Ang bilinggwalismo ay isang fenomenong pangwika na tahasan at puspusang
tinatalakay sa larangan ng sosyolinggwistiks. Ipinapakita rito ang malaking ugnayan ng wika at lipunan at kung papaano ang lipunan ay nakapag-ambag sa pag-unlad ng wika. Isa dito ay ang paggamit ng bilinggwalismo sa loob ng paaralan. Ang edukasyong bilinggwalismo ay ang paghihiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang medium ng pagtuturo. Ang paggamit ng bilinggwalismo ay hindi na bago sa mga Pilipino. Ayon sa isang pag-aaral, panahon pa lamang ng mga kastila ay marami ng Pilipino na bilinggwal. Hanggang sa kasalukuyang panahon na mayroong mga Pilipino na bihasa sa dalwa o higit pang wika. Ang pagusbong ng biliggwalismo ay dulot ng globalization. Sa aspekto naman sa Edukasyon mayroon itong mabuti at masamang epekto. Halimbawa nito ay ang pagsasagawa ng mga English Literacy Program, ito ay upang maging mahusay ang mga mag-aaral sa wikang Ingles. Dahil sa magandang oportunidad na maaring makuha ng isang mag-aaral kung sila ay marunong at mahusay sa wikang Ingles. Naging layunin ng pag-aaral na ito ay ang pagtukoy at pagsukat sa magiging dulot ng Edukasyong Bilinggwal sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Ginamit na pagtukoy sa antas ng kaalaman ang kasanayan sa wikang tagalog at wikang ingles. Lumabas sa pag-aaral na ito, na merong masama at magandang dulot ang Edukasyon Bilinggwal sa sistema ng ng edukasyon ng bansang Pilipinas. Isa pa dito ay ang apektado ng naturang programa.
Ang lahat ng pagbabago na ito ay may kani-kaniyang papel at kontribusyon sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagiging bilinggwal ay nagbubukas ng maraming oportunidad na hatid ng larangan ng pagkatuto. Makikita dito ang unti-uniting pag-angat sa kamalayan ng bawat mag-aaral na Pilipino.