Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Marco Antonio T.

Quizon
Grade 11 (STEM) – Louis Pasteur

Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng Bansang Pilipino


(ABSTRAK)

Ang artikulong ito ay tungkol sa pagbuo ng bansang Pilipino gamit ang balangkas ng multikulturalismo.
Tinatalakay dito ang mga negatibong aspeto at kakulangan ng ating pagsasabansa at kung paano makatutulong ang
balangkas ng multikulturalismo sa pagtugon sa mga suliranin at usapin katulad na lamang ng rehiyonalismo, hidwaan ng
mga Muslim at Kristiyano, katayuan ng mga minoryang pangkat, ugnayan ng mga pangkat-etnikong nagsasama-sama sa
mga malalaking lungsod, at sa ating pagdadalumat o pagkakaunawa sa kinabukasan ng mga pangkat etniko sa mabilis na
modernisasyon at globalisasyon pati na rin sa umiiral na monokulturalismong nagaganap sa ating pagsasabansa. Layunin
ng sanaysay na ito na maipabatid ang kahalagahan ng multikulturalismo sa pagsira ng problema sa ating pagiging isang
bansang Pilipino. Walang ibinibigay na iisang pormula sa pagtugon ng mga suliraning dala-dala ng ating pagiging isang
multikultural na estado. Sa halip, ito ay nag-aanyaya na ating tingnan ang kabuuang historikal, pulitikal, at kultural na
konteksto ng bawat usapin. Binigyang diin nito na ang rehiyonalismo ay hindi hadlang kundi isang sandata upang
palakasin ang ating nasyonalismo. Sa kabuuan, ipinakita ng sanaysay na ito ang kahalagahan ng kamalayang
multikulturalismo sa pagtugon kung dapat bang burahin o dapat bang pangalagaan ang mga pang-etniko upang mabuo
ang bansang Pilipino. Hamon man sa mga pangkat-etniko ang pagtugon sa modernisasyon at globalisasyon, ang
balangkas ng multikulturalismo pa rin ang magtuturo sa atin na ang kultura ay hindi isang istatiko at walang buhay kundi,
ito ay isang yumayaman at lumalagong sistema.

You might also like