Ng tahanan, ng simbaha’t paaralan; Buti nga raw, pagka’t ako’y kahihiyan At pasanin ng lipunan’t sambayanan.
At sa aking kamusmusa’y ibunton
Ang kanilang kamaliang dugtong-dugtong Kahihiyang ibig nilang maikanlong Sa dilim ng parusahang akin ngayon.
Datapwa, o tahanang nanunumpa,
Saan galling ang hilig kong masasama? Nagisnan ko’y anong uri ng aruga Sa bubong mong maligalig at pabaya? Di ka salat, ngunit ako’y nagpalimos, Ito’y bunga ng buhay mong walang-utos; Madayukdok pati niring pagkamusmos At maanong naturuan ni magkurus.
Ikaw naming tambakan ng mga aklat
Na ang bunga’y pawing hilaw kung mapitas Sa pinto mo’y nanaw akong diwa’t hubad Dapatwat may putong din kahit tunggak!
Saka ikaw, o pulpito na abala
Sa awitin at sa sermong magaganda, Sa bungad lang ng pinto mo’y nakatinda Ang kabaong ng buhay ko’t kaluluwa.
O lipunan na kaybuting magmapuri
At sa aking lagay ngayo’y umaapi, Anong damit ang suot mo pagkagabi? Saan kita nagtatagpong tabi-tabi?
Anong uring panoorin ang handog mo?
Anong babasahing libangan ko? Bakit ako sisisihin kung mabuyo Sa dulong mong kamunduhang pampalango?
A, tahana’t paaralang pumapansin
A, simbahan at lipunang umiiting, Kayo, kayo, ang marapat panagutin Sa sanlaksang kamusmusang nasa bangin!