Professional Documents
Culture Documents
Aralin 6
Aralin 6
Aralin 6
Bayogbog
FM - 14
BSED-Filipino 3C
Eliza Bayang
PhD
KABANATA 1 :
ARALIN 6
Paunang Gawain:
PANUTO: Bago
natin lakbayin ang
paksang pag-aaralan para sa araw na ito, ipaliwanag ang modelo ng komunikasyon na
nasa ibaba.
Sariling Pagsusuri:
Ayon kay Jerry Fodor, isang pilosopo, sa Language of Thought Hypothesis, sinasabi
na ang diwa at pag-iisip ay nagaganap sa pamamagitan ng mental language. Ipinaliwanag
na ang wika at kaisipan ay nagkakaroon ng wika ng kaisipan o mental language na
mayroong malinaw na sintaks at semantiks na binubuo ng iba’t ibang mga
representasyong tumatayong mismo ng kahulugan ng iniisip. Dagdag pa, ang kaisipan
ang siyang nagsisilbing representasyon ng estrukturang nais ipahayag ng isip na siyang
binubuo naman ng mga tiyak na kaayusan at pagkilala sa mga representasyon. Bukod pa
riyan, sinabi ring ang propositional attitudes ang pinagmulan ng hypothesis na ito na
kung saan ipinapakita ang malinaw na relasyon ng sabjek, pangungusap at attitude.
Gawain sa Aralin 6:
PALIWANAG:
Mula sa araling ating tinalakay, laging nagsisimula ang proseso ng komunikasyon sa taong
nagpapadala ng mensahe o sender na siyang nagsisilbing tagapaghatid ng mensahe. Ang kanyang
nabuong kaisipan o impormasyong nais ilahad ay dadaluy sa pamamagitan ng tinatawag nating
channel. Sa channel, napapaloob dito ang pandama at institusyunal. Daluyang institusyunal ay yaong
mga elektronomikong kagamitan na magagamit sa komunikasyon tulad ng telepono, selpon, atbp.
Kapag malinaw na ihatid ang mensahe sa taong taga-tanggap ng mensahe ay dito, bubuo ang taga-
tanggap ng kanyang tugon o feedback sa kanyang natanggap na mensahe.
Samakatuwid, sa modelong aking nabuo, kapwa ang sender at ang receiver ay malayang
nagpapalitan ng mga impormasyon. Kapwa sa kanila ay maaaring maging isang tagapadala at taga-
tanggap ng mensahe.