Filipino-Idea-Exemplar - Week 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Asignatura Filipino 8

Paraan ng Pagkatuto/Pag-aaral Online Learning

Paaralan E.T.T.M.N.I.H.S. Baitang Baitang 8


LESSON Guro Lalaine Angela Z. Asignatura Filipino
Tolentino
EXEMPLAR Petsa Oktubre 12, 2021 Markahan Unang Markahan
Oras 1:30pm-2:30pm Bilang ng Araw 5 na araw

Martes
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
 Matutukoy ang kahalagahan ng pakikinig at paano
makatutulong itong magbigay impormasyon.
 Makakapagpahayag ng mabisang kaisipan sa mga tekstong
ipapahayag.
 Makakabuo ng isang liham na makakapagpahayag sa sariling
isipan at nararamdaman bilang tugon sa isang Gawain.
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa akdang
pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
B. Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong panturismo

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa F8PN-Ig-h-22


Pagkatuto(MELC) Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng
napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

F8PB-Ig-h-24
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan
ng:
Paghihinuha batay sa mga ideyang o pangyayari sa akdang dating
kaalaaman kaugnay sa binasa.
D. Pagpapaganang Kasanayan

II. NILALAMAN Layunin ng Napakinggang Teksto

IIII. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Filipino Baitang 8 Q1;PIVOT BOW ,Curriculum Guide,pah.153; K
to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum pah. 75

b. Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa www.google.com
Portal ng Learning Resource www.youtube.com
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo Modyul, Google meet, Facebook, Messenger and Google Classroom
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduksyon/Panimula 1. Mga pagpapaalala bago magsimula
(Introduction)
Pagpapaliwanag ng kahalagahan ng pakininig.

2. Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Basahin/Kantahin at pag-aralan ang awiting Dapat Tama ng
Gloc-9 .(upang mapakinggan at mapanood ay i-klik ang link na

https://www.youtube.com/watch?v=5smErKJNceQ)

3. Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Gamit ang awiting Dapat Tama, sagutin ang sumusunod na


tanong.

1. Ano ang temang nais ipahiwatig ng awiting Dapat Tama?


2. Anong layunin ang ipinapakita ng awitin?
3. Anu-anong problema ang inihahayag ng awitin?
4. Anong ang mga pangarap na nais matupad ng awitin nabanggit?
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang lipunan, anu-anong
pagbabago ang nais mong ilatag?

B. Pagpapaunlad
( Development) A.Basahin at unawaing mabuti ang kahulugan ng mga layunin ng
napakinggang teksto.

1. Karagdagang Gawain
(Ang bahaging ito ay wala sa modyul ngunit ito’y iyong sasagutan
upang ating masukat ang naging kaalaman mo ukol sa binasang
aralin).
Panuto: Tukuyin ang layuning nais ipahatid ng mga sumusunod. Isulat
ang MT kung Magturo, MH kung Manghikayat at ML kung
Manglibang ang layunin ng teksto.
___1. Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa
palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong virus. Sinuman sa
anumang edad ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring
magkasait nang mas malalakaysa sa iba. Ang mga taong nagkakasakit
ng COVID-19 ay maaaring makahawa sa iba, kahit pa minsan ay
parang wala silang sakit.
___2. Ang ilan sa sintomas ng COVID-19 ay hirap sa paghinga, ubo,
lagnat, pangangati ng lalamunan, pananakit ng katawan at pagkawala
ng pang-amoy o panlasa. Ang ilan sa mga nagkavirus ay nakakaranas
ng pagtatae.

___3. Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas. Tumawag sa


iyong doktor o iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan
tungkol sa pagpapasuri. Tumawag sa kanila kung mayroon kang mga
sintomas o nababahala sa iyong sintomas.

___4. Protektahan ang iyong pamilya at komunidad. Iwasan mo ang


paglabas ng bahay kung di naman kailangang-kailangan. Ugaliin ang
madalas na paghuhugas ng kamay. Magtakip ng bibig kung uubo o
babahing. Kung maysakit ay huwag nang lalabas ng bahay.

___5. Ayon sa balita sa Wuhan, China nagsimula ang virus.


Ipinapakita sa ilang video kung paano nila kainin ng hilaw ang daga,
ahas ,pusa, aso at iba pang hayop na di mo sukat akalalaing makakain
nila. Sarap na sarap sila sa pagnguya. Ano kaya ang lasa ng mga hayop
na ito? Bakit tila malinamnam para sa kanila ang ganitong pagkain?
Kahit naghihirap ang ilang kababayan natin ay hinding-hindi sila
kakakin ng mga ganitong uri ng hayop. Maselan ba tayong mga Pinoy?
Hinde no! Sadyang mahal lamang natin ang mga hayop.

C. Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


( Engagement) Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin ang mga layuning nakapaloob
sa bawat programang nasa ibaba. Ipaliwanag kung bakit nabibilang sa
napiling layunin ang bawat isang programa. Isulat ang sagot sa isang
docu at ipasa sa Google Classroom

Programa Layunin Paliwanag


1 24 Oras
2 Eat Bulaga
3 It’s Showtime
4 I-Witness
5 Pinoy MD
D. Paglalapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
(Assimilation) Panuto: Pumili ng iyong paboritong awitin. Isulat ang liriko nito sa
iyong papel. IPaliwanang sa 3-5 pangungusap ang layuning
ipinapakita ng awitin.

Inihanda ni: Pinagtibay: Binigyang Pansin:

LALAINE ANGELA Z. TOLENTINO BELINDA C. LOYOLA ELIZABETH B. DAYRIT


GURO I, BAITANG 8 PUNONGGURO IV PUNO NG KAGAWARAN,FILIPINO

You might also like