Professional Documents
Culture Documents
AP-7 Q1 Mod4
AP-7 Q1 Mod4
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 4:
Implikasyon ng Likas na Yaman sa
Pamumuhay ng mga Asyano
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Implikasyon ng Likas na Yaman
sa Pamumuhay ng mga Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 4:
Implikasyon ng Likas na Yaman
sa Pamumuhay ng mga Asyano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
2
Para sa mag-aaral:
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating
mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-
aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan
ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
4
Alamin
Ngayon ay lubusan mo nang nauunawaan ang mga taglay na likas na yaman ng mga
rehiyon ng Asya. Sa susunod na aralin ay patuloy mo pang palalawakin ang iyong pag-unawa
hinggil sa implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng : Agrikultura, Ekonomiya, Pananahanan at Kultura.
Halina’t kilalanin at tuklasin ang kasabihang “Ang kapaligiran ang humuhubog sa kanyang
mamamayan”, at tama bang sabihin na ang bansang salat sa likas na yaman ay mahirap at ang
bansang mayaman sa likas na yaman ay mayaman din naman?
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng
mga Asyano noon at ngayon. (AP7HAS-If-1.6).
1
Subukin
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming
mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang
mauunlad at mga bansang papaunlad pa lamang. Kung susuriing mabuti, ano ang magiging
implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
2. Sa larangan ng agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang
pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo
mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing
pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa
produksiyon.
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang
Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang- aabuso
ng tao.
2
4. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano
naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?
A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing
pangangailangan.
B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.
D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng
matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
5. Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang
lupa ang isang bansa?
A. Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng
mas maraming produkto.
B. Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.
C. Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
D. Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw
na materyales.
6. Ang mga bansa sa kontinente ng Asya ay nakararanas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran.
Ano ang tawag sa pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa gubat?
A. Siltation
B. Deforestation
C. Salinization
D. Desertification
7. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isangbansa kung patuloy ang
pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
8. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Higit na
napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan.
Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano ang inyong gagawin upang higit na
mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.
A. Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng
tao.
B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.
C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na
pakinabangan ng mamamayan.
D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.
6. Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at
nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa
isang bansa. Anong larangan ang pinagtutuunan ng pansin dito?
A. Agrikultura
B. Ekonomiya
C. Panahanan
D. Turismo
3
10. Alin sa sumusunod ang dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa kontinente ng Asya?
I. Patuloy na pagtaas ng populasyon
II. Pagkakalbo o pagkakasira ng kagubatan
III. Introduksiyon ng mga specie na hindi likas sa isang partikular na rehiyon
IV. Ang pagkakaroon ng desertification o pagkatuyo ng mga lupain.
A. I, III, IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. I, III, IV
13. Ito ay ang pagbabago ng klima dulot ng likas na pagbabago ng mundo dahil sa gawa ng mga tao.
Anong konsepto ang tinutukoy dito?
A. Climate Change
B. Polusyon
C. Red Tide
D. Acid Rain
14. Bilang isang mag- aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating
kapaligiran?
A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastic
B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di
pagputol ng maliliit na mga punong kahoy.
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan
Ilan ang nakuha mong puntos? Nasiyahan ka ba sa iyong puntos? Huwag kang mag-alala
sapagkat masasagot mo ang lahat ng mga katanungan sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul
na ito.
4
Aralin
Implikasyon ng Likas na Yaman sa
1 Pamumuhay ng Mga Asyano
Balikan
A B
Binabati! kita sa iyong mga naging kasagutan. Alam kong lumalim ang iyong pag-unawa sa
mga bagay na may kinalaman sa likas na yaman at ang kaugnayan nito sa tao.
5
Tuklasin
Mga gawaing pangkabuhayan at mga kakaibang likas na yamang taglay ng bawat kasapi ng
rehiyong MIMAROPA.
1. Sa probinsyang ito nagmumula ang marmol na ginagawang mga muwebles at iba pang
kagamitan.
2. Pagsasaka ang kadalasang hanapbuhay naming. Nagpoprodyus din kami ng sibuyas,
kalamansi, rambutan at marami pang iba.
3. Sa probinsyang ito matatagpuan ang sikat na bird’s nest o pugad ng ibon na balinsasayaw na
nagkakahalaga ng ₱250,00.00 ang bawat kilo sa pamilihan.
4. Tumatak na kultura namin ang sikat na Moriones Festival, isang pagdiriwang na bunga ng
impluwensya ng mga mananakop na Kastila.
5. Dito maatagpuan ang Underground River, isa sa mga idineklarang National
Heritage at bumubuhay sa turismo at trabaho ng mga mamayan.
6
Suriin
Matapos mong malaman ang mga impormasyon tungkol sa likas na yaman ng Asya at ang
rehiyon sa Pilipinas na kung saan ka kabilang at ang implikasyon nito sa pamumuhay bilang mga
Asyano at Pilipino, ngayon ipagpatuloy mong alamin ang implikasyon ng likas na yaman sa kanyang
kapaligiran upang lubos mo itong maunawaan.
Agrikultura
Ekonomiya
7
Panahanan
8
Pagyamanin
Gawain: Suri-Epekto
Batay sa impormasyon na iyong binasa, sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang
iyong kasagutan sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang magiging epekto sa ekonomiya ng isang bansa kung ito ay salat sa likas na yaman?
2. Ano ang implikasyon o epekto ng pagdami ng populasyon ng isang bansa sa usaping
pangkabuhayan?
3. Bunsod ng pagdami ng populasyon, ano ang nangyayari sa mga lupain at sa likas na yaman
ng isang bansa?
EPEKTO O
ASPETO SITWASYON
IMPLIKASYON
9
Napakahusay mo! Ipagpatuloy mo pa ang iyong mas malalim na pag-aaral sa aralin. Ang
susunod na gawain ay higit na makatutulong sa pagkamit mo ng mga kaalaman. Bunga ng iba’t
ibang kaganapan sa mundo, hindi lamang ang agrikultura, ekonomiya, panahanan at kultura ang
naaapektuhan maging ang ating kapaligiran. Aalamin natin ang implikasyon ng unti-unting
pagkasira ng ating kapaligiran bunsod ng paglaki ng populasyon ng daigdig.
Isaisip
2. Bilang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapangalagaan ang iyong kapaligiran at likas
na yaman?
10
Isagawa
Matapos mong mabasa na ang paglaki ng populasyon ay may malaking epekto sa pagkaubos ng
likas na yaman, pagkasira ng pisikal na katangian ng ating daigdig at pagkakaroon ng mga suliraning
pangkapaligiran sa Asya at sa malaking parte ng ating daigdig, gumawa ka ng isang open letter o bukas
na liham para sa iyong kapwa kabataan at mga magulang na naglalaman ng panghihikayat sa kanila
upang makatulong na mabawasan ang mga suliraning kinakaharap natin sakasalukuyan.
Pamantayan 5 3 1 Puntos
Lubusang Simpleng
Naipakikita ang
naipakikita ang naipakikita ang
Nilalaman tungohin ng liham.
tungohin ng tungohin ng
liham. liham.
Walang mali sa
Paggamit ng paggamit ng maliit at May 1-3 maling May 4 o higit pa na
Bantas malaking titik bantas maling bantas
May 4 o higitpa na
May 1-3 mali sa
Paggamit ng Walang mali sa mali sa paggamit
paggamit ng salita
Salita paggamit ng salita ng salita
Mahusay mong naisagawa ang mga gawaing naiatas sayo. Binabati kita sa iyong
pagtitiyaga at pagsusumikap na matapos ang mga gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito naman
ay tatayahin natin ang iyong mga natutunan sa buong aralin.
11
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwadernong
pang aktibiti.
A. I, III, IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. .I, III, IV .
4. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming
mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang
mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, Ano ang magiging
implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
5. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating
pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo
mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa
produksiyon.
12
C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad
ang Agrikultura.
D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-
aabuso ng tao.
7. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy
ang pagtaas ng populasyon?
A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa.
B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang -yaman ng mga bansa.
C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.
13
11. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating
kapaligiran?
A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga
plastic
B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan
C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di
pagputol ng maliliit na mga punong kahoy.
D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan
11. Kapag nangyari ang deforestation o pagkakalbo ng mga kagubatan sa inyong lugar ano ang
maari mong gawin?
A. Iwasan ang di tamang pagtatapon ng basura
B. Linisan ang mga kanal o mga daluyan ng tubig
C. Malalaking puno lamang ang puputulin
D. Magtanim ng maraming punong kahoy
12. Kung ang salinization ay ang paglitaw ng asin sa ibabaw ng lupa na kapag nanuot sa tubig ito’y
nagiging maalat, ano naman ang kahuluhan ng desertification?
A. Pagdami ng asin na hydroxide na sodium, potassium, lithium o ammonia
B. Pagiging tuyo o lubhang tuyo ng lupa
C. Pagiging salt water o brackish water ng balon ng tubig
D. Labis na presyur at pang- aabuso sa lupa
14. Anong konsepto ang nangahulugang pagkakaiba-iba at pagiging katangi- tangi ng lahat ng
anyo ng buhay na bumubuo sa natural na kalikasan. Anong konsepto ito?
A. Ecological Balance
B. Biodiversity
C. Kapaligiran
D. Likas Yaman
14
Karagdagang Gawain
Halimbawa:
Matagumpay mong naisagawa ang lahat ng mga gawain. Binabati kita sa iyong husay at
galing. Ipagpatuloy mo ang iyong magandang simulain. Inaasahan ko na maisasabuhay mo ang
iyong natutunan.
15
Sanggunian
Modyul
Blando, Rosemarie,et.al.Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba, Araling
Panlipunan(Modyul ng Mag-aaral),Project EASE pp. 42-53 Araling Panlipunan Module
, Grade 8
17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)