Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Judaleen B.

Bayogbog

FM - 14
BSED-Filipino 3C

Prof. Eliza Bayang

KABANATA 1 : ARALIN
3
Paunang Gawain:

1. 2. 3.
TIMBERSAW EARTHSHAKER TINKER

4.
5.
6.
ANTI-MAGE SHADOW FIEND PUDGE

Sariling Pagsusuri:

1. Ano ang naging epekto ng paglalaro ng mga kabataan ng Dota sa kamalayang pangkomunikasyon
gamit ang wikang Filipino?

Sa pagiging patok ng larong Dota sa mga kabataan ito’y nagdulot ng mga epekto sa kamalayang
pangkomunikasyon gamit ang wikang Filipino. Ang pagpapaikli, pagpili ng mga bagong maka-
Pilipinong salita, paglalagay ng mga bagong kahulugan at paggamit ng mga salita sa paglalaro ng
Dota ay ang mga kinikilalang epekto nito. Nangyayari ang lahat ng ito sa pagnanais ng mga kabataang
naglalaro nito na magkaroon ng mabilisang anyo ng komunikasyon. Hindi lamang maikling bigkasin
kundi madali ring maiintindihan at matatandaan ng mga manlalaro.

2. Sa iyong palagay, nakakatulong ba ang pag-usbong ng bagong wika sa paglalaro ng Dota sa


pagpapaunlad ng wikang pambansa? Bakit?

Para sa akin, hindi naman naging masama ang pag-usbong ng mga bagong wika dulot ng
paglalaro ng Dota at masasabi kong ito’y mayroon ding naitutulong sa pagpapaunlad ng ating wikang
pambansa. Ang mga salitang pinaikli, pagpili ng mga bagong maka-Pilipinong salita at paglalagay ng
mga bagong kahulugan sa pangalang nakikita sa Dota ay tanda lamang na ang ating mga kabataang
Filipino ay hindi mangmang pagdating sa wika bagkus sila ay may angking malikhaing pag-iisip. Ang
mga bagong usbong salitang naging bukambibig ng mga mag-aaral ay naging bahagi ng kultura at
lahat ng iyon ay naglalarawan ng mga bagong usbong na varyti ng wikang Filipino.

Gawain sa Aralin 3:

PANUTO: Panoorin ang isang highlight streaming ng larong Dota at gumawa ng isang repleksyon
pagkatapos mapanood ang nasabing laro. Narito ang link ng laro at nasa ibaba ang gabay sa paggawa
ng repleksyon. https://www.youtube.com/watch?v=BFc4d9cVdD8&t=65s

Sa pananood kong higlight streaming ng larong Dota, naglalaman ito ng mga bagong usbong
na wika na tanging sa mga manlalaro lamang natin maririnig. Mula sa video, makikitang
ginaganahan ang streamer na si Shehyee pati na rin ang kanyang kasamahan. Mapapansin din ang
madalas nilang pagmumura sa tuwing natatalo sila ng kanilang kalaban sa laro. Bukod pa riyan,
kapansin-pansin ang mga salitang gawa-gawa nila bilang pantawag sa mga karakter ng mga
tinatawag na heroes sa larong Dota. Naging bukambibig din ng streamer na si Shehyee ang
salitang Filipino na ‘hindi maaari’.
Samakatuwid, ang mga bagong usbong na wika na ginagamit sa larong Dota ay isang patunay
na tayong mga Pilipino ay mayaman sa malikhaing pag-iisip na siyang mas nagpapayaman sa
ating kultura. Ang mga bagong usbong na wikang ito ay nakakatulong na mapaunlad ang ating
wikang pambansa sapagkat hindi lamang panghihiram at pagpapaikli ng mga salita ang nagaganap
sa larong Dota kundi may nangyayari ring pagkabuo ng mga salitang makabuluhan na tanging
mga Pilipinong manlalaro lamang ng Dota ang nakakaintindi.

You might also like