Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

PANGALAN: ______________________ GURO: Ma’am Aika Kristine Valencia

ANTAS AT SEKSYON: _8-_________________ISKOR: ________________________

WEEKLY HOME LEARNING PLAN FOR GRADE 8


IKA-APAT NA MARKAHAN
(BASAHING MABUTI. ITO LAMANG ANG MGA PAHINANG SASAGUTAN SA
MGA MODYUL)

Learning Tasks

Modyul 5 Florante at Laura (Talumpating Nanghihikayat)


➢ Sagutan ang pagsasanay sa Balikan pahina 10.
➢ Basahin at unawain ang aralin tungkol sa Talumpati sa pahina 11-20.
➢ Sagutin ang mga sumusunod na gawain:
▪ Gawain 1. #TalumKayat (Talumpating Nanghihikayat) pahina 20.
▪ Subukin pahina 8-9
▪ Karagdagang Gawain pahina 25

Modyul 6 Florante at Laura (Damdamin at Motibo)


➢ Sagutin ang pagsasanay sa Subukin pahina 32-33.
➢ Basahin at unawain ang Saknong 206-Saknong 273 ng Florante at Laura pahina 37-44 at Iba’t
ibang paraan ng pagpapahayag ng Damdamin o Emosyon pahina 44-45.
➢ Sagutin ang mga sumusunod na gawain:
▪ Gawain 1. Damdamin ko, tukuyin mo! pahina 46
▪ Gawain 2. #SuriDaMo (Suriin Damdamin at Motibo) pahina 47
▪ Gawain 3. Artslogan pahina 41-43

Modyul 7 Florante at Laura (Mga Angkop na Salita sa Pagsasagawa ng Radio Broadcast)


➢ Basahin at unawain ang Mga hakbang sa Pagsasagawa ng Isang Kawili-wiling Radio Broadcast
sa pahina 64-67. Sagutin ang Pag-unawa sa Binasa pahina 67.
➢ Mula sa Florante at Laura, basahin at unawain ang mga saknong sa araling ito mula sa 274-
346 sa pahina 68-76. Pag-aralan ang aralin ukol sa mga angkop na salita sa pagsasagawa ng
radio broadcast sa pahina 76-77.
➢ Sagutin ang mga sumusunod na gawain :
▪ Subukin pahina 60-61
▪ Gawain 2. Cast-Saliksik pahina 79Subukin pahina 50-51

➢ Modyul 8 Florante at Laura Kawawang Aladin - Dulo ng Salita (Pagsang-ayon at


Pagsalungat)
➢ Sagutan ang gawain sa Balikan pahina 96.
➢ Basahin ang halimbawa ng iskrip pahina 97-99 at sagutin ang mga tanong sa Pag-unawa sa
binasa pahina 99.
➢ Basahin ang mga kinahantungan nina Florante, Laura, Aladin, at Flerida sa akda pahina 100-
Learning Tasks

108.
▪ Sagutin ang mga sumusunod na gawain sa Pagyamanin:
▪ Gawain 1. Aprub! Disaprub! Pahina 109
▪ Tayahin pahina 113-116
▪ Karagdagang Gawain pahina 117

SUMMATIVE TEST- FILIPINO 8


4th QUARTER

DAY & TIME 4th Quarter Module 5


LEARNING AREA Filipino 8
LEARNING COMPETENCY 1. Nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat
tungkol sa isyung pinapaksa sa binasa (F8PU-IVf-g-
38); at
2. Nagagamit nang wasto ang mga salitang
nanghihikayat (F8WG- IVf-g38).

Panuto: Piliin ang wastong salitang nanghihikayat upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang Morong Gerero ay __________ na matapang.
A. siyanga B. talaga C. totoo D. tunay
_____2. Kailangan __________ nating magkaisa sa kabila ng pagkakaiba ng ating pananaw.
A. siyanga B. talaga C. totoo D. tunay
_____3. “Hindi masama ang pagtulong sa kapuwa kahit magkaiba ang inyong lahi o
pinagmulan,” ani Aladin. “__________,” tugon ni Florante.
A. Siyanga B. Siyempre C. Talaga D. Tunay
_____4. __________ ngang ang mga magulang ay uliran sa bait at pangunahin sa tapang; walang
kapantay magmahal sa anak, magturo at mag-akay.
A. Naniniwala ako B. Siyempre C. Tumpak D. Tunay
_____5. __________ ngang “Para sa halamang lumaki sa tubig, daho’y malalanta munting ‘di
madilig; ikinaluluoy ang sandaling init, gayundin ang pusong sa tuwa’y maniig.”
A. Oo B. Siyempre C. Totoo D. Tumpak
_____6. __________ sa pahayag na, “Marami mang pagsubok at suliraning dinanas, lahat ng
mga ito’y mapagtatagumpayan kung may pananalig sa Diyos.”
A. Naniniwala ako B. Tama nga C. Talaga naman D. Tunay na
(Para sa bilang 7 – 10)
_____7. “Tunay na ang pagtuklas ng karunungan ay susi sa magandang kinabukasan. Siguradong
ang sakripisyo ng inyong mga magulang ay mapapalitan ng higit pa sa ginto at yaman, ito’y ang
aral ng buhay na sa inyong pagsusumikap, magandang hinaharap inyong malalasap.” Ano ang
pinapaksa ng talumpating nabasa?
A. pagmamahal sa magulang
B. pagpapahalaga sa pag-aaral
C. pamanang karunungan ng magulang
D. pagmamahal ng magulang sa kaniyang anak
_____8. Anong isyu ang maiuugnay sa paksang “Bagaman magkaaway, sa kalagayan ng taong
nangangailangan ng saklolo’y karampatan lamang na siya ay saklolohang para na ring isang
katoto”?
A. pagpapabakuna ng mga nanunungkulan sa bansa
B. pagkakabuklod-buklod ng iba’t ibang bansa sa pagsugpo ng pandemya
C. paghahanap ng pamahalaan ng mura ngunit epektibong vaccine sa karatig bansa
D. gawing prayoridad ang lahat ng frontliners sa bansa sa pagpapaturok ng vaccine
_____9. Kung ikaw ay susulat ng sariling talumpati, anong pahayag na may salitang
nanghihikayat ang gagamitin mo bilang pagsang-ayon?
A. Tunay ngang ang batang laki sa layaw ay kulang sa kabutihangloob.
B. Subalit may mga batang naturuan ng kabutihang asal ng kaniyang magulang.
C. Ang labis na pagpapalayaw at maling pagmamahal ng isang magulang ay hindi makabubuti sa
anak.
D. Hindi maikakaila ang mapait na bunga ng maling pagpapasunod ng magulang sa sinisintang
anak.
_____10. Alin sa sumusunod na bahagi ng talumpati ang nanghihikayat?
A. Palibhasa’y hindi naghirap o nakatikim ng dusa.
B. Tunay na ang pagtuklas ng karunungan ay susi sa magandang kinabukasan.
C. Mulat sa ating kaalaman na ang batang laki sa layaw ay nakukuha ang lahat ng kagustuhan.
D. ‘Di tulad ng mga kabataang mulat sa kahirapan, pagsusumikap ng magulang ang ginawang
inspirasyon sa buhay.

DAY & TIME 4th Quarter Module 6


LEARNING AREA Filipino 8
LEARNING 1. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay
COMPETENCY sa napakinggan (F8PN-IVg-h-37);
2. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin at motibo ng mga tauhan (F8PB-IVg-h-37); at
3. Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang
aralin (F8PU-IVg-h-39).

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.
_____1. Ito ay nangangahulugan ng pakay, naisin, layunin, dahilan para gawin ang isang bagay.
A. damdamin B. kilos C. motibo D. pantasya
_____2. Ano ang isang pag-uudyok na magsagawa ng kilos sa pag-uugali, na nabuo ng isang
sistema ng mga pangangailangan ng tao sa iba't ibang antas?
A. damdamin B. kilos C. motibo D. pantasya
_____3. Bakit mahalagang malaman kung ano ang nararamdaman ng isang tauhan sa akda?
A. makilala ito nang lubusan C. maging kapalagayang loob ito
B. hindi magkasakit sa puso D. malaman ang mga dapat gawing aksiyon o solusyon na
mangyayari
(Para sa bilang 4-9)
Panuto: Tukuyin ang motibong ipinahahayag ng bawat saknong sa ibaba.
_____4. “May sambuwan halos na di nakakain,
luha sa mata ko’y di mapigil-pigil;
ngunit napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.”
A. humalakhak B. kumanta C. sumayaw D. umiyak
_____5. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin,
aywan kung bakit at naririmarim,
si Adolfo nama’y gayon din sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.”
A. magalit B. magmahal C. magtaka D. magulat
_____6. “Sa loob ng anim na taong lumakad
itong tatlong dunong ay aking niyakap,
tanang kasama ko’y nagsipanggilalas
sampu ng maestrong tuwa’y dili hamak.”
A. ikinagalit B. ikinatuwa C. ipinagwalang bahala D. tinangka
_____7. “Ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y
dapat kang mamatay!”
A. bumuhay B. kumanta C. pumatay D. sumayaw
_____8. “Datapuwa’t huwag kang magpapahalatang
tarok mo ang lihim ng kaniyang nasa;
ang sasandatahi’y lihim na ihanda,
A. mag-ingat B. magmahal C. magpatulong D. makipag-away
_____9. Dumating ang panahon ng pag-aaral
Walang kakayahan salitang dumatal
Kundi ipaubaya sa may kakayahan
Kahit mabigat sa kanilang kalooban
A. makapag-aral B. makapagpasalamat C. makapasa D. makauwi
_____10. Walang ibang makapapantay
Sa pagmamahal ng magulang
Sa anak na tunay
Anong damdamin ang ipinahahayag sa islogang ito?
A. magalit B. magmahal C. magtampo D. matakot

DAY & TIME 4th Quarter Module 7


LEARNING AREA Filipino 8
LEARNING COMPETENCY 1. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at
Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda
(F8PN-IVa-b-33); at 2. natitiyak ang kaligirang
pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng: - pagtukoy sa
kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito - pagtukoy sa
layunin ng pagsulat ng akda - pagsusuri sa epekto ng akda
pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33).
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.
_____1. Kailangang malinaw ang ___________ ng mga balita upang maintindihan ng mga
tagapakinig ang mga balita at mahikayat silang makinig sa programa.
A. interbyu C. radio broadcast
B. komentaryo D. pagsasahimpapawid
_____2. Sa pagbubukas ng programa sa radyo, kinakailangan ng pangalan ng istasyon. Alin sa
mga sumusunod na linya mula sa Florante at Laura ang maaaring pagbatayan nito?
A. Sintang Florante
B. Magandang dilag
C. Kupido ng Pag-ibig
D. Pebo ningning ng liwanag mo
_____3. Sa pagbuo ng balitang showbiz, anong hakbang sa paggawa ng kawiliwiling balitang
panradyo ang mainit na isyung mabubuo sa saknong 329?
“Lumago ang binhing mula sa Atenas
ipinunlang nasang ako’y ipahamak;
kay Adolfo’y walang bagay na masaklap,
para ng buhay kong hindi nauutas.”
A. Ang pagpugot sa ulo ni Laura.
B. Ang patibong ni Adolfo kay Florante.
C. Ang unang pagtatagpo nina Florante at Laura.
D. Ang tagumpay na tinamo nina Florante at Menandro.
_____4. Ayon sa saknong 306, anong komersyal ang angkop sa isinasaad nito?
“Tagumpay na ito’y pumawi ng lumbay
ng mga nakubkob ng kasakunaan;
panganib sa puso’y naging katuwaan,
ang pinto ng s’yudad pagdaka’y nabuksan.”
A. kabuktutan C. katagumpayan
B. kalungkutan D. kapaimbabawan
_____5. Ito ay isa mga hakbang sa pagsasagawa ng kawili-wiling balitang panradyo na
tumutukoy sa panahon.
A. balitang isports C. balitang panahon
B. balitang showbiz D. balitang komersyal
_____6. Ang ____________ ng radyo ang nangangasiwa sa mga balitang isasahimpapawid sa
radyo at namamahala sa kabuoan ng pagbabalita.
A. announcer C. komentarista
B. news director D. field reporter
_____7. Ang ______ay isang uri ng pamamahayag sa paraang pasalita at pasulat na nag-uulat ng
mga kaganapan sa ating bansa.
A. interbyu C. radio broadcast
B. komentaryo D. pagsasahimpapawid
_____8. Ang OBB ay nangangahulugang pagbubukas ng ____________ sa pagsisimula ng
pagsasahimpapawid.
A. billboard C. closing of the billboard
B. dead air D. opening of the billboard
_____9. Magsasagawa rin ng ___________ ang mga tagapagbalita sa mga taong may kinalaman
sa isyung tinatalakay upang mapatunayan ang totoong nangyari.
A. interbyu C. radio broadcast
B. komentaryo D. pagsasahimpapawid
_____10. Hindi na nagbibigay ng ____________ ang ilang tagapagbalita dahil sa kakapusan sa
oras.
A. interbyu B. komentaryo C. radio broadcast D. pagsasahimpapawi
th
DAY & TIME 4 Quarter Module 8
LEARNING AREA Filipino 8
LEARNING 1. Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan
OBJECTIVES sa napanood sa telebisyon na programang nagbabalita (F8PD-IV-
j38); at
2. Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit
ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Hal.:
totoo, ngunit) (F8PU-IV-j-40).
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang. Piliin at isulat sa hiwalay na
papel ang letra ng iyong sagot.
Para sa bilang 1-2
362. “Inihinging-tawad ng luha at daing
ang kaniyang anak na mutya ko’t giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya’y di patatawarin.”
363. “Ano’ng gagawin ko sa ganitong bagay?
Ang sinta ko baga’y bayaang mamatay!
Napahinuhod na ako’t nang mabuhay
Ang prinsipeng irog na kahambal-hambal.”
1. Ano ang inihahayag ng taludtod na may salungguhit?
A. katotohanan B. opinyon C. pagsalungat D. pagsang-ayon
2. Sang-ayon ka ba sa ibinigay na kondisyon ni Sultan Ali-Adab bilang kapalit ng kalayaan ng
kaniyang sariling anak?
A. Opo, dahil mapaghihiwalay na ni Sultan Ali-Adab sina Flerida at Aladin.
B. Opo, dahil mas mabuting umalis na lamang si Aladin sa Persiya kaysa sa makulong at
maparasuhan ng kamatayan.
C. Hindi po, dahil hindi makatuwirang agawan mo ng minamahal ang iyong sariling anak.
D. Hindi po, dahil masamang tao si Sultan Ali-Adab at hindi siya nararapat kay Flerida
Para sa bilang 3-6
390. “Kapagdating dito ako’y dinadahas
at ibig ilugso ang puri kong ingat;
mana’y isang tunod na kung saan buhat,
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab…”
391. Sagot ni Flerida: “Nang dito’y sumapit
ay may napakinggang binibining boses
na pakiramdam ko’y binibigyang-sakit,
nahambal ang aking mahabaging dibdib.
392. “Nang paghanapin ko’y ikaw ang nataos,
pinipilit niyong taong balakiyot;
hindi ko nabata’t bininit sa busog
ang isang palasong sa lilo’y tumapos…”
3. Ano ang ipinahahayag ng saknong na may salungguhit?
A. katotohanan B. opinyon C. pagsalungat D. pagsang-ayon
4. Kung ikaw si Flerida, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagliligtas kay Laura?
A. Opo, kasi naaawa ako kay Laura.
B. Opo, kasi hindi ko matitiis na makita ang ganoong pang-aabuso sa isang babae.
C. Hindi po, kasi baka pareho kaming mapahamak.
D. Hindi po, dahil mapanghihinaan din ako ng loob at hindi na ako makalalaban.
5. Ano ang maaaring ilapat na isyung panlipunan sa paksa ng saknong bilang 390 sa isang radio
broadcast?
A. korapsiyon B. cyber bullying C. death penalty D. pang-aabuso sa kababaihan
6. Anong angkop na balita para sa isang radio broadcast ang maaaring mailapat sa isyung
panlipunan sa saknong bilang 390?
A. Adolfo, hinatulan ng death penalty
B. Adolfo, kinasuhan ng cyber bullying
C. graft and corruption ng DOJ
D. Adolfo, kinasuhan ng Violence Against Women and Children (VAWC) ni Laura

Para sa bilang 7-10


Isko: Haring Linceo, hinatulan ng bitay dahil umano sa layunin nitong pabagsakin ang ekonomiya
ng Albanya sa pamamagitan ng paglalagay ng estangke sa mga kakani’t trigo na siyang
pangunahing ikinabubuhay ng mga Albanyo.
Selly: Naku partner, galit na galit nga ang mamamayan ng Albanya sa Hari kung kaya’t sila ay
nag-rally sa harap ng palasyo real para igiit na ito ay mamatay na.
Isko: Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng mamamayan ng Albanya.
Selly: Isa ngang malaking balita ito ngayong taon, na talaga namang ikinagulat ng lahat dahil kilala
sa mabuting gawi at tapat sa kaniyang nasasakupan ang Hari.
Isko: Kaya nga, may ilan pa rin siyang mga kapanalig na patuloy na naniniwala sa kaniya ngunit,
mas malakas pa rin ang hiling ng marami na siya’y pababain na sa trono.
Selly: Totoo, partner, Panginoon na ang bahala, masunod nawa ang Kaniyang kalooban para sa
abang kapalaran ng Hari.

7. Anong salita ang nagpapakita ng pagsang-ayon sa nakasalungguhit na pahayag?


A. bahala C. para
B. nawa D. totoo
8. Anong pananaw ng pagsang-ayon ang ipinahayag ng tagapagbalitang si Isko nang malaman nito
ang naganap na rally sa palasyo?
A. Totoo, partner, Panginoon na ang bahala.
B. Naku, partner, galit na galit nga ang mamamayan ng Albanya sa Hari.
C. Kaya nga may ilan pa rin siyang mga kapanalig na patuloy na naniniwala sa kaniya.
D. Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng mamamayan ng Albanya.
9. Paano inilahad ng mga tagapagbalita ang kanilang mga paniniwala at pagpapahalaga sa isyung
tinalakay?
A. pagtukoy ng mahahalagang detalye
B. paglalahad ng mga opinyon at pananaw
C. paggamit ng mga makatawag-pansing salita
D. paggamit ng mga salitang may pagsang-ayon at pagsalungat
10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagsalungat?
A. Layunin nitong pabagsakin ang ekonomiya ng Albanya.
B. Kaya’t sila ay nag-rally sa harap ng palasyo real para igiit na ito ay mamatay na.
C. Ngunit mas malakas pa rin ang hiling ng marami na siya’y pababain na sa trono.
D. Tama ka riyan, partner, nakapangingilabot ang sigaw ng mamamayan ng Albanya

You might also like