Maramihang Pagpili. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga tanong at piliin ang sagot ng sa tingin mo ay tama. Titik lamang ang isulat sa gilid ng numero.
____1. Ang ating mundo o daigdig ay mayroong _______ kontinente.
a.lima b.anim c.pito d.walo ____2. Ito ay isa sa kontinente na may pinakamalaking kabuuang sukat. a.Asya b.Europe c.Africa d.Antarctica ____3. Isa sa mga kontinente na may pinakamaliit na kabuuang sukat. a.North Amerika b.Australia c.Antarctica d.Asya ____4. Ilang rehiyon mayroon ang Asya? a.tatlo b.apat c.lima d.anim ____5. Isang anyong lupa na naglalabas ng mainit na lava tuwing pagputok. a.bundok b.disyerto c.bulkan d.burol ____6. Ito ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon at karaniwang may sobrang init na klima. a.burol b.disyerto c.talampas d.bundok ____7. Isang anyong lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. a.tangway b.pulo o isla c.kapuluan d.dagat ____8. Malawak na anyong tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. a.karagatan b.dagat c.ilog d.lawa ____9. Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. a.karagatan b.dagat c.ilog d.talon ___10. Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa. a.lawa b.bukal c.look d.tangway ___11. Ito’y pagkakaiba-iba at katangi-tanging angyo ng lahat ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan. a.biodiversity b.ecosystem c.diversity d.bio ___12. Ito ay tirahan ng mga hayop at iba pang bagay. a.hinterlands b. habitat c.red tide d.ozone layer ___13. Ito ay anumang tumigas na labi ng mga halaman, hayop at tao. a.hominid b.artifacts c.fossil d.origin of species ___14. Ito ay salitang nanggaling sa Latin na civitas na ang ibig sabihin ay siyudad at civilis na nangangahulugang mamamayan. a.Hominid b.Ardipithecus c.Kabihasnan d.Sibilisasyon ___15. Isang terminolohiya ng mga Pilipino sa higit na mataas na antas ng pamumuhay. a.Hominid b.Sibilisasyon c.Kabihasnan d.Ardipithecus ___16. Kinilala ito bilang cradle of civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao. a.Ziggurat b. Mesopotamia c. Dravidian d. Ilog Huang Ho ___17. Ilog na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-iwan ng dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa mga tanim. a.Huang Ho b. Mesopotamia c. Dravidian d. Ziggurat ___18. ___________________ ang uri ng pamumuhay ng mga mamayan ng Sumer. a.Pagsasaka b.Pangingisda c.Pangangalakal d.Pamamasada ___19. Ito ay isang pinakamahalagang gusali na itinayo sa Ur bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga diyos na nagsisilbing panirahan nito. a.Fertile Crescent b.Ziggurat c.Mesopotamia d.Teokrasya ___20. Sistema ng pagsulat na nagsilbing tagapag-isa sa mga Tsino. a.cuneiform b.pictograph c.calligraphy d.dravidian ___21. Ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang tiyak na teriteryo na may pagkakakilanlan. a.Asyano b.lipunan c.edukasyon d.kultura ___22. Siya ay may malaking impluwensiya sa pamumuhay ng mga Tsino bilang guro at tagahubog ng diwa at pagkatao. a.Confucius b.Yorimoto c.Nebuchadnezzar d.Kamakura ___23. Ang pamilyang __________ ay isang matatag na institusyong panlipunan na ang bawat kasapi ay pinagbigkis ng pagmamahal at pagkalinga. a.Asyano b.Europeo c.Hapones d.Amerikano ___24. Ito ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob. a.kultura b.relihiyon c.doktrina d.pilosopiya ___25. Pangunahing relihiyon sa India na naniniwala sa maraming diyos mula sa iba’t-ibang likha ng kalikasan. a.Jainismo b.Hinduismo c.Buddhismo d.Islam ___26. Kung ang banal na kasulatan ng mga Kristiyano ay BIBLIYA, ano naman ang sa Hinduismo? a.Qur’an b.Veda c.Torah d.Bibliya ___27. Sa ________-, ang diyosa ng araw na si Amaterasu Omikami ang itinuring na pinakamahalagang diyos. a.Pilipinas b.Amerika c.India d.Japan ___28. Ito ay kasama sa naimbentong kagamitan na ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan. a.pampalasa b.tsaa c.astrolabe d.compass ___29. Sila ang malakas na sumakop sa bahagi ng Turkey o tinawag na Constantinople noon. a.Kristiyano b.Turkong Muslim c.Hapones d.Komunista ___30. Ito’y nangangahulugang muling pagsilang at nakasentro sa interes ng tao. a.Constantinople b.Renaissance c.Paglalakbay ni Marco Polo d.Merkantilismo ___31. Ito ay isang kagamitang pandagat na ginagamit upang malaman ang oras at latitude. a.compass b.seda c.porselana d.astrolabe __32. Ito ay isang patakaran ng isang makapangyarihang bansa na pamahalaan ang mga sinakop na bansa upang magamit ang likas na yaman para sa kanilang interes. a.Ideolohiya b.Imperyalismo c.Kolonyalismo d.Reporma ___33. Ano ang tawag sa prinsipyong pang - ekonomiya na ang yaman ng bansa ay nasusukat sa dami ng ginto at pilak? a.Nasyonalismo b.Imperyalismo c.Merkantilismo d.Kolonyalismo ___34. Ito ay damdaming makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang- bayan. a.Nasyonalismo b.Imperyalismo c.Merkantilismo d.Kolonyalismo ___35. Ito ay ang mapayapang paraan ng nasyonalismo. a.passive nationalism b.active nationalism c.nasyonalismo d.reporma ___36. Ito naman ay ang mapusok na nasyonalismo. a.reporma b.nasyonalismo c.active nationalism d.passive nationalism ___37. Siya ang nangunang lider nasyonalista sa India na nanguna sa paglunsad ng mapayapang paraan. a.Mohammed Ali Jinnah b.Mohandas Gandhi c.Jawaharlal Nehru d.Al Hijaz ___38. Ito ay tumutukoy sa prinsipyo at kaisipan na pinaniniwalaan ng isang tao at ng isang bansa. a.Ideolohiya b.Imperyalismo c.Kolonyalismo d.demokrasya ___39. Ito ay may pantay-pantay na karapatan at pribilehiyo ang mga mamamayan. a.Ideolohiya b.Imperyalismo c.sosyalismo d.demokrasya ___40. Dalawang bansang kanluraniin na nanguna sa unang yugto ng kolonyalismo. a.Espanya at Portugal b.Spain at Netherland c.Germany at England d.Spain at France ___41. Bansa o mananakop na mahigpit na nagbantay sa pagtatanim ng mga pampalasa. a.Espanyol b.Portuguese c.Dutch d.French ___42. Ano ang epekto sa kalakalan at ekonomiya ng bansang Pilipinas ng sakupin ng mga Espanyol? a.Mahigpit na binantayan ng mga Dutch ang pagtatanim ng mga pampalasa. b.Pagkumpiska sa mga produkto kung walang permiso. c.Ganap na monopoly ang kalakalan sa pampalasa. d.Pagsasamantala sa mga puno at o likas na yaman. ___43. Ano naman ang epekto sa kultura at relihiyon sa mga bansa sa Malaysia, Indonesia, at China? a.Hindi pinakikialaman ng mga Dutch ang relihiyon ng kolonya. b.Alitan ng mga Hindu at Muslim. c.Sistema ng edukasyon mula sa pamantayan ng Espanya. d.Nailayo sa taal na tirahan. ___44. Tawag sa pamayanang itinatag ng mga Kastila o Espanyol sa tabing ilog o dagat. a.Polo y Servicio b.Monopolyo c.Sentralisadong Pamahalaan d.Reduccion ___45. Itoy isang halamang gamut na kapag inabuso ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan. a.opyo b.ecstacy c.shabu d.cocaine ___46. Bansang kilala sa tawag na “Sleeping Giant”. a.Japan b. Pilipinas c.Indonesia d.China ___47. Ito’y tinaguriang “Land of Smiles”. a.Indonesia b.Burma c.Vietnam d.Cambodia ___48. Kilala itong bansa sa tawag na “An Island City Republic”’. a.Singapore b.Burma c.Indonesia d.China ___49. Bansang kilala sa tawag na “Kingdom of Million Elephants”. a.Vietnam b.Cambodia c.Laos d.Indonesia ___50. Saang rehiyon nag-umpisa ang ikalawang digmaang pandaigdig? a.Asya b.South America c.Australia d.Europe Answer Key 1. C 2. A 3. B 4. C 5. C 6. B 7. A 8. B 9. C 10. A 11. A 12. B 13. C 14. D 15. C 16. B 17. A 18. A 19. B 20. C 21. D 22. A 23. A 24. B 25. B 26. B 27. D 28. D 29. B 30. B 31. D 32. C 33. C 34. A 35. A 36. C 37. B 38. A 39. D 40. A 41. C 42. D 43. B 44. D 45. A 46. D 47. D 48. A 49. C 50. A