Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Panuto: Isulat ang T kung ang sumusunod na pahayag ay tama at M kung

mali.

________ 1. Tuparin mo ang pangakong hindi na mahuhuli sa klase.


________2. Isauli mo ang hiniram na bagay sa kaklase sa takdang oras na
pinagkasunduan.
________ 3. Huwag mong tuparin ang tungkuling panatilihing malinis ang
silid-aralan.
________ 4. Tuparin mo ang pangakong magsisimba tuwing Linggo.
________ 5. Gawin mo ang lahat para hindi matupad ang mga pangako.
________ 6. Huwag kang sumipot sa nakatakdang oras ng pagsasanay sa
isports.
________ 7. Tuparin mo ang pangakong hindi na makikipag-away sa loob
ng klase.
________ 8. Magtago ka sa nakatakdang araw sa pagbabayad ng utang.
________ 9. Sikapin mong makarating sa mahalagang pagdiriwang o
okasyon ng pamilya.
________10. Kalimutan mo ang pinagkasunduang takdang oras sa
pagpasa ng proyekto sa Science.
Tayahin

Lagyan ng tsek ( ✓ ) kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng


kahalagahan ng pagiging responsible sa kapwa o pagiging mabuting
kaibigan at ekis (  ) naman kung hindi.

1. Nabasag ni Lori ang paso ng kanilang kapitbahay na si Aling Maring.


Kahit na alam niyang siya ay kagagalitan, sinabi niya nang buong
katapatan at katotohan ang nangyari at humingi ng paumanhin sa
kaniyang nagawa.
2. Sumama ang loob ni Marko nang hindi tinanggap ng kagrupo ang
kaniyang ideya sa paggawa ng kanilang proyekto sa Edukasyon sa
Pagpapakatao.
3. Humihingi si Ana ng paumanhin tuwing nakakasakit siya ng kapwa.
4. Nagpapakita ng respesto sa kapwa si Juan, sa nakatatanda man o
nakababata.
5. Ugali ni Maria na magpasalamat sa anomang tulong na kaniyang
natatanggap malaki man o maliit.
6. Pinapaalalahanan ni Ken ang kaibigan na bawasan ang paglalaro ng
online games at dagdagan ang oras na inilalaan sa pag-aaral.
7. Tinutukso ni Lyka ang kamag-aral na mahina sa talakayan sa klase.
8. Nagnakaw ng pagkain si Robin para ibigay sa kaniyang kaibigang
walang baon.
9. Dinalaw nina Ed at Allan ang ina ng kanilang kaibigang si Dino dahil
ito ay may sakit.
10. Pinagtakpan ni Joy ang ginawang kamalian ni Trisha na kaniyang
kaibigan.

Tayahin
Isulat ang HOORAY sa iyong sagutang papel kung ang sinasaad na
sitwasyon sa bawat bilang ay tama at HEPHEP naman kung ito ay mali.

1. Nanghiram ako ng lapis sa aking kaklase at sinabi kong isasauli ko


kaagad pagkatapos ko itong gamitin. Natapos ang aming Sining kaya
naman isinauli ko agad ang lapis na aking hiniram.

2. Dahil sa pagliban ko sa aming klase kahapon ay nanghiram ako ng


kuwaderno sa aking kamag-aral upang kopyahin ang mga naging aralin.
Ipinangako kong iingatan ko ang paggamit nito. Kaya isinauli ko ito na
nasa maayos na kalagayan.

3. Nagsabi si Minda kay Rina na sasamahan siya nitong mamili sa


palengke ngunit kinabukasan ay iba ang sinamahan ni Minda.
4. Palaging sinsabi ni Niko na maaga na siyang papasok ngunit panay
pa rin siyang napapagalitan ng guro dahil sa madalas na pagkahuli niya sa
oras ng klase.

5. Tulad ng ipinangako ni Tina sa kaniyang mga magulang na


pagbubutihan ang pag-aaral, madalas na siyang manguna sa mga
pagsusulit at talakayan sa klase.

6. Sinabi ni Miko sa sarili na susundin niya ang payo ng mga eksperto


na panatilihin ang distansiya sa iba upang maiwasan ang virus ngunit
madalas pa rin siyang makipagsiksikan at makipag-unahan sa palengke.

7. Ipinangako ni Lulu sa kaniyang mga magulang na iingatan ang


kaniyang kalusugan kaya naman tuwing lalabas siya ng bahay ay may
suot siyang facemask at faceshield upang makaiwas sa COVID-19.

8. Sinabi ni Pia sa sarili na susundin ang utos ng gobyerno na limitahan


ang paglabas ng bahay upang maiwasan ang virus ngunit halos araw-
araw ay nasa bahay naman siya ng mga kaibigan.

9. Naranasan ng mag-asawang Marta at Tino ang mawalan ng


hanapbuhay dahil sa pandemya. Kaya naman nangako ang mag-asawa
na mag-iipon na kung magkaroon ulit ng hanapbuhay bilang paghahanda
sa sakuna tulad ng pandemya. Nang magkaroon muli ng trabaho ay
nagtatabi na ang mag-asawa para sa kanilang ipon.

10. Malimit ang paalala ni Cecil sa mga kamag-anak at kaibigan ng


tungkol sa panganib na dala ng pandemya dahil nangako siyang
pagmamalasakitan niya ang kaniyang kapwa.

You might also like