Weekly Home Learning Plan For Grade 9 Unang Markahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

WEEKLY HOME LEARNING PLAN

FOR GRADE 9 UNANG MARKAHAN


(BASAHING MABUTI. ITO LAMANG ANG MGA PAHINANG SASAGUTAN SA MGA MODYUL)
GURO SA FILIPINO: AIKA KRISTINE L. VALENCIA
Learning Tasks
Modyul 1: Panitikang Asyano – Maikling Kuwento ng Singapore
Basahin at sagutin ang mga katanungan sa pahina 2-3 (Subukin).
Basahin at unawain ang mga pangungusap sa pahina 5-6. Sagutin ang kahulugan ng
mga parirala o salitang nakasalunggit sa bawat pangungusap. Gayahin ang pormat
na nakalahad sa pahina 6 (Tuklasin).
Upang lubos na maunawaan ang nilalaman ang unang aralin, basahin at unawain
ang maikling kuwentong Singaporian Ang Ama sa pahina 6-9. Maaari rin itong
panoorin sa youtube.
( https://www.youtube.com/watch?v=A5Ju4onsOWg )
Matapos basahin ang naturang akda, sagutin ang mga katanungang nakalahad sa
pahina 10 Gawain 2. Arrow-Fact Analyzer at Gawain 3. Sa Antas ng Iyong Pag-
unawa pahina 11.
Basahin at unawain ang lektura patungkol sa Maikling Kuwento, Mga Bahagi at Uri
Nito, at Denotatibo o Konotatibong Pagpapakahulugan, at Mga Pangatnig pahina
11-14.
Pag-aralan, unawain at sagutin ang mga sumusunod pang pagsasanay:
 pahina 17-18 Pagyamanin
 pahina 21-22 Isagawa Gawain 1 at Gawain 2
 pahina 23-25 Tayahin
Modyul 2: Panitikang Asyano Nobela ng Indonesia at Pilipinas
Panitikan: Timawa-Nobela ng Pilipinas, Takipsilim Sa Dyakarta-Nobela ng Indonesia
Basahin at unawain ang akdang Takipsilim sa Dyakarta sa pahina 5-11
Sagutin ang mga katanungan sa pahina 12 Suriin at pahina 13 Pagyamanin.
Basahin at unawain ang lektura tungkol sa PAGKILALA SA KATOTOHANAN AT
OPINYON sa pahina 14.
Sagutin ang pagsasanay sa pahina 16 Isaisip.
Basahin at unawain ang lektura tungkol sa Mga Uri ng Tunggalian sa pahina 23 at
sagutin ang mga Pagsasanay 1 at Pagsasanay 3 sa pahina 23-24.
Para sa karagdagang gawain, sagutin ang Tayahin sa pahina 25-26.
Modyul 3: Panitikang Asyano Tula ng Pilipinas
Basahin ang tulang Ang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus sa
pahina 6-7.
Sagutin ang mga sumusunod na pagsasanay kaugnay ng binasang akda:
 Suriin Gawain 1 at Gawain 2-pahina 8-9
 Pagyamanin-pahina 10
 Karagdagang Gawain-pahina 17
Modyul 4: Panitikang Asyano –Sanaysay ng Indonesia
Sagutin ang pagsasanay sa Balikan Gawain 1. Paghambingin mo sa pahina 4.
Basahin at unawain ang sanaysay na KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR Salin ni Ruth
Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese pahina 6-8.
Sagutin ang Suriin Gawain 3 sa pahina 9.
Basahin at unawain ang lektura tungkol sa Sanaysay at Ang mga Pang-ugnay at
mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw sa pahina 10-11.
Sagutin at isagawa ang mga sumusunod na pagsasanay:
 Gawain 4. Ikaw naman-pahina 11
 Gawain 5. Isulat mo-pahina 12
 Karagdagang Gawain-pahina 18-19
Modyul 5: Panitikang Asyano –Dula mula sa Pilipinas
Sagutin ang pahina 7-8 Paglinang sa Talasalitaan.
Basahin at unawain ang Dula sa Pilipinas na Tiyo Simon isinulat ni N.P.S Toribio sa
pahina 8-11.
Sagutin at isagawa ang mga sumusunod na pagsasanay:
 Gawain 2. Sa Antas ng iyong Pang-unawa-pahina 11-12
 Gawain 5. Punan ang grapikong pantulong ng mga katangian ng bawat tauhan
mula sa dulang nabasa-pahina 14
Basahin at unawain ang lektura tungkol sa Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng
Katotohanan at Opinyon sa pahina 15.
Sagutin at isagawa ang mga sumusunod na pagsasanay:
 Gawain 6. Pag-ugnayin Mo-pahina 15
 Gawain 8-pahina 16
Basahin at unawain ang lektura tungkol sa Dula, Mga Bahagi at Uri Nito sa pahina
17.
Sagutin ang Tayahin pahina 20-21.
LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
UNANG MARKAHAN
(ISULAT ANG INYONG MGA KASAGUTAN SA INILAANG SAGUTANG PAPEL(ANSWER SHEET) NG GURO)

Modyul 1: Panitikang Asyano – Maikling Kuwento ng Singapore


Panuto: Bumuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga sumusunod na pahayag.
Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot. (Mula sa kwentong Tahanan ng Isang
Sugarol)

Si Li Hua, ang asawa ni Lian Chiao ay larawan ng isang tunay na naghitit


ng opyo, payat at matangkad siya, may maitim na ngipin at namumulang
mata. Matapos makapamaywang at sigawan ang bawat isa, nagsimula
siyang maghubad at marahas na nagtanong, “Handa na ba ang tubig na
pampaligo?”

1. Paano mo ilalarawan si Li Huan?


a. maaalahanin sa pamilya c. maunawain na asawa
b. madaling mamintas d. may bisyo

2. Ano ang pangunahing kaisipan mayroon ang teksto sa itaas?


a. Kalupitan sa asawa at anak c. Katamaran at kahirapan
b. Kaunlaran d. Kahirapan
3. Paano mo masasabi na ang isang laro ay magiging sugal?
a. Kapag may maraming kalaro c. Kapag may taya at pusta
b. Kapag laging ginagawa d. Kapag manalo ka
4. Kapag ang iyong ama ay isang sugarol, ano ang maaari mong gawin?
a. magsugal ka rin b. huwag pansinin c. hayaan na lang d. pakiusapan

5. Ano ang ipinahiwatig sa pahayag “Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo
kayang magbayad?”
a. Kung sino ang nangutang siya rin ang magbayad
b. Dapat hayaan lang ang utang
c. King ikaw ang nangutang, iba ang magbayad
d. Dapat lang magbayad ka
Halos kasimbilis ng kidlat, ang isang parang kawayang lalaki ang
pumasok sa bahay at sandaling tumayo, galit, “Lintik!, gabi na’y hindi
pa luto ang hapunan!” Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?
6. Alin sa sumusunod na pangyayari ang tinutukoy sa teksto sa itaas?
a. nagdadabog c. naguguluhan at nag-aalala
b. nagwawala d. nagugutom at nagagalit
7. Ano ang naging kaanyuan sa lalaking tinutukoy sa teksto?
a. matipuno at matapang c. malusog at makisig
b. payat at matangkad d. mataba at pandak
8. Ano ang ipinahiwatig ng nakasalungguhit na pangungusap sa teksto?
a. naghinalang may kalaguyo c. may hinahanap
b. nagbibintang d. nagseselos

9. “Batang bata pa si Ah Yue ay tumutulong na sa mabibigat na gawaing pambahay”.


Anong uring pamumuhay mayroon ang pamilya ni Ah Yue?
a. mayaman b. mahirap c. katamtaman d. di-gaanong mayaman
10. Batay sa pahayag 9, anong katangian mayroon ang batang si Ah Yue?
a. matulungin b. matapang c. tamad d. matapat
11. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y
mauuri bilang maikling kuwentong _______________.
a. sikolohikal b. pakikipagsapalaran c. makabanghay d. kababalaghan
12. Maituturing na pang-abay na pamanahon ang __________.
a. magiging mabuti c. nagdadalamhating ama
b. mula ngayon d. dinukot sa bulsa
13. Nangingibabaw sa kuwentong ito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa
tunay na pagkatao ng pangunahing tauhan
a. Kuwento ng Kapaligiran c. Kuwento ng Tauhan
b. Kuwentong Makabanghay d. Kuwentong Sikolohiko
14. Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook, ang anyo
ng kalikasan doon at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at pamantayan ng
mga taong naninirahan sa nasabing lugar
a. Kuwentong Makabanghay c. Kuwento ng Kababalaghan
b. Kuwento ng Katutubong Kulay d. Kuwento ng Kapaligiran
15. Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng kanyang
katambal na tauhan
a. kuwento ng tauhan c. kuwento ng madulang pangyayari
b. kuwento ng pakikipagsapalaran d. Kuwento ng pag-ibig

II. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional devices upang mabuo ang
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
16. Marami ang natuwa ( a. sa wakas, b. saka ) dahil marami ang sumusunod sa
patakarang stay at home at social distancing.
17. ( a. Dahil dito, b. Datapwat ) hindi nagpaapekto ang marami sa hinaharap na
pandemic bagkus naging matatag pa ang pananalig sa Diyos na masugpo na ang
kinakaharap na suliranin ng buong mundo.
18. Lubusang naapektuhan ang mga Pilipino sa balitang pandemic na corona virus
( a. kaya , b. sa lahat ng ito ) marami ang matiyagang nanawagan at nagdasal na sana
pairalin ang disiplina at manatiling malakas ang katawan habang umiiral ang naturang
virus.
19. ( a. Kung gayon b. Samantala ) marami ang nayamot na mga netizens sa mga
pasaway dahil umano sa hindi ito marunong magtiis habang umiiral ang Enhanced
Community Quarantine o ECQ.
20. ( a. Gayunpaman b. Bagaman ) malaki ang sama ng loob ng mga OFW sa
kinauukulan dahil umano sa kakulangan nito ng pagkilos upang makauwi na sa kani-
kanilang pamilya.

Modyul 2: Panitikang Asyano- Nobela ng Indonesia/Pilipinas


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng may tamang
sagot.
1. Ito ang literal na kahulugan ng salita o parirala o kahulugang hingango o makikita sa
diksyunaryo.
a. konotatibo b. denotatibo c. sinonimo d. bokabolaryo

“Huwag kayong magpadala sa bola lalo ng mga


kalalakihan.”
2. Alin sa mga salita sa pahayag sa itaas ang may konotasyong kahulugang “Pambibiro”
a. kalalakihan b. kayo c. bola d. magpadala
Ano nga ba ang papel mo sa buhay ko?

3. Ano ang kahulugan ng salitang “Papel sa pangungusap sa itaas?


a. gampanin c. suliranin
b. bagay na pinagdirihan d. bagay na sinusulatan
4. Ano ang denotatibong kahulugan ng “Bulaklak”
a. rosas b. babae c. bahagi ng halaman d. tangkay ng halaman
5. Alin sa mga salita sa ibaba ang may konotasyong kahulugang “taksil”
a. Kuneho b. Tigre c. Ahas d. Unggoy
6. Ano ang denotasyong kahulugan ng “Ipinangangalandakan”?
a. ipinagyabang b. itinago c. ipinamahagi d. ipinagkait
7. Ibigay ang denotasyong kahulugan ng “naalimpungatan”
a. muling nakatulog c. umidlip saglit
b. biglang nagising d. hindi nakatulog
8. Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap “nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis kay
Pak Idjo, kay Raden Kaslan kay Fatima na mukhang napakarangya.”
a. Nalilito ang pulis kung paano lulutasin ang suliraning kinasangkutan ng tatlo.
b. Tinitingnan ng pulis kung sino ang nagsasabi ng totoo.
c. Tumitingin ang pulis ng ebidensiyang magdidiin sa may kasalanan.
d. Hindi siya interesadong lulutasin ang kaguluhan.
9. Ibigay ang konotasyon ng “kotseng kumikinang”.
a. kotseng bagong bili c. mamahaling kotse
b. kotseng maraming ilaw d. kotseng bagong wax
10. Ibigay ang kasingkahulugan ng salita “humpak ang pisngi”.
a. lubog ang pisngi c. mainit ang pisngi
b. matabang pisngi d. makapal ang pisngi
11. Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap “kusang humihinto ang kabayo kapag
may pumaparadang pasahero at
magigising ang kutsero sa biglang paghinto o kaya kapag pinapatigil ng pulis-trapiko
ang mga sasakyan.”
a. Matagal nang ginagawa ng kabayo ang ganito, kaya alam na niya ang routine sa bawat
biyahe.
b. May mahika o hiwaga ang kutsero kaya’t nag-isip tao ang kanyang kabayo.
c. Guni-guni lang ng kutsero ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa kabayo.
d. Ang kabayo ay sinasaniban ng kaluluwa kaya’t parang tao kung mag-isip.
12. Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap, “Binalingan ni Raden Kaslan ang pulis,
itinaas ang isang kamay at
nagsasalitang parang nawawalan ng bait.”
a. Desperado si Raden dahil alam niyang walang makikita sa usapan at hindi siya
kayang bayaran ni Idjo.
b. Gusto ni Raden na ang pulis na lamang ang magbabayad sa nasirang sasakyan.
c. Gusto ni Raden na may maparusahan sa kasalanan na naganap nang masira ang
kanyang kotse.
d. Sinisisi ni Raden si Fatima sa pagkasira ng kotse dahil nagyaya itong kumain sa labas.
13. Ito ang pinakamasidhing bahagi ng kwento kung saan haharapin ng pangunahing
tauhan ang kanyang suliranin.
a.
a.
a.
a.
a.
a.
banghay b. kasukdulan c. tauhan d. tunggalian
“May
14. Ano angluha siya sa mata
binibigyang ngunit
pansin may galak
sa bahagi siyang sa
ng kwento nadarama.
itaas?
a. lugar
Hinagudhagodb. pangyayari c. tauhan
niya ang mga kamao. d. kasukdulan
Nadama niya ang bagong tuklas na
lakas niyon.”
15. Ang maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang
tuluyan tulad ng nobela, maikling kuwento, alamat at iba pa ay tinatawag na _____.
a. tauhan b. banghay c. kasukdulan d. tunggalian
16. Ang sumusunod ang mga elemento ng maikling kuwento, maliban sa isa, alin sa
ibaba?
a. banghay b. saknong c. kasukdulan d. tunggalian
Ang suporta, pang-unawa at tulong na maibibigay ng bawat miyembro
17. Ang pahayag sa itaas ay nagpapakita ng ______ sa buhay.
a. kagandahan b. katotohanan c. kabutihan d. kasamaan

18. Alin sa mga pangyayari sa ibaba ang nagpapakita ng kagandahan sa buhay? (hango
sa nobelang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?)
a. Halos hablutin na ng mga bata ang kanilang toga dahil sa pagkainip sa tagal ng
programa.
b. Nagbulungan ang mga tao nang kanilang marinig ang tulong binigkas ng bata.
c. Tulong-tulong ang pamilya ni Maya sa pag-aasikaso nito sa sinasalihang beauty
contest.
d. Alas-otso pasado na nag-umpisa ang programa kahit na ang napag-usapan ay alas
syete dapat mag-umpisa.
19. Ito ay nangangahulugan ng kabaitan, kaaya-aya at kaayusan, pagiging mabuti at
kahusayan sa moral at kagalingan.
a. kagandahan b. katotohanan c. kabutihan d. katamaran
20. Ito ay kaugnay ang prinsipyo ng katumpakan, kaalaman, katunayan, katiyakan,
katapatan at mabuting paniniwala.
a. kagandahan b. katotohanan c. kabutihan d. katamaran
Modyul 3: Panitikang Asyano-Tula ng Pilipinas
Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.
21. Mula sa tulang Ang Punongkahoy saknong bilang VI, ano ang pahiwatig ng taludtod
na ito?

Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw;

a. malapit na siyang ihatid sa huling hantungan


b. nagsisisi dahil sa bata pa’y sa bisyo naaliw
c. ang kanilang ginawa ay inspirasyon sa iba
d. nawala lahat ang kanyang kaligayahan, nararamdaman ang kalungkutan at nag-iisa sa
dilim
22. Pakinggan mo ang tulang “Ang Punongkahoy” ni Jose Corazon de Jesus sa link na
ito: https://m.youtube.com/watch?v=AdJhfkw2hh. Anong damdamin ang litaw sa tula?
a. tumatangis b. nalulungkot c. nababagot d. naiinis
23. Kung ang mga dahon nito ay naging korona sa buhay. Ano naman ang naging krus
sa libingan?
a. sanga b. kahoy c. bulaklak d. pugad
24. Ang kandilang iniugnay sa sariling buhay ay _________________.
a. isang nakadipang krus c. sariling libingan
b. tubig sa batis d. pugad ng mga ibon
25. Sa bandang huli, ano ang nagyayari sa kaniyang mga dahon?
a. naging krus sa libingan b. pugad ng mga ibon
c. korona sa hukay d. kampana sa orasyon
26. Pakinggan sa link na ito: https://m.youtube.com/watch?v=07mGtyYwKfI ang tulang,
“Ang Guryon” ni Ildefonso Santos at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na
katanungan: Ang sulo’t paulo sa ikalawang saknong ng tula ay sumisimbolo sa ___
. _______
a. sukat b. timbang ng tao c. desisyon sa buhay d. hugis at tali

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas


At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.
27. Ano ang simbolo ng hangin sa saknong?
a. mga pagsubok sa buhay b. hanging Amihan at Habagat
c. hanging dala ng mga bagyo d. mga taong sagabal sa pagpapalipad
28. Ang may-akda ng tulang “Ang Guryon” ay si __________.
a. Ildefonso Santos c. Jose Rizal
b. Pat Villafuerte d. Jose Corazon de Jesus
29. Bakit kailangang laging may gabay ang mga magulang sa pagpapalaki ng kanilang
mga anak, tulad ng tulang, Ang Guryon?
a. Ang pagmamalasakit ng magulang sa anak ay tanda ng pagmamahal.
b. Ang pagmamalasakit ng magulang ay upang maabot ng mga anak ang pangarap sa
buhay.
c. Nais ng mga magulang na maging masaya at maganda ang buhay ng mga anak.
d. Lahat ng nabanggit.
30. Minsan sa buhay ikaw ay sumubsob, kailangan lang tibayan ang pisi nang di
malagot. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakadiin at may salungguhit?
a. dumausdos b. nadapa c. umikot d. sunggaban
Modyul 4: Panitikang Asyano –Sanaysay ng Indonesia
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa sagutang papel.
31. Ang mga sumusunod ay mga tradisyon na sinunod ng pamilya ni Estella
Zeelandelaar
a. bawal magtrabaho ang kababaihan
b. hindi nakapag-aral ang mga babae
c. ipinagkasundo ang mga babae sa kanilang mapangasawa
d. lahat ng nabanggit
32. “Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang buhay mo.” Anong uri ng pang-
ugnay ang nakaitalisadong salita?
a. pangatnig b. pang-ukol c. pang-angkop d. pangawing
33. Kung kayo ay isa sa mga kabataang naging biktima ng pandemia na COVID19 sa
inyong lugar, ano ang maipapayo mo sa mga kabataang may matitigas na ulo?
a. hahayaan nalang sila dahil may sarili silang pag-iisip
b. payuhan na susunod sa mga mga protokol na ipinatupad
c. bigyan ng kalayaan ang mga kabataan na maging masaya
d. iwasan ang makihalubilo sa mga kabataan upang walang gulo
34. Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit, at bagong
silang na Europa ay nagtutulak sa akin na maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang
kalagayan. Alin ang pinakaangkop na kahulugan sa salitang may salungguhit?
a. maganda b. masipag c. maalalahanin d. matapang
35. Mga pang-ugnay na itinuturing sa wikang Filipino maliban sa ______
a. pang-abay b. Pang-angkop c. Pang-ukol d. Pangatnig
36. Alinsunod sa batas, bawal ang illegal na pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
Anong uri ng pang-ugnay ang salitang may salungguhit?
a. pang-angkop b. pangatnig c. pang-ukol d. pang-abay
Basahin ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba na may higit sa isang kahulugan mula
sa binasang sanaysay (Kay Estella Zeehandelaar). Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
37. Buong kasabikan kong sinalubong ang pagdating ng bagong panahon.
a. modernong panahon c. nakaraang panahon
b. kasalukuyang panahon d. malayang panahon
38. Balang araw, maaaring lumuwag ang tali at kami’y makalaya sa pagkakaalipin.
a. pinagbabawalan c. binigyang pahintulot
b. binigyang biyaya d. pinaaalis
39. Kinakailangang ikahon ako, ikulong at pagbawalang lumabas ng bahay.
a. parusahan b. ikulong c. itago d. pahirapan
40. Hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting
kapatid.
a. kauri b. kasama c. kabilang d. kaugnay
Modyul 5: Panitikang Asyano –Dula mula sa Pilipinas
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa sagutang papel.

41. Isang paglalarawan ng buhay na ginagawa sa isang tanghalan?


a. Maikling kuwento b. Nobela c. Sanaysay d. Dula
42. Ito ay isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari?
a. Melodrama b. Komedya c. Trigikomedya d. Trahedya
43. Mula sa dulang Tiyo Simon, bakit nasabi ng awtor ang katagang “Siya ang
pinakamahusay na arkitekto ng buhay”?
a. dahil ipinaubaya niya sa Panginoon ang plano niya sa buhay
b. nang wala na siyang gagawin at babalakin
c. umaasa siya sa Panginoon na kontrolin ang kanyang buhay
d. naramdaman niyang ginugulo siya ng Diyos
44. Para sa akin kailangan patnubayan ng mga magulang ang bawat desisyon ng mga
anak. Anong ekspresyon o pahayag ang ginamit sa pahayag?
a. Para sa akin b. Kailangan ng patnubay c. Katotohanan d. Opinyon
45. Bakit mahalagang matutuhan ang mga expresyong nagpapahayag ng
katotohanan at opinyon?
a. Tahasan itong nagsasaad ng katotohanan sa isang pangyayari, nababanghay ang
mga salita kaya malinaw na naibibigay ang impormasyon
b. upang maging mabisa ang paglalahad ng mga impormasyon
c. dahil malaking tulong ito sa pagsasagawa mo ng inaasahang pagganap
d. nasusuri ang mga salita.
46. Ang _________ay bawat paghahati sa dula.
a. tagpuan b. yugto c. tagpo d. entablado
47. Uri ng dula na pumapaksa sa mga karaniwang pag-uugali ng tao na ginagawang
katawa-tawa_
a. melodrama b. komedya c. saynete d. parsa
48. Layunin ng dulang ito na magpatawa
a. melodrama b. komedya c. saynete d. parsa
49. Ang ________ paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.
a. tagpuan b. yugto c. tagpo d. tanghalan
50. Uri ng dula na ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos na
masaya sapagkat ang mga tauhan ay nagkakasundo _________.____
a. melodrama b. komedya c. saynete d. parsa

You might also like