Si Ferdinand Magellan ay isang explorer ng Portuges na naglayag sa Espanya.
Siya ang unang
naglayag mula sa Kanlurang Europa hanggang sa Asya, ang unang European na tumawid sa Dagat Pasipiko, at ang pinuno ng unang ekspedisyon para sa pandaigdigang paglilibot. Bagaman namatay siya sa Pilipinas at hindi na makabalik sa Europa, 18 ng kanyang mga tauhan at isang barko ang bumalik sa Espanya noong 1522, at ang pangarap na libutin ang mundo ay natupad. Namatay siya sa Pilipinas sa Battle of Mactan. Ng dahil sa ginawang pandaigdigang paglilibot, natagpuan ni Magellan ang Pilipinas na noo’y hindi pa man Pilipinas ang tawag. Tinatawag nila itong Spice Island, kung saa’y nakakakuha ng iba’t ibang pampalasa o spices. Ng dahil sa pangyayaring labanan sa Mactan, Cebu. Nakilala ng iba pang mga mananakop ang bansang Pilipinas, kung kaya’t nagkaroon ng ibat ibang interes ang mga dayuhang ito. Ng dahil dito ibat ibang bansa ang sumakop sa Pilipinas upang paginteresan ang mga yamang likas ng bansa. Ng dahil sa pangyayaring pananakop o kolonyalismo, nagkaroon ng ibat ibang kultura o kaugalian na nagmula sa mga bansang nanakop, ang Pilipinas
Kolonyalismo o mas tinatawag na pananakop, maraming bansa ang nagkaroon ng interes sa
Pilipinas matapos matagpuan ni Magellan ang bansa. Ang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa mga likas, kung kaya’t maraming mga dayuhan ang nais makuha ito. Nagkaroon ng pananakop na tumatagal ng taon kung kaya’t ang buhay at kultura ng mga Pilipino ay nabago. Nakaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng mga kasangkapan, kagamitan, kaugalian,at pamamahala. Noon pa man ay mayroon ng sari-sariling pamamahala ang mga katutubo, ngunit ng sakupin ng mga Espanyol ang Pilipinas nakita nila ang pangangailangan na magkaroon ng pamahalaang sentral upang mapangasiwaan ang hiwa-hiwalay na mga barangay na ito. Nasa ilalim, ng kapangyarihan ng pamahalaang sentral ang mga pamahalaang lokal. Kasabay ng mga pananakop ay ang pagpapalaganap ng Kristyanismo, isa rin ito sa dahilan kung bakit sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas. Sa kagustuhang maipalaganap ang Kristyanismo, mula noon ang naturang relihiyon na ang nakatatak sa mga Pilipino, bago pa madiskubre ang ibat iba pang mga relihiyon. Ng dahil din sa pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon din ng mga buwis. Simula pa lang ng pananakop ay kinukuhan na ng mga Espanyol ng buwis ang mga Pilipino, na hanggang sa ngayon patuloy ng ginagawa ng mga Pilipino.