Professional Documents
Culture Documents
G8-WEEK 3-SANAYANG PAPEL-IkatlongMarkahan
G8-WEEK 3-SANAYANG PAPEL-IkatlongMarkahan
G8-WEEK 3-SANAYANG PAPEL-IkatlongMarkahan
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SAN PEDRO RELOCATION CENTER NATIONAL HIGH SCHOOL
City of San Pedro, Laguna
FILIPINO - 8
LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAMPAGKATUTO NO: 3.3
IKATLONG MARKAHAN - IKALAWANG ARALIN: MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN – TERMINO/LINGO
MELC #: 32 at 35 KODA AT KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F8PT-IIIa-c-29 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na
ginagamit sa mundo ng multimedia, at F8WG-IIIa-c-30 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring
napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan. Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid
(diyaryo), komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang
popular ng mga Pilipino sa ngayon.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al.
Iyong tuklasin at unawain ang kulturang popular sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pag-aaral at pag-analisa ng mga
babasahing popular (tabloid, komiks, magasin at kontemporaryong dagli), broadcast media (radyo at telebisyon) at
pelikula. Obserbahan ito at tignan ang mga naging pagbabago sa mga ito mula noong dekada sisenta (60’s) hanggang sa
kasalukuyang modernong panahon.
Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating bansa. Ang paglaganap
ng Internet, pag-usbong ng iba’t ibang social media network gaya ng Facebook at Twitter, gayundin ang pagkahumaling ng
kabataan sa pagtangkilik sa mga website gaya ng YouTube ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang
pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong
bihis ng tradisyunal na anyo nito. Paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bunsod ng
pagpapalit sa kultura at tradisyon, kapangyarihan ng teknolohiya at modernisasyon ng pamayanan, nagkaroon ng
transpormasyon ang Panitikang Pilipino mula sa tradisyunal tungo sa popular.
I. DIYARYO
Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at
patalastas, kadalasang na imprenta sa mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at
kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.
II. M A G A S I N
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling
kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng
kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang
panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang
nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na
nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang
walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang
kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa
kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na
larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng
Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na
mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-
ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay
naging paborito ng maraming kalalakihan
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at
kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
III. K O M I K S
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na
maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman
palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na
kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa,
nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat
at dibuhista na nagpapalawak ng imahinasyon.
Pamagat ng
Kuwento
Kahon ng Salaysay-
Pinagsusulatan ng Larawang guhit ng
maikling salaysay mga tauhan sa
tungkol sa tagpo kuwento
WIKA AT GRAMATIKA
Sa araling ito, makikita natin ang pagkakaiba ng tabloid sa broadsheet na gumagamit ng banyagang salita at sa
mga salita na ginagamit sa mga artikulong nakasulat sa mga popular na babasahing ito.
ANTAS NG WIKA
Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa
Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan/masining at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay
diyalektal/lalawiganin, kolokyal at balbal.
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at
mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas
komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon
sa mga panuntunang gramatikal.
2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga
pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na
“ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum
sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito
rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.
Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang
ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.
1. Balbal (slang) - ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una ay hindi
tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay
tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
Erpat - tatay Lispu - pulis
Tsikot - kotse Yosi - sigarilyo
Sikyo - security guard Praning - baliw
2. Lalawiganin (Provincialism) - ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-
pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas , may kakaiba pang tono ito.
Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)
3. Kolokyal (colloquial) - ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may
kagaspangan at pagkabulgar, bagama't may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita.
Halimbawa:
Pormal Kolokyal
Aywan ewan
Piyesta pista
Nasaan nasan
4. Banyaga - ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang banyaga. Karamihan sa mga
ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika o mga salitang banyagang walang salin
sa wikang Filipino.
Halimbawa: toothpaste, calculator, cellphone/smartphone, internet, basket atbp.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.
1. Kapatid 6. Ermats
2. Halika na! 7. Nosi ba lasi?
3. Pera 8. Techie (Teki)
4. Kabataan 9. Istambay
5. Piyesta 10. Wapakels
MAGASIN ABC KOMIKS Inihanda ni: Gng. Sarah Joyce D.M. Pastoral
B&C