Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARARO

ni: Melvin F. Esplana

Araw ng Linggo, matapos naming dumalo ng pagsamba, ay agad na inihanda ni tatay ang
kaniyang araro dadalhin patungo sa aming bukid. Suot niya ang kaniyang paboritong salakot at damit na
gamit sa pang-araro. Kahanga-hanga ang tindig na aking tatay habang pasan niya ang kaniyang araro.
Napakasipag talaga ng aking tatay, at hindi kababakasan ng kahinaan ng loob. Kahit na mahirap ang
kaniyang trabaho ay tuloy pa rin siya kaniyang paggawa. Idolo ko talaga ang aking tatay dahil sa
kaniyang kasipagan.
Naalala ko pa ang madalas na ikwento ng aking tatay.
“Anak ang ararong ito ay minana ko pa sa iyong lolo, kaya gayon na lamang ang aking pag-iingat
at pagpapahalaga sa ararong ito. Bukod sa ginamit pa ito ng iyong lolo ay ito rin ang isa sa mga naging
daan upang mapaunlad niya ang aming sakahan na ipinamana niya sa atin ngayon”, kwento ni tatay.
Tatay, bukod sa araro ano pa po ang ipinamana ng aking lolo?
Napatitig sa akin ang aking ama “Anak, ang matibay na pananampalataya sa Diyos at ang
kasipagan sa paggawa yan ang mga di-materyal na bagay na ipinamana sakin ng Lolo Ben mo.
“Asan po iyon tatay, parang di ko po nakikita sa loob ng bahay?”, sabay tawa ng malakas. Dahil
sa aking biro napangiti ko ang aking tatay. Naunawaan ko na kaya pala ganito kasipag ang aking Ama ay
dahil pinanday ng lolo ang kaniyang mabuting pag-uugali. Parang bakal na pinanday sa apoy upang
maging matibay na araro.
Araw ng Lunes, maaga akong nagising pero wala ang aking tatay. Agad akong bumangon,
inaayos ang aking higaan at tumakbo sa labas ng bahay. Pero wala roon ang aking tatay. Agad kong
tiningan ang daan, andun na pala si tatay pasan ang kaniyang araro, patungo sa aming bukid kasama si
Lakas ang aming matipunong kalabaw. Sayang kung napaaga pala ako ng gising ay sasama ako sa aking
tatay, para makapag-aral ng pag -aararo. Pero sadya sigurong iniwan niya ako ayaw pa niya akong
turuaan dahil bata pa raw ako at pag-aaral na muna ang aking intindihin. Malungkot man pero, alam kong
ang payo ni tatay ang makabubuti sa akin. Kaya habang iniintay ko ang pagkakataong iyon ay mag-aaral
ako ng mabuti, medyo marami-rami pa naman ang modyul naming ngayon.
Magdadapit-hapon na nang umuwi si tatay pasan-pasan ang kaniyang malinis araro. Kahit na
lumusong sa putik at dumaan sa maraming tipak ng lupa ay nanatili pa rin ang magandang hugis at linis
nito. Bakas ang pagod pero nakangiti siya ng makita ang tasa ng kape at nilagang saging na aking
inihanda, habang ang aking nanay ay dala na ang pamalit na damit ng aking tatay.
“Naararo at nalinis ko na ang pagtatamnan ng gulay bukas. Dahil pupunta kami sa bukid ay
isasama ka namin anak sa bukid. Dalhin mo ang iyong mga modyul, para doon ka makapag-aaral” wika
ni tatay.
Napakagandang pakinggan, sa wakas makasasama na rin ako sa bukid at makikita ko na rin ang
paraan ng pag-aararo ng tatay. Malalaman ko na rin ang lihim niyang teknik, na ayaw pa niyang ituro sa
akin.
Kinabukasan, nagising akong wala na ang mga magulang ko sa kanilang higaan. Kinabahan ako,
mabilis kong tinungo ang aming kusina.
“Anak mukhang nanabik ka talagang pumunta sa taniman ah? Alas singko pa lang ng umaga ay
gising ka na, samantalang inaabot ka ng sikat ng araw bago gumising”, sambit ng tatay.
“Eh pano ba naman, pinapantasya ang pagaararo niyang anak mo, tingan mo ang kuwaderno
puro imahe ng araro ang nakaguhit” may panunuksong dagdag ng nanay.
“Nanay naman, baka hindi na ako ibili ng tatay ng bagong gamit sa pag-aaral niyan. Pasensya na
po tatay sadyang idolo ko lang po ang inyong trabaho.
“Anak may tamang panahon para dyan, bata ka pa kapag nasa tamang edad ka na tuturuan kita.
Ang mabuti muna na gawin mo ay ang iyong akma sa iyong edad.”, malambing na tugon ni tatay.
Opo, itay pero pwede po bang humiling?
Ano iyon anak?
Pwede po bang sumubok mag-aararo. Kahit saglit lang po,please.
Naku! mapilit ka talaga tapusin mo muna ang pagsasagot ng mga modyul mo. Maghanda ka na at
pupunta na tayo sa bukid.
Medyo sumisikat na ang araw ng marating namin ang aming bukid. Agad na ibinaba ng tatay ang
pasan niyang araro. Napagandang pagmasdan ng bukid, kulay kayumangi ang bawat pitak at
napapaligiran ng berdeng damo.Ito na siguro ang napakalawak na lupang inararo ng aking tatay.
“Nay, itutuloy ko na ang aking pag-aaro. Anak diyan ka muna sa inihanda kong lamesa sagutan
mo ang iyong modyul. Pag natapos mo iyan ng maaga at natiyak kong wasto, tuturuan kitang mag-araro”
nakangiting sabi ng aking ama.
“Opo, itay sabi nyo po yan walang bawian”, masigla kong tugon. Sa wakas mahahawakan ko na
rin ang araro ni tatay ay malalaman ko na rin ang lihim niyang teknik.
Matapos kumain ay namahinga ang nanay at tatay. Dahil sa kasabikan ay di ko na inintay ang
aking tatay. Agad kong tinungo ang kinalalagyan ng araro ni tatay na nasa lilim ng punong santol.
Sinubukan ko itong buhatin, Eeeeeeehhhhh, eeeeeeh, bakit ang bigat naman ng araro ni tatay. Paano kaya
niya ito binubuhat? Parang hindi naman siya nabibigatan kapag pasan niya ito.
Sadya lamang sigurong malakas si tatay.. Nasiyahan na lamang ako sa pagmamasid ng aming bukid
habang hinihintay ang aking tatay.
“Anak nandiyan ka na pala? Talagang hindi ka na natulog dahil sa iyong kasabikan.
Pasensya na po tatay, nasasabik lamang po ako na matutunan ang pag-aararo at siyempre ang
inyong sekretong teknik.
Anak, isa lang ang sikreto ko na parating kong isinasagawa, alam mo ba kung ano iyon?
Ano po iyon tatay?
Ang pananalangin, bago ako magsimulang gumawa ay hindi ko kinaliligtaang manalangin sa
Diyos para humingi ng gabay at lakas.
Ah iyon lang po pala tatay ang sikreto mo, kala ko pa naman po ay may teknik kayo sa pag-aararo
kaya ganito kalaki ang ating bukirin.
Oo anak, iyon ang pangunahin kong sikreto na dapat mo ring taglayin, halika ka at tayo’y
mananalangin upang maturuan na kita sa loob ng tatlumpong minuto.
Parang ang bilis naman itay, pwede bo bang tatlong oras?
Hindi pwede, bata ka pa at hindi pa kaya ng iyong katawan. Hala tara at ng tayo’y
makapanalangin na.
Paunti -unti naming binungkal ang lupa. Sadyang nakalilibang ang pag-aararo pero sadyang
nakakapagod. Pero sa kabila noon, tuloy pa rin ako sa pagpapaturo sa aking tatay. Walang ano-ano
biglang nagwala ang aming kalabaw. Natanaw pala nito ang kalabaw ni Mang Ambo. Bigla nitong hinila
ang tali ng aming araro. Dahil hindi napigilan ng aking ama ang paghila ng aming kalabaw ay napatumba
ako sa putik. Dagli naman akong tinulungan ng aking ama, pero imbis na awa ay puro tawa pa ang aking
narinig dahil nakita niya ang putik sa buo kung katawan. Dahil doon ay humalakhak na rin ako ng
malakas.
Dumaan ang isang lingo, napansin ko na itinabi na ng aking tatay ang kaniyang araro. At lumipas
pa ang isang buwan pero hindi na niya pinapasan ang araro patungo sa bukid. Bakit kaya? tanong ko sa
aking sarili. Palagi naman siya bukid pero bakit palagi niyang iniiwan ang kaniyang paboritong araro.
Anak gusto mo bang sumama sa bukid bukas, tutal araw naman ng Sabado bukas. Araw kasi ng
anihan bukas, tiyak na masisiyahan ka sa aanihin nating palay at iba’t ibang gulay at prutas.
“Opo, itay!”, ang masaya kong sagot. “Dadalhin po ba natin ang araro bukas? Magpapaturo na rin
po ako.”
Hindi anak, kasi panahon ngayon ng anihan kaya hindi pa natin kakailanganin ang araro sa
pagbubungkal ng lupa.
Kaya po pala tatay hindi na po ninyo dinadala ang inyong paboritong sandata sa bukid.
“Oo anak pero pagkatapos nitong anihan ay mapapasabak muli iyan? Ang anak ko talaga,
napakalaki ng pagmamahal sa agrikultura.”, wika ni tatay.
Maaga pa ay narating na namin ang aming bukid, manghang mangha ako sa aking nakita. Kulay
ginto ang aming palayan na masiglang inaani ng mga tao sa bukid. Ang mga gulay na itinanim ng aking
mga magulang ay napakalulusog. Hitik na hitik sa prutas ang mga bungangkahoy na matagal ng
inaalagaan ng tatay. Mayroong balimbing, manga, at santol na sadyang nakakatakam. Ito ang bunga ng
kasipagan at mabuting pangangalaga ng aking tatay. Hindi ko inaksaya ang oras at buong sikap kong
tinulungan ang aking nanay sa pamimitas ng gulay at prutas. Ang aking tatay naman ay gumabay sa
tagaani ng palay na mga kasamahan din niyang nagtatrabaho sa bukid.
Sa oras ng aming panangahalian masustansiyang gulay at prutas ang inahanda namin ng nanay.
Matapos makapanalangin ay masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain kasama ang mga kasama ni
tatay sa bukid.
Malaki-laki rin ang aming kinita sa aming taniman. Sadyang napakahalaga ng pagtatanim ng mga
halaman masustansiya na, kumikita ka pa.
Isang hapon, napansin kong inihahanda na naman ng aking tatay ang kaniyang araro. Marahan
niya itong kinuha sa bodega upang ihanda. Panahon na nga pala ng pagbubungkal ng lupa. Masusi
niyang inispeksyon ang mga bahagi nito. Pinalitan na rin niya ito ng bagong lubid. Kapansin-pansin ang
katatagan ng araro parang ang aking tatay na taglay ang lihim na teknik. Teknik na pagtitiwala sa
magagawa ng Diyos. Ito ang nais kong tahakin ang payabungin ang kasanayan ko sa agrikultura sa awa at
tulong ng Diyos. Pangarap kong pasanin ang aking sariling araro para sa kinabukasan.
Bilang ng mga salita: 1548

Learning Competency:
11. Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad
Hal.
11.1. pagpapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman ang
paniniwala
11.2. pagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa,

You might also like