Professional Documents
Culture Documents
Panunuri at Mga Teoryang Pampanitikan
Panunuri at Mga Teoryang Pampanitikan
Panunuri at Mga Teoryang Pampanitikan
JOSE
E-mail Address:babyjean.jose@clsu2.edu.ph
MODYUL 3
PANUNURI AT MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
KAHULUGAN
Ayon kay Sanchez (2019) ang kritisismo, sa pinakabuod nito, ay atensiyon—pagbaling,
pagtitig, pagsipat, pagtingin, pagtalima, lalo sa pinakamahihirap na tanong ng, at sa panitikan—
isa pang uri ng konsentrasyon, ng walang pagmamadaling pananatili, at ng pagninilay.
Ibig sabihin nito na nangangailangan ito ng pagpokus ng isang kritiko anumang lente ang
kanyang ginagamit. Ito ay pagtatangkang kilatisin ang isang akda batay sa pansariling
pamantayam o batay sa napagkasunduang pamantayan ng mga iskolar.
Ang kritisismo ay pagpintas, pagpula, o pagpuna. Hindi ito ginagawa upang sangayunan
ang may-akda sa pamamagitan ng mababaw na pag-unawa sa ihahain niyang akda. Hindi rin
naman ito para hamakin siya kung kakikitaan ng kababawan ang kanyang obrang isinulat. Ito ay
isinasagawa upang lubos na maunawaan ang esensiya ng nilalaman ng akda. Kung hindi mo pa
nababasa ang akda, huwag na huwag kang magtatangka na ito ay suriin. Sapagkat ang mga
kaalamang mabubuo mo ay produkto lamang ng iyong mga haka. Ang haka ay walang matibay na
batayan, isang malaking kabaliwan ang ipagkalat sa iba ang ideyang hindi mo naman napatunayan
kahit sa sarili mo lamang. Bago ka magsuri, magbasa ka muna. Sa pagbabasa, hindi kailangan na
magmadali. Dapat ay namnamin ang bawat parirala, huwag pakalilito sa mga mabibigat na salita
o termino sa loob ng akda, lagi mong pakaisipin na hindi matutuklasan ang tunay na gamit nito at
kahulugan kung hindi mo uunawain ang pariralang
kinabibilangan nito(Borela,w.p)
1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining.
2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at
hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig
sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit,
ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.
B. Romantisismo - layuning ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa
pag-aalayng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundongkinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na
gagawin atgagawin ng isang nilalang ang lahat upangmaipaalam lamang ang kanyang pagibig sa
tao obayang napupusuan.Ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europenoong ikalawang hati
ng ikalabingwalong dantaon.
H. Eksistensyalismo -- ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili
o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo
(human existence).Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ngpersonalidad ng tao at
binibigyan halaga angkapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
I. Dekonstruksyon - ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo
sa tao at mundo. Pinaniniwalaan ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw
ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais
iparating ay ang kabuuan ng tao at mundo.Ito ay teoryang pampanitikan na maaari mong baguhin
ang katapusan at maaari a ring magdagdag ng mga tauhan ngunit hindi mo pwedeng buhayinang
mga namatay na sa akda.
K. Arketaypal - ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda
sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa
akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang
mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay
naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ngmay-akda sa mga mambabasa.
N. Marxismo/Markismo-- ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao
ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pagahon mula sa
kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
P.Moralistiko- ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya
o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang
itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
Q.Historikal-ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
R.KULTURAL-- Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at
ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
B. Pagpapalawak sa Aralin
https://youtu.be/MgUT_nSCYPk https://youtu.be/S-
B6oujtsKY
Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular: piling sanaysay, 1976-1996 Soledad S. Reyes ADMU
Press, Quezon City, Philippines, 1997 Panunuring Pampanitikan (Teorya at
Pagsasanay)Patronic
http://ironmao.weebly.com/uploads/5/4/1/6/54162303/mga_teorya_sa_panunuring_pampanitika
n.pdf