Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII-SOCCSKSARGEN
Schools Division Office of Cotabato
MAKILALA CENTRAL DISTRICT
Poblacion, Makilala, Cotabato
Table of Specification
Quarter 1
SUMMATIVE ASSESSMENT NO. 1 – ESP 6
SY 2021 -2022
First Quarter Cognitive Process Domain
Module/LAS Week No.

No. of Days Taught

TOTA
% of the Topic
MELC and Item Placement

Remembering

Understanding

Applying

Analyzing

Evaluating

Creating
Learning Code
Category

60% 30% 10%

Masuri nang
mabuti ang mga EsP6 1 7 10 19
1 4 50% 2 9 11
3 10
bagay na may PKP- 15 14
kinalaman sa Ia-i-37
sarili na
makatutulong
sa pagbuo ng
isang desisyon.

Masuri nang EsP6 5


2 mabuti ang mga PKP- 4 50% 13 6 8 4 20
16 18 12 10
iba’t ibang Ia-i-37 17
sitwasyon na
makatutulong
sa pagbuo ng
isang desisyon

TOTAL 8 100% 5 7 5 1 2 20

Prepared by: Checked by:

ADELITA G. FAMULAGAN SALOME S. SUMALINOG


Teacher III District Curriculum Coordinator/Principal I

MARY MIELDRED C. MOLINA


Principal I

Address: Cotabato Provincial Capitol Compound Email Address: Cotabato.division@deped.gov.ph


Amas, Kidapawan City Telefax No.: (064) 577-7017
9400 Website: www.depedcotabatodivision.com

Page 1 of 7
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Cotabato Division
MAKILALA CENTRAL DISTRICT
Poblacion, Makilala, Cotabato

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
Unang Lagumang Pagsusulit sa Unang Markahan
SY 2021-2022

Pangalan: _____________________________________________ Pangkat: ___________________


Paaralan: _____________________________________________ Petsa: _____________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at ang mga pagpipilian ng sagot. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa inilaang patlang bago ang bilang.
_____1. Kailangan ng isang mabuting tao ang isang kongkreto, mahusay at matalinong desisyon sa
buhay. Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. plano b. pasiya c. pasimuno d. katapatan
____ 2. Sa paggawa ng isang desisyon, sino-sino ang dapat nating isaalang-alang?
a. ang ating sarili, pamilya at kapwa-tao
b. ang ating sarili lamang at wala ng iba pa.
c. ang ating sarili, mga kalaro, kaibigan at mga kaklase.
d. ang ating sarili at ang ating mga matatalik na kaibigan.

____ 3. Ano ang nararapat nating gawin sa pagbibigay ng desisyon?


a. Magbigay ng desisyon ng wala sa kalooban.
b. Mag desisyon agad-agad upang matapos na.
c. Pag-isipan ng maigi lalo na ang maging kalalabasan nito.
d. Magbigay ng desisyon nang hindi na inaalintana ang epekto nito.
____ 4. Nakapulot si Jojo ng pitakang may lamang pera. Siya ay kilala sa pagiging mabuti, tapat at
matalinong bata. Alin kaya sa mga sumusunod na desisyon ang gagawin niya?
a. Itatago niya ang pitakang napulot.
b. Ipamimigay niya sa mga batang nagpapalimos ang pera.
c. Ibibili niya ng gamit na matagal na niyang gustong mabili ang laman ng pitaka.
d. Gagawa siya ng paraan kung paano matunton ang may-ari ng pitaka at isasauli niya ito
ng personal.
____ 5. Alam ni Rose na hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang dahil sa mas
marami ng gastusin simula Junior High School. Ipinaintindi ito sa kaniya ng kaniyang mga
magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob. Si Rose ay isang batang
may ________________________.
a. Pagkamatiyaga c. pagkamahinahon
b. Pagmamahal sa katotohanan d. Pagkabukas ng isipan

____ 6. Maraming basura ang nakita ni Marie sa likuran ng kanilang paaralan. Hindi pala nakuha
ang mga ito ng basurero at ngayon ay nakakalat na. Dali-daling kumuha ng walis at
dustpan si Marie upang linisin ang basura upang hindi makaperwisyo ang amoy nito sa
ibang mag-aaral. Anong katangian mayroon si Marie?
a. Pagiging malinis c. Mapanuring kaisipan
b. May paninindigan d. Pagiging mahinahon

____ 7. Inimbita ka ng iyong matalik na kaibigan na magpunta sa kanilang bahay pagkatapos ng


klase. Ngunit nagbilin ang nanay mo na umuwi ka nang maaga dahil babantayan mo ang
nakababata mong kapatid. Ipinaliwanang mo sa iyong kaklase kung bakit kailangan
mong umuwi ng maaga. Alin sa mga sumusunod ang taglay mong katangian?
a. Ikaw ay may kaalaman.
b. Ikaw ay may lakas ng loob.
c. Ikaw ay isang mapag-alalang bata.
d. Ikaw ay responsible at may paninindigang bata.

____ 8. Sinabi ng kapitbahay mo na ang iyong kapatid ay palaging lumiliban sa klase. Ano ang
gagawin mo?
a. Pagagalitan ko ang aking kapatid.
b. Pagagalitan ko ang aking kapitbahay.
c. Isusumbong ko ang aking kapatid sa aming mga magulang.
d. Kakausapin ko ang aking kapatid tungkol dito, tatanungin ko siya kung bakit siya
lumiliban sa klase at ipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral at ang hindi magandang
kahihinatnan ng kaniyang madalas na pagliban sa klase.

____ 9. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa Science. Mayroong paligsahan sa inyong


paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong
gagawin?
a. Sasali sa paligsahan.
b. Hindi ka sasali sa paligsahan.
c. Sasabihin mo sa guro na iba na lang ang isali sa paligsahan.
d. Sasabihin mo sa inyong guro na hintaying pumasok ang iyong kaklase na lumiban.

____ 10. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit
na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ka sasamang maligo sa ilog at pagsabihan sila na hindi tama ang kanilang
gagawin.
b. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
c. Sasama ka ngunit hindi maliligo at babantayan mo lamang sila.
d. Sasama kang maligo sa ilog upang masaya ang barkada.

____ 11. Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng toyo at suka sa tindahan. Habang naglalakad,
pauwi natuklasan mong sobra ang isinukli sa iyo ng tindera. Ano ang gagawin mo?
a. Babalik ka sa tindahan at ipambibili mo ng kendi ang sobrang sukli para sa iyong
nakababatang kapatid.
b. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
c. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
d. Isasauli ko agad-agad sa tindera ang sobrang sukli.

____ 12. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na
kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
a. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
b. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
c. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
d. Bigyang ito ng halaga, respeto at tumulong upang makabuo ng desisyong makakabuti
para sa lahat.

____ 13. Ang pamilya Lopez ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama-sama ring
nananalangin sa araw-araw. Sama-sama rin silang nag-uusap sa mga bagay na kailangang
pagpasiyahan. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
a. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan ng suporta sa bawat kasapi ng pamilya.
b. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
c. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
d. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.

____ 14. Bakit natin pinahahalagahan kung ano ang makakabuti para sa nakakarami?
a. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
b. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
c. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
d. Lahat ng binanggit.
____ 15. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may
kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot
o desisyon.
a. malikhaing pag-iisip c. pagkabukas ng isipan
b. mapanuring pag-iisip d. pagsusuring personal

____ 16. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may
kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa isa.
a. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba
b. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan
c. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon
d. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon

____ 17. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano
ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-
daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.
a. pagsusuring personal c. mapanuring pagsusuri
b. malikhaing pag-iisip d. pagkabukas ng isipan

____ 18. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon?
a. Nakakatulog ka ng mahimbing
b. Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga
c. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.
d. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.

____ 19. Kapus ang pamilya mo sa pera subalit nais mong magpatuloy ng pag-aaral upang
makatapos. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang maisakatuparan ang
iyong ninanais?
I.Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.

II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.

III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon
mo na sa elementarya.

IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring


magamit
upang maipagpapatuloy ang pag-aaral.

V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo


upang
a. I, II, at III b. II, IV, at V c. II, III, at V d. III, IV, at V

20. Kaarawan ng matalik mong kaibigan mula nang kayo ay nag-aral sa


Daycare hanggang sa kasalukuyan. Itinuring ka na ring parang anak ng mga
magulang niya at hindi ka nawawala sa mga masasayang pagdiriwang ng pamilya
nila. Noong isang taon ay nakapunta ka pa sa kanyang kaaarawan. Ngayong taon na
ito ay muli niyang ipagdiriwang ang ikalabing-isang taon niyang kaarawan. Alam mo
ang sitwasyon natin ngayon dahil sa pandemya at isa iyan sa ipinagbabawal na
gagawin. Mahigpit ring ipinapaala-ala ng mga magulang mo ang mga nararapat
gawin at ayaw nila na ikaw ay lalabas ng inyong tahanan. Inimbita ka ulit niya at ng
kanyang mga magulang. Ano ang magiging desisyon mo at gagawin mo upang hindi
siya magtatampo at ang mga magulang niya? Isulat ang iyong sagot sa linyang
nakalaan.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
ADEL F. 2021

SUSI SA PAGWAWASTO NG ESP 6 – UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT

1. b
2. a
3. c
4. d
5. d
6. c
7. d
8. d
9. a
10. a
11. d
12. d
13. a
14. d
15. b
16. d
17. a
18. d
19. b
20.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
PERFORMANCE TASK NO. 1
Unang Markahan

Pangalan:____________________________________________________ Iskor: ____________


Basahin, unawain at ibigay ang iyong desisyon sa sitwasyong ito.(10 puntos)
Dahil sa pandemya ang Pilipinas at ang buong mundo ay nababahala sa kalusugan ng tao. Saan
man tayo naroroon tayo ay hindi ligtas sa hagupit ng sakit na ito, kailangan natin ang ibayong pag-
iingat at pagsunod sa mga health protocols. Hindi lingid sa iyo ang ating sitwasyon sa kasalukuyan
lalo na dito sa ating bayan na kung saan sinasabing marami ang naging positibo sa Covid-19.
Ang DepEd ay may planong isulong na magkaroon na ng face to face classes. Ikaw bilang mag-
aaral na nasa ika-anim na baitang, ano ang iyong desisyon sa usaping ito kung sakali ang ating
paaralan ay isa sa magpapatupad nito. Ipagpapatuloy mo pa rin ang iyong pag-aaral dito o
hahanap ka ng ibang paaralan na hindi mag face to face classes. Bakit?.
Ilahad sa pamamagitan ng isang talata(paragraph) na nagtataglay ng lima (5) o higit pa na mga
pangungusap ang iyong sariling desisyon. Isulat ito sa isang malinis na papel(intermediate pad
paper) o bond paper. Pwede mo rin itong i-computer kung nais mo. Gawing gabay ang rubrik sa
ibaba. Idikit ang iyong papel sa pahinang ito. Huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan.

RUBRIK

Pamantayan 5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos Puntos


Ang limang Apat na pangungusap Isa hanggang tatlong
pangungusap ay lamang ang naglalaman pangungusap lamang ang
Nilalaman naglalaman ng ng isang, matalino, naglalaman ng isang,
isang, matalino, magaling at mahusay na matalino, magaling at
magaling at desisyon tungkol sa mahusay na desisyon
mahusay na usapin tungkol sa usapin
desisyon tungkol
sa usapin
Nagsisimula sa Maayos ngunit may isang May dalawa at higit pang
malaking titik at pangungusap na hindi pangungusap ang hindi
Kaayusan maayos ang nagsisimula sa malaking nakasulat nang maayos at
pagkakasulat ng titik at walang ginamit na walang ginamit na bantas.
mga bantas.
pangungusap.
Nagtataglay rin
ang mga ito ng
tamang bantas.

Kabuuang Puntos

______________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang/Tagapag-alaga
ADEL FAMULAGAN’2021

You might also like