Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

FILIPINO

Balarilang Filipino (Grammar)

Patinig at Katinig

Ang patinig, sa ingles ay ang tinatawag na vowels ( a, e, i, o, u)


Ang katinig, sa ingles at ang tinatawag na consonants (b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n,p , q,r , s, t, v, w,
x , y, z)

Wastong paggamit ng daw, doon, dito, din, diyan

Ginagamit ang (daw, doon, dito, din, diyan) kung ang sinundan na salita nito ay nagtatapos sa
katinig maliban sa mga salitang at mga letrang w at y.

Mga Halimbawa:

Ikakasal din ngayong taon ang kapatid kong bunso.


Bukas na lang daw pupunta si mama sa palengke.
Pagkatapos ng lahat, doon pupunta ang mga tao.
Masarap na ulam daw ang iluluto ni Delia.
Sinabi ng titser na magpaalam doon.
Bawal ang pagtawid dito.
Dadating si Helen diyan.

Wastong paggamit ng raw, roon, rito, rin, riyan

Samantala, ginagamit ang (raw, roon, rito, rin, riyan) kung ang sinundan na salita nito ay
nagtatapos sa patining (a, e, I, o, u) at mga letrang w at y.

Mga Halimbawa:

Maging ang mga inosenteng bata ay nadamay rin sa gulo.


Ang sabi ni Mama, mag-hugas ka raw ng pinggan.
Si Nelson ang nanguha ng mga kabibe roon.
Ipagbibili raw ni Lito ang kaniyang lupa.
Hindi ka na dapat pa nanggulo rito.
Inihaw rin ang ulam nila Mae.
Si Eliz ay pupunta riyan.
Wastong paggamit ng “nang”

Ginagamit ang “nang” sa pangungusap kapag:

1. Inuulit ang pandiwa sa pangungusap – VERB

Mga Halimbawa:

Si Ely ay talon nang talon buong araw


Sagot nang sagot ang mag-aaral sa kanilang pagsusulit.

2. Ginagamit upang matukoy kung paano ginawa ang isang bagay o pangyayari (ADVERB)
o kung ang kasunod ay pang-uri (ADJECTIVE)

Mga Halimbawa:

Si Pedro ay naglakad nang mabilis patungo rito (mabilis maglakad- ADVERB)


Nagsalita nang mahinahon ang batang paslit (“mahinahong nagsalita– ADVERB)

3. Ginagamit sa unahan ng pangungusap

Mga Halimbawa:

Nang ako ay nagising, wala na si Ana.


Nang pumunta si nanay sa palengke, bumili siya ng isda.

4. Kasingkahuluhan ng “upang”

Mga Halimbawa:

Matulog ka na ngayon nang magising ka ng maaga bukas.


Ika’y mag-aral nang maipasa mo ang pagsusulit.

Wastong paggamit ng “ng”

Ginagamit ang “ng” sa pangungusap kapag”

1. Ang sumunod na salita ay panggalan (NOUN)

Mga Halimbawa:

Si Mimi ay bumili ng suka sa tindahan.


Mabait si Rose kaya binilhan siya ng alagang tuta.
2. Kung ang pangungusap at naglalarawan (Pang-uri o ADJECTIVE)

Mga Halimbawa:

Si Jet ay nanalo ng magarang sasakyan.


Kailangan ko ng malaking halaga upang makapag-aral.

Wastong paggamit ng “may” at “mayroon”

Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naaayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin
ang “may” kapag susundan ng pangngalan (NOUN), pandiwa (VERB), pang-uri (ADJECTIVE) o
pang-abay (ADVERB).

Gamitin ang “mayroon” kapag susundan ng kataga, panghalip na panao (PERSONAL PRONOUN –
siya, ako, tayo, kami etc.) o panghalip na pamatlig (dito, iyon, doon, iyan etc.) o pang-abay na
panlunan (ADVERB OF PLACE- Sa, kina, kay, kila etc.)

Mga Halimbawa:

May anay sa dingding na ito


May dalawang araw na siyang hindi umuuwi
Mayroon kaming binabalak na sayawin
Mayroon iyang malaking suliranin

Wastong paggamit ng “Taga” at “Tiga”

Walang unlaping TIGA


Taga- and dapat gamitin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang
pantangi

Mga Halimbawa:

Taga- Negros ang napangasawa ni Norma


Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.

Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa, tigadalawa, tigatlo, tig-
apat, atbp.
Wastong paggamit ng “Kung di” at “Kundi”

Ang “kung di” ay galing sa salitang “kung hindi” o “if not” sa Ingles
Ang “kundi” naman ay “except”

Mga Halimbawa:

Aalis na sana kami kung di ka dumating


Walang simuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

Wastong paggamit ng “Kina” at “Kila”

Walang salitang KILA. Ang Kina ay maramihan ng “kay”

Mga Halimbawa:

Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris


Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.

Wastong paggamit ng “Sina” at “Sila”

Sina- Ito’y salitang tumutukoy sa maraming tao. Kapag ginamit ang pantukoy na ‘Sina”, palagi
nang ito’y sinusundan ng mga pangalan ng tao.

Sila- Ito’y bahagi ng pananalitang panghalpi na kinakatawan ang ilang bilang ng mga tao

Mga halimbawa:

Sina John at Luis ang matalik kong mga kaibigan (specific)


Sa ating bansa, ang mga makapangyarihan ay sina Arroyo at Aquino (specific)

Sila ang bago kong mga kaibigan (hindi sinabi ang tunay na pagkakakilanlan)
Sa makalawa, pupunta na sila sa Estados Unidos (hindi sinabi kung sino)

Wastong paggamit ng nauulit na salita (salitang nagtatapos sa “O”)

Laging uunahin ang “u” kesa sa “o”

Mga Halimbawa:

kuru-kuro samut-samot buung-buo


tayu-tayo alun-alon punung-puno
TALASALITAAN: MGA SALITANG MAGKASINGKAHULUGAN

aksidente – sakuna dami- bilang


alaala- gunita dasal- dalangin
alam- batid dayuhan- banyaga
alapaap- ulap dekorasyon- palamuti
angal- reklamo deretso- tuwid
angkop- akma, bagay desisyon- pasiya
anyaya- imbita, kumbida digmaan- giyera
anyo- itsura dilat-mulat
aralin- leksiyon dulo- hangganan
asal- ugali duwag- bahag-buntot
asul- bughaw edad- gulang
away- laban eksperto- dalubhasa
bagyo- unos, sigwa gaod- sagwan
bahagi- parte gayahin- tularan
bahala- mananagot giba- wasak
balat-sibuyas- maramdamin gitna- sentro
baliktad- tiwarik, saliwa gobryerno- pamahalaan
bandila- watawat gramatika- balarila
bantog- tanyag grupo- pangkat
basahan- trapo gumaling- maghilom
bata- musmos, paslit gusto- ibig, hilig, nais
batayan- basehan haka- hinala
berde, luntian hampas- palo
bigat- timbang hanapbuhay- trabaho, okupasyon
bihira- madalang handog- alay
bilanggo- preso hangad- layon, nasa, nais
bintang- paratang harang- hadlang
bisita- panauhin hardin- halamanan
boses- tinig hatol- husga
braso- bisig hila- highit, hatak
bukod-tangi- naiiba himala- milagro, mirakulo
bulok- panis himig- tono
bumagsak- lumagpak, natumba hinto- tigil, humpay
bunga- resulta hinuli, dinakip
buo- lagom hiram- utang
buti- buto hugis- korte
dahan-dahan- hinay-hinay hurno- pugon
dahilan- sanhi huwaran- modelo
dala- hatid ibot- ihalal
dalampasigan- baybayin iniwan- nilisan, pinabayaan
damdamin- saloobin kaakit-akit- maalindog
kadamay- kasangkot maganda- marikit, kaakit-akit
kalbo- panot magastos- magugol
kalihim- sekretarya mahduda- mag-alinlangan
kama- higaan magisip-isip- magmuni-muni
kamuka- kahawig magkagalit- magkaaway
kapos- kulang magkalaban- magkatunggali
karaniwan- ordinaryo magkasinggulang- magkasintanda
kasabay- kasama magmadali- mag-apura
kasali- kalahok magmukmok- magmaktol
katatungan- hustisya magtatag- magbuo, magtayo
katas- dagta magtiis- magdusa
katibayan- prueba, patunay magtira- magtabi
katulad- kawangis, kapareho magulat-mabigla
kirot- hapdi, sakit magusot-malukot
kopya- huwad, palsipikado mag-utos- mag-atas
kriminal- salarin mahalaga- importante
kuwento- salaysay mahigpit- istrikto
labag- ilegal mahirap- maralita, dukha, pobre
lakbay- biyahe mahiyain- kimi
laki- sukat maigi- malusog, mabuti
landas- daan maikli- maigsi
lansangan- kalye mainit- maalinsangan
libingan- sementeryo, kamposanto makasarili- sakim, makamkam
liham- sulat madamot- kuripot
lihim- sikreto makata- poeta
likas- natural makintab- makinang
likha- gawa makitid- makipot
lugar- pook malakas- matibay
lunas- remedyo malamig- maginaw
lungkot- lumbay maliit- munti
maaari- puwede malinaw- maliwanag
maalaga- maaruga malubha- malala
maawain- mahabagin mananahi- modista
mabagal- makupad, makuyad mapagbigay- bukas-palad
mabagsik- malupit, mahigpit mapalad- masuwerte
mabaho- maalingasaw masarap- malinamnam
mabilis- matulin masipag- matiyaga, masikap
mabuntis- magdalang-tao matagal- malaon
mabuti- mainam matalim- matalas
madalas- malimit matalino- marunong, maalam
madaldal- masalita, masatsat matamo- makamit
madungis- madusing matapang- magiting
magalang- mapitagan matipid- maimot
magaling- mahusay mayabang- hambog
mayaman- makuwarta, masalapi presko- maaliwalas
mesa- hapag problema- suliranin
misteryo- hiwaga prutas- bungang-kahoy
miting- pulong puhunan- kapital
miyembre- kasapi pulo-isla
mula- buhat, galing pumalit- humalili
mundo- daigdig pumunta- tumungo
mungkahi- suhestiyon, panukala pumutok- sumabog
nagbago- nag-iba pursiyento- bahagdan
nagtagumpay- nagwagi puwersa- lakas
naintindihan- naunawaan, natanto puwesto- posisyon, kinalalagyan
nakalilibang- kawili-wili respecto- paggalang
nakaraan- nakalipas sabi-sabi- tsismis
nakatago- nakakubli sadya- layon, pakay
naloko- nalinlang sagisag- simbolo
namatay- sumakabilang-buhay sagot- tugon
yumao- namayapa sakay- lulan
naparami- sangkatirba, katakut-takot sakop- saklaw
napansin- napuna, nahalata saksi- testigo
nawala- nawaglit sakuna- aksidente, disgrasya
norte- hilaga salungat- tutol, kontra
opinyon- palagay, kuru-kuro sanay- bihasa
opisina- tanggapan sandata- armas
paaralan- eskuwelahan sang-ayon- pabor
pag-ibig- pagmamahal saranggola- guryon
paki-usap- samo sari-sari- iba’t iba, samut-sari
palayaw- bansag, tawag saysay- kabuluhan
palengke- pamilihan sawi- bigo
paligsahan- timpalak serbisyo- paglilingkod
palingun-lingon- palinga-linga sidhi- tindi
pamaypay- abaniko sigaw- hiyaw
pamilya- mag-anak silbi- gamit
pangarap- mithi simot- said
pangulo- presidentae simula- umpisa
paningin- pananaw sinasaad- sinasabi
pantalon- salawal sobra- labis
pasikut-sikot- paliguy-ligoy sumpa- panata
patung-patong- sapin-sapin sundin- tumalima
payat- buto’t balat suntok- sapok
pera- kuwarta, salapi suwail- sutil
pila- hanay suweldo- sahod
pirma- lagda taas- tayog, layog, tangkad
plato- pinggan tadhana- kapalaran
premyo- gantimpala tahimik- payapa, tiwasay
taksil- traidor
tala- bituin
talaan- listahan
tama- tumpak, wasto
tamad- batugan
tapang- lakas-loon
tibok- pintig
tirahan- tahanan
titik,- letra
tiyak- sigurado
tulong- suporta
tunay- totoo
tuwa- galak- saya, lugod
tuwina- lagi, palagi, parati
ulam- putahe
umiwas- umilag
upuan- silya
uri- klase
wakas- katapusan, sukdulan
wika- lengguwahe
Pagsasanay
Pagtukoy sa Mali

Panuto: Piliin sa mga salita o grupo ng mga salitag may salungguhit ang makakapagbigay o mali
sa bawat pangungusap. Piliin ang 5 kung walang mali.

1. Dalawang-araw bago ang Bagong Taon, bumili ang kanyang ina nang bilog na prutas. Walang
1 2 3 4 5
mali.

2. Matatapos na silang kumain nang dumating sila Mila at Rosa na may dalang litsong manok.
1 2 3 4
Walang mali.
5

3. Agad na tumakbo ng mabilis ang dalawang batang lalaki para sumalubong nang makitang
1 2 3
pararating ang kanilang ama. Walang mali.
4 5

4. Dala ang kanyang mga gamit sa iskuwelahan, nagtungo si Nilo kila Manolo upang magpaturo
1 2 3 4
sa kaibigan ng gawaing-bagay. Walang mali.
5

5. Kahit hindi kilala nina Ricky at Erik ang pagkaing inihain sa kanila, kumain na din sila dahil gutom
1 2 3 4
na talaga sila. Walang mali.
5

6. Ano daw ba ang sinasabi ng mga taga-Maynilang bisita nina Kapitan Ambo tungkol sa ating
1 2 3 4
lugar? Walang mali.
5
7. Nang sumapit ang pista ng kanilang patron, nagdatingan ang mga tiga-Nueva Ecija upang
1 2 3
sumimba at sumama sa prusisyon. Walang mali.
4 5

8. Sila Lita at Minda ang gumawa ng proyekto ng grupo kaya mataas ang nakuha nilang grado.
1 2 3 4
Walang mali.
5

9. Mahaba ang nilalakad ng magkapatid na Noel at Jason sa pagpasok kaya hapong-hapo sila
1 2 4
pagdating ng iskuwelahan. Walang mali.
4 5

10. Sa kanilang kasal ay nagsumpaan sina Ben at Sonia na magmahalan habangbuhay. Walang
1 2 3 4 5
mali

11. Naawa kami nang malaman naming kaya tahul ng tahol ang aso sa kapitbahay ay dahil
1 2 3
dalawang araw nang hindi kumakain. Walang mali.
4 5

12. Ako ay pupunta na sa russia sa susunod na linggo. Mag-iingat ka palagi. Walang mali.
1 2 3 4 5
Talasalitaan

Panuto: Piliin ang letra ng salitang pinakamalapit ang kahulugan sa mga salitang may salungguhit
sa bawat pangungusap.

1. Kinaon nila sa istasyon ng bus angdumating na mga amag-anak buhat sa Bicol.

a. Pinuntahan k. Tiningnan
b. Sinundo d. Inihatid

2. Matapos maisulat ang kasunduan, ito’y kanilang nilagdaan.

a. sinang-ayunan k. pinirmahan
b. binasa d. pinag-usapan

3. Gulat na gulat ang magkapatid nang matalos ang lihim ng kanilang pagkatao.

a. maunawaan k. marinig
b. maalala d. malaman

4. Maraming balakid ang kanilang hinarap upang marating nila ang itaas ng bundok.

a. lihim k. hadlang
b.kabiguan d. kalaban

5. Agad silang kinapitan ng takot nang makita nilang matatangkad ang kanilang mga katunggali.

a. kalaban k. kasamahan
b. kakampi d. tagahanga

6. Naging masaya ang kumpetisyon dahil ang isa sa inampalan ay kilalang artista sa pelikula.

a. kalahok k. hurado
b. tagapamahala d. nanonood

7. Maaga silang gumising na mag-ama upang tumugpa sa bukid.

a. mag-araro k. magtanim
b. magpunta d. umani

8. Napailang si Liza nang makitang lango na naman ang kanyang kapatid na lalaki.

a. hilo k. lupaypay
b. malungkot d. lasing
9. Hindi matitighaw ang kanyang galit sa kaklaseng nanakit sa kanya kahit humingi pa ito ng
tawad.

a. mababawasan k. mawawala
b. mababago d. maayos

10. Paano niyang nasisikmura ang miserable niyang kalagayan sa piling ng kanyang amang
lasenggo?

a. nakakaya k. nalalampasan
b. nalalabanan d. natitiis

11. Sa harap ng hukom, itinatwa ng akusado ang lahat ng kanyang mga sinumpaang salaysay.

a. inamin k. dinagdagan
b. itinanggi d. inulit

12. Tatlong taon na pagiging magkasintahan, dapat lang talaga na lumagay na sila sa tahimik.

a. maghiwalay k. magsama
b. magsiping d. magpakasal

13. Palibhasa’y sobrang bait kaya lagi siyang ginugulangan ng matalik na kaibigan.

a. nilalamangan k. tinutulungan
b. inuutusan d. kinatutuwaan

14. Maraming bata sa ngayon ang mapag-aksaya ng mga pagkain.

a. mapagmaselan k. mapagsayang
b. mapili d. matipid

15. Ang mga tsismosa ay mahilig makisawsaw sa usapan.

a. makialam k. makinig
b. makisali d. magkuwento
Mga Kasagutan

Pagtukoy sa Mali

1. 4 nang-ng
2. 3 sila- sina
3. 1 ng-nang
4. 3 kila- kina
5. 4 din-rin
6. 1 daw-raw
7. 3 tiga-taga
8. 1 sila-sina
9. 3 hapong-hapo – hapung-hapo
10. 4 habangbuhay- habambuhay
11. 2 tahul ng- tahul nang
12. 2 russia- Russia

Talasalitaan

1. b sinundo
2. k pinirmahan
3. d malaman
4. k hadlang
5. a kalaban
6. k hurado
7. b magpunta
8. d lasing
9. a mababawasan
10. d natitiis
11. b itinanggi
12. d magpakasal
13. a nilalamangan
14. k mapagsayang
15. b makisali

You might also like