Ppittp 4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

NDDU-IBED-F-081

NOTRE DAME OF DADIANGAS UNIVERSITY


Integrated Basic Education Department
Senior High School
Lagao, General Santos City

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Quarter: Midterm Date: 2021.02.01 – 2021.02.05


Week No.: 4 21st Century Skills:
Damean’s Beat: Love of Work  Critical Thinking
NDDU’s 4Cs: ☐ Christian Leaders ☐ Computing/ICT Literacy
 Competent Professionals  Communication
 Community-Oriented Citizens ☐ Creativity
 Culture-Sensitive Individuals ☐ Collaboration
Teacher/s: Hazel E. Cal ☐ Cross Cultural Understanding
Rovamae L. Peloton Career and Learning Self Reliance
Marione V. Morga

Online Lesson: 40 na minuto


Topic: Tekstong Naratibo o Nagsasalaysay
Layunin sa Pagkatuto:
Sa pagtatapos ng aralin, nakakaya kong:
1. Matukoy ang kahulugan at katangian ng tekstong naratibo
2. Makapaglahad ng mga elemeto ng tekstong naratibo

Sanggunian:
Kagamitan:
Laptop
PPT Presentation

Modyul Blg:
I. Paksa: Tekstong Naratibo o Nagsasalaysay
Layunin sa Pagkatuto:
Sa pagtatapos ng aralin, nakakaya kong:
1. Matukoy ang kahulugan at katangian ng tekstong naratibo
2. Makapaglahad ng mga elemeto ng tekstong naratibo
3. Makasuri ng tekstong naratibo batay sa mga elementong taglay nito
4. Maiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong naratibo sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

II. Panimula/Balik-aral/Nilalaman:

Pumili ng isa sa mga larawan na maiiugnay mo sa iyong karanasang hindi mo


makakalimutan. Ibahagi sa klase ang detalye at pagkakasunod-sunod ng kuwento tungkol sa
karanasang iyon.
NDDU-IBED-F-081
Larong Pinoy Sitwasyon tungkol sa Covid 19 Pamilya

TEKSTONG NARATIBO
Maihahalintulad sa panonood ng pelikula ang paggamit ng tekstong naratibo sa isang
akda. Tulad ng deskriptibo, nagagamit din ito sa pagbibigay ng karagdagang detalye at ideya
upang mabigyang-buhay sa isip ng mambabasa ang isang karanasan o paksang tinatalakay.
Layunin ng tekstong naratibo na magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na
pangyayari. Maaaring ilahad sa ganitong uri ng teksto ang mga pangyayari sa kapaligiran o
mga personal na karanasan ng manunulat o ng isang natatanging tao.

Ano ang Tekstong Naratibo?

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga


pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon
o sa isang tagpuan na may maayos na pagkasunod-sunod mula sa simula
hanggang katapusan.

MGA LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO:

1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na


pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o
nakapagbibigay-aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.

Ano ang pinagkaiba ng tekstong naratibo at tekstong deskriptibo?

Malaki ang pagkakaiba ng tekstong naratibo sa mga naunang tinalakay na teksto. Ang
mga pangyayari sa tekstong naratibo ay may pagkakasunod-sunod. Pinadadaloy ang mga
pangyayari ayon sa nais ng manunulat. Dahil pagsasalaysay ang pangunahing ginagawa ng
tekstong naratibo, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng imahe sa

NDDU-IBED-F-081
kaniyang isip. Ngunit, kaiba sa tekstong deskriptibo, binibigyang-diin nito ang takbo ng mga
pangyayari lalo na ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ang pagsasalaysay ay maaaring magamit para sa iba-ibang paksa o layunin ng teksto. Ilan sa
mga uri ng tekstong naratibo ang sumusunod:

 salaysay na nagpapaliwanag
 salaysay ng mga pangyayari
 salaysay na pangkasaysayan
 likhang katha batay sa kasaysayan
 salaysay na pantalambuhay salaysay ng nakaraan
 salaysay ng pakikipagsapalaran

Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong naratibo ang

 maikling kuwento, nobela, mito,balita kuwentong-bayan, alamat, at parabula


 anekdota
 talambuhay
 paglalakbay
 balita
 report tungkol sa nabasang libro/nobela
 rebyu ng pelikula, aklat, o palabas
 buod ng kuwento

ELEMENTO NG ISANG TEKSTONG NARATIBO


Maliwanag na ginagamit ang tekstong naratibo sa mga kuwento kaya matatagpuan din
dito ang mga elemento ng kuwento. Mayroon itong banghay, tauhan, tagpuan, at suliranin o
tunggalian. Kung kuwento ang isinusulat, dapat lamang na kompleto ang lahat ng elementong
ito sa teksto at organisado ang paraan ng pagsasalaysay.

BANGHAY

Banghay - maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo


upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda

Binubuo ang banghay ng mga kawil-kawil na pangyayari. Inaayos ang mga pangyayari
upang makabuo ng isang estruktura o porma. Ang isang kuwento na walang banghay ay
sinasabing isa lamang pagsasalaysay ng mga pangyayari. Ang banghay ay tumutukoy sa
pagkakaayos ng mga pangyayari habang isinasalaysay ito; pinag-isipan kung paano ilalahad
at pinipili kung alin ang mga itatampok na pangyayari. Tumutukoy ito sa paraan ng
pagkakalahad ng mga pangyayari.

Ang mahusay na paghahanda ng estruktura ng mga pangyayari ang makahihikayat sa


mambabasa na basahin ito. Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga
NDDU-IBED-F-081
pangyayari ayon sa Freytag's Pyramid na nagsisimula sa eksposisyon, patungong
komplikasyon, kasukdulan, pababa sa kakalasan, at tungong wakas. Ngunit hindi ito
kinakailangang sundin sa paglalahad ng mga pangyayarı sa isang salaysay. Maaaring gumamit
ng kronolohikal na ayos ng mga pangyayari o kayay pagbabalik-tanaw upang ipaliwanag ang
isang bagay na nakalipas na. Maaari ding Simulan ang kuwento sa kalagitnaan ng mga
pangyayari (in medias res) at balikan ang simula hanggang umabot muli sa gitna ang salaysay
at ituloy hanggang wakas.Bukod pa rito ay pinipili lang din kung aling tagpo ang dapat isalaysay
nang madetalye at kung alin lamang ang maaaring banggitin na tila buod ng mga pangyayarı.

TAGPUAN

Tagpuan at Panahon - tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng mga pangyayari
sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa
kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang,
takot, romantikong paligid, matinding pagod, kalungkutan at iba pa.

Walang pagsasalaysay o naratibo na mabubuo kung walang lugar na pinangyarihan ng


kuwento at panahon kung kailan ito naganap. May mga pangyayaring nagsimula at natapos
lamang sa iisang lugar at mayroon ding nag-iiba-iba ng lugar dahil hinihingi ng sitwasyon.
Mahalagang mailarawan ang tagpuan dahil nakadaragdag ito sa organisasyon ng naratibo.
Nagaganap ang isang pangyayari sa isang tiyak na oras, araw o panahon. Ito rin ang dahilan
kung bakit may nauunang pangyayari at may nahuhuli. Maging malinaw sa pagtukoy ng mga
panahon sa pagsasalaysay upang hindi malito ang mambabasa sa daloy nito. Dapat ding
naaalinsunod ang mga pangyayari sa kahingian ng tagpuan.

TAUHAN

Tauhan - ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan


lamang ang maaaring magtakda nito.

Tauhan ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang
kumikilos sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito. Maaaring manggaling sa kanila
ang dahilan ng pagbabago-bago ng mga pangyayari.

SULIRANIN O TUNGGALIAN

Ang bahaging nagpapakita ng suliranin at tunggalian sa isang kuwento ang


pinakamadramang tagpo ng kuwento at inaasahang may maidudulot na mahalagang
pagbabago patungo sa pagtatapos. Mula rito ay maaaring makakuha ng kaisipan o mensane
na magsisilbing layunin ng teksting naratibo. Wala yatang kuwento na hindi nagtataglay ng
suliranin. Kung magkakagayon, walang hamong ihaharap sa mambabasa. Nakasalalay rito ang
pagbabago ng daloy ng isang naratibo. Kung minsan ay ang tauhan ang nagiging suliranin sa
kuwento. Minsan naman ay bunga ito ng mga kalamidad at suliraning panlipunan. Maari ding
mag-ugat sa loob ng mga tauhan ang suliranin.

DIYALAGO

NDDU-IBED-F-081
Kapag nagsalita na ang tauhan sa isang kuwento, siya ay nagiging totoong tao, ngunit
hindi lahat ng pagsasalaysay ay kailangang may diyalogo. Ginagamit ang diyalogo upang
gawing makatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-uusap ng mga taunan.
Hindi lahat ng mga nabanggit na elemento ay palaging tinataglay ng isang tekstong naratibo.
Depende sa uri ng salaysay at layunin nito, maaaring wala itong diyalogo o hindi sumusunod
sa nakasanayang estrukturang Freytag's Pyramid. Ang pinakamahalaga ay may sinusundang
wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari at naglalarawan din ng mga detalye sa
eksena upang mabigyan ito ng buhay sa isip ng mambabasa. May tinutupad na tunguhin ang
teksto sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mahahalagang pangyayari tulad ng pagbabago
ng tauhan, suliranin, tensiyon, at iba pa. Ito ay mangyayari sa tulong ng perspektiba ng persona
o tauhang paksa ng salaysay. Sa kabuuan, dapat itong may punto at naghahayag ng isang
ideya o kaisipan na nais iparating sa mga mambabasa. Sa isang mahusay na tekstong naratibo,
nararamdaman ng mambabasa ang mga pangyayaring isinasalaysay nang parang siya'y
nakapaloob at kasangkot sa mga pangyayari.

GABAY SA PAGBASA NG TEKSTONG NARATIBO


Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaaring gamiting gabay sa pagbabasa ng tekstong
naratibo.

Layunin ng may-akda
Anong uri ng pagsasalaysay ang ginamit sa teksto?
Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
Mabisa ba ang ginamit na uri ng pagsasalaysay upang maisakatuparan ang layunin ng
may-akda? Malinaw bang naipakita sa teksto ang naging layunin ng may-akda na
magsalaysay ng magkakaugnay na pangyayari?

Mga ginamit na elemento ng naratibo


Ano ang ayos ng mga pangyayari ayon sa lohikal na sanhi-bunga nito?
Anong teknik sa pagsasalaysay ang ginamit upang ilahad ang mga pangyayari?
Mabisa ba ang ginamit na teknik sa pagsasalaysay?
Saan at kailan naganap ang salaysay? Ano ang kaugnayan ng tagpuan sa pangyayari?
Sino-sinong tauhan ang kasama sa pangyayari? Kanino nakasentro ang salaysay?
Malinaw ba ang perspektibang ginamit sa pagsasalaysay? Kung hindi, bakit?
Ano ang tampok na bahagi ng salaysay?
Paano ginamit ang pagsasalaysay sa teksto o ano ang silbi ng salaysay sa layunin ng
teksto?
Nakatulong ba ang salaysay upang maabot ang layunin ng teksto?

Paghahanda para sa Pagsulat ng Tekstong Naratibo


Sa pagpaplano ng isusulat na tekstong naratibo, unang isipin kung ano ang
magiging paksa at layunin ng isusulat. Malinaw dapat kung paano magagamit ang
NDDU-IBED-F-081
tekstong naratibo upang mapalutang ang layunin ng isusulat. Sunod ay pilin ang
itatampok na pangyayari sa pagsasalaysay. Hanapan ito ng kahalagahan o mga
bahaging kapupulutan ng bagong kaalaman o perspektiba. Kapag natukoy na ang
itatampok na pangyayari, isa-isahin ang mga detalye nabubuo rito kapag isinalaysay
na. Piliin kung alin sa mga pangyayari ang dapat bigyang-pansin sa pamamagitan
ng detalyadong pagsasalaysay at paglalarawan o paglalahad bilang isang tagpo,at
kung alin ang maaaring iwan na lang bilang buod.

Kung susulat ng kuwentong pampanitikan, kailangang sundin ang mga


kombensiyon at elemento sa pagsulat nito. Kung hindi naman, dapat pa rin itong
magkaroon ng tauhan, tagpuan, at banghay. Pinakamahalagang dapat isaalang-
alang ang banghay ng mga pangyayari.Maaaring gumamit ng iba-ibang teknik sa
paglalahad ng mga pangyayari (tulad ng pagbabalik-tanaw, pagsisimula sa gitna ng
mga pangyayari), basta madali pa ring matutukoy at malinawang mga sanhi at bunga
ng mga pangyayari na bubuo ng banghay. Maging organisado. Gamitin ang
pagsasalaysay bilang gabay na rin sa mambabasa tungo sa layunin ng isusulat na
teksto.

Palaging isaisip ang mahusay na paggamit ng wika. Gumamit ng wasto at


angkop na mga salita, Isaalang-alang pa rin ang ugnayan ng mga ideya, ang din, at
kalinawan ng mga pahayago pangungusap.

IV. Sukatin ang Pag-unawa:

Piilin mula sa kahon ang titik ng salitang tinutukoy sa bawat aytem.

A. Tagpuan B. Tauhan C. Banghay D. Diyalogo C. Suliranin

1. Elemento ng tekstong naratibo na tumtukoy sa lugar at panahong pinagganaapan ng mga


pangyayari
2. Elemento ng tekstong naratibo na tumutukoy sa pagkakaayos ng mga pangyayari
3. Element ng tekstong naratibo na tumutukoy sa mga kumikilos at nagpapausad ng mga
pangyayari
4. Elemento ng tekstong naratibo na pinag-iikutan ng mga pangyayari at inaasahang magdudulot
ng mahahalagang pagbabago
5. Elemento ng tekstong naratibo na tumutukoy sa mga linya o pag-uusap na ginagamit ng mga
tauhan

NDDU-IBED-F-081
V. Pagpapayaman ng Kaalaman:

Basahin ang teksto at sagutan ang mga kasunod na tanong.

To Serve and To Protect (Eunice Ligutan)

Sa kanilang pagseserbisyo sa ating bayan, buhay nila ang kanilang ibinubuwis at


isinasakripisyo.Hanga ako sa kanila dahil handa silang mamatay upang maprotektahan at
mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng Inang Bayan. Sino sila? Sila ang mga tinaguriang
bayani at tagapagligtas ng bayan - ang mga pulis at sundalo ng ating bansa.
Karaniwan na lamang sa aming pamilya ang pumasok sa ganoong hanapbuhay. Ang aking
ama ay naging sundalo noon ngunit siya ay nagbitiw dahil may paniniwala siya na kung gusto
mong magpamilya ay huwag kang papasok sa pagsusundalo o pagpupulis. Dagdag pa niya,
walang kasiguruhan kung makakalabas ka pa nang buhay mula sa isang giyera. Mahirap
mawalan ng haligi ng tananan ang isang pamilya." Marahil naman ay alam ng lahat ng pumasok
sa ganitong trabaho ang kapalit ng kanilang serbisyo. Gayundin siguro'y may iba-iba silang
rason kung bakit sila nagpapatuloy rito.

Noong Enero 24, 2015, lumabas ang balita tungkol sa misencounter sa pagitan ng Philippine
National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao.
Nakabasa rin ako ng post sa Facebook mula sa aking pinsan ukol dito. Ipinapanalangin niya na
sana hindi kasama ang kaniyang kapatid sa insedenteng ito. Hindi ko iyon masyadong pinansin
dahil naisip kong sa dinami-dami ng pulis na nasa lugar na iyon, maliit lamang ang tiyansa na
makasama siya rito. Masyado rin siguro akong naging kampante at naging positibo kaya
ganoon na lamang ang aking naisip.

Kinabukasan, maaga akong nakauwi dahil hindi dumating ang aming propesor sa Philosophy,
ang aming huling asignatura sa araw na iyon. Pagdating ko sa aming bahay, maraming tao,
napakaraming ilaw na nakabukas at napakalakas ng volume ng telebisyon. Makikita sa kanilang
mga mata natutok na tutok sila sa bawat sinasabi ng reporter sa telebisyon. Nagmano ako sa
mga tito at tita ko, sa aking ama, at sa aking ina na nasa kusina nang mga panahong iyon. Hindi
ako nagtanong ng kahit ano pero ibinalita sa akin ng aking ina kung ano ang nangyari.

"Nagkaroon ng giyera sa Mindanao at 44 ang namatay. Kasama roon ang Kuya Oli mo," wika
ni Inay.

Gusto kong maiyak dahil sa narinig ko. Sobrang biglaan ng mga pangyayari. Malapit sa aming
amilya si Kuya Oli dahil sa amin siya pumupunta bago bumiyahe patungong Mindanao o bago
umuwi sa kaniyang pamilya sa Cagayan. Isa rin siya sa pinakamasayahin kong pinsan. Kapag
nag-uusap sila ng Daddy at iba kong pinsan, boses at tawa niya ang laging nangingibabaw. Isa
iyon sa pinakamami-miss kong ugali niya. Lahat kami ay apektado sa kaniyang pagkawala.
Hindi siya mahirap makasalamuha at halos lahat ay ka-close niya kaya ganoon na lamang ang
hagulgol ng bawat isa sa amin.

NDDU-IBED-F-081
Enero 30, 2015, anibersaryo ng kasal ng aking mga magulang ngunit hindi kami nakapaghanda
dahil pumunta kami sa Camp Bagong Diwa Kung saan si Kuya Oli at ang iba pang 41 na PNP-
SAF ay nakaburol. Akala ko ay okay na ko, na tanggap ko na ang mga nangyari. Pagpunta
namin malapit sa kaniyang kabaong, nagulat ako sa aking nakita. Wala akong makitang mukha
dahil nakatakip ang kaniyang uniporme sa kaniyang ulo. Nagdasal muna ako at ang aking
pamilya. Maya-maya ay umiyak nang umiyak ang ina ng aking yumaong pinsan.
Mararamdaman mo sa kaniyang pag-iyak ang sakit ng pagkawala ng kaniyang anak. Hindi na
rin namin napigilan na hindi lumuha. Paulit-ulit na sinabi ng aking tiyahin na sayang at hindi na
makakapunta si Kuya Oli sa kasal ni Ate May, ang aking panganay na ate. Nagbabalak daw
itong dumalo sa kasal ng Ate upang makasama rin ang iba ko pang pinsan at ang kuya kong
galing sa ibang bansa. Magmimistula sana itong reunion naming magpipinsan ngunit hindi na
kami kompleto.

Tinanong ko si Ate May kung bakit uniporme na lang ang nakikita sa kabaong ng aking pinsan.
Inilahad niya sa akin ang mga nangyari. Natagpuan ang aking pinsan na wala nang suot na
pantalon at may tama sa ulo. Dahil dito, inilagay na lamang sa ulo ang uniporme upang hindi
na makita ang mukha niya. Halos lahat sila ay may tama sa ulo. Hindi ko pa maintindihan ang
mga bagay-bagay noon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang sinapit ng
mga PNP-SAF kung maypeace talk naman pala sa pagitan ng gobyerno at MILF-BIFF. Ang
daming tanong na nasa isip naming lahat lalo na sa pamilya ng mga yumaong PNP-SAF. Alam
naming wala kaming magagawa kundi maghintay na lamang sa resulta ng imbestigasyong
ginagawa ng gobyerno ukol sa malagim na pangyayaring ito. Lahat kami, lalo na ang mga
naiwang pamilya, ng Fallen 44 ay naghihintay ng kasagutan sa bawat tanong namin tungkol sa
misencounter na ito. Sino nga ba ang tunay na nagkulang? Sino ba ang tunay na may
kasalanan? Hustisya ang sigaw ng bawat isa sa amin. Hustisya na sana'y makamtam ng bawat
naulilang pamilyang 44 na PNP-SAF. Hindi pera, bahay o anumang bagay ang makagagaling
at makapagpapatahimik ng pusong umiiyak at sumisigaw ng hustisya.Hinding-hindi ko
malilimutan ang kabayanihan at katapangang ito ng Fallen 44. Mananatili kayo sa puso ng
bawat Pilipino. Rest in peace, Kuya PO1 Oliebeth Ligutan Viernes. RIP Fallen 44.

Mga Pamatnubay na Tanong:

1. Ano ang paksa at layunin ng personal na sanaysay?


2. Anong pangyayari ang isinalaysay sa sanaysay? Paano inilahad ang mga pangyayari?
3. Ibigay ang bawat elemento ng tekstong naratibo na makikkta sa binasang sanaysay
a. Tauhan
b. Tagpuan
c. Suliranin/ tunggalian
d. Banghay (Kasukdulan)
4. Magbigay ng reaksiyon sa paksa ng sanaysay. Iugnay ito sa kahit anong konseptong may
kinalaman sa sarili at komunidad.

Pamantayan sa Pagbibigay ng puntos

NDDU-IBED-F-081
Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit
Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan
(4) (3) Inaasahan (1)
(2)

Makabuluhan ang Nailahad nang May punto Hindi nakuha ang


Nilalaman bawat pahayag at mahusay at subalit ang mga punto. Hindi
lohikal at may hindi paikot-ikot ideya ay hindi organisado ang
pagkakasunod- ang mga ideya. ganap na pagkakalahad ng
sunod ang ideya nadebelop. ideya.
May punto ang
bawat pahayag.

Walang Halos walang Maraming Napakarami at


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
Ortograpiya estruktura ng estruktura ng estruktura ng pagkakamali sa
mga mga mga estruktura ng
pangungusap at pangungusap at pangungusap at mga
gamit ng mga gamit ng mga gamit ng mga pangungusap at
salita. salita. salita. gamit ng mga
salita

VI. Sanggunian:

Aklat:
Atanacio, H., et al (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: C&E Publishing Inc.

Mga Larawan:

Larawang ng taong nagtatanong, DIGITAL IMAGE. Inakses noong Hulyo 10, 2020. Mula sa
https://www.google.com/search?q=tanong&tbm=isch&ved=2ahUKEwi-n87Xs_7qAhUGDZQKHWgsBiEQ2-
cCegQIABAA&oq=tanong&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIAD
oHCCMQ6gIQJzoECCMQJzoECAAQQzoFCAAQsQM6CAgAELEDEIMBUKfqMljs-
zJgqpIzaAFwAHgFgAHDBogB8yCSAQ0wLjEuMi4xLjEuMi4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQrAAQE&sclient=img
&ei=Ra4nX_7oPIaa0ATo2JiIAg&bih=664&biw=1366#imgrc=ecr0batxsw6U2M&imgdii=pREuN26X0CQ0lM

Larawan ng larong pinoy, DIGITAL IMAGE. Inakses noong Enero 3, 2021. Mula sa
https://sigma.rcimg.net/images/d/a/b/denzjam/48f0d76b/1b7556677f5ec56c425d050895b1420c.jpg

Larawan ng pamilya, DIGITAL IMAGE. Inakses noong Enero 3, 2021. Mula sa


https://www.immigrationgurus.com.au/wp-content/uploads/2016/11/family-unit-immigration-australia-visa.jpg

Larawan ng sitwasyon sa Covid19, DIGITAL IMAGE. Inakses noong Enero 3, 2021. Mula sa
https://img.etimg.com/thumb/msid-75870794,width-1200,height-900/news/politics-and-nation/over-50-of-urban-
indians-feel-covid-19-situation-getting-worse.jpg
NDDU-IBED-F-081
NDDU-IBED-F-081

You might also like