ESP9 Q1 Week7 Lipunang Sibil

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ESP

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III
DIVISION OF PAMPANGA

Modified Strategic Intervention


Material

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Edukasyon sa Pagpapakatao

9
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ika Siyam na Baitang ESP
Modified Strategic Intervention Material
Unang Markahan – Ikapitong Linggo: Lipunang Sibil
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat: Rica T. Guinto,


Tagasuri: Maria Carmen Evangelista – EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Ruby R. Manalastas – T-III/ San Matias High School
Tagalapat: Grace M. Santos – T-III/Paguiruan ES
Christian P. Manalili – T-II/ Eastern Porac National High School
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen Evangelista – EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon– Division of Pampanga

Kagawaran ng Edukasyon – Division of Pampanga


Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,
San Fernando City, Pampanga
Landline Number: (045) 435-27-28
Email Address: pampanga@deped.gov.ph
LIPUNANG SIBIL ESP

 Alamin!

“PAKI LANG”
Alam mo ba na ang salitang “Paki Lang” ay laging sinasabi ng ating
mga kababayan kapag may bagay silang kailangan gawin ngunit ito ay
hindi nila magawa ng mag-isa?

Ibig sabihin may mga bagay tayong hindi kayang gawin ng mag-isa
kaya naman kailangan natin ang tulong ng ating kapwa. Sa madaling
salita, hindi lahat ay kaya nating
gawin mag-isa. Kagaya na
lamang nitong panahon natin
na may pandemic, ang
dumating na “Covid-19”,
nalaman natin na hindi natin
kayang mag-isang talunin ang
ating kalaban na sakit kaya
nandiyan ang ating mga
magigiting na frontliners at mga
iba pang non-governmental
organization na tumulong sa atin
upang malagpasan ang pagsubok na ito. Kaya sabay-sabay nating
sabihin ang Paki Lang po at Salamat po sa inyong lahat! Kayo ang tunay
na Darna at Captain Barbel sa mga panahong ito!

Sa panahon ngayon, siguro bilang isang mag-aaral na mapagmasid


ay napansin mo din na hindi lahat kayang tugunan ng ating pamahalaan
ang lahat ng ating pangangailangan, lalo na sa panahon ng krisis na ito.
Ngunit ang tanong, sino-sino nga ba ang mga ito? Ano nga ba ang
kanilang papel na ginagampanan upang makamit ang kabutihang
panlahat? Sama-sama din nating suriin kung ano ang kanilang adhikain
upang maisulong ang kabutihang panlahat.

Most Essential Learning Competencies:


 Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-
kaniyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit
ang kabutihang panlahat;
 Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil
upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat.

1
 SUBUKIN… ESP

Panuto: Ngayong panahon na may lumalaganap na sakit o


pandemia sa ating bansa at sa buong mundo may mga tao pa rin na
nagpapakita ng malasakit at nagpapaabot ng tulong sa kanilang kapwa.
Sa sticky note sa ibaba ay may mga halimbawa ng mga iba’t-ibang
lipunang sibil na tumulong sa ating mga kababayan sa panahon ng krisis.
Lagyan ng check (/) ang patlang nang lahat ng mga organisasyon na
alam mong nagbigay ng tulong sa panahong ito sa ating mga
kababayan.

________1. GMA Kapuso Foundation

________ 2. Local Government Units

________ 3. UNICEF

________ 4. Bantay Bata

________ 5. UniTentweStandPH by Angel Locsin

________ 6. Church in Action Temporary Shelter for


Frontliners and Street Dwellers

________ 7. Disaster Risk Management

________ 8. PNP

________ 9. Philippine Red Cross

________ 10. Kapuso Mo Jessica Soho

 BALIKAN…

Sa nakaraang pag-aaral natin ay nalaman mo ang mga


palatandaan nang hindi maunlad na ekonomiya. Isang malinaw na
palatandaan halimbawa, ang pangangailangan mong gumastos ng
gumastos sa cellphone load habang2 lumolobo ng lumolobo ang sobrang
puhunan ng telecommunications companies.

2
May iba’t-ibang anyo pa ng mga hindi patas na pagtatamasaESPsa
mga bunga ng ekonomiya. Maaring sa puntong ito ay naiisip mo na
ganyan nalang talaga ang buhay. Ngunit sa modyul na ito ay malalaman
mong marami pang nag-iisip at nagmamalasakit upang maisulong ang
kabutihang panlahat.

 TUKLASIN…

Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, mag-isip ng mga samahan


o organisasyon na iyong nalalaman. Tukuyin kung saan sila nabibilang sa
media o sa simbahan at isulat ang kanilang mga naitulong sa mga
mamamayan.

Mga Samahan/ Kanilang naitulong sa


Organisasyon Media/Simbahan mga mamamayan
1.

2.

3.

4.

5.

 SURIIN…

Panuto: May mahalagang tungkulin ang media at ang simbahan sa ating


lipunan lalo na at sila ang pumupuna sa mga pagkukulang ng ating
pamahalaan. Ngayon sa ating listahang lipunan ay magbigay ka nang mga
nalalaman mong mga nagawa na nang media at ng simbahan para sa inyong
pamayanan.

3
Listahang Lipunan
ESP

ANG LIPUNANG SIBIL


Ang Lipunang Sibil ay kusang-loob
na pag-oorganisa ng ating mga sarili
tungo sa sama-samang pagtuwang sa
isa’t isa. Ito ay ibinubunsod ng pagnanais
ng mga mamamayan na matugunan ang
kanilang mga pangangailangan na
bigong tugunan ng pamahalaan at
kalakalan. Nagsasagawa ng mga
pagtugon na sila mismo ang
nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag-unlad na
hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at
kalakalan.

Ang Simbahan ay isang panrelihiyong institusyon. Ang mga lider ng


ating mga simbahan ay laging nandiyan upang matugunan natin ang
moral at espiritwal na pangangailangan. Sila ay ang mga pari, pastor,
imam, ministro at iba pa. Ang mga institusyon na ito ay kumikilos hindi
lamang para sa ating pananampalataya kundi pati na rin sa ating mga
pang araw-araw na pangangailangan. Kaya sila ay nabibilang sa
lipunang sibil.

Ang Media ay nandiyan upang


makuha natin ang mga mahahalagang
impormasyon na kailangan natin sa
araw-araw kaya sa wikang Latin ang
anumang bagay na “nasa pagitan” o
“namamagitan” sa nagpadala at
pinadalhan ay tinatawag na medium o
media kung marami. Ginagamit natin ito
kung may gusto tayong ipahatid na
impormasyon. Kung maramihan at
sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin, tinatawag natin itong
mass media: diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, o internet. Ang media ay
nandiyan upang tayo ay gabayan at bigyan ng impormasyon. Kaya
itinuturing din itong isang lipunang sibil.

4
ESP

 PAGYAMANIN…

Panuto: Ano nga ba ang pinagkaiba at pagkakatulad ng simbahan at


media? Ano nga ba ang kanilang naitutulong sa ating mga kababayan?
Sa punong ito ay ilagay mo sa loob ng mga bunga ang “bunga ng
paghihirap” ng Media at ng Simbahan. Ano nga ba ang bunga ng
kanilang pagtulong?

 Isaisip!

Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng iyong


pagpapasalamat sa mga parte ng lipunang sibil na tumulong sa ating
lahat sa panahong ito. Tandaan na ang slogan na iyong gagawin ay
hindi dapat kukulang sa labing-limang salita at sosobra sa dalawapung
salita lamang.

5
ESP

Rubric/Batayan
Nilalaman: 5 Puntos

Organisasyon ng mga idea: 5 Puntos


Pagkamalikhain: 5 Puntos

 ISAGAWA…

Panuto: Para sa iyong huling gawain ay kailangan palalimin mo ang


iyong kaalaman tungkol sa ating mga napag-aralan sa modyul na ito.
Sagutin ang katanungan na ito: Kung ikaw ay gagawa ng isang
organisasyon pang lipunang sibil, ano ang itatawag mo dito? Gumawa ka
din ng isang “action plan” para sa iyong naisip na lipunang sibil upang
malaman natin kung ano ang iyong mga binabalak gawin. Suriin at punan
mo ang hanay sa ibaba upang makagawa ka ng iyong sariling “action
plan”

6
MGA KAILANGAN MGA GAMIT NA ANG MAIAAMBAG NG ESP
GAWIN/ ADHIKAIN NG AKING KAILANGAN AKING ADHIKAIN SA
ORGANISASYON UPANG MAKAMIT PAGSULONG NG
ANG ADHIKAIN KABUTIHANG
PANLAHAT
1.

2.

Rubric/Batayan

Nilalaman: 10 Puntos
Organisasyon ng mga idea:
3 Puntos
Kabuuan: 2 Puntos

 TAYAHIN…

A. Panuto: Punan ang mga patlang ng mga angkop na salita na bubuo sa


pahayag ng mga sumusunod na pangungusap.

Ang 1. _______________ ay isang panrelihiyong institusyon.


Ang 2. _____________ ay galing sa wikang 3. ______________ ang anumang
bagay na “nasa pagitan” o 4. __________________ sa nagpadala at
pinadalhan ay tinatawang na 5. ______________kung marami.

7
ESP
 MGA SANGGUNIHAN…
https://fdocument.pub/document/esp-9-mody html ul-4.

https://www.google.com/search?q=magnifying+glass+PNG&tbm=isch&ved=2a
hUKEwjN0LHUhZDqAhWDx4sBHRv9AFEQ2-
cCegQIABAA&oq=magnifying+glass+PNG&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggA
MgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BAgjECc6BAgAEEM6B
QgAELEDUNcqWONBYOJDaABwAHgAgAHTAYgBww6SAQYwLjEzLjGYAQCgAQG
qAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=D9LtXo2NPIOPr7wPm_qDiAU&bih=608&bi
w=1349&hl=en&hl=en#imgrc=Tc3R9PDNMZNcZM&imgdii=0AesG4O3OnTE3M

https://www.facebook.com/BulSUCAL.LSC/photos/pcb.3632805953456908/36328
04673457036/?type=3&theater

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/history-past-time-thin-line-flat-
color-icon-vector-19824503

https://www.google.com/search?q=thinking+vector&sxsrf=ALeKk00c3FGVFrIkyYg
36IOQTG8Sk2e1Gg:1592649283168&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKE
wiklZn2mJDqAhVME4gKHYnVChAQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1366&bih=657#img
rc=DuaKTZ3JQsBaoM

https://www.google.com/search?q=scroll+vector&sxsrf=ALeKk00TBLXBoEQ7I6kiIjn
QqeWguCbiwg:1592649417118&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwic4
Yi2mZDqAhUQVN4KHZ4YBNQQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=
M1wSLF69Bmt4pM

https://www.google.com/search?q=lipunang+sibil&tbm=isch&ved=2ahUKEwjr-
Yj8mZDqAhVFUJQKHRdpA5UQ2-
cCegQIABAA&oq=LIPUNANG+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgIIADICCA
AyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgcIIxDqAhAnOgQIABBDOgU
IABCxAzoHCAAQsQMQQ1CyygJYxtkCYJbhAmgBcAB4AIAB4QGIAZYKkgEFMC43L
jKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=W-
ftXqvgN8Wg0QSX0o2oCQ&bih=657&biw=1366#imgrc=pXps8aH1_BiVZM

https://www.google.com/search?q=references+vector&tbm=isch&ved=2ahUKE
wjV-NXJtZDqAhVK6ZQKHeA6Cm8Q2-
cCegQIABAA&oq=references+ve&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADIGCAAQCB
AeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQ
CBAeMgYIABAIEB4yBAgAEBg6BwgjEOoCECc6BwgAELEDEEM6BAgAEEM6BQgAEL
EDOgQIABAeULTbOljChztgp5I7aAFwAHgBgAHODYgBhzSSAQ0wLjMuNS4xLjctMS4
ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQo&sclient=img&ei=TgTuXtWZGcrS0wTg9
aj4Bg&bih=657&biw=1366#imgrc=A9tQ8fxhWHz2NM

EsP 9 Strategic Intervention Materials


Lecturette Esp Grade 9 by Kim D. Galang
EdukasyonsaPagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral
Curriculum Implementation and Learning Management Matrix: Most Essential
Learning Competencies
Abs-Cbn News

8
ESP

 SUSI SA PAGWAWASTO…

Subukin Tuklasin Suriin Pagyamanin

GMA Kapuso Ang mga Magkakaiba Ang mga sagot


Foundation kasagutan ng kasagutan ay maaring iba-
UNICEF ay maaring iba
Bantay Bata mag iba-iba.
UniTentweStandPH by
Angel Locsin
Church in Action
Temporary Shelterfor
Frontliners and Street
Dwellers

Isaisip Isagawa Tayahin


Ang mgasagot ay Ang mga sagot 1. Simbahan
iba-iba base sa ay iba-iba base 2. Media
mga ideya ng sa mga 3. Latin
mga mag-aaral. nakalap na 4. Namamagitan
mga 5. Meduim
impormasyon
ng mga mag- Para sa test II
aaral.
Iba’t ibang kasagutan ng mga
mag-aaral

You might also like