Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

ANG DIWATA NG UDUDYAO

Sulat at Ilustrasyon ni: Fleximae R. Panes

Amianan. Maraming depinisyon ang tahanan.


Puwedeng nararamdaman mo ang diwa ng
amianan sa mga kaibigan mo, o di kaya ay sa
iyong mga kaklase, sa iyong iniirog, o ang mismo
mong mga kadugo. Ngunit kay Addamay, naging
ligtas na niyang tahanan ang gillum o ilog na
matatagpuan sa baryo ng kaniyang inna(lola)
Damgay. Lumaki si Addamay sa siyudad. Ito ay
dahil ang mga magulang niya ay nagtatrabaho
roon at mas malapit at malalaki ang mga paaralan,
marami rin ang mga pook-pasyalan na pwede
puntahan. Nag-iisang anak lamang si Addamay
kaya naman ang gusto lamang ng magulang niya ay magkaroon siya ng magandang
buhay kung kaya’t kahit wala siyang mga kapatid ay marami pa rin siyang mga
kaibigan sa siyudad. Malapit din siya sa kanyang mga kamag-anak kung kaya ay
nakakapaglaro din siya sa kanyang mga pinsan. Pero kung pagpipiliin man si
Addamay, mas gugustuhin niyang manirahan sa baryo kasama ang lola niya kaysa sa
siyudad.

Malapit si Addamay sa kanyang inna sapagkat nag-iisa na lamang ang


matanda na naninirahan sa kanilang baryo. Ang kanyang umma(lolo) ay matagal ng
yumao noong dalaga pa ang kanyang ina kaya naman ang inna niya ang nagpatuloy
itaguyod ang kanilang mga anak hanggang sa nagkaroon na rin sila ng mga sari-
sariling pamilya. Noong naisilang na si Addamay ay parang nagkaroon muli ng liwanag
ang tahanan ng kanyang inna. Halos ang inna niya ang nagpalaki at nag-alaga sa
kaniya habang ang mga magulang niya kumakayod para sa kanilang pamilya. Ngunit
dumating din ang panahon na kung kailan ay lumalaki na rin ang bata at kailangan na
niyang pumasok sa paaralan. Masakit man ngunit walang nagawa ang lola kundi
pumayag sa desisyon ng magulang na dalhin si Addamay sa siyudad. Nagpaiwan na
lang din ang matanda sa baryo dahil hindi na rin niya kaya ang mahabang biyahe
pababa sa siyudad at masyadong okupado din para sa edad niya ang buhay doon.
Ngayon ay siyam na taong gulang na si Addamay ngunit hindi niya pa rin
nakakaligtaan na bisitahin ang kanyang inna sa bundok. Nakakalungkot man pero
nakakauwi lamang sila roon sa tuwing may bunong o binyag ng ka-baryo nila,
baysanan o pag-iisang dibdib ng magsing-irog, o tuwing bakasyon kung kailan
ginaganap ang kaamulan o pista ng lugar nila. Mahigit limang oras ang panakayon
mula sa siyudad paakyat sa baryo nila sa bundok. Pampasaherong jeep lamang ang
gamit pambiyahe ngunit kaya nitong magsakay ng pasahero sa itaas, tumawid sa mga
ilog at umakyat sa matatarik na daan ng mga bundok. Medyo mahirap at hindi tiwasay
ang buong biyahe ngunit tinatanggal naman ng mga magagandang tanawin ang
pagkabalisa ng mga pasahero sa paglalakbay. Magiliw sa panauhin ang mga tao sa
Ududyao na para bang mga bagong pangayaw sila sa lugar kaya naman ay sa tuwing
makakarating na ang jeep sa kanyang destinasyon, malugod itong sinasalubong ng
mga tao lalo na ang lola at mga kaibigan ni Addamay. Mahal na mahal si Addmaya ng
buong baryo nila kung kaya’y nagigiliw siya laging umuwi roon. Ang mga araw na
paninirahan niya sa lugar ng kanyang lola ay nagiging masaya. Ginugugol niya lahat
ito sa paglalakbay sa mga magagandang tanawin at pakikipaglaro sa kanyang mga
kaibigan at nagpipiknik sa mga ilog. Minsan sumasama rin siya sa mga kalalakihan
na umaakyat ng bundok o di kaya’y nanghuhuli ng mga isda. At sa gabi naman ay
pumupunta siya sa kapitbahay kasama ang kanyang mga kaibigan upang manood ng
mga paborito nilang mga aksyon na palabas. Kada-araw din ay hindi niya
nakakaligtaan na bisitahin ang kaniyang paborito ilog. Tila ba ay parang mayroong
sibul ning lugud at malalim na koneksyon ang dalawa at hindi na sila mapaghiwalay
sa tuwing umuuwi si Addamay sa lugar. Kaya naman naging panaad na niya na balik-
balikan ang ilog sa tuwing siya ay nakakauwi sa baryo. Ngunit hindi niya alam na may
koneksyon ang gillum sa araw ng kanyang pagkasilang at pagkamulat dito sa mundo.
Ang pangyayaring ito ay naging makasaysayan sa kanilang baryo at ang ilog ng
Ududyao ay nababalot pala ng isang hiwaga.

Sa bulubundukin ng Cordillera ay matatagpuan ang mga iba-ibang katutubo na


tinatawag na itneg o ‘ang mga tao ng bulubundukin’ at nabibilang dito ang tribong
Kankanaey na kung saan ay pinagmulan ng mga kapu-un ni Addamay na noong
unang panahon ay isang mga tribong lagalag. Isang maliit ngunit payapang barrio ang
Ududyao. Ang pamumuhay ng mga tao rito ay walang pinagkaiba sa ibang tribong
namumuhay rin sa bundok. Payak, payapa, at masayahin ang pamumuhay ng mga
mamamayan doon. At kagaya rin ng iba, may mga kanya-kanya rin silang mga
tradisyon, kultura at pamahiin. Naniniwala ang mga tao ng Ududyao na ang mga
diwatang ito ang tumulong sa kanila upang mahanap ang lugar at magsimula ng
permanenteng buhay doon. Binabantayan din ng mga diwata ang kanilang mga ilog
at bundok kung kaya ay sagana sila lagi sa kanilang pamumuhay. Sinasabi nila na
ang mga diwatang ito ay may iba’t-ibang anyo. Ang mga Tunton-balagon o mga
alitaptap ang nagbabantay sa mga bundok tuwing gabi at nagpapalit ito sa anyong
agila tuwing liwanag. Pinangalanan nila itong Tung-ay na nagkakahulugan na matibay
na pundasyon dahil ang diwatang ito ang nagpapatibay sa mga puno at lupa ng mga
bundok. Ang ilog at mga gillum naman ay binabantayan ng isang diwata na nag-
aanyong paru-paro at magindara o isang sirena at pinangalanan ng mga tao ito na
Damay na sumisimbolo sa mahabag na pakikiramay nito sa mga taong naninirahan
dito. Dito na nagsimula ng panibagong buhay ang mga tao at pinangalan ang lugar na
ito na Ududyao na nagkakahulugan sa kanilang mahabang paglalakbay. Hindi rin
nagtagal ay dumami narin ang tao sa kanilang lugar at doon na rin isinilang ang ninuno
ni Addamay. Malalim at malakas ang paniniwala ng mga tao ng Ududyao sa mga
ganitong bagay kung kaya’t nirerespeto nila ang kanilang mga likas na yaman sa
pamamagitan ng pag-aalaga sa mga ito. Hindi rin nila nakakalimutan na magbigay ng
pasasalamat sa mga diwata sa pamamagitan ng pagsayaw ng tadek sa tuwing
darating ang kabus sa ikalawa ng Abril.
Ika-dalawampu’t tatlo iyon ng Marso taong Ikadalawamput libo. Sampung araw
na lang bago isilang ang apo ni Damgay sa kanyang bunsong anak na babae.
Napagdesisyun na lamang ng mag-asawa na isilang ang sanggol sa baryo dahil na
rin sa kawalan ng pera para sa gastusin sa ospital. Isang komadrona na lamang ang
tinawag upang magpasilang rito. Maayos ang lagay ng ina habang nakahimlay lamang
sa balkonahe ng kanilang tahanan habang ang ama naman ay tumutulong sa mga
kalalakihan sa ilog. Sa buong siyam na buwan ay naging malusog ang sanggol sa
sinapupunan at walang naging problema doon. Ang tanging inaalala lamang nila ang
magiging pangalan ng kanilang magiging anak. Kaya naman laki ang pasasalamat ng
buong pamilya sa Diyos dahil dito. Walang kasiguraduhan ang paglabas ng sanggol
ngunit ramdam ng ina na malapit-lapit na ang araw na iyon. Nag-alay naman si
Damgay sa mga diwata bilang pagpapasalamat sa pagbabantay sa kanilang baryo
upang magkaroon ng maayos na panganganak ang kanyang anak na babae.

Ilang oras lamang ang lumipas ay tila ba ay parang mayroon silang naririnig na
malakas na pagguho sa isang bundok na di kalayuan sa kanilang baryo. Walang ideya
ang mga tao kung ano nagdulot nito. Isang indibidwal ang nakita ng mamamayan na
nagmamadaling makarating sa baryo, siya ay hingal-hingal at nakikitaan ng bahid na
takot mula sa kanyang nakita. Nag-aalala ang mga tao nung nilapitan siya at ng makita
nila ang hawak niya, isang walang malay na agila ang tumambad sa kanila. Alam nila
na hindi magandang pangitain ito sapagkat maaaring ito ay isang diwata o di kaya’y
tagabantay ng kanilang kabundukan pero alinman sa iyon, lahat ng mga ito ay
pinapahalagahan ng mga tao. Marami ang nabigla, nalungkot, natakot, nag-alala sa
kung ano ang maaaring mangyari dahil dito. Nagalit ang ilan dahil alam nila na ang
mga pangayaw lang ang tanging makakagawa nito. Ngunit umamin din ang indibidwal
na aksidente niya itong napatay habang nagbabayok siya ng puno sa bundok na
gagamtin niya sa kanilang tahanan. Nagimbal ang buong baryo sa pag-amin niya
ngunit wala silang magagawa sa pagkapanaw ng agila. Naibahagi na ang balita sa
buong baryo at nagtipon-tipon silang lahat upang ihimlay ang nakakaawang agila sa
ilalim ng mundo. Nagsimula nang mag-alala ang asawa at anak ni Damgay para sa
kaligtasan ng kanilang anak ngunit huli na ang lahat upang bumiyahe paibaba sa
bayan. Napansin ng mga tao ang pagkabilis ng pagbago ng kulay ng kalangitan,
kumukulimlim na ito na may kasamang pagkulog at pagkidlat na nagpapahiwatig ng
pagdating ng ulan. Dali-daling umuwi ang mga tao sa kani-kanilang tahanan, natatakot
sa kung gano kalakas ang ulan. Hindi nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan.
Normal lamang ito ngunit nakakapag-alala ang tuloy-tuloy na pagkulog at kidlat ng
kalangian.

Nagpatuloy lamang ang kalangitan sa pagbuhos ng ulan hanggang


kinabukasan na siyang dahilan ng pagtaas ng tubig sa ilog. Hinihintay lamang ng mga
tao ang pagtila nito ngunit lumipas ang tatlong araw na tuloy-tuloy pa rin ang pag-ulan.
Nababahala na ang mga tao dahil mamamatay ang kanilang mga pananim na palay.
Si Damgay naman ay nag-aalala sa kalagayan ng kanyang anak dahil kabuwanan na
niya ngayon. Sa kabila ng dinaranas nila ngayon ay nagpapasalamat pa rin sila dahil
ligtas ang buong pamayanan. Matapos ang ika-limang araw ng walang tigil na pag-
ulan ay nagising na lamang ang buong baryo kinabukasan dahil sa matinding init sa
lugar nila na siyang dahilan ng pagkaramdam ng kinis o pamumula at pamamawis.
Tila ba’t parang hindi umulan ng
limang araw sa kanila. Nakita nila ang
panunuyot ng ilog at ang mga tubig
nito na waswas. Ang mga palay din
ay pinalinpin. Umabot ang gantong
sitwasyon ng limang araw at tuluyan
na ring nakakaramdam ang anak ni
Damgay ng pagkabalisa kaya
naman doble ang alaga nila sa
kanya. Dumating ang madaling araw
ay bigla na lamang nakaramdam ang
ina na para bang basa na ang
kanyang ibaba. Tinawag na niya ang
komadrona at inakayan na niya ang
panganganak neto. Hindi naging
madali ang buong pagsisilang, ang
ina ay nakaramdam na ng kinis ngunit inalalayan pa rin siya ng kanyang ina at asawa.
Umabot ng halos apat na oras upang mailabas ang sanggol at sa wakas ay nakita na
ng sanggol ang mundong ibabaw. Lahat ay nagalak sa pagsilang ng bagong sanggol
sa kanilang baryo, nagkataon din na ang araw ng pagkasilang ng bata ay ang
mismong araw din ng pista ng kanilang baryo. Iba ang saya ng ina habang tinititigan
niya habang naka-kibin sa kamay ng kanyang anak na nakahimlay ng payapa sa
kanyang dibdib. Isang paru-paro ang bumungad sa bintana ng tahanan na ang
pagpapahiwatig ng pagbisita at pagbasbas ng diwatang si Damay sa pamilya. Nagulat
din ang buong baryo dahil may nakita silang agila na lumilipad sa itaas ng tahanan
nila Damgay. At doon nabigyan ng ideya ang ina na pangalanan ang anak na
Addamay na ang ibig sabihin ay pag-asa. Sampung araw na trahedya ang nangyari
sa kanilang baryo ngunit sa pamilya ni Damgay, si Addamay ang kanilang naging pag-
asa.

You might also like