Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

MGA KONSEPTO HINGGIL SA PAGSUSULIT PANGWIKA

Written Report sa FIL142B – Pagsusulit Pangwika

Ipinasa kay DR. DEBBIE M. CRUSPERO

Departamento ng Filipino

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at

Humanidades

Mindanao State University

Fatima, Lungsod Heneral Santos

Bantilan, Lennen Joy

Bayato, Noraida T.

Benitez, Estella Marie M.

Boslon, Manisha O.

Petsa: 10/19/2021

1
MGA KONSEPTO HINGGIL SA PAGSUSULIT PANGWIKA

Isa sa mga pinaghahandaan ng mga mag-aaral ay ang pagsusulit.


Ginugugulan ito ng mahabang panahon ng pag-aaral at ilang gabing walang
tulog. Sa loob ng paaralan iba’t ibang uri ng pagsusulit at pagtataya ang
pinagdadaanan ng mga mag-aaral pati na rin ng mga guro. Sa pamamagitan
ng mga pagsusulit nasusukat ang kaalaman at kakayahan ng mag-aaral at
nabibigyan din ng espasyo sa pag-unlad ang mga mag-aaral at guro.

Tingnan natin ang mga konseptong nakapalibot hinggil sa pagsusulit


pangwika.

Kahulugan ng Pagsusulit Pangwika

Ayon kay Liwanag (2017), lahat ng awtentikong gamit ng wika ay


pagsusulit sa wika kung ito ay naaayon sa sitwasyon at may kahulugan at
kumprehensyon. Batay naman kay Badayos (2008), ang pagsusulit ay isang
panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang paglalapat ng mga
pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Ang pagsusulit ay maaaring
maging pormal kung itinakda at may proctor, at kung inoobserbahan ng guro
ang mag-aaral habang mayroon silang pagtataya o pangkatang gawain ay
matatawag itong impormal na pagsusulit.

Ayon naman kay John Norris (2000), ang pagsusulit pangwika ay isang
instrumento o paraan upang makalap ang mga partikular na uri ng
impormasyon, karaniwang mga impormasyong may kaugnayan sa
kakayahang pangwika ng mga mag-aaral. Ang mga pagsusulit pangwika ay
may iba’t ibang pormat, haba, uri ng aytem, panukan sa pagbibigay ng puntos
at midya. Dagdag pa ni Badayos (2008), mahalaga ang pagsusulit bilang
bahagi ng proseso ng pagtuturo-pagkatuto. Sa isang mag-aaral sa wika,
nagiging daan ito sa lubusang pagkatuto ng wika. Natututo ang mga bata
habang nag-aaral para sa kanilang pagsusulit at pagkatapos na maiwasto
ang kanilang papel.

2
Ayon kina Bachman at Palmer, ang pagsusulit pangwika ay nagbibigay
ng sukat na maaaring makapagbigay ng interpritasyon bilang isang indicator
ng kakayahan sa wika ng isang mag-aaral. Batay din kina Fulcher at
Davidson (2007), ang pagsusulit at ebalwasyong pangwika ay isang
mahalagang yugto sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng wika dahil
tumutulong ito sa pagmomonitor ng edukasyunal na pag-unlad ng mga pag-
aaral at upang i-ebalweyt ang kalidad ng isang sistemang pang-edukasyon.

Iba pang Kahulugan ng Pagsusulit Pangwika:

 Ang pagsusulit pangwika ay sumusukat sa kakayahang pang-


aplikayson at kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa wika.
 Ang pagsusulit pangwika ay isinasagawa upang mangolekta ng
impormasyon at masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral.
 Ito ay mga grupo ng tanong na sumusukat sa tiyak na topiko o
kakayahan sa wika; ito ay ginawa upang ilahad sa isa o
maraming mag-aaaral sa itinakdang panahon.
 Isang paraan din ito upang madetermina kung tutuloy pa sa
susunod na talakayan o uulitin ang ginawang talakayan at kung
ano ang natutunan ng mga mag-aaral at kung ano ang
kahusayan ng guro sa pagtuturo ng wika.
 Ang pagsusulit pangwika ay ginagawa rin upang mabigyan ng
grado ang mga mag-aaral.

Pagpapakahulugan ng Pagsusulit Pangwika sa tradisyunal at


modernong pananaw batay kay Dr. Liwanag (2017):

Tradisyunal na Pananaw Makabagong Pananaw


Paggamit ng papel at lapis na Pasalitang pagsusulit, mga
pagsusulit sa pagtataya ng wika. alternatibong pagtataya.

3
Pagsusulit na ang nilalaman ay ang Pagsusulit na ang tinataya ay gamit
istruktura ng wika. (1940,1950 - ng wika – na may kahulugan at ayon
Structuralist) (Surface-oriented sa mga pangangailangan – Meaning
Language Tests). Oriented Language Tests.

Ang mga aytem ay binubuo ng mga Ang mga aytem ay binubuo ng mga
obhektibong pagsusulit – na may isa pagsusulit na ang mga sagot ay iba-
lamang tinatanggap na sagot. iba ayon sa mga pagkakaiba-iba ng
mga mag-aaral.

Paggamit ng multiplechoice items – Pagbibigay laya sa pagsagot ng mga


na hindi naman sumusukat sa magaaral.
kasanayan sa wika.

Ang mga pagsusulit bagamat Magkakaugnay na pagtataya sa


sumusukat sa mga kasanayan- kasanayan o pangkabuuang
ngunit ang mga ito ay hiwa-hiwalay kasanayan sa wika (integratibo).
at walang kaugnayan sa isa’t isa
(diskrito).

Pagbibigay-diin sa pamantayan ng Sa pagsusulit sa wika ang mahalaga


validity o reliability na siya lamang ay ang gamit ng wika sa
tagapagtaya kung ang pagsusulit ay makahulugang sitwasyon.
balido o may halaga.

Ang desisyon sa ano ang nilalaman Mahalaga rin na malaman ng mga


ng pagsusulit at paano ito ibinibigay mag-aaral o magbigay ng mungkahi
ay nasa guro lang. ang mga mag-aaral sa gagawing
pagsusulit.

4
Sa tradisyunal na pananaw ang Integral na bahagi ng instruksyon o
pagsusulit ay isang paraan lamang pagtuturo – at siyang daan
ng pagbibigay ng grado o marka. upangmatamo ang tinutungong
layunin sa pagtuturo.
Pagsusulit Iskor Marka/Grado
Pagsusulit Pagkatuto

Kahalagahan ng Pagsusulit Pangwika

1. Nagbibigay ng gabay sa pagpaplano, pagpapatupad at pagpapayaman


ng paraan ng pagtuturo ng wika at mga kagamitang pampagtuturo
gagamitin.
2. Nakakamonitora ng pag-unlad ng kakayahan at kaalaman ng mag-
aaral tungkol sa wika.
3. Nakatutulong upang hikayatin ang mga mag-aaral na matuto dahil sa
kaalaman tungkol sa resulta, kaalaman tungkol sa matugampay na
pagtatapos ng itinakdang gawain, magandang grado at mga papuri.
4. Sumusukat sa resulta ng pagtuturo
5. Nagbibigay ng impormasyon sa mga magulang kung ano ang lagay ng
kanilang mga anak sa paaralan.

Layunin ng Pagsusulit Pangwika

Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsusulit ay pabago-bago batay na


din sa sitwasyon (Carbonell). Sa pagpili ng mga pagsusulit pangwika na
angkop sa iyong layunin sa pagtuturo, tanungin ang sarili ng mga
sumusunod:

1. Bakit ako magsasagawa ng pagsusulit pangwika?


2. Nais ko bang malaman ang katayuan ng aking mga mag-aaral sa
kanilang kasanayan sa paggamit ng wika?

5
Gawaing psychometric ang pagsusulit pangwika, sa tradisyunal nitong
konteksto ay isinasaalang-alang ang produksyon, debelopment at pag-
aanalisa ng pagsusulit. Subalit ang mga bagong pananaw nito ay kritikal
at etikal ang naging dahilan ng mas pagbibigay ng halaga sa pagsusulit
pangwika. Ang layunin nito ay upang matukoy ang kakayahan at
kaalamann ng isang mag-aaral sa isang wika at upang maikumpara ang
abilidad nito sa iba pa.

Ang naturang kakayahan ay maaaring may iba’t ibang uri,


achievement, proficiency o aptitude. Ang mga pagsusulit ay binuo ng mga tiyak
na gawain kung saan nalalaman ang kakayahan sa wika ng isang mag-aaral.

1. Nagpapaalam sa guro ng naging pag-unlad ng kaalaman sa wika ng


mag-aaral.

Sa pamamagitan ng pagsusulit pangwika, nalalaman ng guro


kung sino sa kanyang mag-aaral ang nagiging magaling o kung sino
ang umunlad ang kaalaman sa wika.

2. Nagpapaalam sa mag-aaral ng inunlad ng kanilang kaalaman sa wika.

Sa pagsusulit pangwika ay nalalaman ng bawat indibidwal na


mag-aaral na may malawak o lumawak ang kanilang kaalaman sa
wika, maaaring nalalaman nila ito sa pamamagitan ng pagkakuha ng
mataas na puntos pagdating sa wika.

3. Nagpapaalam sa mga magulang at ibang mga guro ng inunlad ng


kaalaman at kakayahan sa paggamit ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng Award kapag nagtapos na
ang klase ay nalalaman ng magulang at ng mga guro na ikaw ay may
malawak na kaalaman sa wika.
4. Nagbibigay ng impormasyon sa publiko.

Nagpapaalam ito sa publiko dahil nalalaman ito ng buong tao na


bikaw ay magaling sa wika, sa pamamagitan ng pagpasa sa LET exam,

6
BOARD exam, kapag ikaw ay nakapasa sa mga nabanggit na
halimbawa ay nalalaman ng publiko na ikaw ay magaling at matalino.

Gamit ng Pagsusulit Pangwika

1. Sa Pagkatuto

Ginagamit ito upang masukat ang kakayahan ng isang mag-aaral,


matuklasan kung gaano kaliit o kalaki ang kaniyang natutunan, matukoy
ang kahinaanat kalakasan ng mga mag-aaral at upang mabigyan sila ng
motibasyon sa pagkatuto.

2. Sa Pagtuturo

Ang pagsusulit pangwika ay tinitiyak kung epektibo ba ang pagtuturo


ng guro at napapaunlad din nito ang kalidad ng pagtuturo, mula sa pidbak
tungkol sa pagkatuto ng mag-aaral.

3. Sa Pananaliksik

May mahalagang papel ang pagsusulit pangwika sa lahat ng


pangunahin at inilalapat na pananaliksik na may kaugnayan sa wika.

Gamit ng Pagsusulit Pangwika na Makabebenipisyo sa Guro at Mag-aaral:

Ayon kay Esner (1993, sipi mula kay Carbonell):

1. Pagsukat ng kalagayan ng edukasyon

Ang pagsusulit pangwika ay hindi lang nagbibigay pokus sa kakayahan


ng mag-aaral bilang indibidwal kundi pati na rin sa kalagayan ng edukasyon
bansa.

2. Pagbibigay pokus sa pag-aaral

Ang paggamit ng pagsusulit ay nakapagtuturo sa mga mag-aaral na


pag-aralan o maging bihasa sa mga espisipikong sangay o larangan na
itinakda ng paaralan.

3. Pagbibigay ng impormasyon sa guro

7
Nakapagbibigay ito ng impormasyon sa mga guro tungkol sa kalidad ng
kanilang pagtuturo.

4. Pagkamit ng itinakdang layunin

Nakakapagdetermina din ang pagsusulit pangwika kung nakamit ba


ang itinakdang layunin sa pagtuturo ng asignatura.

5. Pagpupuri sa kakayahan ng mag-aaral

Magagamit ang pagsusulit bilang basehan upang puriin o punahin ang


mag-aaral.

Pagsusulit vs. Pagsubok

Ang mga salitang pagsubok at pagsusulit ay may kaugnayan sa isa’t


isa. Ang pagsubok ay isang maikling uri ng pagsusulit na kinakailangang
mabigyan ng mabisang pagtugon. Samantala, ang pagsusulit naman ay isang
eksaminasyon na sumusunod sa mga procedure o pamamaraan na
nangangailangan ng karampatang panahon (Carbonell).

Pagsusulit

Ang pagsusulit ay may mga instandard na teknik sa pagtataya, na


ginagamit upang matukoy ang grado ng isang mag-aaral. May malaking
impak sa grado ng mag-aaral ang nakuhang puntos sa mga pagsusulit, hindi
katulad sa pagsubok. Kung ang pagsubok ay sumasaklaw lamang sa maikling
pagkakaunawa ng mga aralin, ang pagsusulit naman ay sumasaklaw sa
malaking bahagi ng kurso, isang buong yunit o binubuo ng iilang mga
kabanata. Kaya, ang pagsusulit ay mas mahaba kaysa sa pagsubok.

Pagsubok

Ang pagsubok ay kadalasang isang maikling pagsusulit na walang


malaking epekto sa grado ng isang mag-aaral. Sa katunayan, ang ibang mga
guro ay hindi ginagamit ang puntos sa mga pagsubok sa pagdedetermina ng

8
grado ng isang mag-aaral. Halimbawa, ang pagsusulit ay may 40 aytem
samantalang ang pagsubok naman ay nasa lima o sasampu lamang.

Hindi masyadong malaki ang kaibahan ng pagsusulit (test) sa


pagsubok (quiz) dahil pareho lamang ang dalawa na sumusukat sa
kakayahan (kalakasan at kahinaan) ng mga mag-aaral at sa kalidad ng
pagtuturo ng guro. Bagaman halos magkapareha ang dalawa ay may
kaibahan naman ito. Para mas maklaro ay ikukumpara natin ang kaibahan
at pagkakatulad ng pagsusulit at pagsubok gamit ang venn diagram.

Pagsusulit Pagsubok

 Maikling
 Mahabang panahon ang
panahon ang kailangan
 Sumusukat
kailangan.  Bahagi ng
sa kakayahan
 Malawak na isang
at kahinaan
topiko ang malawak na
ng isang mag-
saklaw. topiko.
aaral.
 Marami ang  Kaunti ang
 Sinusukat
bilang ng bilang ng
ang kalidad
katanungan. katanungan.
ng guro sa
 Isinasagawa  Isinasagawa
pagtuturo.
pagkatapos pagkatapos
ng malawak ng isang
na topiko o topiko.
yunit.

Pagsusulit at Pagtuturo

Simula pa noong tayo’y nasa elementarya binibigyan na tayo ng


pagsusulit ng ating mga guro batay sa kanilang itinuro. Hindi natin
maihihiwalay ang pagsusulit at pagtuturo.

9
Ayon pa kay Brown (1991), ang pagsusulit ay sistematikong paraan ng
pagsukat ng kakayahan ng isang indibiduwal. Tinitingnan nito kung sapat
ba ang natutunan ng mag-aaral sa mga itinuro ng guro. Dagdag pa, ayon kay
Badayos (2008), ang pagsusulit ay isang panukat na ginagamit ng mga guro
upang sukatin ang paglalapat ng mga pagkatuto pagkatapos ng isang
pagtuturuan. Sa kabilang dako, ang pagtuturo naman ay tinitiyak na may
magaganap na pagkatuto at ginagamit ang pagsusulit upang mapag-ibayo
ang pagtuturo.

Malapit ang ugnayan ng pagsusulit at pagtuturo, naiiba lang sila ng


pokus. Nakapokus ang pagsusulit sa pagtataya ng produkto ng pagkatuto,
samantalang ang pagtuturo ay nakatuon sa epektibong pagbibigay ng
patnubay sa mga mag-aaral upang mapagtagumpayan ang mga proseso sa
pagkatuto. Ang pagsusulit ay isa lamang paraan para makatiyak kung may
pagkatutong nagaganap. Kaya, naiimpluwensiyahan ng pagsusulit kung ano
dapat ang itinuturo. Ito ang tinatawag na backwash effect ng isang
pagsusulit.

Ang pagsusulit ay napakahalagang bahagi ng pagtuturo at pagkatuto.


Kaya dapat ay hindi lang magaling sa pagtuturo ang mga guro kasali na rin
ditto ang paghahanda ng pagsusulit.

Kahalagahan ng Pagsusulit sa mga Mag-aaral:

 Ang pagsusulit na mahusay ang pagkakagawa ay malaki ang


naitutulong upang magkaroon ng interes sa pag-aaral ang isang
bata. Dahil sa pidbak na dulot ng pagsusulit nagkakaroon ng
katuparan ang mga pagsisikap ng isang bata sa kaniyang pag-
aaral.
 Nagiging daan ang pagsusulit sa lubusang pagkatuto ng wika.
Natututo ang mga bata habang nag-aaral para sa eksamen, at
pagkatapos na maiwasto ang kanilang mga papel makikita sa
resulta ng pagsusulit kung ano ang lubusang natutuhan ng bata
at kung aling mga kasanayan ang dapt pag-aralang muli.

10
Kahalagahan ng Pagsusulit sa mga Guro:

Sa pamamagitan ng pagsusulit malalaman ng guro ang katanungan sa


sumusunod: “Naging mabisa ba ang aking pagtuturo?” “Angkop ba ang aking
aralin sa aking mga estudyante?” “Aling mga kasanayan ang dapat bigyang-
diin sa pagtuturo?” “Alin ang kailangang iturong muli?”

Kahalagahan ng Pagsusulit sa mga Guro bilang Test Constructor:

Mabibigyan ng kasagutan ang mga sumusunod pagkatapos maibigay


ang pagsusulit: “Maliwanag ba ang mga panuto?” “Simple ba at maliwanag
ang mga aytem?” “Natapos ba ito ng klase sa panahong itinakda sa
pagsusulit?”

Pagsusulit at Ebalwasyon

Kung ating titingann tila magkatulad lang ang pagsusulit at


ebalwasyon. Kaya bibigyan natin pagpapakahulugan ang mga ito.

Ayon sa modyul mula sa Region IV (A) – Calabarzon, ang pagsusulit ay


isang panukat na ginagamit ng mga guro upang sukatin ang paglalapat ng
mga pagkatuto pagkatapos ng isang pagtuturuan. Sa kabila naman ayon sa
Pallepedia, ang ebalwasyon naman sa kontekstong edukasyon ay ginagawa
upang masukat ang lebel ng kakayahan o kaalaman, ang pag-unlad sa
paglipas ng panahon, upang masuri ang kalakasan at kahinaan, at upang
mabigyan ng antas ang mga mag-aaral para mapili o maiba. Ang prosesong
ito ay sumusunod sa isang tiyak na krayterya na kadalasang mayroong
tangkang pagsukat. Dagdag pa, ang ebalwasyon ay dapat obhektibo at
kailangang maaaring maparami o kopyahin.

Ayon pa sa Pallipedia mayroong tatlong uri ng ebalwasyon:

 Formative Evaluation – pumapatungkol ito sa pagsubok sa patuloy na


pag-unlad sa proseso ng pagkatuto. Mayroon dapat na matanggap na
pidbak ang mga mag-aaral.

11
 Summative Evaluation – kadalasan itong ginagawa sa katapusan ng
termino o kurso, ginagamit upang magkaroon ng impormasyon kung
gaano na ang napag-aralan ng mag-aaral at kung gaano kaayos na
naituro ang kurso.
 Criterion-Reference Evaluation – ito ang pagsubok na salungat sa
absolute na istandard, katulad ng indibidwal na performance salungat
sa benchmark.

Ang isang ebalwasyon din ay nakabase sa empirikal na ebidensya at sa


mga social research methods, para sa proseso ng pag-kolekta at sintesis ng
ebidensya (Lipsey at Freeman, sipi mula kina Poth, et. al., 2014). Ito ang
sistematikong pagtatasa sa desinyo, implementasyon o resulta ng isang
inisyatibo para sa layunin ng pagkatuto o paggawa ng desisyon (Poth, et. al.,
2014).

PAGSUSULIT EBALWASYON

Kadalasang inaanunsyo upang Kadalasang hindi inaanunsyo dahil


makapaghanda ang mga mag-aaral. ang layunin ay impormal na mabatid
ang pag-unlad ng mga mag-aaral.
Kadalasang sumusukat sa Ang layunin ay malaman kung ano
natutunan ng mga mag-aaral sa ang kinakailangan ng mag-aaral
isang yunit ng instruksyon. (mga paksang kailangang muling
talakayin o pagpapalawak sa
talakayan).
Dinesenyo upang magresulta sa Impormal at hindi isinasaalang-
pagkuha ng grado o puntos sa alang ang grado o puntos.
pagsusulit.
Nagaganap sa iisang panahon o Kadalasang ginaganap at
lugar. pinagpapatuloy (ongoing and
continuous).

12
Karaniwang pormat ng pagsusulit ay Maaaring magamit ang mga rubriks
multiple choice, tamang sagot, at iba at minsan ay discrete.
pang paraan upang subukin ang
mga mag-aaral.
Kadalasang hindi contextualized Kadalasang contextualized

Sa kabuoan ang pagsusulit ay may malaking ugnayan sa ebalwasyon.


Ayon kay Oriondo at Brondo (sipi mula kay Carbonell) ang pagsusulit ay isang
paraan upang matamo ang mga impormasyon na kinakailangan sa
ebalwasyon. Ang pagsusulit ay maaaring pormal kung itinakda at may
proctor.

Ilan sa mga dapat Tandaan sa Ebalwasyon:

1. Ilarawan ang paraan ng pagmamarka sa mga mag-aaral bago nagbigay ng


panuto para sa pagsusulit.

2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang ugali sa trabaho, gawain at


oras ng pagpapasa ng mga gawain ay huhusgahan I mamarkahan o
eebalwahin.

3. Kunin ang mga balidong ebidinsya sa ebalwasyon bilang basehan ng


pagbibigay ng marka.

4. Timbanging mabuti ang ibang mga nakamtang karangalan na kasali sa


ebalwasyon.

5. Huwag babaan ang marka ng isang mag-aaral o apektuhan ang ebalwasyon


ng isang mag-aaral dahil sa pagiging huli sa oras ng klase, unang impresyon
sa isang mag-aaral, damdamin at kawalang modo.

6. Iwasan ang may kinikilingan.

13
Sanggunian:

Badayos, P. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga

Teorya, Simulain, at Istratehiya. Mutya Publishing House, Inc.

Carbonell, C. V. (w. p.). Pagsusulit Pangwika. Scribd.

www.scribd.com/document/398054962/PAGUSUSULIT-PANGWIKA

Evaluation. (w.p.). IAHPC Pallipedia. https://pallipedia.org/evaluation/

Liwanag, L. (2017). Mga Batayang Kaalaman sa Pagsusulit Pangwika.

Wordpress. Httpas://phrelcsfi.files.wordpress.com/2017/05/mga-

batayang-kaalaman-sa-pagsusulit-pangwika-dr-liwanag.pdf

Pagtatasa at Pagtataya/Workshap. PDFSLIDE.

https://pdfslide.tips/amp/documents/sesyon-6-pagtatasa-at-

pagtataya.html

Poth, C., Lamarche, M. K., Yapp, A., Sulla, E., at Chisamore, C. (2014). What

is Evaluation? Canadian Evaluation Society.

evaluationcanada.ca/what-is-evaluation

14

You might also like