Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Finish Line

Abril 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino.


May titser na sina Aling Auring at Mang Primo.
Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na aking pinasok sa pag-aaral. Labis man,
sinuong ko ang bagyong signal kuwatro.
Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na
nagsikap makapasa sa entrance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa
rin ako sa kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa
unibersidad na iyon, babalik ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig
yata iyon ng pagka-GMA telebabad).
Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga
propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami
akong hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli
pa naman ang pila noon. Humahabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing
mahuhuli sa formation. Hinabol ko ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking
hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol na rin ako. Nalimutan ko
kasi noon ang aking ID.
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line.
Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan—ang diploma ko.
Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban.
Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin
sa Filipino ang aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng
klase,” biro pa ng mga mambobolang Filipino major.
“Parati tayong may hinahabol. lyon ay dahil sa may gusto tayong makamit. Ang
mahalaga matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka babalik. Ako
ay inyong guro pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga
pagkakataong ako ang inyong mag-aaral. Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo.
Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit ko sa kanila.
“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”

Batang 90s Ako


Batang 90s, ito ay ang mga kabataang nakaranas ng mga kakaiba at mga
nakakatuwang pangyayari sa kanilang buhay. Hindi maikakaila ng mga
batang 90s na masarap balik-balikan ang nakaraan sa dekadang ito.
Kung ang mga kabataan ngayon ay halos hindi na lumalabas at naglalaro sa
kalsada dahil sa gadets at social media, ibahin ninyo kaming mga batang
90s.  Lumaki kaming naglalaro sa labas at   lumilikha ng iba't ibang uri ng laro
na halos lahat ng makita namin ay nagagawa naming lumikha ng mga
pagkakalibangan. Tulad na lamang ng pagdikdik ng dahon ng gumamela para
gawing bubbles. Naranas din kaming ang gamiting play money sa aming
paglalaro ay iba't ibang uri ng dahon at marami pang iba.
Kaming mga batang 90s, walang ibang paraan ng pakikipagkomunikasyon
kundi harapang pag-uusap. Wala pa noong social media gaya
ng facebook at twitter. Hindi rin maikakaila na mahalaga ang oras sa pamilya
nung mga panahon namin. Pagkauwi galing sa eskwela, dahil walang ibang
paraan na makausap ang mga kaibigan, ito ang nagiging paraan naman
upang magkabuklod ang pamilya.
Sa ano mang henerasyon, mahalaga na ang bawat oras ay magkarooan tayo
ng mga alaala na makapagpapangiti sa atin o kung hindi man ay mayroon
tayong matutunan sa mga pangyayari sa ating buhay, bagong henerasyon ka
man o batang 90s na katulad ko.

ANG LANDAS NG MANUNUBOS


ni Kenneth Cruz
       Karaniwang sagot ng mga bata sa tanong na “Ano ang gusto mo paglaki?” ay ang maging
doktor, at kung tatanungin pa kung bakit, ang kanilang sagot ay: “upang makatulong at magamot
ang mga may sakit.” Sa ating pagtanda, nagbabago ang ating pananaw ukol sa landas na nais
nating tahakin sa hinaharap. Ang iba ay pinipiling maging inhinyero, karamihan ay gustong
magtrabaho sa barko o di kaya’y maging abogado. Ngunit, kapansin-pansin din na ang rason sa
pagpili ng landas na ito ay nagbabago. Pumipili tayo ng trabahong may malaking kita o di kaya’y
maraming benepisyo. Sa kabilang banda, nakaliligtaan natin ang isa sa mga pinakamahalagang
aspeto ng pagsisilbi, at ito ay ang pagiging propesyonal para sa kapwa at sariling bayan.

       Habang pinapanood ang maikling bidyo tungkol sa mga doktor sa baryo, pumasok sa aking
isipan na sa panahon ngayon, masyadong pinapatrona ng mga tao ang salapi at kapangyarihan.
Hindi ko maikakaila na ako, bilang estudyante, ay nabibihag din ng mga luhong ito sa paraan na
hindi ko nababatid, lalong lalo na ng mga maliliit na bagay. Naisip ko rin na tila baligtad ang
ating paglaki, dahil sa ating pagtanda ay nakalilimutan natin ang tunay na esensiya ng paghihirap
at pagsisilbi na isa sa mga konseptong tinatalakay sa mababang paaralan. Noon, nakatatak pa sa
ating isipan na tayo ay nag-aaral at magtatrabaho sa hinaharap upang makatulong sa ating mga
kapwa. Ngunit, unti-unti itong nabura sa paglipas ng mga taon at ang kasalukuyan nating
perspektibo ng pagiging matagumpay ay ang pagiging makapangyarihan at pagkita ng malaking
salapi. Kung aalalahanin natin ng mabuti, ang tagumpay ay nakabase hindi sa mga materyal na
bagay kundi sa bilang ng mga ngiting ating nabubuo at pasasalamat na natatanggap.

     Mabigat para sa ating ang pagsasakripisyo ngunit, kung ating susuriin ang pinagdaanan ng
ating Tagapagligtas sa Krus, maituturing itong maliit lamang. Tumatak sana sa ating mga isipan
na responsibilidad nating ipagpatuloy ang landas ng manunubos.

PAGTANAW HINGGIL SA
LAYON NG BUHAY
ni Jean Mendoza
Lahat tayo ay nabubuhay sa mundo habang nagbibigay ng pagpapakahulugan sa iba’t ibang
bagay, lalo na sa ating sarili. Isang paraan ng pagpapakahulugan ay ang pagtukoy sa ating mga
interes at nais maging o gawin sa ating buhay.

Pagkasilang pa lamang natin sa mundo, minsan nga ay nasa sinapupunan pa lamang, marami
nang nabubuong mga pangarap ang ating mga magulang para sa atin. Sa paglipas ng panahon,
marami tayong matututunan sa buhay na siyang huhulma sa kung ano tayo sa kasalukuyan. Isa sa
mga leksyong ito ay ang pagkatuto na mangarap ng mataas at magsipag upang makamit ito,
sapagkat ito ang magiging tulay patungo sa matagumpay at maginhawang buhay. Ang ilan pa
nga sa atin ay tinakot ng mga nakatatanda na kung hindi daw mag-aaral nang mabuti ay walang
mararating at maghihirap sa paglipas ng panahon.

Sa pagmodernisa ng buhay sa kasalukuyang henerasyon, makikitang mas nabibigyang halaga


ang mga pansariling kabutihan kaysa sa kabutihan ng mga kapwa. Ang katangiang ito ay angat
sa pagtuturo ngayon sa mga kabataan na mangarap. Imbes na mangarap upang makatulong sa
kapwa at mapaunlad ang sariling bayan, mangarap ka upang guminhawa ang iyong buhay. Kaya
naman hindi rin natin masisisi ang mga kababayang nating mas malaki pa ang naiiambag sa
ibang bansa kaysa dito sa atin dahil mas pinipili nilang maging OFW sapagkat iba na nga ang
mindset ng modernong Pilipinas. Ngunit, sa tulong ng maikling bidyo na aming pinanonood ay
nalaman ko at ikinagalak na mayroon parin tayong mga kababayan na mas pinipiling manatili
dito sa ating bayan tulad ng mga doktor sa baryo.

Dahil sa bidyo, natutunan kong ang tanging paraan upang pasalamatan ang ating bayan na
humubog sa ating mga pagkatao ay sa pamamagitan ng paglilingkod dito. Napagtanto ko rin na
tama nga na magpursigi upang mabuhay nang maginhawa. Ngunit, hindi ito nangangahulugang
mabuhay ng malambot ang palad, mag may-ari ng mga magagarang kotse kundi mamuhay ng
may ginhawa sa puso dahil nakatutulong ka sa iyong mga kapwa lalo na sa mga
nangangailangan.
TUNAY NA KAHULUGAN NG
PAGDODOKTOR
ni Kassandra Duran
Ang maikling bidyo ay tungkol sa mga iilang doktor na piniling maging ”barrio doctors”.
Isiniwalat ng video kung anu-ano ang mga karanasan nila kabilang na ang paglalakad nila sa
mga mababatong kalsada upang makarating sa kanilang mga destinasayon at ang sakripisyo ng
pagiging malayo nila mula sa kani-kanilang mga pamilya. Bukod pa rito, ipinakita rin ang lagay
ng bawat isa sa mga liblib na lugar tulad ng mga malalayong probinsya.

Lubos akong natulungan ng video sapagkat dahil dito, nalaman kong mali ang aking layunin sa
pagdodoktor. Marami ang nagsasabing ito ay isang “elite profession” sapagkat, ito raw ay pang-
matalino at pang-mayaman. Nakakahiya mang aminin ngunit, isa ito sa mga dahilan kung bakit
nais kong magtapos ng medisina. Gusto kong tingalain at hangaan ng nakararami. Buti na
lamang at nasaksihan ko ngayon ang bidyo. Napagtanto ko na ang pagdodoktor ay isang “elite
profession” dahil sila ang mga piling tao na binigyan ng kakayahan na gumamot ng mga
pasyente. Sila ang mga taong handang maglingkod sa iba at mabahiran ng dugo maligtas lamang
ang kanilang mga kapwa. Mula ngayon ay isasaisip ko ang pagninilay na ito nang sagayo’y
magtagumpay ako sa aking pangarap.
Ayon nga sa bidyo, “they receive more than the tangible. They receive salvation.” Ang linyang
ito ay sapat na upang maging motibasyon at gabay sa iba pang mga naglalayong maging tulad ng
mga doctor sa bidyo.

PAGHATID NG KAUNLARAN SA
LIBLIB
ni Anton John Supe
Kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan ay ang mga serbisyong
pangkalusugan, kaya kasabay ng pag-unlad ng ating lipunan, ay ang pagkakaroon ng mga
inobasyon upang pabutihin pa ang mga serbisyong ito. Sa kasamaang palad, mayroong mga
hindi nakasasabay sa ating pag-unlad, kaya may mga hindi nakararanas ng mga maayos na
serbisyong pangkalusugan at sila ay ang mga taga-barrio.

May mga barrio na madaling marating at mayroong mga nasa liblib na lokasyon naman.
Maaaring liblib sila dahil walang maayos na daan at tulay o di kaya’y kailangan mo pang
umakyat ng bundok upang marating ang lugar na iyon. Ito na rin siguro ang dahilan kung bakit
ang pag-unlad ay hindi nakararating sa kanila. Kung sila man ay magkasakit, lumalapit na
lamang sila sa mga lokal na manggagamot at ang tanging ibinibigay sa kanila ay mga halamang
gamot na walang kasiguraduhan kung talagang epektibo ba. Tinitiis na lamang nila ang ganitong
sistema, kaysa tahakin ang mahaba at delikadong paglalakbay papunta sa siyudad.

Ang sagot sa suliraning ito ay makikita sa katauhan ng mga “barrio doctors”. Sila ay maituturing
hulog ng langit sapagkat alintana sa kanila ang hirap na kanilang mararanasan at mga
sakripisyong kailangan nilang gawin makatulong lamang sa kanilang mga kapwa. Masasabi kong
sila ang karapat-dapat hangaan, dahil, dahil sa kanila nararanasan ng mga taga-barrio ang
kanilang karapatan sa pagkakaroon ng serbisyong pangkalusugan.

THE DOC IS OUT: BAYANI SA


BARIO
ni Andrea Tancio
Hindi lahat ng bayani ay binabaril sa Bagumbayan, hindi lahat ay mayroong ekstraordinayong
kapangyarihan, ang iba ay mga ordinaryong tao lang ngunit kayang sagipin ang buhay mo.

Mataas ang respeto ko sa mga doktor o manggagamot. Halos o higit pa sa sampung taon ang
kanilang iginugugol bago makapagtapos sa programang medisina. Hindi rin maikakaila na
nangangailangan ng malaking halaga ng pera ang kanilang matrikula upang makapasok sa
piniling kurso. Bakit mo nga naman mamadaliin at titipirin ang pag-aaral kung pagsagip ng
buhay ang pinaguusapan? Pero ang mas nakabibilib at nakapupukaw atensyon ay ang mga
doktor na pinipiling tumungo sa mga lugar na hindi naabot ng mga modernong teknolohiya at
medisina.

Mula sa baku-bakong daan, patungo sa bawat tahanan, hindi nila alintana ang init, lamig, gutom
at pagod na kanilang nararamdaman mapuntahan lamang ang mga mamamayan na
nangangailangan ng tulong. Sa halip na indahin ang hirap na dinaranas, pisikal man o
emosyonal, pinipili nilang hindi ipakita ito sa mga taong dumaranas ng mga karamdaman na
kailangan nilang magamot. Hindi pera o kahit ano mang materyal na bagay ang nais nilang
kapalit dahil buhay, puso at prinsipyo ang kanilang iniaalay. Hindi mabibilang ang sakripisyong
kanilang ibinubuhos upang masagip ang buhay ng nakararami.

Saludo ako sainyo at sa bokasyon na inyong napili. Hindi madaling maging doktor at lalong
hindi madaling maging doctor sa isang baryong tila pinagkakaitan at inilayo sa mundong puno
ng pribilehiyo. At dahil idolo ko kayo, tatahakin ko rin ang daan kahit na ito’y di patag, kahit na
pinagkaitan ng yaman, kahit na ako’y mapagod, mauhaw at magutom. Tatahakin ko ang daan na
tinahak ng mga manggagamot na walang ibang ginusto kundi masagip ang buhay ng mga tao.
Hindi lahat ng bayani ay makikita sa Bagumbayan, hindi lahat ay nagpapakamartir at hindi lahat
ay binabaril. Ang iba ay mga ordinaryong tao, sumasagip ng mga buhay kahit sa malalayong
baryo.

You might also like