1 Step Forward 6

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 10

ONE STEP FORWARD part6

by A.R.I.A.N.

Tarantang tumakbo na rin si Lyca, hindi nya malaman ang gagawin, lalo nat nakikita
nya yung iba na umiiyak, nagsisigawan at walang malamang gawin, nandoong may
magtalunan sa ibabang floor, may nagsiksikan sa escalator, sa hagdan. Kanya kanyang
tulakan, bata, matanda, babae o lalaki, may nakita pa nga siyang buntis pero dahil
sa takot ay hindi na iyon inalala pa ng iba. Nakisabay sa pagtakbo si Lyca, walang
pkialam ang mga bumubunggo sa kanya. Madulas dulas naman sya dahil sa sapatos na
suot nya. Malapit na sya makababa ng hagdanan ng mapansin sa taas na may isang bata
ang umiiyak. Hindi kinaya ng konsensya ni Lyca na balewalain ang bata kaya kahit
siksikan ay pumanik ulit sya. Binuhat niya ang bata at saka muling pumunta sa may
hagdan pero sobra sobra na ang siksikan kaya tumakbo sya sa isa pang hagdan, sakto
naman na nasalubong nya ang ina ng bata na agad kinuha sa kanya ang anak.

Isa pang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong mall na nagdagdag naman ng mas
malaking takot sa mga tao, mas mabilis at mas agresibo sa ginagawang pagtakbo.

Si Lyca naman ay nilingon pa ang pinanggalingan ng pagsabog habang tumatakbo, at ng


humarap ay nakita niya ang sarili sa harapan na sabog sabog at puro dugo ang mukha
at katawan. Nanlaki ang mata nya sa nakita, at di naiwasang mapahinto pero yun ang
pinakamalaking pagkakamali ni Lyca, isang lalaki ang nakabunggo sa kanya, dumulas
ang sapatos na suot at tuluyan na syang tumumba pahiga. Tatayo na sana sya kaagad
ng isa na namang malakas na pagsabog ang narinig at dahil dito ay mas mabilis na
nagtakbuhan ang mga tao, at tuluyan ng hindi napansin si Lyca. Sunod sunod na apak
ang natanggap ng dalaga,sa katawan, sa paa, sa ulo at sa mukha, may isang
nakatakong pa ang nakaapak sa mata nya. Hindi na nakuha pang sumigaw nito.

"Oy Jiro, nagriring ang cellphone mo!" tawag ni Nathan sa kaibigan ng mapansin na
tulala na naman at hindi makuhang galawin ang pagkain.

Sinagot ni Jiro ang cellphone, si Lyca ang tumatawag.

"Im sorry Jiro, hindi ako nakinig sayo, Im sorry.." umiiyak na sabi ni Lyca.

"Hello, Lyca! Lyca!" panic ni Jiro at biglang...

***

Isang pagsabog..

Madaming tao nagtakbuhan..

Isang babae ang nadapa..


Naapak apakan ito..

si Lyca!..

***

Nagising si Jiro mula sa pangitain dahil sa tunog ng cellphone, may nagpadala sa


kanya ng MMS. Nang buksan nya ito ay sumambulat ang larawan ni Lyca na halos wasak
ang mukha, puro dugo at wala ng buhay.

"Aaaarrggggghhhhhhhhhhhhh!!"

isang malakas na sigaw na lamang ang nagawa ni Jiro para sa kaibigan.

+
Nagwawala si Jiro sa loob ng kwarto nya, lahat ng makitang gamit ay pinaghahahagis
nya, hindi sya mapigilan ng mga magulang at kapatid. Kagagaling lang nila noon sa
libing ni Lyca. Dead on the spot ang dalaga ng makita, wasak halos ang mukha dahil
sa bugbog sa apak.

Nahuli na din ang dalawang lalaki na nagpasabog ng mall, sila yung dalawang
nakasabay ni Lyca sa elevator.

Mula ng umuwi galing probinsya ay hindi na nakausap si Jiro, ni hindi nga ito
kumaen, nakakulong lang ito sa kwarto, ni hindi ito pumunta sa burol ni Lyca,
pinilit lang ito pumunta sa libing pero hindi naman lumapit sa mismong libing.

At eto nga, paguwing paguwi ni Jiro ay nagwawala ito, hinahagis lahat ng gamit,
walang pakialam kung mamahalin yung maihagis o hindi.

"KASALANAN KO TO! KASALANAN KO TO! SORRY LYCA! SORRY! KASALANAN KO TOOOO!!!!"sigaw


na hinagpis ni Jiro.

Sinisi nya ang sarili dahil mas maaga sana syang nakatawag kay Lyca para balaan ito
kung hindi nya inuna ang ibang tao. Nasabi sana nya kaagad ang maaring mangyari sa
kanya, nailigtas pa sana nya ang buhay ng kaibigan.

Babatuhin na sana nya ang salamin ng makita nya doon si Lyca na malungkot. Parang
nanghina naman si Jiro sa nakita at napayuko at saka humagulgol sa kakaiyak.
+

Ilang araw ding nagkaganon si Jiro, lahat na ng panguutp ginawa ng maganak, pati
ang mga kaibigan nito na si Candice at Nathan na syang tumawag sa employer ni Jiro
para ipaalam na mageextend pa ito ng bakasyon.

"Jiro, wag ka namang ganyan, hindi ka kumakaen, ni hindi ka naliligo, ano ba? Wala
na bang kwento sayo buhay mo? Tingin mo ba matutuwa sayo si Lyca sa nangyari sayo!"
naiiyak na sabi ni Candice.

"Umalis na kayo!!" wika ni Jiro.

"Look at yourself! You look so miserable, you're not the same Jiro that we used to
know!" sabi naman ni Nathan.

"Umalis na kayo! Umalis na kayo!"sigaw ni Jiro. "Hindi nyo alam alam ang nangyayari
sa akin! Wala kayong alam! Kahit kailan hindi nyo maiintindihan kaya mas mabuti pa
na umalis na lang kayo!!"

"Fine! If you dont want us here, okay! Sana lang masaya si Lyca kung nasaan man sya
ngayon!" galit na rin na sabi ni Nathan at saka lumabas ng kwarto at inaya si
Candice. Si Jiro naman ay naiwang nakayukyok.

"Jiro.. Jiro.. Gising ka na.." tawag kay Jiro ng isang pamilyar na tinig. Dahan
dahan nyang dinilat ang mata.

Si Alyssa, nanaginip ba sya, sa isip nya, tama ba tong nakikita nya, tumayo ang
babae at kinuha ang tray na may lamang pagkaen.

Sinampalukang manok, piniritong dalagang bukid, kanin, at may manggang hilaw pa,
may buko juice pa.

"Niluto ko para sayo to, ilang araw na hindi kumakaen sabi ni Nath.."
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na putol nito sa sinasabi ni Alyssa.

"Sinundo ako ni Nathan, baka daw matulungan kita at..."

"Kaya mo bang buhayin yng kaibigan ko? Eh si Marge? Si Milo, si Chloe? Kaya mo ba
silang buhayin? Kung hindi mo kayang gawin yon wala kang maitutulong!" galit na
sabi nito."Ilabas mo na yang pagkaen na yan, ayokong kumaen!"

"Pero Jiro..."

"Sinabi na ayokong kumaen e!!" malakas na sabi ni Jiro at saka ihinagis ang tray na
may lamang pagkain.

Natulala si Jiro sa inasal ni Alyssa pero agad ding nakabawi ito, pinulot nya ang
mga ntatapon, nakita iyon ni Jiro. "Umalis ka na, hindi ko sinabi sayong pulutin mo
yan!"sita nito dito pero hindi patuloy pa din si Alyssa sa ginagawa, ikinainis ni
Jiro yon kaya tumayo sa kinatatayuan at saka tinabig si Alyssa. "Sinabi ng umalis
ka na e!"

Natumba si Alyssa, at sa unang pagkakataon ay nakita ni Jiro na umiiyak ang


misteryosang dalaga.

Nahabag ang kanyang puso pero pinigilan nya ang sarili.

"Huwag mo akong iyakan at hindi mo ako makukuha sa pagiyak iyak mo!!"sigaw nito
dito.

Biglang lumakas ang hangin, kinilabutan si Jiro sapagkat sarado naman ang bintana
ng kwarto nya at maya maya pa ay nakarinig sya ng isang pamilyar na iyak na
nanggagaling kay Alyssa. Tiningnan nya ang dalaga at nanlaki ang kanyang mga mata
ng makitang nagbago ang anyo ni Alyssa, at dahan dahan itong humarap sa kanya ng
umiiyak.

"Lyca!" bulaslas ng Jiro ng makita na imbes na si Alyssa ay si Lyca ang kaharap


nya.

"Tama na Jiro.. Tama na... Patahimikin mo na ako.. Patahimikin mo na ako.." wika ni


Lyca, nakakakilabot ang itsura nito sapagkat ang itsura nito ay katulad ng makita
siyang patay sa mall.

"Lyca... Im sorry.. Im sorry.." tanging nasambit nya at saka umiyak ng umiyak, maya
maya ay naramdaman nya na may humahaplos sa likod nya, pagtingin nya ay ibang Lyca
na ang nakita, maayos na ang mukha, at nakangiti. "Hindi kita sinisisi Jiro, hindi
talaga, kaibigan kita..." pagkasabi noon ay hinawakan ni Lyca ang mata ni Jiro at
pagkatapos noon ay nakaramdam ng malakas na hangin si Jiro. Dahan dahan nyang
minulat ang mata, hindi na nya nakita si Lyca, si Alyssa na lang ang nandoon.
Napaluhod si Jiro at tumangis para sa kaibigan, si Alyssa naman ay lumapit dito at
niyakap sya..

"Wala na sila?" tanong ni Jiro kay Alyssa habang nagdadrive, naging maayos na si
Jiro at nakadalaw na din ito sa sementeryo, matapos ang ilang araw na pamamalagi ni
Alyssa kila Jiro dahil sa pakiusap ng mga magulang nya ay hinatid na nya ito sa
probinsya. At habang nasa daan ay nabanggit ni Alyssa na wala na ang espiritu ni
Chloe at Lyca na nakasunod sa kanya.

"Oo, akala ko noong una hindi sila aalis sa tabi mo pero ng pansinin ko ay wala na
silang dalawa." seryosong sabi ni Alyssa. "marahil ay nakuha na nila ang gusto
nila, hustisya para kay Chloe at katahimikan mo para kay Lyca.

"pero paano yung dalawang mas nauna pa na namatay? Si Marge at Milo?" tanong ni
Jiro.

Imbes na sumagot ay tumingin si Alyssa sa salamin kung saan nakikita nya ang
dalawang kaluluwang nabanggit.

Nakuha naman ni Jiro ang ibig sabihin non kaya kahit hindi nakikita ay tumingin din
sya sa salamin.

"Hindi pa siguro nila nakukuha ang gusto nila.." hindi siguradong sagot ni Alyssa.

"Pero ano ang gusto nila? Ni Marge? Ni Milo? Ano ba ang gusto nila?"tanong niya.

"Hindi ko alam, ayaw nila makipagusap sa akin Jiro, kaya marahil kailangan mong
tuklasin yan sa sarili mo" wika ni Alyssa.
Napakibit balikat na lang si Jiro at pinagpatuloy ang pagdadrive, maya maya pa ay
nakarating na sila sa bahay ni Alyssa.

"Mano po lola,"bati ni Alyssa sa lola.

"Kaawaan ka ng diyos, o kamusta ka na Jiro?"tanong ni Lola Juaning.

"Mabuti namab po Lola Juaning.." nakangiting wika ni Jiro.

"Jiro, kung ano man ang meron ngayon ay gamitin mo sa mabuting paraan, wag ming
itakwil ang bigay sayo ng maykapal" madamdaming pahayag ng lola ni Alyssa.

"Mahirap pong ipangako na agad agad kong matatanggap kung ano mang meron ako, pero
susubukan ko po" wika ni Jiro.

"Ang sabi nga pala ni Tata Valentin, marahil ay nakuha mo yan sa isang aksidente, o
di sinasadyang pagkabagok ng ulo mo, may ganto bang nangyari sayo?" usisa ni Lola
Juaning.

"Opo, nung nasa Japan pa po ako, naaksidente po ako, isang linggo po yun bago ako
makauwi ng pilipinas"

Kwento nito.

"ganyan din ang nangyari sa akin noon hijo, nung bata pa ako ay nahulog ako sa
hagdanan, at nagising na lang ako na nakakita ng mga hindi ko gusto,yun pala ay
nabuksan na ang 3rd eye ko" kwento ni lola Juaning.

Matagal tagal din nagkwentuhan ang tatlo, gabi na ng magpaalam si Jiro, ayaw sana
itong pauwiin ng maglola pero mapilit si Jiro, kailangan nya daw umuwi dahil
magaayos pa sya ng gamit, isang linggo na lang kasi ang itatagal nito sa Pilipinas.

Kaya walang nagawa ang maglola kung hindi pumayag.

Sa daan pauwi ay kung ano ano ang nagtakbuhan sa isip ni Jiro, bakit kasi sya pa
ang binigyan ng gantong kakayahan.

Abalang abala sya sa pagmamaneho ng biglang isang nakakakilabot na hangin ang


dumaan sa batok nya. Tumingin sya sa salamin at kamuntikan na siyang mabunggo ng
makita nya na nasa likuran nya si Marge. Malungkot ang mata.

"Anong kailangan mo Marge? Ano? Bakit ayaw mo pa manahimik?!" wika ni Jiro at saka
hininto ang sasakyan. "Sabihin mo sa akin? Ano pa ba ang gusto mo?"sabi ni Jiro
sabay lingon sa likuran pero wala na doon si Marge.

Naiiling na binuhay muli ni Jiro ang makina at saka pinagpatuloy nito ang
pagmamaneho. Kailangan na nang may gawin sya kung ano man ang problema ng mga
kaluluwang hanggang ngayon ay kasama pa nya.

"O bakit ka malungkot? Kasi aalis na si Jiro sa isang linggo?" bati ni Lola Juaning
kay Alyssa ng makita itong tulala sa isang tabi.

Pero hindi kumibo si Alyssa, bagkus ay lumuha na lang ito at pinagpatuloy ang
pagtanaw sa malayo.

"O sya nga pala, dumating na yung hinihintay mo.." nakangiting sabi ni Lola
Juaning.

Nanlaki naman si Alyssa sa narinig, at saka napalitan ang malungkot na mukha ng


kasayahan.

"Oo, nung nasa Maynila ka, dumating na lahat ng papeles natin, isang linggo na lang
ay pwede na tayo umalis" masayang sabi ng matanda.

"Makakasama ko na si Mama at Papa Lola," tuwang tuwang sabi ni Alyssa.

+
"Ayokong kumaen Manang Delia, wala akong gana."sabi ni Yumi.

"Yumi naman, ano ka ba, lagi ka na lang walang gana!" galit ni Manang Delia.

Ganong eksena ang naabutan ni Jiro, at hindi lang ang eksenang iyon ang nakaagaw
pansin sa kanya, si Milo, nasa likod ni Yumi at nakatingin sa kapatid, hindi lang
basta basta nakatingin, nakayakap ito sa tiyan ng kapatid.

"Lumayo ka!!"sigaw ni Jiro.

Napatingin naman sa kanya ang kapatid at katulong.

"Kuya? bakit?!" takang tanong ni Yumi.

"Bakit ba ayaw ka niyang tigilan?! Bakit!!"galit na tanong ni Jiro sabay hila sa


braso ng kapatid."Bakit?!"

"Kuya! Nasasaktan ako!" gulat na tanong ni Yumi. Isang kamay naman ang biglang
humawak sa kamay ni Jiro at ng lingunin nya iyon ay nandoon si Milo na duguan at
nanlilisik ang mukha. Napabitiw sya sa braso ng kapatid.

"Kuya! Ano ba ang nangyayari sayo? Lately nagiging weird ka na ah! Ano bang
problema!" nababahalang sabi ni Yumi.

Narinig ng iba nilang kasamahan sa bahayang sigawan ng magkapatid kaya pinuntahan


nila ito.

"Hajiro! Natsume! Ano ba naman kayo at sigawan kayo ng sigawan!" galit na sita ni
Reynold.

"Eto kasing si Kuya e, bigla na lang aki sinigawan at sinakatan!" asar na sabi ni
Yumi.

Binaling naman ng kanilang ama si Jiro. "Ikaw! Magpaliwanag ka! may


pinagkakagalitan ba kayo!!"
Natahimik si Jiro at hindi kumibo.

"Hajiro Del Carmen! !" galit na tawag na nito.

"Hijo, ano ba nangyayari sa sayo?!"

Alalang tanong ng kanilang ina.

"Kung sasabihin ko ba kung bakit ako nagkakaganto maniniwala kayo?!"nanginginig na


sabi ni Jiro.

"Jiro, we are your family, ofcourse we'll believe you." madamdamin namang pahayag
ng ate nya at saka sya pinuntahan at niyakap.

"Nakikita ko kung papaano sila mamamatay! Si Marge, si Milo, si Chloe, pati si


Lyca! Bago pa man sila mamatay nakita ko na! Pati kaluluwa nila nakikita ko! Ano
naniniwala kayo?! Maniniwala din ba kayo na kanina lang nakita ko si Milo na
nakahawak sa tiyan ni Yumi! Ngayon nyo sabihin sa akin na naniniwala kayo!"
mahabang wika nito.

Pero imbes na sagot mula sa magulang ay narinig nila ay panaghoy ni Yumi ang
narinig.

"Sorry Milo, huhuhuhu..im sorry, im sorry," malakas na iyak ni Yumi at saka


lumupasay sa sahig. "wala naman ako balak ituloy yun e! Sasabihin ko naman sa
kanila e!"

Lumapit si Aiko sa kapatid at inalo ito,"Ano ba problema?" tanong nito.

"Ma, Pa.. Buntis po ako... " maikling sagot ni Yumi.

At doon tila natunaw ang puso ng mag-anak at lumapit kay Yumi at niyakap ito.

Napangiti na lang si Jiro, sa isip nya, marahil ito ang gusto ni Milo, nilingon nya
ang kapatid at doon nakita nya na isang maayos na Milo na ang nakita nya, nakatanaw
ito kay Yumi at nakangiti.

You might also like