pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Teoryang Humanismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Teoryang Imahismo Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan. Teoryang Realismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat. Teoryang Feminismo Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan. Teoryang Formalismo/Formalistiko Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa. Teoryang Eksistensyalismo Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence). Teoryang Romantisismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag- aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Teoryang Markismo/Marxismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Teoryang Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Teoryang Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Teoryang Queer Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer. Teoryang Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. 1)TAUHAN – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
2) TAGPUAN – Ito ay tumutukoy kung saan
naganap ang kwento.
3) BANGHAY – Ito ay tumutukoy sa
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang (5) bahagi ang banghay: ◦ PANIMULA: Kung saan at paano nagsimula ang kwento
◦ SAGLIT NA KASIGLAHAN: Ito ay ang panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
◦ KASUKDULAN: Dito na nangyayari ang problema sa
kwento.
◦ KAKALASAN: Ito ay tumutukoy sa parte kung saan
unti-unti nang naaayos ang problema.
◦ WAKAS: Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o
natapos ang kwento. 4) KAISIPAN – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5) SULIRANIN – Ito ay tumutukoy sa
problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
6) TUNGGALIAN – Ito ay maaaring tao laban sa
tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
7) PAKSANG DIWA – Ito ang pinaka-kaluluwa
ng kwento. Ang panitikan ay ang pagsulat ng babasahin. Ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. 1. Honorio Azarias- nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.
2. Webster- anomang bagay na may kaugnayan sa pag-iisip at
damdamin ng tao maging ito'y totoo o kathang isip lamang ay maaring tawaging panitikan.
3. Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.
Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag. 4. Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal- ang tunay na panitikan ay walang kamatayang nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti niya sa kanyang pang- araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.
5. Arrogante- isang talaan ng buhay ang panitikan kung
saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Counterburry Tales – ni Chaucer- (Inglatera) naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang pananampalataya noong unang panahon. Aklat ng mga Araw - ni Confucious – (Tsina) – naging batayan ng kalinangan at pananampalatayang Insik. Uncle Tom’s Cabin – si Harriet Beecher Stowe - ng Estados Unidos na nagbukas ng mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig. Iliad at Odyssey – ni Homer – (Gresya) – siyang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya. Divina Comedia - ni Dante – (Italya) – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano noong unang panahon. Ø Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas. Ø Sa kasaysayan nababatay ang iba’t ibang kaalamang panliteratura dahil umaalinsunod ang literatura sa takbo ng kasaysayan. Ø Sa patuloy na pagbabago ng panahon, kasabay ring nagbago ang layunin, tema, nilalaman, anyo at maging ang wikang ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa lipunan. Ito ay sa kadahilanang ang bawat tao’y nakakatagpo ng iba’t ibang buhay at mga karanasan sa patuloy na pakikibaka sa daigdig na kanyang kinagagalawan. Nagbabago ang lahat ng bagay. Ika nga “tanging ang pagbabago lamang ang maaring maging permanente at hindi maaaring magbago.” May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito. Ang payak na pamumuhay noon ay naglalarawan rin isang sa payak na literatura. Ang kasalatan sa teknolohiya at syensya ang nagtulak sa kanila upang maipaliwanag batay sa kanilang mga sariling palagay at pag-iisip ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kanilang paligid. Ang pagdating ng mga kastila at ang mahabang panahong pananakop sa ating kapuluan ay mabilis na nagpabago sa kultura at pamumuhay ng ating mga katutubo. Dalawa ang paraan ng pananakop – krus at espada. Ang labis na paniniil at pang-aapi ng mga Kastila ay unti-unting nagbukas sa kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang abang kalagayan. Layunin ng kilusang Propaganda: 1) Magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga Kastila at Pilipino sa harap ng batas. 2) Maging isa sa mga lalawigan ng Espanya ang Pilipinas. 3) Magkaroon ng mga Pilipino ng kinatawang Pilipino sa korte ng Espanya. 4) Maibigay ang pagkakataon sa mga Pilipinong pari na maging kura paroko. 5) Matamo ang kalayaan sa pamamahayag, katarungan at mga karapatang-pantao. Patuloy na nangibabaw ang tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan. Ang kaluwagang naipagkaloob sa mga Pilipino na hindi nila naranasan kailanman sa mahabang panahong pagtira sa Pilipinas ng mga Kastila ay nagbigay-pribelehiyo sa mga manunulat na Pilipino na maibahagi at mailarawan ang kanilang mga karanasan sa buhay at pangarap sa kamay ng mga mananakop na Kastila. Naantala ang pangarap ng mga Pilipino na tuluyang makamit ang minimithing kalayaan sa pagdating ng mga Hapon. Sa panahong ito, pumalaot ang mga paksaing may kaugnayan sa mga kultura’t kaugalian sa mga nayon at lalawigan. Namayani ang paksain hinggil sa mga katutubong kulay hanggang sa muling pagbabalik ng mga Amerikano upang bawiin ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Hindi nagtagal at matagumpay na muling nabawi ng mga Amerikano ang Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Bumandila ang mga paksain hinggil sa kalupitan ng mga Hapon, pangungulila, kasiphayuan sa mga pangarap at kasawian sa buhay dala ng matinding digmaan. Matapos ang liberasyon, bumaling ang paksain ng mga akdang panliteratura sa mga pangyayaring may kaugnay sa pakikipamuhay sa mga Amerikano gayundin ang pakikipagkaibigan ng mga Amerikano sa mga Pilipino. Sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos naitatag ang Batas-Militar na ang layunin ay malunasan ang mga problemang pangkahirapan at matamo ang mapayapang buhay. Ngunit hindi nagtagumpay bunga na rin ng mahigpit na pamamalakad na pinaiiral ng pamahalaan. Lumaganap ang maraming kilos protesta. Nagsulputan ang iba’t ibang samahan laban sa sistema ng pamahalaan gaya ng Komunista at NPA. Naipatupad ang Martial Law, naging bukambibig ang mga katagang “makibaka!”, “kalayaan!”, “ibagsak ang diktadura” Samakatwid, matapang at mapanuligsa ang nilalaman ng literatura sa panahong ito. Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham. Malayo na rin ang naaabot ng media. Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit. Hindi lamang pampanitikan ang uri ng salitang ginagamit