Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Basahin ang pag-aaral ni Dr.

Feorillo Petronilo Demeterio III—Ang Balangkas ng


Multikulturalismo at pagbubuod ng Bansang Pilipino. Bumuo ng repleksyon na binubuo ng
tatlong talata (350 salita).

Ito ay tungkol kung paano ang bansang Pilipinas ay bumuo ng balangkas gamit ang
multikulturalismo. Ang mga negatibong kakulangan at aspeto ng isang bansa at kung paano
hinahadlangan nito na makatulong ang balangkas ng multikulturalismo sa pamamagitan ng
pagtugon sa mga importanteng suliranin at usapin katulad ng rehiyonalismo, hidwaan ng mga
Muslim at Kristiyano, katayuan ng mga minoryang pangkat, ugnayan ng mga pangkat etnikong
nagsama-sama sa mga malalaking lungsod, at sa ating pagkakaunawa sa kinabukasan ng mga
pangkat etniko sa mabilis na modernisasyon at globalisasyon at sa mas umiiral na
monokulturalismong nagaganap sa ating bansa. Ang paksang ito ay nagpapayaman ng
kaalaman at abilidad sa pagsusuri at paglutas ng kontekstuwal na suliranin na kinakaharap ng
bansa.

Mahalagang isipin natin nasa pamamagitan ng pagbubuklod at pagsasantabi ng mga pantangi


na meron tayo sa ibang pangkat ay hakbang para makamit natin ang mapayapang pamumuhay.
Kung bibigyan natin ang pansin ang ating mga pagkakaiba-iba hindi natin makakamit ang
pag-unlad ng ating tinatamasa. Samantala, dapat paigtingin ang pagbibigay ng mga kaalaman
at edukasyon tungkol sa tunay na kahalagahan ng multikulturalismo para mabura and
diskriminasyon sa bawat panig.

Sa sanaysay na ito napagtanto ng mga mamamayan ang kahalagahan ng multikulturalismo sa


pagwasak ng dilema at problema sa ating bansa. Malinaw din na binigyan diin nito na ang
rehiyonalismo ay hindi balakid kundi isang sandata upang palakasin at pagtibayin ang ating
nasyonalismo. Dahil sa bandang huli magagamit din ito sa pagsusuri ng mga problemang
kinakaharap sa ating bansa at mapagkukunan ng kaalaman ng ating mamamayan.

You might also like