Professional Documents
Culture Documents
G8-WEEK 5-SANAYANG PAPEL-IkatlongMarkahan
G8-WEEK 5-SANAYANG PAPEL-IkatlongMarkahan
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SAN PEDRO RELOCATION CENTER NATIONAL HIGH SCHOOL
City of San Pedro, Laguna
FILIPINO - 8
LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAMPAGKATUTO NO: 3.5
IKATLONG MARKAHAN – IKAPITONG ARALIN: POSITIBO AT NEGATIBONG PAHAYAG AT KONSEPTO NG PANANAW
MELC #: 37 KODA AT KASANAYANG PAMPAGKATUTO: F8PB-IIId-e-30 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong
pahayag. - Nabibigyang-reaksyon ang mga positibo at negatibong pahayag.
Ano ba ang kahalagahan ng positibing pananaw? Ano ba ang naitutulong nito sa bawat individual? Marami,
sapagkat ito ang nagbibigay pag-asa sa isang tao. Ibig sabihin, kapag positibo lagi ang pananaw, hindi tayo mag-iisip ng
kawalan ng pag-asa. Halimbawa, kapag binigyan ka ng isang proyekto at kailangan ipasa ito pagkaraan ng tatlong araw,
ano ang gagawin mo? Una, iisipin na magagawa mo ito at dapat maipasa sa takdang-araw at kaya itong matapos.
2. Negatibo - ang kadalasang nasa isipan ng isang negatibong indibidwal ay hindi niya kaya ang isang gawain.
Marami siyang dahilan kagaya ng tinatamad, walang panahon, hindi niya maintindihan, ayaw niyang mag-isip,
walang interes o sadyang ayaw niya lamang gawin.
Ipinaliwanag ni Regine Velasquez na mayroon siyang dislexia matapos na maling baybayin ang pangalan ni Kobe
Bryant bilang pagkilala
Ni: Ryan Arcadio (INQUIRER.net / 01:48 PM January 28, 2020)
Ipinaalala ni Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang mga tagasubaybay sa social media na siya ay mayroong
dislexia (karamdaman sa pagbabasa) pagkatapos siyang punahin para sa maling pagbaybay sa pangalan ni Kobe Bryant
sa kanyang pagkilala sa yumaong basketball star.
Ang Asia's Songbird ay nag-upload ng larawan ng alamat ng NBA sa kanyang pahina sa Instagram kahapon,
Enero 27, 2020, kasunod ng balita tungkol sa kanyang pagkamatay noong isang araw. Namatay si Bryant sa isang
malagim na pagbagsak ng helikopter sa Calabasas sa California, USA.
Una nang hindi binaybay ng mang-aawit ang pangalan ng atleta bilang "Coby." Mabilis na napansin ng mga
netizen ang kanyang pagkakamali at iniulat na nag-iwan ng mga negatibong komento sa kanyang post.
Makalipas ang ilang sandali, naitama ni Velasquez-Alcasid ang kanyang pagbaybay ng pangalan ni Bryant at
tinanggal ang lahat ng mga komento mula sa kanyang post. Tinugunan din niya ang mga bastos na komento sa
pamamagitan ng kanyang pahina sa Twitter.
"I always make a mistake with spelling [someone’s] name you can correct me without embarrassing me and
it’s ok,” (“Palagi akong nagkakamali sa pagbaybay ng pangalan, [ng isang tao] maaari mo akong iwasto nang hindi ako
pinapahiya at ayos lang iyon,") sabi niya.
Ipinaalala ng mang-aawit sa kanyang mga tagasunod na siya ay may dislexia at nakakaranas ng kahirapan sa
pagbaybay.“Please be kind, again you can correct me without making me feel bad,” (“Mangyaring maging mabait, muli
maaari mong iwasto ako nang hindi mo masasaktan ang damdamin ko,") apela ni Velasquez.
Una nang inamin ni Velasquez na nagkaroon siya ng dislexia sa panayam sa Philippine Entertainment Portal
noong 2012. Sa kabila ng pagkakaroon ng sakit sa pagkatuto, siniguro niya sa kanyang mga tagahanga na hindi ito
naging hadlang sa kanyang karera sa pagkanta. /ra
Sanggunian: https://entertainment.inquirer.net/361829/regine-velasquez-explains-she-has-dyslexia-after-misspelling-
kobe-bryants-name-in-tribute (INQUIRER.net / 01:48 PM January 28, 2020)
Si Regine Velasquez-Alcasid ay isa sa mga taong mayroong positibong pananaw, dati siyang manlalako ng
bananaque noong bata pa siya. Naisip niyang sumali sa mga “singing contest” dahil sa kanyang positibong pananaw,
isa na siyang matagumpay na singer na may titulong “Asia’s Songbird”. Ang lahat ng iyan ay natamo ni Regine dahil sa
kanyang mga pagpupursige at mga positibong pananaw sa paggawa.
Gabay na Tanong
1. Ano ang dalawang uri ng pananaw sa paggawa? Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Sa iyong sariling salita, Ipaliwanag ang nangyari kay Regine Velasquez-Alcasid.
3. Paano nakatulong kay Regine Velasquez ang pagkakaroon ng positibong pananaw?
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng
Pananaw (Ugnay Wika).
1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip,
sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Kabilang dito ang:
- Ayon/Batay/Para/Sang-ayon sa/kay
- Sa ganang akin/ Sa paniniwala/Palagay/Pananaw/Paningin/Tingin/Akala ko/ni/ng
- Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip ko/kong
2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw. Gayon man,
mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
- Sa isang banda
- Sa kabilang dako
- Samantala
- Gayon man
Jelly: Raymond, nakakaawa naman ang kalagayan ng mga kabataan nating nasalanta noong nakaraang bagyo at
habagat. Ang iba'y nawalan ng kabuhayan, samantalang ang iba nama'y nawalan ng mahal sa buhay.
Raymond: Tunay na kalunus-lunos ang kanilang sinapit. Taon-taon na lamang ay ganito ang kanilang kinasasapitan
tuwing dumarating ang tag-ulan.
Jelly: Ayon sa pamahalaan, handa raw ang mga ahensya ng pamahalaan na may direktang kinalaman sa paghahanda
tuwing may malakas na bagyong dumarating tulad ng DSWD at NDRRMC, pero sa palagay ko ay nagsisinungaling sila.
Raymond: Tama ka, sang-ayon ako sa sinasabi mong nagsisinungaling ang pamahalaan. Kung totoong handa sila, bakit
ang daming nasalanta? Libo-libong pamilya ang nasa mga evacuation centers. Sa isang banda, maaaring maghanda
sila, hindi nga lang sapat ang ginawang paghahanda. Sa paniniwala ko, kung lubusan lamang ang ginawang
paghahanda ng mga pinuno ng ating pamahalaan, hindi ganito kalaki at kalubha ang pinsalang idinulot ng bagyo sa
ating bansa at sa ating mga kababayan. Kung sapat lamang ang ginawang paghahanda, naiwasan sana ang
napakalaking pinsalang iniwan ng bagyo sa buhay at ari-arian ng napakarmi nating kababayan.
Jelly: Totoo ang sinabi mo., pero sa pananaw ko, hindi lamang dapat ang pamahalaan ang naghahanda kapag may
kalamidad. Sa kabilang dako, sana'y maghanda rin ang ating mga kababayan.
Raymond: Sa tingin ko tama ka.
Sanggunian: Kayumanggi batay sa Kurikulum na K-12 (Ikatlong Markahan),
Perla Guerero, et.al
Gabay na Tanong: