Gawain 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Magandang araw sayo!

Unang una sa lahat ay magpapakilala muna ako ng aking


sarili, ang pangalan ko ay si ___ kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of
Elementary Education (BEEd). Sa kursong ito ay walang major, hindi tayo makakapili
ng major natin. Maliban na lang kung yung kukunin mo ay Bachelor of Secondary
Education (BSED), ditto ay makakapili ka ng iyong gustong major na nais mong turuan.
balik tayo sa kursong BEEd, tinatawag GENERALIST ang mga guro dito dahil lahat na
maiisip mong subject sa elementarya ay pwedeng nating ituro sa mga magiging
studyante naten sa elementarya. Pero ang kursong ito ay may dalawang
specializations at ito ay special education at pre-school education
BEEd special eduction- sa program na ito dito sinasanay ang mga guro na nais
magturo sa mga batang may special needs.
BEEd pre-school education- ditto naman ay sinasanay ang mga guro na nais mag turo
mula pre-school hanggang grade3
Ang mahalagang parte ng pag-aaral ng kursong education ay ang PRACTICE
TEACHING- dito ay may itatalaga sa iyong paaralan upang mahasa mo ang iyong
kakayahang magturo sa harap ng iyong mga istudyante. Ditto natin unang magagamit
ang mga natutunan natin sa apat na taon natin sa kolehiyo.
At pagkatapos mong mag graduate sa kolehiyo, upang maging isang ganap na guro ay
dapat na kumuha ng board exams para sa mga guro o licensure exam for teachers
(LET) mayroon itong dalawang coverage na: GENERAL EDUCATION(40%) at
PROFFESIONAL EDUCATION(60%)
Bakit ko nga ba gusto kong maging guro balang araw? At bakit edukasyong pang
elementarya ang aking napiling major? Noon pa man ay mahilig ako sa mga bata,
masaya akong natuturuan ang aking mga nakakabatang kapatid sa kanilang mga
takdang aralin.
Opsyon 2 – Vlog o Video ng Talumpati sa Kursong Kinabibilangan
Direksyon:

1. Pumili kung vlog o Talumpati sa kursong kinabibilangan ang ihahandang video.


2. Ang nilalaman ng vlog o talumpati ay tungkol sa kurso mo ngayon sa kolehiyo (Hal: Psychology, Accountancy,
education, Finance Management, Management Accounting, Information Technology, Medical Laboratory Science
atbp.)
3. Impormatibo ang paraan ng pagpapahayag o naglalahad at nagpapaliwanag tungkol sa larangan o kurso mo
dahil ito’y nakapokus sa rehistro ng wika sa larangan mo. Marapat din na ito ay edukasyonal, o inspirasyonal para sa
target na awdyens (kapwa estudyante).
4. Ang piyesa ay sariling gawa o likha o may hawig sa mga nakahandang piyesa sa web. Hangga’t maaari ay
sauluhin ang piyesa upang magpamalas ng masteri o kahusayan sa pamimigkas.
5. Kailangang sangkapan ang video ng mga naangkop na larawan, text, musika atbp. habang nagsasalita upang
magdagdag linaw sa paksa ng pamimigkas ngunit kaunti lamang ito.
6. Kailangang angkop ang iyong kasuotan, gayundin ang iyong ekspresyon, kasama na ang pagkumpas. Kalahating
bahagi lamang ng katawan ang saklaw ng video kung saan mas nakikita ang ekspresyon ng mukha.
7. Ang haba ng video ay mula 2.30 – 3.30 na minuto lamang. Mababawasan ang puntos kapag hindi nasunod ang
itinakdang oras.
8. Siguraduhing malinaw ang pamimigkas, lalo na’t nasa harap ng camera at kailangang nakapagpraktis. Paalala:
Iwasang gumamit ng mga salitang hindi kanais-nais.
9. Sa pagpasa ng video, sundin ang format na ito sa pag-edit ng video name:

Apelyido - Opsyon 2 - kurso (Hal. Gomez – Opsyon 2 – Education)

10. Kasama rin sa pagpasa ng video ay ang maikling paglalahad ng naging karanasan mo sa paggawa nitong video
bilang iyong repleksyon.
11. Salamat sa pagsunod sa direksyon at higit sa lahat sana marami kang matutunan sa gawaing ito.

 
Rubrik sa Pagmamarka ng Video (panggagaya, vlog, talumpati) ---50 puntos

1. Kasanayang Pandiskurso (Vlogging, Pagtatalumpati, Panggagaya) ----30

- Pagtatalumpati/Vlogging: Napapaloob dito ang tamang paraan ng pagpapahayag o paggamit ng wika (edukasyonal,
impormatibo, inspirasyonal), angkop na tono, linaw ng pamimigkas, angkop na ekspresyon ng mukha o pagkumpas;

- Panggagaya: Gayang-gaya sa pananalita, manerismo, ekspresyon, konteksto/setting ang taong ginaya


2. Pagsunod sa Itinakdang Oras----- 5
- Nasunod ang itinakdang oras ng video na 2.30 - 3.30 minuto
3. Naaangkop ang kasuotan---- 5
- Vlogging/Pagtatalumpati: Nasunod ang alintuntunin sa naaangkop na kasuotan,
may mga imahe o images habang nagsasalita;
- Panggagaya kung paano manamit ang ginayang tao.
4. Naangkop ang mga kasamang text, larawan, musika atbp sa kalinawan ng mensahe o paksa ng Vlog o talumpati.
-------5
5. Nailahad nang malinaw, nasunod ang tamang paggamit ng wikang Filipino sa isinulat na repleksyon------ 5

Opsyon 1 – Video ng Panggagaya ng kilalang Pilipino dahil sa nangingibabaw na kakayahan sa


pakikipagdiskurso
Direksyon:
1. Sino sa mga kilalang Pilipino ang kaya mong gayahin? Mike Enriquez, Kris Aquino, Noli de Castro,
Mareng Winnie, Ruffa Mae Quinto, Vice Ganda, Boy Abunda, Jessica Soho, Manny Pacquiao, Pres.
Duterte, Willie Revillame, atbp). Gagayahin mo ang isa sa kanila dahil sa mga nangingibabaw na
kasanayan nito sa pagsasalita (sa tono, ekpresyon, idyolek, manerismo atbp). Paalala: Iwasang gayahin o
banggitin ang mga salitang hindi kanais-nais sa taong ito (hal: pagmumura, pang-iinsulto atbp).
2. I-rekord ang video ng panggagaya mo sa taong ito. Ang haba ng video ay mula 2.30 - 3.30 minuto
lamang. Mababawasan ang puntos kapag hindi nasunod ang itinakdang oras.
3. Magmukhang katulad niya sa naaangkop na kasuotan, manerismo, pananalita at sitwasyon o
konteksto/setting niya.
4. Sa pagpasa ng video sa Canvas, sundin ang format na ito sa pag-edit ng video name:

Apelyido - Opsyon 1 – ginayang tao (Hal. Gomez - Opsyon 1 – Kris Aquino)

5. Kasama rin sa pagpasa ng video sa Canvas ay ang maikling paglalahad ng naging karanasan mo sa
paggawa nitong video bilang iyong repleksyon.
6. Salamat sa pagsunod sa direksyon at higit sa lahat sana marami kang matutunan sa gawaing ito.

You might also like