Filipino 4 Q1 Week 5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

1

Aralin Filipino 5-Q1-W5


Kahalagahan ng Media
5 Iba’t ibang Uri ng Panghahip Panao

Mga Inaasahan

Masayang umaga sa iyo!


Sa araling ito, ay pag-aaralan mo ang paggamit ng iba’t ibang uri ng
Panghalip Panao sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.

Inaasahan sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan:
1. Naibibigay ang kahalagahan ng media (hal. Pang-impormasyon, pang-aliw,
panghikayat. (F4PFI-e-2)

- Nasasagot ang mga tanong sa binasa tungkol sa kahalagahan ng media


- Naibibigay ang kahalagahan ng media

2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol
sa sariling karanasan. (F4WG-If-j-3)

- Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip panao sa usapan


- Nakasusulat ng maikling talata tungkol sa sariling karanasan gamit ang iba’t
ibang uri ng panghalip panao

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
unang gawain.

Paunang Pagsubok

Punan ng mga panghalip panao ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Isulat
ang letra ng tamang sagot.

____1. Ako at si Aira ay magkaklase, _____ ay matalik na magkaibigan.


A. ikaw B. sila C. natin D. kami
____2. Sina Ben, Dan, at Tino ay mamamasyal sa parke upang doon_______ ay
magpapalipad nang saranggola.
A. tayo B. sila C. natin D. ikaw
____3. ____ raw ang kasama ko bukas sa Manila Zoo.
A. kayo B. ikaw C. siya D. kami

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
2

____4. Planuhin ____ lahat ang pamamasyal sa tabing dagat bukas.


A. ikaw B. natin C. kami D. tayo
____5. Mario, ___ ba ang maghahatid sa paliparan kay kuya Isko?
A. ikaw B. kami C. tayo D. sila
Para sa bilang 6-10
Basahin ang talata, humanap ng limang magkakaibang panghalip panao na
ginamit sa talata at bilugan ito.

Nong nagbalik ang kaniyang isipan sa bangka at sa mga kaibigan. Nakita niya
ang marahang paglubog sa tubig ng tsinelas na hindi na makukuha kailanman pagkat
ang bangka ay hindi niya maaaring ipahinto upang kunin lamang ang kaniyang isang
pang tsinelas. Sandaling nag-isip si Pepe at sa gitna ng pagtataka ng lahat ay kinuha
nito ang isa pang tsinelas at itinapon sa malapit sa kinalubugan ng isa. Ang mga
kaibigan ay nagkatinginan. Hindi nila malaman kung si Pepe’y galit o nanloloko.
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ng isa.
“Hindi ko na makukuha pa iyong nahulog sa tubig. Ang natira sa paa ko’y walang
kabuluhan. Ang isa ay walang kabuluhan kung walang kaparis,” tugon ni Pepe.

Balik-tanaw
Basahin at suriin ang teksto at pagsunod-sunurin ang ito. Isulat ang numero 1-5

Magrehistro sa Relief Agad app - panawagan ng DSWD sa mga benipisyado ng SAP


2nd tranche ni Lucia F. Broño inilathala noong June 4, 2020

_____ Ayon sa Kagawaran, sa 13.5 milyong tukoy na benipisyado ng SAP 2nd tranche,
2 milyon pa lang ang nakapagrehistro sa Relief Agad app.4
______ Ang pagrerehistro aynaglalayon na mabawasan ang tsansa na paglabas at pagpila
ng mga benepisaryo nito lalo na ang mga matanda, buntis, at PWD.2
______ Subalit pinaaalala lamang ng DSWD na mga benepisyado sa National Capital
Region (NCR) pa lamang muna ang kauna-unahang makagagamit ng app dahilnasa pilot testing
pa ito.3
______ Sa katapusan sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte, tutulong ang Philippine National Police
(PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamahagi ng 2nd tranche
ng SAP lalo na sa malalayong lugar at mga lugar na may banta ng panganib.5
_____ LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 4 (PIA) –Nanawagan ang Department of Social
Welfare & Development sa mga benipisyado ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program
(SAP) na magrehistro sa Relief Agad app.1

Pagpapakilala sa Aralin

Halika na at simulan natin.

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa kahalagahan ng media. Malalaman mo


ang kahalagahan ng media sa buhay ng tao.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
3

Ang Kahalagahan at Importansiya ng Mass Media sa Komunidad


Isinulat ni Mark Moner

Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng pamumuhay


ng mga tao sa isang komunidad. Sinasabing ito ay makapangyarihang sandata o “tool”
ng komunikasyon. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng
mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan. Ang telebisyon
radio, at internet ay mga halimbawa ng makapangyarihang mass media. Ito ay
“accessible” kahit sa maliliit na pamayanan sa ating bansa.

Kapag may kalamidad, malaki ang ginagampanan ng mass media sa pagpapakalat


ng mga advisories o babala sa mga komunidad. Sa pagdating pa lang ng nagbabadyang
bagyo, halimbawa, naipapaalam na agad sa mga mamamayan ang mga dapat gawin
upang makaiwas sa sakuna. Ang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ay nabibigyan din
ng mass media ng tulong. Upang malaman ng gobyerno ang kalagayan ng mga biktima.
Maging ang paghingi ng mga donasyon ng relief o tulong sa mga pribadong mamamayan
ay dinadaan sa mass media. Dahil dito, kahit ang mga liblib na lugar sa Pilipinas ay
nagkakaroon ng pagkakataong maabutan ng mga ayuda. Ang pang araw-araw na
pamumuhay, nabibigyan ng mass media ng tuwa o “entertainment” ang mga tao sa
isang komunidad. Katulad na lamang nang mga panooring pangtanghali o sa gabi man.
Ang mga balita sa ating bansa ay naipapalaganap din sa pamamagitan ng mga
telebisyon, radio, at internet. Sa mass media, nalalaman ng bawa’t isa kung ano o “in”
o “trending” na nakakatulong sa mga negosyo sa mga komunidad. Ang patalastas o mga
“advertisement” tungkol sa makabagong produkto ay idinadaan din sa mass media.
Kung kaya’t ang mass media ay sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang
panahon ng komersyalismo.

Narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang media sa edukasyon:

1. Nagtuturo ito kung paano mapatunayan ang impormasyon at makilala ang iba pang
mga pananaw.
▪ Nagtuturo ito kung paano magsuri ng may kredibilidad ang impormasyon.
Halimbawa kung totoo ba ang ipinapakita ng litrato sa iyo o nagsasaad ba ang
artikulo sa sinasabi ng partikular na tao.
2. Hinihikayat nito ang kritikal na pag-iisip.
▪ Sa pag-iisip na kritikal, makikita natin kung walang kabuluhan ang
impormasyon na nakikita natin.
3. Hinihikayat din nito na magpapakita ng iba pang mga pinagkukunan na media na
responsable.
▪ Ang pagiging malaya sa pagli-like, pagkokoment, o pagbabahagi ng mga
impormasyon online ay mayroon ding panganib. Kaya mag-ingat tayo sa
pagbabahagi ng mga impormasyon na pinagkukunan natin.
4. Nagsasaad ito sa mga mambabasa kung paano nito maapektuhan ang kultura
natin.
▪ Ang media ay may kakayahan na mag-endorso ng ating kultura sa iba’t ibang
paraan.
5. Nakatutulong ito sa atin na matukoy at makilala ang mga planong
pangkomunikasyon at pangkalakalan.
▪ Halimbawa nito ay ang mga nakikita natin mga kasabihang pangganyak na
nila-like natin at ibinabahagi sa Facebook
▪ Ngayon ay naunawaan mo na ang kahalagahan ng media, pag-aaralan mo
naman ang paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip panao sa usapan at
pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.

Isa sa mga aralin na tinatalakay sa elementarya ay ang mga bahagi ng


pananalita. Ito ay sa ilalim ng asignaturang Filipino. Mayroon tayong walong (8) bahagi
ng pananalita.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
4

Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang panghalip o sa Ingles ay pronoun. Ito ay


ginagamit panghalili or pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari. Maraming
uri ang panghalip, isa na rito ang panghalip panao.

Ang panghalip panao ay inihahalili sa pangalan ng tao. Nahahati sa anyong ang,


ng at sa ang ganitong panghalip.

May panauhan din ang panghalip panao. Malalaman sa pamamagitan ng


panauhan kung nag panghalip ay tumutukoy sa taong nagsasalita (unang panauhan),
sa taong kinakausap (ikalawang panauhan), o sa taong pinag-uusapan (ikatlong
panauhan). Tingnan ang tsart sa kasunod na bahagi.

Panauhan Anyong ang Anyong ng Anyong sa


Una ako ko akin
kita, kata natin atin
kami, tayo naming amin
Ikalawa ikaw, ka mo iyo
kayo ninyo inyo
Ikatlo iya niya kaniya
sila nila kanila

Kapag tayo ay nakikipag-usap madalas tayong gumagamit ng mga panghalip


panao. Gayundin kung tayo ay nagsasabi ng ating sariling karanasan ginagamit natin
ito upang hindi natin babanggitin ng paulit-ulit ang ngalan ng tao na ating tinutukoy.

Annie, mabuti at nagkita


tayo. Balita ko ay umuwi na
kayo sa inyong probinsya sa
Bicol.

Maaari mo bang banggitin ang mga panghalip na ginamit sa usapan. Tama! Sa


unang pahayag ay gumamit ng mga panghalip na tayo, ko, kayo, at inyo. At sa
pangalawa naman ay gumamit ng panghalip na atin.

Inaasahan ko na maliwanag na sa iyo ang ating aralin. Ngayon ay dumako na


tayo sa mga gawain. Kayang-kaya mo itong gawin!

Mga Gawain

Gawain 1

Batay sa binasang teksto sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang kabutihang dulot sa iyo ng mass media?
__________________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan nakakatulong sa atin ang mass media?
___________________________________________________________________________________
3. Paano nakatutulong ang media sa komersiyalismo ng bansa?
____________________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ang maaring maibigay ng media?
____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
5

5. Bilang isang mag-aaral paano makatutulong sa iyo ang social media?


____________________________________________________________________________________

Pamantayan Marka
Naipahayag nang malinaw ang mga sagot. ________
Nakabubuo nang maayos na pangungusap. _______
May kaugnayan ang sagot sa mga katanungan. ________

4- Napakahusay 3- Mahusay 2- Katamtaman 1-Dapat paunlarin

Gawain 2 Hanapin at bilugan ang sampung ( 10 ) panghalip panao sa puzzle

N I L A A K A N T N

I N K A Y O T k A I

Y Y K A M I I O Y Y

O O S I L A M N O A

1. ___________________________ 6. __________________________
2. ___________________________ 7. __________________________
3. ___________________________ 8. __________________________
4. ___________________________ 9. __________________________
5. ___________________________ 10. _________________________

Tandaan

Malaki ang papel na ginagampanan ng media upang


maghatid ng impormasyong totoo, mahalaga at kapaki-
pakinabang sa mamamayan. Hindi mapasusubalian ang ambag
ng media sa pagpapaunlad ng ating kultura.

Ang Panghalip na Panao ay ginagamit na panghalili sa


ngalan ng tao sa Ingles ito ay tinatawag na personal pronoun.

Para sa isahan: ako, ikaw, siya, ko, mo


Maramihan: sila, kayo, tayo, kami

Pag-alam sa Natutuhan

Gumawa ng dayalogo tungkol sa social media gamit ang panghalip panao.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
6

Pamantayan Marka
Naipahayag nang malinaw ang mga sagot. ________
Nakabubuo nang maayos na pangungusap. _______
May kaugnayan ang sagot sa mga katanungan. ________

4- Napakahusay 3- Mahusay 2- Katamtaman 1-Dapat paunlarin

Pangwakas na Pagsusulit
Punan ang patlang ng mga panghalip. Piliin sa loob ng kahon ang wastong
panghalip panao sa bawat pangungusap.

ako kanilang tayo

nila siya ko

kami sila

niya kayo

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
7

Anna Cruz ang pangalan ko. (1) ___ ay nasa ikaapat na baitang. Sina Mae, Levee,
at Crisa ang matatalik na kaibigan ko. (2) ___ ang aking mga kamag-aral. Tuwing uwian
pumupunta (3) ___ sa parke upang maglaro.

Isang araw naisipan naming pumunta sa Luneta habang nagpapahinga sa ilalim


ng puno, may dalawang babae ang nag-alok ng (4) ______ panindang tinapay. Sabi
(5)____ ito po ang tinda naming tinapay baka gusto ninyong tikman .

Nagpakilala (6) ______kaya nalaman ko ang pangalan ng batang kasama ay ang (


7 )____ ay kaniyang anak na si Sara.

Habang umiinom si Sara ay biglang ( 8 )_____ natabing ang kaniyang kamay .

( 9)____ ba ay madalas na pumasyal dito, ilang minuto na lang at palubong na ang araw
at malapit na pa lang gumabi, oras na para umuwi ( 10 ) ____ sa tahanan,” sabi ni
Aling Carmina.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang palawakin ang
iyong kaalaman.

Pagninilay

Isulat ang iyong karanasan sa nangyaring quarantine kasama ang iyong


pamilya. Salungguhitan ang mga panghalip panao na ginamit sa talata . Sundin at
gawing gabay ang mga sumusunod na pamantayan.

1. Ang paglalahad ay binubuo ng limang talata lamang.


2. Inilalarawan ang mga mahahalagang pangyayari at aral na natutuhan mo sa
panahon ng pandemic.
3. Maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
4. Sikaping magamit ang mga natutuhang panghalip panao.
Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod:

4 - Napakahusay 2 - Katamtaman
3 - Mahusay 1- Dapat paunlarin

Magaling napagtagumpayan mo ang mga pagsusulit. Binabati kita sapagkat


ipinakita mo ang pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi sa modyul na ito na
hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like