelang El Filibusterismo ay nagkakaroon ng
maikling adaptasyon tulad ng maikling dula dahil sa mga bagong teknolohiyang
naimbento. Bukod pa rito, ang mga pelikula noong 80's - 90's ay marerestored kung
saan ito ay magiging malinaw na mapapanood at magkakaroon na ng kulay hindi puro
itim at puti lamang.
b. Wika
Nadadagdagan ang ating wika ng mga makabagong bokabularyong salita tulad
lamang ng mga salitang balbal na lodi, werpa, petmalu, sakalam, sana all, at marami
pang iba. Dahil dito, napapanatiling buhay at dinamiko ang ating wika dahil sa
kulturang popular.
c. Kultura
Nare-record ang mga kaganapan na ating ipinagdiriwang. Halimbawa, ang
masayang pista sa ating nayon. Dahil sa selpon, DSLR Camera, at marami pang ibang
teknolohiya ay naitatala natin ito. Bukod pa rito, naibabandera natin ang ating mga
kulturang Pilipino sa ibang panig ng daigdig dahil sa nag-alipanang mga social media,
dahil dito, napapayaman at napapayabong pa natin ang ating mga kultura.
d. Lipunan
Malaki ang ginagampanan na tungkulin ng kulturang popular sa lipunan. Ito ay
nagpapataas ng ekonomiya sa isang komunidad o lipunan. Halimbawa, ang popular na
brand ng sapatos na Nike ay naisipang magpatayo ng branch sa inyong komunidad,
dahil dito, maraming mga taong maeenganyo na dumayo sa inyong lipunan upang
bumili ng naturang produkto dahil de-kalidad at popular ito. Gayundin, magkakaroon
ng trabaho at kita ang mga mamamayan na nakatira roon.

3. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng popular na kultura bilang isang Pilipino?


Mahalaga ang pagkakaroon ng popular na kultura bilang isang Pilipino dahil
nagpapahiwatig ito na "developing country" ang ating bansa. Ibig sabihin,
nakakasabay at nakakabili ang mga Pilipino sa mga patok na gamit, teknolohiya,
kasuotan, at iba pang nauuso ngayon. Gayundin, hindi na tayo kinukutya ng mga
dayuhang bansa na "mahirap daw ang Pilipinas". Ito ang paraan ng mga tao para
maramdaman ang pagtanggap ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang
nagpapadama sa mga tao na tanggap tayo sa modernismo dahil ang kulturang popular
ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kompanya at
modernong mga bansa.

You might also like