AP9 Q2 W5 Modyul 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Interaksyon ng Demand at
Suplay
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Interaksyon ng Demand at Suplay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vennesa N. Pagaduan


Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal/Angelica M. Burayag, PhD
Ramil D. Dacanay/Grace G. Abad
Tagasuri ng Wika: Loreto P. Lorido/Rochella C. David
Tagasuri sa ADM Format: John C. Paje, EdD/Emily F. Sarmiento, PhD
Tagasuri ng Paglapat at Pagguhit: Bryan Balintec/Donnalin Oliveros
Tagaguhit: Krislene Ida N. Mercado
Tagalapat: Ma. Remalyne G. Cruz, EdD
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librado M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Amando P. Yutuc, PhD
Emily F. Sarmiento, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region03@deped.gov.ph
9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Interaksyon ng Demand at
Suplay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Maykroekonomiks:
Demand, Suplay at Interaksyon ng Demand at Suplay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Interaskyon ng Demand at Suplay.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

ii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang

iii
kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Araw-araw ay gumagawa ka ng desisyon kung ano ang iyong


tutugunang pangangailangan at kung saan mo ito makukuha. Kadalasan,
inaalam mo muna kung saan ka makabibili ng angkop sa iyong panlasa at
kung saan ka makatitipid. Sa bahaging ito, mahalagang pag-aralan ang
interaksyon ng demand at suplay. Paano nakaaapekto ang interaksyon ng
demand at suplay sa kalahgayan ng presyo at ng pamilihan?

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na


kasanayan:

Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo


at ng pamilihan (AP9MYK-Ile-9).

Matapos basahin at sundin ang nilalaman ng modyul na ito, inaasahan ang


mag-aaral na:
1. Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo
sa pamilihan; at
2. mailalarawan ang mga pamamaraan ng mga Pilipino upang maiwasan ang
labis na suplay ng mga produkto sa pamilihan.

1
GRAPIKONG PANTULONG SA ARALIN

Maykroekonomiks

Sambahayan Bahay-Kalakal Pamilihan

IBA'T IBANG
DEMAND SUPPLAY
ISTRUKTURA

INTERAKSYON NG NG DEMAND AT SUPLAY

Subukin

Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa mga kalakal na handang ipagbili ng mga negosyante sa


magkakaibang halaga sa iisang takdang panahon?
a. negosyo
b. demand
c. suplay
d. kontrabando

2. Ano ang tawag sa dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa


isang takdang panahon?
a. timbang
b. suplay
c. demand
d. badyet

2
3. Ano ang mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili
upang magkaroon ng bentahan?
a. pamilihan
b. sanglaan
c. lansangan
d. pasyalan

4. Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante?


a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. bodega
d. daungan

5. Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa


pamamagitan ng interaksyon ng suplay at demand?
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sino ang may tungkuling pag-aaralan kung paano


matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang


nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo ng mga bilihin at
demand ng mga konsyumer?

Presyo

2 4 Dami

a. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng


konsyumer.
b. Mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang
presyo.
c. Habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.

3
d. Habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.
8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan,
o downward sloping?
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. Sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

9. Upang masabing suplay ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at


kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung
30,000 lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang
nasa Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya nguit
sa bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang
20,000 sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang
maituturing na suplay ng sardinas?
a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

10. Ano ang tawag sa pagtatakda ng pamahalaan pinakamataas na presyo ng


mga produkto at serbisyo para matuguan ang hinaing ng mga konsyumer?
a. price ceiling c. market clearing price
b. price freeze d. floor Price

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng malaking papel ng


pamahalaan para mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan?
a. panghuhuli sa mga illegal vendors
b. pagtatakda ng suggested retail price bilang gabay sa presyo
c. pagpapatupad ng Consumers’ Welfare Act
d. panghihikayat sa maliliit na negosyante na palawakin ang kanilang
mga negosyo

12. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing


pinakamodelong istruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta at
mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng
istrukturang ito?
a. malayang kalakalan sa bilihan
b. may kakaibang produkto
c. maraming prodyuser at konsyumer
d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

13. Ang pamilihan ay may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang


prodyuser ay walang kapangyarihang magdikta ng presyo sa pamilihan.
Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
a. Nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga prodyuser at konsyumer
b. Mapapababa ng mga prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
c. Makakakuha ng mas malaking tubo ang mga prodyuser

4
d. Nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

14. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga lokal na mamumuhunan


mula sa pakikipagkumpetensiya sa mga dayuhang negosyante?
a. Nagpapa-utang ng puhunan ang pamahalaan
b. Nagpapataw ng taripa ang pamahalaan sa mga dayuhan
c. Nagbabayad ang mga lokal na mamumuhunan sa gobyerno.
d. Nabibigyan ng diskwento sa buwis ang mga may-ari ng negosyo.

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng


Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, alin sa mga sumusunod na
produkto ang naging mababa ang demand kumpara sa kasabay sa
panahong wala pang pandemiko?
a. Alkohol b. bitamina c. face mask d. milk tea

Balikan

Naaalala mo pa rin ba pagkakaiba-iba ng mga kagustuhan at


pangangailangan ng tao? Tinalakay sa mga nagdaang aralin na may mga
kagustuhan ang tao na para sa iba ay pangangailangan nila. Base sa napag-aralan
na, ang tanging hindi nagbabago lamang ay ang. pangangailangan Ito ay tiyak na
kapag hindi natugunan at ikamamatay ng isang tao, tulad ng pagkain, damit at
tirahan. Ito ay unang binibili o pinagkakagastusan ng tao.

Gawain 1: Demand at Suplay, Magkaugnay!

Panuto: Buuin ang concept map na nasa ibaba tungkol sa konsepto ng demand at
suplay. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sariling ideya tungkol sa ugnayan
ng dalawang konsepto.

5
DEMAND SUPLAY
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
_______

Tuklasin

Sa bagong paksang iyong mapag-aaralan sa modyul na ito, matututunan mo


ang kahalagahan ng konsepto ng demand at suplay at ang interaksyon ng
dalawang puwersang ito sa ekonomiya. Ngunit bago mo tuklasin ang bagong
paksa, basahin mo ang isang maikling tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa
iyong sagutang papel.

TAMANG KONSUMO, DI KONSUMIDO


Ni Venn Pagaduan

Bago mo aralin, tuklasin muna natin


Sa iyong pamimili, ano ang ýong layunin?
Kagustuhan lang ba o pangangailangan din?
Kaya dapat nagpaplano rin.

Ang plano ng pagkonsumo


Ito ba ay ginagawa mo?
Sa bawat pamimili mo
Sa tamang konsumo, hindi ka konsumido.

Panlinang na tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng maikling tula?
2. Paano mo maipapakita ang pagiging isang matalinong mamimili?

6
3. Ano ang epekto ng iyong pagkonsumo sa demand at suplay ng mga kalakal?

Sa bahaging ito, maaaring hikayatin ang mag-aaral na


isulat sa kuwaderno nito ang kanyang Hugot Line ukol sa
pagkakaugnay ng Suplay at Demand sa kabila ng kanilang
pagkakaiba ng epekto sa presyo. Ito ay kanyang bibigkasin sa
panimula at pagbabawas ng aralin.

Aralin
Interaksyon ng Demand at
1 Suplay

Suriin

Ang interaksyon ng demand at suplay ay may malaking bahagi sa


pagtatakda ng presyo sa pamilihan. Tulad ng nasa larawan, kung saan
binabalanse ang demand ng mga mamimili at ang kakayahang magsuplay ng mga
negosyante. Kapag nagbalanse ang dalawang puwersa na ito, kung saan ang
demand ng mga konsyumer ay katumbas ng kayang isusuplay ng mga
mangangalakal, magkakaroon ng ekilibriyo sa pamilihan.

DEMAND

SUPLAY

7
Ang ekilibriyo ay isang kalagayan kung saan ang dami ng demand ng
pamilihan ay pantay sa dami ng suplay ng mga negosyante na nakatakda sa
isang presyo. Nagpapakita ito ng pagkakasundo sa pagitan ng mga bumibili at
nagtitinda sa isang tiyak na presyo o ekilibriyong presyo at dami ng produkto at
serbisyo. Tinatawag na ekilibriyong presyo ang isang presyo sa isang pamilihan
na napagkasunduan ng mga mamimili at nagtitinda na hindi magkakaroon ng
kakulangan at kalabisan sa panig ng dalawang sektor.

Maaring matukoy ang ekilibiriyong presyo at ekilibriyong dami sa


pamamagitan ng tatlong paraan:

1. Sa pamamagitan ng graph

surplas

Ekilibriyong
Presyo (Ep) E Punto ng Ekilibriyo

Kakulangan

Ekilibriyong Dami (Ed)

Makikita sa grap ang interaksyon ng demand at suplay at ang punto


ng ekilibriyo, surplus aat kakulangan. Ang punto (punto E) kung saan ang
kurba ng demand ay katumbas ng kurba ng suplay ay tinaguriang punto ng
ekilibriyo. Ang presyo na nasa tapat ng punto ng ekilibriyo ay tinatawag na
ekilibriyong presyo (Ep) at ang dami na nasa tapat ng ekilibriyo ay tinatawag na
ekilibriyong dami (Ed). Ang lugar na nasa itaas ng punto ng ekilibriyo ay
tinatawag na surplus, kung saan ang dami ng suplay ay mas higit na mataas
kaysa demand. Sa ibaba naman ng ekilibriyo ay ang kakulangan, kung saan
ang dami ng demand ay mas mataas kaysa sa dami ng suplay

2. Sa pamamagitan ng iskedyul ng suplay at demand


TALAHANAYAN 1.4 ISKEDYUL NG DEMAND AT SUPLAY PARA SA 70%
ETHYL ALCOHOL

8
PRESYO PRESYUR
DAMI NG DAMI NG KALAGAYAN
PUNTO NG BAWAT SA
DEMAND SUPLAY SA PAMILIHAN
YUNIT (₱) PRESYO
A 100 9 18 KALIBSAN PABABA
B 90 10 16 KALABISAN PABABA
C 80 12 12 EKWILIBRIYO NEUTRAL
D 70 15 7 KAKULANGAN PATAAS
E 60 20 2 KAKULANGAN PATAAS
May napansin ka bang kakaiba? Ang presyo ay may kabaligtarang relasyon
sa demand. Kapag ang presyo ay mataas, ang dami ng demand ay mababa; at
kapag mababa ang presyodarami ang gusting bumili kaya tataas ang demand.
Naiiba ang panig naman ng suplay. Kapag mataas ang presyo, nahihikayat ang
prodyuser na damihan ang kanyang produkto kaya mataas ang suplay. Kung
mababa naman ang presyo, hindi mahihikayat ang prodyuser na taasan ang dami
ng kanyang produkto kaya mababa ang dami ng suplay.

APLIKASYON NG DEMAND AT SUPLAY


Suriin ang apat na pangkaraniwang interaksyon ng demand at suplay.

A. Restriksyon sa Suplay. Isang halimbawa nito ay ang pagsusulit na


kailangang ipasa ng mga nais maging doctor sa medisina. Limitado lamang
kasi ang nakapapasa nito dahil na rin sa hirap ng mga katanungan. Kahit
na isang paraan ito upang tiyaking may sapat nakaalaman at kakayahan
ang mga magiging doktor, pinabababa naman nito ang suplay ng mga
doktor.

B. Taripa. Maraming dahilan kung bakit nagtatakda ng taripa ang


pamahalaan sa mga produktong inaangkat o binibili natin mula sa ibang
bansa. Isang dahilan dito ay para “proteksyonan ang mga lokal na
industriya laban sa kompetisyon ng mga dayuhan”. Halimbawang
pinatawan ng taripa ang mga On-Line Selling, makikinabang ang mga maliliit
na tindahan dahil mababawasan ang mga magtitinda online. Mababawasan
na rin ang mgakakakompetensya subalit tataas naman ang preyo ng ibang
mga bilihin kasi wala na silang kaagaw online bunga ng paglipat ng kurba
ng suplay pakaliwa.

PAPEL NG PAMAHALAAN SA PAGTATAKDA NG PRESYO

Pagtatakda ng Batas sa Presyo – Ito ang mga ipinatutupad na batas o patakaran ng


pamahalaan para protektahan ang mga mamimili:

1. Price ceiling – inilalagay itong pamahalaan para makontrol ang mataas


na presyo ng mga pangunahing produkto tulad ng gasolina at pagkain.
Ang pinakamataas na presyo na maaaring ibenta ang isang produkto ay
dapat ipatupad ng lahat ng bahay-kalakal. Hindi maaaring magbenta
ang mga bahay-kalakal ng mas mahal kaysa sa price ceiling.

9
2. Price Floor – ito ay itinakdang presyo ng pamahalaan sa mga produkto
batay sa kakayahan ng mga mamimili o dahil sa itinakdang Minimum
Wage Rate para tiyaking may kakayahan itong makabili ng mga
pangunahing pangangailangan. Sa kasalukuyan ang Minimum Wage sa
Lungsod ng Angeles, ayon sa Department of Labor and Employment at
batay sa Wage Order RB-III-22, ay hindi bababa sa ₱420. Ibig sabihin
nito na ang purchasing power o kakayahan ng mga manggagawa sa
Lungsod Angeles ay umakyat na at mas marami na siyang mabibiling
produkto o mababayarang serbisyo.
Buwis – ito ay ang ipinapataw na presyo na dapat bayaran ng mga prodyuser o
bahay-kalakal para matugunan ang kakulangan sa pondo ng pamahalaan at
makapagpababa ito ng iba pang suliraning panlipunan o pangkalusugan. Sa
ngayon, binubuwisan ng pamahalaan ang iba’t ibang bilihin tulad ng sigarilyo, alak
at serbisyong paggawa. Malalaman ba ang epekto ng buwis sa presyo ng produkto
gamit ang suplay at demand? Oo! Halimbawa, ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo ay
makapagpapasok ng dagdag na pondo sa pamahalaan at makababawas sa sakit na
dulot ng paninigarilyo. Ang pagpataw ng Excise Tax sa mga prodyuser sa paggawa,
pagbebenta at paggamit ng alak at sigarilyo ay nakapagsusulong naman sa
serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan nito. Sa bawat pisong tax, halimbawa,
na naipapataw sa bawat piraso ng sigarilyo ay nagpapalipat sa kurba ng suplay sa
kaliwa. Walang dahilan para palipatin ng pisong buwis sang kurba ng demand
kung walang pagbabago sa kita ng mga naninigarilyo o sa presyo ng kapalit o
kaugnay nitong produkto. Bibili pa rin ang mga naninigarilyo sa dami at resyong
isinasaad ng orihinal na kurba ng demand. Subalit lumipat ang kurba ng suplay
dahil na rin sa katotohanang ang mga bahay-kalakal ay nagbebenta ng mas kaunti
sa bawat presyo dahil sa buwis. Ang buwis ay nagpataas sa gastos ng produksyon
na isang salik na nagpapalipat sa kurba ng suplay.

Pagyamanin

GALLERIYA NG PANG-UNAWA
Panuto: Ipaliwanag ang mensaheng ipinahahayag ng editorial cartoon sa ibaba.
Isulat sa malinis na bond paper ang iyong sagot at isumite sa iyong guro.

Gabay na tanong:
1. Ano-
anong

10
mga salik ang tumutukoy sa demand? Sa
suplay?

2. Paano magkaugnay ang demand at


suplay? Epektibo ba itong ipinakita ng
gumuhit ng editorial cartoon? Ipaliwanag.

3. Ano ang magiging epekto sa presyo at


dami kapag nagkaroon ng interaksyon ang
demand at suplay?

GUHIT-INUNAWA!
Panuto: Ipaliwanag ang mensahe ng ilustrasyong nasa ibaba sa loob ng limang
pangungusap. Isulat ang sagot sa isang malinis na bond paper.

MAGTIPID AT MAGRESIKLO!
Panuto: Sa panahon ng pandemya, ilista ang mga pamamaraan na ginagawa
ninyo para mabawasan ang gastusin sa bahay at kung paano kayo nakatitipid

11
sa pagreresiklo. Isulat ang sampung (10) pinakamahahaalagang pamamaraan
na inyong ginagawa ng mga miyembro pamiya.

T-SHIRT-TERAKSYON NG DEMAND AT SUPLAY!


Panuto: Gumuhit ng makabuluhang mensahe ng pagpapahalaga sa suplay ng
karunungan at ang pagpapatuloy sa pag-aaral para sa demand ng bansa ng
mamamayang may alam. Maaaring gumamit ng gamit na t-shirt at pintura o
pangkulay ng tela.
RUBRIC SA PAGWAWASTO
CRITERIA INDICATOR ISKOR
Nilalaman (8 puntos) Ebidensya ng kaalamang
sa paksang tinatalakay
Pagkamalikhain at Mapagpahiwatig ang mga
paraan ng Presentasyon salita at talinghaga
(7 puntos)
Kaayusan ng Likha Malinaw at may dating
(3puntos)
Kabuuang Epekto (2 Epekto o obserbasyon ng
puntos) audience
Kabuuang Iskor 20 puntos

PAGSUSURI NG SITWASYON
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Batay sa mga
pagbabago ng kondisyonsa mga produkto, tukuyin sa ikatlong kolum kung alin sa
demand o suplay ang nabago. Sa iakapat at ikalimang kolum, tukuyin kung
tumaas o bumaba ang ekwilibriyong presyo at dami. Isylat ang arrow up ( ) kung
ang ekwilibriyong presyo at dami ay tumaas, at arrow down ( ) naman kung
bumaba.

Kapag tumaas ang suplay Kapag bumaba ang suplay


at hindi nagbago ang at hindi nagbago ang
demand, bababa ang demand, tataas ang
ekwilibriyong presyo. ekwilibriyong presyo.
Tataas naman ang Bababa naman ang
ekwilibriyong dami ng ekwilibriyong dami ng
bilihin. bilihin.

Kapag tumaas ang demand Kapag bumaba ang


at hindi nagbago ang demsand at hindi nagbago
suplay, tatas ang ang suplay, bababa ang
ekwilibriyong presyo. ekwilibriyong presyo.
Tataas din ang dami ng 12 Bababa naman ang
bilihin ekwilibriyong dami ng
bilihin
Isaisip

Panuto: Punan ng wastong sago tang mga patlang pang mabuo ang diwa ng
pangungusap ukol sa interaksyon ng demand at suplay. Pumili ng wastongng
sagot sa loob ng kahon.

mamimili magkasalungat pinakamataas presyo


ekwilibriyong produkto hakbang pagtawad
price ceiling hoarding pagbubuwis nagtitinda

1. Ang interaksyon ng demand at suplay ay bunga ng magkakasalungat na


pagtugon sa presyo ng mamimili at _______________________.
2. Ang ___________________________na pagtugon ng mamimili at nagtitinda ay
bunga ng magkasalungat na pagpapasya. Gusto ng mamimili na makabili
sa pinakamababang _______________, samantalang ang nagtitinda naman ay
nais magbenta sa ___________________________na halaga.
3. Ang ____________________________ presyo ang dahilan ng bilihan ng
produkto sa pagitan ng ____________________ at nagbibili.
4. Ang pamahalaan ay may mga ___________________ na ginagawa para
maisaayos ang presyo tulad ng ______________________, price floor at

13
____________________________ at paggasta sa mahahalagang
____________________________..

MAG-ISIP

Panuto: Sagutin ang tanong na nasa kahon. Isulat ang iyong paliwanag sa iyong
sagutang papel o portfolio.

Tanong:

Bakit mahalagang malaman mo bilang isang mag-aaral ng Ekonomiks ang


interaksyon ng demand at suplay?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

Isagawa

Gawain: Pansinin mo!


Panuto: Gumawa ng isang simpleng pananaliksik tungkol sa mga nagaganap na
pagbili ng iyong magulang ng bigas o pangunahing pagkain ng pamilya sa suki
nitong tindahan. Kapanayamin siya ukol dito. Pansinin kung may ekilibriyo sa
presyo at dami at ipaliwanag ito sa pamamagitan ng isang simpleng case study.
Rubriks sa Pagsasagawa ng Case Study
5 4 3 2 1
napakakump kumprehensi maayos ang simple ang nangangailan
rehensibo bo ang ginawang ginawang gan ng
Nilalaman ang ginawang pananaliksik pananaliksik ibayong
nilalaman ng pananaliksik pananaliksik
pananaliksik
napakahusay higit na mahusay nangangailang nangangailan
ng mahusay ang ang an ng gang baguhin
Organisasyon presentasyon ginawang presentasyo kaunting ang
ng presentasyon n pagbabago sa presentasyon
pananaliksik presentasyon
Paraan ng lubhang nakapahusay mahusay
nangangailang nangangailan
pagsulat napakahusay ng ang

14
ng pagkakasulat pagkakasula
an ng gang baguhin
pagkakasulat t
kaunting ang report
ng ulat
pagbabago sa
paraan ng
pagsulat

Tayahin

Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa talaan ng dami ng produkto sa bawat pagbabago ng


presyo?
a. batas ng demand
b. kurba ng demand
c. paglipat ng demand
d. iskedyul ng demand

2. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga di-presyong salik na nakaapekto
sa demand?
a. Kita o tubo ng nagtitinda
b. Populasyon sa lugar
c. Panlasa ng Mamimili
d. Espekulasyon o inaasahan ng mamimili

3. Ano isinasaad ng batas ng suplay?


a. Kapag mataas ang presyo ng isang produkto, marami rin ang bilang
ng produktong handang ipagbili
b. Kapag mataas ang presyo ng isang kalakal o paglilingkod, mababa
ang dami ng suplay
c. Kapag mataas ang bilang ng suplay ay mataas din ang demand nito

15
d. Kapa gang produkto o serbisyo ay mataas anng presyo magkapantay
lamang ang demand at supply.

4. Sa kasalukuyan, saan nagaganap ang pinakamabilis na transakyon ng


pakikipagpalitan ng produkto o serbisyo?
a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. online
d. lahat ng nabanggit

5. Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa


pamamagitan ng interaksyon ng suplay at demand?
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sino ang may tungkuling pag-aaralan kung paano


matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang


nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo ng mga bilihin at
demand ng mga konsyumer?

Presyo

2 4 Dami

e. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng


konsyumer.
f. Mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang
presyo.
g. Habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.
h. Habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

16
8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan,
o downward sloping?
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. Sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

9. Upang masabing suplay ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at


kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung
30,000 lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang
nasa Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya nguit
sa bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang
20,000 sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang
maituturing na suplay ng sardinas?
a. 6
b. 10
c. 20,000
d. 30,000

10. Ano ang tawag sa pagtatakda ng pamahalaan pinakamataas na presyo ng


mga produkto at serbisyo para matuguan ang hinaing ng mga konsyumer?
a. price ceiling
b. price freeze
c. market clearing price
d. floor price

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng malaking papel ng


pamahalaan para mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan?
a. panghuhuli sa mga illegal vendors
b. pagtatakda ng suggested retail price bilang gabay sa presyo
c. pagpapatupad ng Consumers’ Welfare Act
d. panghihikayat sa maliliit na negosyante na palawakin ang kanilang
mga negosyo

12. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing


pinakamodelong istruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta at
mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng
istrukturang ito?
a. malayang kalakalan sa bilihan
b. may kakaibang produkto
c. maraming prodyuser at konsyumer
d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

13. Ang pamilihan ay may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang


prodyuser ay walang kapangyarihang magdikta ng presyo sa pamilihan.
Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?

17
a. Nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga prodyuser at konsyumer
b. Mapapababa ng mga prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
c. Makakakuha ng mas malaking tubo ang mga prodyuser
d. Nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

14. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga lokal na mamumuhunan


mula sa pakikipagkumpetensiya sa mga dayuhang negosyante?
a. Nagpapa-utang ng puhunan ang pamahalaan
b. Nagpapataw ng taripa ang pamahalaan sa mga dayuhan
c. Nagbabayad ang mga lokal na mamumuhunan sa gobyerno.
d. Nabibigyan ng diskwento sa buwis ang mga may-ari ng negosyo.

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng


Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, alin sa mga sumusunod na
produkto ang naging mababa ang demand kumpara sa kasabay sa
panahong wala pang pandemiko?
a. Alkohol b. bitamina c. Face mask d. Milk Tea

Karagdagang Gawain

GAWAIN: GRAPH NG PAGBABAGO

Panuto: Tanungin ang isang nagtitinda sa inyong barangay tungkol sa dami ng


ipinagbibili nitong produkto sa pabago-bagong presyo. Ilapat sa graph ang datos na
makukuha at isumite sa guro kalakip ang dokumentaryo ng inyong panayam.
Tiyaking may face mask kang suot o face shield habang nagsasagawa ng panayam.
Isaalang alang rin ang social distancing na naaayon sa rekomendasyon ng
Department of Health at IATF (Inter-agency Task Force) laban sa COVID-19.

GAWAIN: IRF SHEET

Paano nakaaapekto ang sistema ng demand at suplay sa pamilihan?


Inisyal (Ano ang alam mo bago pa
natin pag-aralan ang paksa?)
Renibisa (Ano ang natutunan mo
habang binabasa ang modyul na ito?)
Pinal (Ano natutunan mo matapos
mapanood ang mga video lessons at
makumpleto ang modyul na ito)
Panuto: Kumpletuhin na ang IRF Sheet na ito.

18
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Isaisip Subukin

1. D 1. 1. C
2. A 2. C
3. A 3. A
4. C 4. A
5. D 5. D
6. C 6. C
7. C 7. C
8. D 8. D
9. C 9. C
10. A 10. A
11. B 11. B
12. B 12. B
13. A 13. A
14. C 14. C
15. D 15. D

19
Sanggunian
Balitao, Bernard R., Buising, Martiniano D., Garcia, Erwin D.J., De
Guzman, Apollo D., Lumibao, Juanito L, Mateo, Alex P., Mondejar,
Irene J. (2017). EKONOMIKS Araling Panlipunan 9 Modyul Para sa
Mag-aaral, pp.113 – 138, 153 – 192.

Balitao, Bernardo R., Cervantes, Miriam dR., Nolasco, Liberty I., Ong Jerome
A., Ponsaran, John N., Rillo, Julia D. (2012) Ekonomiks; Mga
Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan
Ikaapat na Taon, pp. 52-56

Balitao, Bernardo R., Cervantes, Miriam dR., Nolasco, Liberty I., Ong Jerome
A., Ponsaran, John N., Rillo, Julia D. (2012) Ekonomiks; Mga
Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro sa Araling Panlipunan
Ikaapat na Taon, pp. 52-56

Cruz, Nilda B.,Viloria, Avelina M., Rillo, Julia D., Vivar, Ph.D, Teofista L.
(1999, ) EKONOMIKS; Teorya at Aplikasyon, pp.146 – 173

Cruz, Nilda B.,Viloria, Avelina M., Rillo, Julia D., Lim, Alice(2000)
EKONOMIKS; Manwal ng GUro para sa Ikaapat na Taon, pp. 52-66

Rillo, Julia D., Cruz, NIlda, and Balitao, Bernard R. (2005). Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, pp.117 -130.

https://youtu.be/o4GpgpqMIIM

https://encrypted-tbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQKskUHea5NC_Gf
LazVTopJrZCXrrXeMck1L7foU--XZNp7RhcJ

https://youtu.be/SCtmUZrZJt0

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III-Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center


Maimpis, city of San Fernando (P)

You might also like