Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan-Modyul 6
Masistemang Pangangalaga
ng mga Tanim: Paggawa at
Paglagay ng Abono
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na Baitang Self-
Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 6: Masistemang Paraan ng Pangangalaga ng Tanim:
Paggawa at Paglagay ng Abono Unang
Edisyon, 2020

Isinasad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON


Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lorie Mae S. Dela Cru, Angelie Diane C. Pamplona


Noralita M. Bautista, Melanie A. Fabros
Jacqueline A. Feca, Elnora G. Pamplona
Editor: Beverly B. Abad
Tagasuri: Editha C. Madres, Genie P. Cubita, John Mark S. Anotonio
Aileen S. Guintibano, Jay Sheen A. Molina
Tagaguhit: Anna Lou C. Suyamin, Jobert C. Espino Tagalapat:
Arlene P. Norico

Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo


Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon PhD : Division EPS, TLE/EPP Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayon tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay
magagabayan sa inyong pag-aaral. Makatutulong ito
upang matutunan mo ng lubos ang tungkol sa masistemang
pangangalaga ng tanim.
Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop gamitin sa iba’tibang
sitwasyon. Iniakma rin sa kakayahan mo bilang mag-aaral ang
wikang ginamit dito para lubos mo itong maunawaan.
Ang mga aralin ay inayos mula sa simple o payak patungo
sa paksang nangangailangan ng mataas na pang-unawa ngunit
pwede mong baguhin ang pagkakasunod-sunod ng bawat paksa
sa pagbabasa o pagsagot ng mga Gawain batay sa aklat na iyong
ginagamit sa kasalukuyan.
Ang modyul na ito ay binubuo ng apat na mga aralin:
Aralin 1: Paggawa ng Organikong Pataba
Aralin 2: Paraan ng Paggawa ng Organikong Pataba
Aralin 3: Ibat’ ibang Paraan ng Paglalagay ng Abono
Aralin 4: Paggawa ng Organikong Pataba (Compost Pit, Basket
Composting at Vermi Compost)
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:
a. Natutukoy ang pinagmulan ng organikong pataba;
b. Nasusunod ang wastong paraan ng paggawa ng organikong
pataba;
c. Napahahalagahan ang mabuting dulot ng organikong pataba;
d. Naisasagawa ang wastong paraan ng paggawa ng organikong
pataba;
e. Naibibigay ang mabuting naidudulot ng tamang paraan ng
paggawa ng organikong pataba;
f. Naisaisip ang kahalagahan ng paggawa ng organikong Pataba;
g. Naisa-isa ang iba’t-ibang paraan ng paglalagay ng abono o
pataba sa halaman;
h. Napahahalagahan ang paglalagay ng abono o pataba sa mga
halaman;
i. Naipapaliwanag ang kahulugan ng bawat paraan ng paraan
paglalagay ng abono sa halaman;
j. Naisa-isa ang mga paraan sa paggawa ng compost pit;
k. Naisasagawa ang wastong paggawa ng compost pit;
l. Naisaalang-alang ang mga pamantayang pangkalusugan; at
pangkaligtasan sa paggawa ng compost pit.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na


tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
_______1. ________ ang nilalagay sa mga halaman upang tumaba
at maging sapat ang sustansyang taglay ng lupa na
kailangan ng mga halaman gamit ang ugat nito.
A. sikat ng araw B. abono C. tubig D. hangin
_______2. Anong uri ng pataba na gawa sa mga pinagsama
samang dumi ng hayop, mga bulok na pagkain katulad
ng prutas at mga damo?
A. organikong pataba C. di-organikkong pataba
B. complete fertilizer D. urea
_______3. Ito ay tumutukoy sa mga patabang nabibili sa mga
pamilihan at may halong kemikal.
A. organikong pataba C. di-organikkong pataba
B. complete fertilizer D. urea
_______4. Bakit mahalaga ang organikong pataba?
A. Nakadagdag kemikal sa lupa
B. Mabibili sa pamilihan at may kemikal ito
C. Lumiliit ang tubo ng halaman
D. Matipid, maaring mabawas ang dami ng kemikal na
abono.
_______5. Paraan ng palalagay ng abono o pataba na ikinakalat
sa ibabaw ng lupa.
A. broadcasting method C. foliar application method
B. side-dressing mehod D. ring method
_______6. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong ugali sa
paggawa ng organikong pataba ng pataba? A. Linisin
ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.
B. Ihanda ang mga mahalagang kagamitan o materyales
na gagamitin.
C. Magsigawan habang gumagawa.
D. Alamin ang mga paraan sa paglalagay ng abono.

2
_______7. Paano nilalagay ang Side-dressing Method?
A. Ikinakalat sa ibabaw ng lupa.
B. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng padidilig o pag-
iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman C.
Nilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng
halaman
D. Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may
layong kalahati hanggang isang pulgada mula s puno o
tangkay.
_______8. Anong halaman ang ginagamitan ng broadcasting
method sa paglalagay ng abono?
A. okra B. talong C. palay D. kamatis
_______9. Ano ang ginagamit sa pag ispray sa Foliar Application
Method?
A. sprayer B.timba C. tabo D. plato
_______10. Kailan maaring maglagay ng Basal Method?
A. Kapag namumulaklak na ang tanin
B. Kapag malaki na ang tanim
C. Kapag kailangan ng anihin ang tanim
D. Kapag wala pang tanim ang lupa

3
Aralin
Paggawa ng Organikong
1 Pataba
Mga Layunin:

a. Natutukoy ang pinagmulan ng organikong pataba;


b. Nasusunod ang wastong paraan nang paggawa ng organikong
pataba; at
c. Napahahalagahan ang mabuting dulot ng organikong pataba.

Balikan

Panuto: Tingnan ang mga larawan at isulat sa patlang kung ito


ay Nabubulok o Di-nabubulok.

1._______________ 2._______________

3._______________ 4.________________

5.___________________

4
Tuklasin

Basahin at unawain ang maikling kuwento.


Ang Dalawang Magkaibigan
May dalawang magkaibigan na sina Lyka at Xia habang
naglalakad, may nakita silang mga nakakalat na cellophane,
mga tuyong dahon, natirang mga prutas, mga plastik na bote,
Styrofoam at iba pa.
Hindi namalayan ni Xia namumulot na pala si Lyka ng mga
tuyong dahon at natirang mga prutas na karga karga na niya.
Pinuna siya ni Xia at sabay tanong, “Bakit mo pinulot ang mga
yan,” Lyka? Ang dumi nyan!. Alam mo ba na malaki ang
pakinabang nito sa ating mga halaman at lupa. Sagot ni Lyka.
Ano ang gagawin dyan? Tanong ni Xia. “Pinulot ko to dahil
gagawin ko itong pang abono sa aking mga halaman upang ito ay
lumago at tumaba. Sagot ni Lyka.

Suriin

Batay sa kwentong binasa mo sagutin ang


sumusunod na tanong.
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa mga kuwento?
2. Anong pataba kaya ang kanyang gagawin?

1. COMPOST PIT- ay isang hukay sa lupa kung saan


itinatambak o inilalagay ang mga nabubulok na bagay
upang gawing organikong pataba.
2. BASKET COMPOSTING- ang pagkokompost na nagbibigay
ng isang mura, maginhawang opsyon ng pagkokompost
para sa malago at matabang harding lupa.
3. VERMI COMPOST- abonong produkto mula sa bulate na
Vermi. Ito ay pinakamabilis na paraan sa paggawa ng
organikong pataba.

5
Pagyamanin

Gawain 1.1
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang organikong pataba?
2. Ano ang tatlong uri ng organikong pataba?
3. Ano ang pinagkukunan ng organikong pataba?
B. Panuto: Lagyan ng tamang bilang 1-7 ang tamang
pagkasunod-sunod ng paggawa ng organikong pataba.

____1. Hukayin ito ng dalawang metro ang haba, luwang at lalim.


____2. Humanap ng medyo mataas na lugar.
____3. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok at
baka.
____4. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo,
basurang nabubulok at mga pinagbalatan na gulay at
prutas.
____5.Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo,
nabubulok na basura, dumi ng hayop, abo, lupa hanggang
sa mapuno ang hukay.
____6. Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.
____7. Patagalin ng tatlong buwan o higit pa upang mabulok
bago kunin.

Isaisip

Gawain 1.2
Panuto: Ibigay ang wastong pamamaraan sa paggawa ng
organikong pataba. Isulat sa iyong sagutang papel.

6
Isagawa

Gawain 1.2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong.
Magbigay ng paliwanag o opinyon dito.
1. Ano ang benepisyong makukuha kung ang basurang
nabubulok ay hindi susunugin, bagkus ito ay pabubulukin
at gagawing organikong pataba?
2. Ano ang iyong gagawin upang mamulat ang iyong
kapitbahay sa kahalagahan ng paggawa ng organikong
pataba at tamang pagtatapon ng basura?

Aralin
Ang Mga Paraan ng Paggawa
2 ng Organikong Pataba
Mga Layunin:
a. Naisasagawa ang wastong paraan ng paggawa ng
organikong pataba,
b. Naibibigay ang mabuting naidudulot ng tamang paraan
ng paggawa ng organikong pataba, at
c. Naisaisip ang kahalagahan ng paggawa ng organikong
pataba

Balikan

Panuto: Sagutan ang mga tanong.


1. Naalala mo pa ba ang ating aralin sa nakaraang araw? Ano
ano ang iyong natutuhan?
2. Paano ito gagawin?

7
Tuklasin

Panuto: Susuriin ng mga mag-aaral ang bawat larawan.

Larawan A Larawan B Larawan C


Ano- ano ang iyong nakikita sa mga larawan A? Larawan B?
Larawan C? Alin sa mga sumusunod na larawan ang organikong
pataba? Bakit? Aling larawan naman ang di-
organikong pataba?

Suriin

Ang mga tamang pamamaraan sa paggawa ng Organikong


pataba
1. Humanap ng medyo mataas na lugar.
2. Hukayin ito ng dalawang metro ang haba, luwang at lalim.
3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang
nabubukok at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.
4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at
baka.
5. Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.
6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok
na basura, dumi ng hayop, abo, at lupa hanggang sa mapuno
ang hukay.
7. Patagalin ng 3 o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga
compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal
screen na maliliit ang mga butas.

8
Pagyamanin

Gawain 2.1
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Nasunod mo ba ang tamang pamamaraan ng paggawa ng
organikong pataba? Ano ano ang iyong ginawa?
2. Bakit natin kailangan pahalagahan ang gawaing ito?
3. Ano ang mabuting naidudulot sa ating pang araw araw na
gawain?
B. Panuto: Isulat ng patalata ang mga hakbang sa paggawa
ng organikong abono o pataba.

Isaisip

Gawain 2.2
Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Isulat ang
iyong mga sagot sa sagutang papel.
Sa paggawa ng organikong pataba ay makapagbibigay ng 1.____
upang lumago ang mga pananim. Ang 2. ______ gawa sa mga
nabubulok na basura tulad ng dumi ng hayop, dahon, balat ng
prutas, gulay. Samantalang ang 3.__________ pataba tulad ng
4.________(46-0-0) at 5. ______ (14-14-14 ) patabang may halong
kemikal.

9
Isagawa

Gawain 2.3

A. Panuto: Isa-isahin ang paggawa ng organikong pataba.

B. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Nasunod mo ba ang tamang pamamaraan ng paggawa ng
organikong pataba? Ano ano ang iyong ginawa?
2. Bakit natin kailangan pahalagahan ang gawaing ito?
3. Ano ang mabuting naidudulot sa ating pang araw araw na
gawain?

Aralin
Iba’t-ibang Paraan sa
3 paglalagay ng Abono
Mga Layunin:
a. Naisa-isa ang iba’t-ibang paraan ng paglalagay ng abono o
pataba sa halaman;
b. Napahalagahan ang paglalagay ng abono o pataba sa mga
halaman; at
c. Naipapaliwanag ang kahulugan ng bawat paraan ng paraan
ng paglalagay ng abono sa halaman.

Balikan

Natalakay natin ang tungkol sa paggawa ng organikong


pataba. Gawin ang mga sumusunod at isulat ang iyong mga
sagot sa sagutang papel.
1. Magbigay ng dalawang (2) paraan sa paggawa ng
organikong pataba.

10
2. Ano- ano naman ang mga hakbang sa paggawa ng compost
pit?

Tuklasin
Larawan A Larawan B

1. Ano ang napansin mo sa larawan A? Larawan B?


2. Ano ang ibig ipahiwatig ng dalawang larawan?
3. Bakit may halamang mataba o malusog?
4. Bakit may halamang payat o hindi malusog?
5. Ano kaya ang dapat gawin upang maging malusog o
malago ang mga halaman?

Suriin

Tingnang mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

 Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?


 Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng gamitin?
 Bakit ito ginagamit sa palayan at maisan?
Ang paglalagay ng abono sa malawak na lupain na kinakalat sa
ibabaw ng lupa ay tinatawag nating Broadcasting Method. Ito
ay ginagawa sa mga palayan at maisan.

 Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?


11
 Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng gamitin?
Bakit?
Ang paglalagay ng abono na ilalagay sa lupa na hindi
gaanong malapit sa ugat ng halaman ay tinatawag nating
Side-dressing Method. Ito ay kadalasang ginagawa sa mga
halamang nakatanim ng pahilera at paisa-isa.

 Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?


 Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng gamitin?
Bakit?
Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng pagdidilig o
pagiispray ng solusyong abono sa dahon ng halaman ay
tinatawag nating Foliar Application Method.

 Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?


 Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng gamitin?
Bakit?
Ang paraan na humukay muna nang pabilog sa paligid ng
tanim na may layong kalahati hanggang isang pulgada, mula sa
puno o tangkay ay tinatawag Ring Method.

 Tingnan ang larawan paano nilalagay ang abono?


 Sa anong mga halaman o tanim kaya ito pwedeng gamitin?
Bakit
Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng paghahalo ng
pataba sa lupa bago itanim ang halaman ay tinatawag nating
Basal Application Method. Kapag ang halaman naman ay
itatanim sa paso, ang pataba ay inihalo muna sa lupa bago
itanim ang halaman.
Paano maglagay ng abono?
Meron tayong dalawang klase ng pataba ang patabang
organiko at patabang di-organiko. Ang patabang galing sa mga
bulok na mga bagay tulad ng dumi ng hayop at mga bulok na
dahon, gulay at prutas ay ginagawang compost pit upang
12
magkaroon tayo ng organikong pataba at inihalo lamang ito sa
lupa. Ang paglalagay naman ng di-organikong pataba ay
nakasulat sa balot nito ang mga paraan ng paglagay nito sa mga
halaman.
Kailan maaaring maglagay ng abono?
Ang abono o pataba ay maaaring ilagay bago magtanim,
habang nagtatanim o pagkatapos magtanim. Ngunit ang
pinakamagandang panahon sa pagolalagay ng abono o pataba ay
habang maliliit pa ang mga tanim bago ito mamunga. Sa
panahong ito, kailangan ng tanim ang sustansya
mula a lupa.

Pagyamanin

Gawain 3.1
A. Panuto: Isulat sa table o tahanayan sa ibaba ng iyong sagot.

Paraan nang Kailanilagay ang Anong halamang


paglagay abono abono pwede lagyan nito
Broadcasting
Method
Side-dressing
Method
Foliar Application
Method
Basal Application
Method
Ring Method

13
Panuto: Itugma ang hanay A sa tamang sagot na naaayon sa
larawan sa hanay B. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang
papel.
A B
1. Foliar Application
a.
2. Basal Application Method .
b.
3. Broadcasting Method
c.
4. Ring Method
d.
5. Side-dressing Method
e.

Isaisip

Gawain 3.2
Panuto: Ibigay ang iba’t ibang paraan ng paglalagay ng abono o
pataba sa mga halaman at ilarawan ito gamit ang parirala. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isagawa

Gawain 3.3
Panuto:Punan ng tamang sagot ang bawat pahayag.
_____________1. Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng
Paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman
_____________2. Ang paglalagay ng abono sa malawak na
lupain na kinakalat sa ibabaw ng lupa.
_____________3. Ang paraan na humukay muna nang pabilog
sa paligid ng tanim na may layong kalahati hanggang isang
pulgada, mula sa puno o tangkay.

14
_____________4. Ang paglalagay ng abono sa pamamagitan ng
pagdidilig o pag-iispray ng solusyong abono sa
dahon ng halaman.
_____________5. Ang paglalagay ng abono na ilalagay sa lupa
na hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman.

Aralin Paggawa ng Organikong Pataba


4 (Compost pit, Basket
Composting at Vermi Compost)
Mga Layunin:
a. Naisa-isa ang mga paraan sa paggawa ng compost pit;
b. Naisasagawa ang wastong paggawa ng compost pit, at
c. Naisaalang-alang ang mga pamantayang pangkalusugan
at pangkaligtasan sa paggawa ng compost pit.

Balikan

1. Magbigay ng mga paraan sa paglalagay ng abono sa halaman.


2. Ano ang ibig sabihin ng mga sumusunod:
a. Broadcasting Method-
b. Foliar Method-
c. Side-dressing Method-
d. Ring Method-
e. Basal Application-

15
Tuklasin

Panuto: Tingnan ng mabuti ang nasa larawan at suriin ang mga


ito.

1. Ano ang mga nasa larawan?


2. Saan ginagamit ang mga kagamitang ito?

Suriin
Ang Paggawa ng Compost Pit
1. Pumili ng angkop na lugar.
a. patag at tuyo ang lupa
b. may kalayuan sa bahay malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa
at iba pa.
2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim
at dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at
hayaang makabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang
uri ng mikrobyo.

3.Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo,


dahon mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa
ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na
basura sa hukay.

4.Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15


sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog.
Gawain ito ng paulitulit hanggang mapuno ang hukay.

5.Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng


pagdilig araw-araw. Tiyakin hindi ito babahain kung panahon
16
nama ng tagulan, makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay
ng ilang piraso ng dahon ng saging upang hindi bahain.
6.Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may
butas sa gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang
makapasok ang hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng
mga basura.

7.Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong


linggo. Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at
lupa.
Pagkalipas ng dalawang buwan o higit pa ay
maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis
na pagkakabulok ng mga basurang ginamit.

Mga hakbang sa paggawa ng basket commposting.


1.Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at
haba. May isang metro ang lalim.

2.Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-


patong na tuyong dahon. dayami, pinagbalatan ng gulay at
prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng compost pit
hanggang mapuno ang sisidlan.

3.Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang


kawayan upang mabulok kaagad ang basura.

4.Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan


upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang

5.Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng


sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.

17
Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
A. Maglista ng mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng
compost pit, basket composting at vermi compost.
B. Itala ang mga maayos na paraan sa paggawa ng compost
pit, basket composting at vermin compost.

Isaisip

Gawain 4.2
Panuto:

1. Ano-ano ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa ng


compost pit?
2. Paano ang pagsasagawa nang maayos na compost pit?
3. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang bilang pamantayang
pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggawa ng compost
pit?

Isagawa

Gawain 4.3
Gumawa ng simpleng compost pit sa inyong bahay at ibahagi
ang inyong karansan sa paggawa nito. Isulat at ibahagi ang
inyong karanasan sa paggawa sa pamamagitan ng isang sa
sanaysay.

18
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na


tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong ugali


sa paggawa ng organikong pataba ng pataba?

A. Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.


B. Ihanda ang mga mahalagang kagamitan o materyales na
gagamitin.
C. Magsigawan habang gumagawa.
D. Alamin ang mga paraan sa paglalagay ng abono bago
magsimula.

2. Paano nilalagay ang Side-dressing Method?


A. Ikinakalat sa ibabaw ng lupa.
B. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng padidilig o pag-
iispray ng solusyong abono sa mga dahon ng halaman
C. Nilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa ugat ng
halaman
D. Humukay nang pabilog sa paligid ng tanim na may
layong kalahati hanggang isang pulgada mula sa puno o
tangkay.
3. Anong halaman ang ginagamitan ng broadcasting method sa
paglalagay ng abono?
A. okra B. talong C. palay D. kamatis
4. Ano ang ginagamit sa pag ispray sa Foliar Application
Method?
A. sprayer B.timba C. tabo D. plato
5. Kailan maaring maglagay ng Basal Method?
A. Kapag namumulaklak na ang tanin
B. Kapag malaki na ang tanim
C. Kapag kailangan ng anihin ang tanim
D. Kapag wala pang tanim ang lupa

19
6. ________ ang nilalagay sa mga halaman upang tumaba at
maging sapat ang sustansyang taglay ng lupa na kailangan
ng mga halaman gamit ang ugat nito.
A. sikat ng araw B. abono C. tubig D. hangin

7. Anong uri ng pataba na gawa sa mga pinagsama samang


dumi ng hayop, mga bulok na pagkain katulad ng prutas at
mga damo?
A. organikong pataba C. di-organikkong pataba
B. complete fertilizer D. urea

8. Ito ay tumutukoy sa mga patabang nabibili sa mga


pamilihan at may halong kemikal.
A. organikong pataba C. di-organikkong pataba
B. complete fertilizer D. urea
9. Bakit mahalaga ang organikong pataba?
A. Nakadagdag kemikal sa lupa
B. Mabibili sa pamilihan at may kemikal ito
C. Lumiliit ang tubo ng halaman
D. Matipid, maaring mabawas ang dami ng kemikal na
abono.

10. Paraan ng palalagay ng abono o pataba na ikinakalat sa


ibabaw ng lupa.
A. broadcasting method C. foliar application method
B. side-dressing mehod D. ring method

20
Karagdagang Gawain

A.Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salita sa loob ng


crossword puzzle ang mga paraan ng pag-aabono.

B R D H S H L O A F F A
A R F H K L U I O S R B
A H O V J S H B J K I A
P O B A S A L U R W N V
X C M H D B F D B Y G D
F Q W E R C P O Y T E E
H K L F C V A M B I U T
F O L I A R A S H L Q W
P I H G B M C D T A F D
F B J L G Q N O S I G Z
L N F R A U E J K A N A
S I D E D R E S S I N G

B.Panuto. Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.


1. Magbigay ng dalawang paraan ng paglalagay ng abono at
iguhit ito.
2. Magtanong sa mga magulang ng iba pang mga halaman
na ginagawa ang paraan ng paglalagay ng abono tulad ng
Broadcasting, Side-dressing Method, Foliar Application
Method, Ring Method at Basal Application Method at
isulat ang kahalagahan ng paggamit nito sa halaman.

21
Susi sa Pagwasto

Sanggunian
Aklat:
Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., and Rondina, J.
2015. Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan IV.
Vibal Group, Inc.
Website:
"Direct Seeding - IRRI Rice Knowledge Bank".
Knowledgebank.Irri.Org, 2020.
http://www.knowledgebank.irri.org/step-by-
stepproduction/growth/planting/direct-seeding.

"LR Portal". Deped LR Portal, 2020.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17915.

Geraldmayolthesecond.Files.Wordpress.Com, 2020.

https://geraldmayolthesecond.files.wordpress.com/2014
/09/03_mga-hakbang-sa-paggawa-ng-compost-1.pdf
22
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng
Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso
ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay
Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna,
komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource
Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.:


(083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: region12@deped.gov.ph

23

You might also like