Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Barron Ghil V.

Avenida

G12 – St. Catherine of Siena

GAWAIN

Sagutin ang tanong:

1. Ano ang isa sa pinakamahalagang uri ng dokumento ating ginagawa na may kinalaman sa atin
edukasyon, abilidad o kakayahan?
Ito ay ang Resume.

2. Isulat sa sariling salita ang pakahulugan mo ng isang resume.


Ang isang Resume ay uri ng dokumento ng pinagsama-samang impormasyon at
detalye ng isang taong nag-aaply ng trabaho. Kasama ditto ang personal na datos, lebel ng
edukasyon, kakayahan at kwalipikasyon, kasama rin ang mga karanasan mo sa trabaho o
posisyong inaaplyan.

3. Bakit mahalaga ang matutunan ang tamang pagsulat ng isang resume / liham pang nag-aaply ng
trabaho? Pangatwiranan.
Sa pagsulat ng resume at liham pang aplikasyon, mahalaga na matutunan ang tamang
pagsulat nito. Ito ay dahil ditto nakabase at nakasulat ang mga kakayahan at kwalipikasyon na
pagbabasehan ng mga employer sa pagtanggap sa mga aplikante. Sa pamamagitan din nitong
resume at liham pang aplikasyon ay malalaman ng employer ang layunin at intension ng
aplikante sa pag-aaply sa isang particular na posisyon.

4. Ano ang unang dapat mong alamin kapag mag-aaply ka ng trabaho?


Kailangan na alamin ang mga mahahalagang detalye ukol sa organisasyon o
kumpanyang nais pasukan. Maaaring magsaliksik o bisitahin ang kanilang opisyal na website
upang maging pamilyar sa operasyon, produkto, tao, layunin, at kultura nila. Nang sa gayon,
ay magkaroon kayo ng magandang kaugnayan sa kanila.
5. Ano ang kahalagahan ng isang resume at liham sa pag-aaply?
Ang resume ay mahalaga sapagkat dito makikita kung saan maaaring kontakin ang
aplikante, makikita at maaral ang kakayahan at kwalipikasyon ng isang aplikante at kung
gaano ito katugma sa trabahong nais pasukan. Sa kabilang banda, sa liham pang aplikasyon
naman makikita at mababasa ang layunin at intension ng isang aplikante sa pag-aaply.

PAGTATASA

Sumulat at gumawa kayo sariling liham aplikasyon maaaring paghahanap ng trabaho,


aplikasyon sa iskolarsyip o kung ano ang nais na liham aplikasyon.

080 Brgy. Kaylaway,

Nasugbu, Batangas

Marso 26, 2021

GNG. NESSA A. PANAGLIMA


Social Worker
Saint Anthony’s Boys Village
Rogationist College, Silang, Cavite

Mahal na Gng. Panaglima:

Isang mapagpala at magandang araw! Ako si Barron Ghil Avenida, isang graduwating na estudyante ng
Sinyor Hayskul sa Rogationist College. Isa rin po akong Intern at bahagi na mismo ng Saint Anthony’s
Boys Village Foundation, at nalaman ko rin po na pinahihintulutan po ninyo ang sino man sa amin na
may gusto na makapagpatuloy ng kolehiyo sa paraalan ng Rogationist College ngunit may mga
kwalipikasyon pa rin. At sa totoo po nyan, Ma’am, ay labis po akong natutuwa sa nalamang kung ito
dahil ito ay nagsisilbing panibagong oportunidad para sa akin upang maipagpatuloy ko ang aking pag-
aaral sa kolehiyo.
Talaga pong determinado po akong matapos ang aking pag-aaral. Kasama ng liham na ito ay ang kopya
po ng produkto ng aking patuloy na pagsusumikap, sakripisyo, at pagtitiyaga sa pag-aaral, ang aking
grado sa sinyor hayskul. Gayon pa man, sa kabila ng aking dedikasyon at kagustuhan, wala pa ring
kasiguraduhan na maipagpapatuloy at makapagtatapos ako ng kolehiyo kung sa kaling hindi ako
makakukuha ng iskolarship na kagaya ng inooper ninyo dahil sa lagay ng aming pamumuhay. Ang akin
pong ama ay hindi ganon kaganda ang trabaho bunga ng pandemya at lockdown, samantala, ang akin
naman pong ina ay walang permanenteng trabaho dahil kumikita lamang siya sa pagtitinda. Mayroon po
akong dalawang kapatid at isa po doon ang nasa kolehiyo na, kung kaya’t lalo po kaming nahihirapan
pagkasyahin ang kita ng aking ama’t ina.

Isa po itong malaking tulong para sa akin at sa aking pamilya kung saka-sakali pong papalarin ako na
mabigyan pa ng pagkakataon na maging iskolar muli ng inyong institusyon. Ipinangangako kong ibibigay
ko po ang aking buong makakaya sa pag-aaral at pagsunod sa mga alituntunin ng kongregasyon. Marami
pong salamat sa inyong oras sa pagbasa nitong aking liham, Ma’am. Nawa po ay lalo pa po kayong
pagpalain lalo na po ang Saint Anthony’s Boys Village at nawa po ay lalo pa pong dumami ang inyong
mga Benefactors.

Lubos na gumagalang,
<lagda>
BARRON GHIL AVENIDA

You might also like