Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SAN MATEO MUNICIPAL COLLEGE

General Luna St., Guitnangbayan I, San Mateo, Rizal

Pang a-abuso sa Karapatang


Pantao sa Panahon ng Pandemya

Soliva, Ellah Ofelia Joy B.


BSBAFM 2-B

Arlou Fabula
Properos sa Sosyedad at Literatura

Isang malaking dagok sa buhay ng bawat isa ang pagpasok ng bayrus


sa ating bansa na naging pandemya at naging rason upang sumailalaim

ang bansa sa “community quarantine” na kung saan ang bawat

mamamayang Pilipino ay dapat manatili sa kanilang tahanan kung

kinakailangan at kung lalabas naman aya dapat na kasuot ng facemask at

faceshield dala dala ang kanilang quarantine pass at ang maaari lang

lumabas ay ang mga tinatawag na frontliner. Ang bawat pamilya ay

dinadalhan ng ayuda sa kanilang mga thanan ngunit ayon sa panayam ng

CNN Philippines sa spokesperson of commission on human rights noong

Ika-30 ng Abril taong 2020 ay nagkaroon ng 300 na reklamo silang

natanggap sa pagpapairal ng community quarantine.

Sa panonoud ko ng panayam sa spokesperson ng CHR ay nakaramdam

ako ng kirot sa aking puso dahil mas lumala ang pang-aabuso sa

kapangyarihan sa panahon ng pandemic

Pinakita sa balita ang ibat ibang bidyu ng pang aabuso sa karapatang

pantao. Kagaya na lamang ng isang tanod na walang awang pinagpa-palo

ng kaniyang batuta ang isang lalaki dahil lamang wala itong suot na

“facemask”, kung ating susuriin talaga namang lumabag ang lalaki ngunit

hindi marapat na pagpalu-paluin siya dahil gaya nga ng sabi ng iba na

hindi maitatama ang mali ng isa pang mali. May mga bata rin parang aso

kung tratuhin dahil lamang sa pag labag sa ordinansang ipinapatupad sa

kanilang bayan, karamihan sa kanila ay nilabag ang curfew hours na


itinakda ng kanilang tagapamahala, marami ang bumatikos, nagkagulo

rin ang mundo ng social media nang malaman ang mga ganitong

insidente, kabilang na ako roon na tutok din sa pagmamasid sa mga

nangyayari sa aking paligid lalo na sa mga taong nalalabag ang

karapatang pantao. Dahil nga sa pandemya ay mas pinahirap pa ang pag

kamit ng hustisya laban sa pang aabuso ngunit nakaisip ng paraan ang

CHR na kung saan ay gumawa sila ng elektronikong paraan kung saan

doon magpapadala ng reklamo ang mga nakakaranas ng pang aabuso

ngunit hindi sapat ang pag i-imbestiga lang, kailangan pa din kumilos ng

CHR at ng gobyerno upang tuluyan nang matigil ang mga ganitong

kaganapan sa ating bansa dahil kung susuriin nga nating mabuti ang RA

9745 ay makikita natin na halos lahat ng mga ginawa ng mga nasa itaas

ay labag sa kaparatang pantao. Hindi rin labag ang pag batikos sa ka-

kulangan at ka-malian ng gobyerno at lokal na pamahalaan lalo na kung

ipinapahayag mo lang kung ano nga ba ang totoong nangyari.

Hindi tayo dapat manahimik lamang sa tabi at hayaan na ang ating

mga kababayan ay patuloy na makaranas ng pang aabuso ng kapwa natin

Pilipino. Buksan natin ang ating mga mata at huwag mag bulag-bulagan,

maging mapag-masid at mapanuri sa mga totoong nangyayari sa

kasalukuyan, huwag rin natin sanayin na manahimik habang ang mga

nasa itaas ay patuloy na abusuhin ang kanilang kapangyarihan. Hindi


man tiyak kung kailan matatapos ang pandemyang ito ngunit dapat

magkaroon ng tiyak na katapusan sa pang aabuso, mapa-mental,

emosyonal at pisikal.

You might also like