Nakakatakot Ang Mga Tao

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Nakakatakot ang mga Tao

ni Julina G. Santos
para sa kaniya, sa kanila, sa atin, sa akin, sa lahat

Ang mga kaganapan sa totoong buhay ay ginamit bilang


reperensiya sa pagbuo ng istoryang ito. Mga balita, kwento ng aking
mga kaibigan, at mga kaaway, at personal na buhay.
Inilimbag ko lang ito para may maipasa sa finals namin sa
isang asignatura pero sayang din naman kung hindi ko pa
aayusin kahit papaano.
Saka mas nakakatuwa gawin ‘to kaysa sa iba na may
pagsayaw pa.

Sa iyo na nagbabasa nito ngayon, maraming salamat sa oras mo.


Sinayang mo lang.
Biro lang. Sana may matutunan ka at kung wala, basahin mo ulit.
Sapilitan na ‘to.

Salamat sa mga kaibigan ko na sumuporta sa’kin para tapusin


ito bago ko muntikang maituloy na gaguhin nalang itong istorya
na to.

Panigurado marami pa ‘tong mali. Kasi ‘di ko na binasa ulit, basta


tipa nalang ako.

Onting diskleymer bago tayo magsimula. Ang mga ‘di kaaya-ayang


mga salita ay ‘di tatanggalin ng manunulat. Hindi naman ito
pantasya.

Kung sakaling mawala sa aking palad ang kwadernong ito, maaari


sana’y makibalik ito sa akin. Kung hindi mo naman gugustuhin,
nakikiusap ako sa iyo na sana ito’y itabi mo. Salamat.

Pangalan: Julina Gonzales


Tirahan: 340 Kawayan St, Tugatog, Orani, Bataan
Sino ka kapag walang nakakakita?

Kabanata 1: Hindi ko Ikinagagalak na Makilala ka

Ang programang ito ay rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring may
maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror, o droga, na hindi angkop sa mga bata.

Cop found dead in car along SLEX

“if this is what ails the country…”

Ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte ang nangibabaw sa halalan ng 2019

“Binoto ko siya kasi anggwapo gwapo niya!”


Kabataan ang pag-asa ng bayan

♪ ♫ ♬ Shh. Wag papahuli, wag na wag mong ipagsasabi. 🎵 🎶

“H-hello, Ma? Tulungan niyo po ak---“

HUWEBES, NOBYEMBRE 7, 2019

2:13 PM Habang bored sa huling klase namin, naisipan ko na ring magsimula sa paggawa ng dyornal. Wala
lang, trip ko lang kasi natuwa ako sa libro ni Bob Ong na pinamagatang “ang mga kaibigan ni mama
susan”.

Ayoko na talaga mag-aral. Urat na urat na talaga akong maging senior. Ampanget ng ganitong sistema.
Pakiramdam ko sinasayang lang ng lintek na K-12 ‘yung dalawang taon ko puta. ‘Yung tipong mas
gugustuhin mo pang mapahaba ng dalawang taon ang kolehiyo mo kaysa mag K-12.

//TSEKLIST PARA SA MASIPAG NA TULAD KO//

*RAWS *PHYSICAL SCI


[ ] 1 pc. Yellow Cattleya [ ] Orange Nb
[ ] Advance Reading [ ] Orange Cattleya
- Informational Text [ ] 1x1 pic ng reptile
- Academic Text [ ] periodic table on illus
- Literary Text [ ] dami pocha basta

*STATISTICS *21ST CENTURY


[ ] Sci-Cal (Casio fx-350 MS) [ ] 2x2 pic
[ ] Yellow Paper [ ] Nb (Any Color)
[ ] 1 pc. Clear Folder, mas clear pa sa future mo
(Green/Long) <Portfolio in Statistics> *RESEARCH
[ ] 1 pc. Nb [ ] Portfolio (Yellow/Long)

*LEADERSHIT & MANAGEMENT


[ ] Presentation Grp.
[ ] vlog chunenek (nxt nxt week)

BIYERNES, NOBYEMBRE 8, 2019

3:25 PM. Grado ko sa asignatura namin na UCSP 83. Lahat ng kailangan na ipasa, naipasa ko. Noong unang
markahan, 90 ang grado ko, pero alam ko sa sarili ko na ‘di ako nagpasa ng mga rekwayrments nun.

Naaalala ko pa nung junior hayskul ako. Gusto ko mag-aral ng sining. Pero ‘di ako pinayagan ng mga
magulang ko, ‘Di rin ako pinayagan ng mismong paaralan dahil kapag pumasa ka sa eksaminasyon para sa
mga matataas na seksyon, hindi ka pwedeng mag-aral bilang estudyante ng sining. Mas marami raw ang
oportunidad kapag nag-aral ka sa mataas na seksyon.

Ngayong nakuha ko na ang ninanais ko na programa (sining), napagtanto ko na hindi pareho ang sistema
ng senior at junior. Pakiramdam ko masasayang lang ang dalawang taon ko kung papasok pa ko sa
paaralan. Wala naman akong natutunan sa ispesyalisasyon namin. Nang makita ko ang silid-aralan ng
programa sa sining ng junior, alam ko na iyon ang inaasam kong malaman.

Para bang biro nalang ang sining at disenyo rito. May diskriminasyon pa rin. Sinasabi nilang mahina kami sa
Matematika dahil nga sining at disenyo kami. Hindi ko rin naman sila masisi dahil mismong mga kaklase
ko, hindi pursigido. Siguro dahil na rin sa mga taong binababa sila. Pero ‘di naman dun nagtatapos yun
diba?
LINGGO, NOBYEMBRE 10, 2019

3:39 PM. Wala pa akong nagagawang kahit anong produktibo simula nung Biyernes at wala namang bago
roon.

7:50 PM. Nagpadala ng mensahe ung kaibigan ko kanina. Apat na buwan kaming ‘di nagkausap. Ang dami
pala niyang nilihim sa akin. Hindi ko pa kayang isulat ito ngayon.
MARTES, NOBYEMBRE 12, 2020

Nakasabay ko mga katropa ko nung JHS kahapon. Ayun napagastos nanaman sa pagkain tiyaka sa
kompyuter. Sila ung lagi kong kasama nung nakaraang taon tuwing ginagabi ako. Si Gerald, siya ung
madalas kong kasama hanggang gabi sa pagkokompyuter, lagi niya kasi akong nililibre. Siya rin ung unang
nakaalam na pinupuntahan ko ung lola ko sa ospital pagkatapos namin maglaro.

Madaming problemang dumaan noong JHS ako lalo nung huling taon bago mag senior. Pakiramdam ko
pabagsak na mga grado ko nun. Nakaranas kami ng sobrang kahirapan. Sandamakmak pa ang utang at
mga kailangang bayaran sa eskwelahan. Sinubukan kong kausapin ang mga kaklase ko na bawasan kahit
papaano ang gagastusin sa mga aktibidad na gagawin ng buong klase, pero hindi sila pumayag. Kaya
naman kahit pagod galing sa pageensayo, lalakarin ang ilang kilometro para makarating sa bahay.
Kinailangan ko magtipid. Dagdag pa na pinaguusapan nila ako ng masama sa likod ko.

Alam kong malaki ang inis nila sa akin dahil nakikita nila ako na di pa rin umuuwi kahit na alas otso na ng
gabi. Kakakompyuter ko raw at pagmamadali na umuwi tuwing magpapraktis. Isang oras lang kasi ang
nakalaan para sa pagbisita kay lola. At pagkokompyuter nalang ang nagsilbing takas ko sa lahat ng
problema.

Paksyet pre. Gustong gusto ko talaga (ay sandali nakalimutan ko ilagay ung oras, 1:44 PM) makapunta sa
mga gigs. Hirap ng nasa malayo.

MIYERKULES, NOBYEMBRE 13, 2019

// TSEKLIST ULIT < PINAGSAMANG BAGO AT LUMA > //

[ ] Basahan (Fri.) *RESEARCH 1


[ ] Long Yellow Folder
*RAWS
[ ] Advance Reading *CONTEMP. ARTS
- Informational Text [ ] VVJ (5 days)
- Academic Text
- Literary Text *PHYSICAL SCI
[ ] Notes
*STATISTICS [ ] Reflection
[ ] Notes - [ ] Bond Paper
[ ] Yellow Paper - [ ] Orange Folder
[ ] Quiz
*LEADERSHT AND MANAGEMENT [ ] Assignment
[ ] vlog (next week)
[ ] panyo (blindfold)
BIYERNES, NOBYEMBRE 15, 2019

5:38 AM. (ata hehe). Nagising ako ilang minute bago mag alas tres ng umaga. NATULUGAN KO MGA
REKWAYRMENTS KO. Tapos may gagawin pang bidyo.

Ngayon mag-aayos muna ako kasi maaga pasok ko. Maya nalang ulit.
MIYERKULES, NOBYEMBRE 20, 2019

2:36 PM. Nagsasagot kami ngayon ng gawain sa siyensiya pero tapos na ako kasi wala akong masagot. Biro
lang.

Uuwi na dapat kami ng kaibigan ko na si Juny pero naisipan kong bumalik muna kasi ang hirap makasakay.
Ay teka hindi pala, nagkompyuter nga pala ako nun. Tapos pagkabalik ko, inasikaso ko lang ung mga
pinapagawa ng guro namin tapos nung natapos na, nagpaalam ako na may pupuntahan kami ni Manuel.
Ayaw niya kasing payagan umalis. Pero nagkompyuter lang din kami at minura ko siya sa katangahan niya
kay Bea.

Naalala ko na di pala ako nakapagsulat noong linggo, Kaarawan ng kapatid ko noong 11. Wala namang
halos ganap nu—AY HINDI. UNANG BESES KO ATANG MAGKOMPYUTER TAPOS GABIHIN NA AKO LANG MAG-
ISA. Nakasundo ko ‘tong tropa ni Manuel, si Reymhel. Kaya naglaro na rin kami kinabukasan.
MARTES, NOBYEMBRE 26, 2019
6:33 PM. Ung guro kong kupal. Lahat naman siguro ng estudyante mayroong guro na kinaiinisan nila.
Tangina tatay ko raw siya. Umiyak kasi ako nung nagensayo kami para sa gaganaping dulaan tapos
sinabihan ako ng “Okay lang ‘yan. Sabihin mo sa akin ang problema mo, ako ang tatay mo.” Wala namang
maayos sa sitwasyon ko ngayon. Ang nakakainis pa rito sinusubukan nilang tulungan ka kahit wala naman
talaga silang magagawa at wala naman talaga silang pakielam.

Nasa malubhang kalagayan na ang tatay ko. ‘Di ko na papahabain ‘to.

Kabanata 2: Ang mga Nalalabing Oras


♪ ♫ O~ras, o~ras, patuloy lang, patuloy lang ang lahat ♪ ♫

Ilang araw nalang, bagong taon na.

Bagong taon na ‘di ka kasama…


HUWEBES, NOBYEMBRE 28, 2019
7:56 AM. Andito ako ngayon sa plasa ng Samal. Kahapon kasi nagkasundo kami ni Juny na huwag muna
pumasok para matapos ung pinipinta niya para sa Pawikan Festival. Saka dahil na rin tinatamad akong
pumasok.

LUNES. Kapapasok lang ni Juny tapos nag-aya kaagad ako na umuwi. Ayon tumambay lang ako sa kanila.

MARTES. Pumasok ako kasi bawal na muna ako kila Juny. Tamang habol lang sa mga gawaing nakaligtaan.

MIYERKULES. Pumasok kami ni Juny para sa markahang pagsusulit sa Research tapos ‘di rin natuloy. Kaya
umuwi ulit kami nung hapon pero ngayon nagpaalam kami sa mga guro namin na hindi kami muna
makakapasok para kunware totoo talaga. Pero totoo naman talaga. Tumulong na rin ako sa ipinipinta ni
Juny.

Bukas, kailangan lahat ng kulang namin mahabol na para wala nang masyadong problemahin.

Gusto ko sana magkompyuter muna kaso ‘di ko alam saan banda mayroon dito. Wala kasing kompyuter
shap kung saan nakatingin si Rizal.
May mga trabahador sa konstruksyon dito, titingnan ko sana nang matagalan ung ginagawa nila kaso
nagkatinginan kami nung isa tas tinitigan ko pa. Medyo nagtaka lang ako pero wala namang bago ron.

// TSKELIST DAHIL MASIPAG AKONG ESTUDYANTE //

*STATISTICS *PAGBASA
[ ] 1 pc. Clear Folder (Yellow/Long) [ ] Lecture solaters
<Portfolio in Statistics> [ ] Reporting
[ ] Yellow Paper <quizzes> + <pirma> [ ] Tekstong Impormatibo
[ ] Notes (na ‘di naman kailangan)
[ ] Research LT
*LEADERSHT AND MANAGEMENT [ ] Statistics QZ
[ ] vlog <a day in the life of blablaness> [ ] PhySci SW & QZ

*RESEARCH 1 [ ] Magkompyuter
[ ] Notes [ ] Magpakatamad
[ ] 1 pc. Clear Folder (Yellow/Long) [ ] Maghanda para sa bagsak na grado
[ ] Research Problem/Topic/Title
*CONTEMP. ARTS
[ ] VVJ (5 days) <11/29/19>
[ ] Yellow/Red/Green
[ ] Glue & Newspaper

LINGGO, DISYEMBRE 22, 2019


3:42 PM. Halos isang buwan ding ‘di nakapagsulat. Daming ganap. Kaya ayun tinamad ako.

<NOBYEMBRE 30> Binenta ko na ung mga gamit na meron ako na ‘di ko naman kailangan.

<DISYEMBRE 5> Pumasok para lumiban din sa klase . Mga dalawang linggo rin akong halos ‘di na
pumapasok. May pagsusulit sila. Pumunta nalang kami nila Julian, Geo, at Paul sa Vista Mall. Tumugtog sa
PowerMac isang oras at saka kumanta sa Timezone.

<DISYEMBRE 6> Fun Run. Hindi na ako pumunta sa sobrang aga. Kailangan daw yun para sa grado pero
wala na akong pakielam.

< DISYEMBRE 7> Maligaw-ligaw na ako sa Samal. Gagawa sana kami ng rekwayrments ni Juny. Ay,
nakagawa pala kami perong gawang tamad.

< DISYEMBRE 11> Pumasok ako para magkompyuter lang din. Nagkompyuter lang ako maghapon. Kahit
isang araw na takas man lang sa mga kailangang ipasa sa eskwela.

< DISYEMBRE 12> Walang pasok.

< DISYEMBRE 13> Napilitan nalang akong pumasok para suportahan ung kaibigan kong si Geo.
Selebrasyon sana ng pasko sa eskwelahan namin pero wala namang kaganapan sa seksyon namin, kahit
plano wala. Nagkatinginan kami ni Juny at napangiti. Nagkayayaan kaming pumunta sa malayo. Hindi sana
matutuloy dahil sa kakulangan sa pera pero nanghingi si Juny sa tatay niya. Pumunta kami ng Pampanga,
kumain ng family meal pero kami lang dalawa. At bumili na rin kami ng mga libro.

Muntikan na kaming hindi makauwi dahil hindi namin inabot ‘yung sakayan. Mababait ang mga tao roon,
lahat ng napagtanungan namin ay tinulungan kami.

<DEC 19> Swimming. Dahil nga walang selebrasyon sa eskwelahan, nagplano yung mga kaklase ko. Nilibre
ako ni Geo. Hindi na sana ako sasama kasi wala akong pera pero gusto nila akong isama. Maglalasing sana
ako, pero nagkaroon ako. Hindi tuloy ako binigyan nang madami nung tanggero. Pero sa totoo lang hindi
naman masarap ung alak na iniinom nila.

Nahulog nga rin pala ung paa ko sa taguling kasi nagdire-diretso ako sa paglalakad, hindi ko namalayang
may taguling pala roon.
SABADO, DISYEMBRE 28, 2020
2:37 AM. Masaya ako na nakaabot pa si itay sa pasko. Ang sabi kasi sa akin ng nagbabantay kay itay nung
nakaraang buwan, ilang linggo nalang ang natitira na masisilayan ko siya.

Sinulit namin ang mga natitirang mga araw. ‘Di namin alam kung kalian siya babawian ng buhay. Bawat
araw na gigising siya, nagpapasalamat kami na binibigyan pa kami ng mas maraming oras para
magkasama. Alam kong malubha na ang karamdaman niya, pero ‘di niya ito pinapahalata sa akin tuwing
kami’y magkasama. Maaaring hindi niya alam na alam ko, dahil sinusubukan ko ring hindi maluha sa
harapan niya.

Nung pasko, simple lamang ang handaan, pero labis-labis ang saya na magkasalo kaming dalawa. Ito ang
unang beses na nag-iyakan kami nang may ngiting nakaguhit sa aming mga labi.

Maraming salamat sa lahat, itay.

Kabanata 3: Maligayang Bagong Taon?

Maligaya nga ba? Maligaya nga kaya?

2 bata natagpuang patay sa loob ng kotse sa Antipolo City


My father is a policeman

First case of coronavirus 2019-nCoV confirmed January 30

Sino ang pumatay kay Baby River?

🎵 Pagmasdan ang paghagikhik ng bawat isa. ♩ ♪ ♫ ♬

MIYERKULES, ENERO 1, 2020


1:57 AM. ANG SIMULA NG BAGONG DEKADA.

Na ‘di ko na makikita sina itay at inay. Alam kong kasama ko sila. Andito lang sila. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang huling ngiti nila. Sa mga huling sandali ni itay, sinabi niya sa akin ang mga katagang,
“Maging masaya ka.” Pangako, magiging masaya ako hindi lamang para sa inyo, kundi para rin sa sarili ko.

2:38 PM. Iniisip ko kung paano ko gagawing madamdamin itong taon na ‘to. Nagbabalak akong magbenta
ng mga istiker at mag-gig sa bakasyon habang nagrerebyu sa BSC (Balay Sanlingan Center) para sa UPCAT.
Dalawang kampus lamang ang may kursong Fine Arts, UPD at UPB. Ninanais ko na pumasa sa UPD para sa
mga gig sa conspiracy.

Sana talaga isang araw, makakapanood ako ng gigs at magkaroon ng sarili kong gigs.

(Pakiusap, Julina, huwag na huwag kang magiging batugan sa dekadang ito. Tulungan mo ang sarili mo.)
MARTES, ENERO 7, 2020
10:08 PM. Nalasahan ko ang impyerno kahapon. Ganito pala ang pakiramdam na salubungin ng
sandamakmak na gawain at pagsusulit. Wala akong magagawa dahil hindi ko rin naman alam kung paano
at saan ako magsisimula. At saka, tinatamad ako e.

Unti-unti akong nawawalan ng gana para magpatuloy hanggang sa may nakalap akong impormasyon na
maaari pang maisalba ang mga grado ko. At hindi na naming kailangang manguha ng markahang
pagsusulit sa darating na ika-9 at ika-10 ng linggong ‘to. Ayoko nang maniwala pa sa mga sinasabi ng
gurong ‘to. Hanggang salita lang naman siya lagi e. Pero bahala na.

Kailangan ko nang tapusin ang mga natitira pang mga gawain. Hindi kasi ako masyadong pumasok nung
mga nakaraang buwan. Tinamad ako nang sobra na pumasok sa paaralan. Hindi ko nga inaakalang
tatamarin ako sa pagpasok dahil nakuha ko na ang inaasam ko na sining at disenyo. Naalala ko,
pinageeksperimentuhan lang nga pala kami.

Walang bago, padami pa rin nang padami ang mga kaputahan na nangyayari sa bansang ‘to. Tangina.

Kabanata 4: Pagod

“Parang ayoko nang tumuloy, kasi wala naman tayong kagamit-gamit.”


“Tangina, paano ako uuwi?”
“…”
“Wala pa tayong tulog, pre”

MIYERKULES, ENERO 8, 2020


// TSEKLIST PARA SA BAGONG TAON HEHE //
[ ] Requirements hehe wait lang tinamad ako bigla

*PAGBASA *RESEARCH *PHYSCIT


[ ] Notes (6 lessons) [ ] Notes [ ] Notes
[ ] Tekstong Naratibo [ ] Long Test [ ] Reflections
[ ] Pesweysib <tarp> [ ] Quiz
[ ] Long Test [ ] Paper *21ST
[ ] Activity
*CONTEMP *STATS [ ] Notes + Act.
[ ] Review tangina [ ] Notes
[ ] VVJ [ ] Long Test
[ ] Quiz
*KATAMARAN [ ] Seatwork ata
[ ] tamarin
[ ] magtamad *RAWS
[ ] tamarin mga 15 mins. [ ] Test
[ ] tamad tamad [ ] Video descript
HUWEBES, ENERO 24, 2020
1:52 AM. Kaarawan ko kahapon. Ang mga kasama ko lang ay yung mga kasama ko lang din sa paggawa ng
dokyumentaryo. Hindi pa rin natatapos ang pagbibidyo pati ang iskrip. Inubos ko lang oras ko na
nakatambay sa bahay nila Sir Al, kasama si Juny. Nag-usap lang kaming dalawa hanggang sa sumapit ang
alas dose.

Maraming naganap nung nakaraang mga araw. May isang araw na naiwan ako sa lokasyon ng
dokyumentaryo namin. Iniwan nila Juny at Sitti ang bag nila at sinabi sa akin na hindi na pala sila
makakabalik. Nalobat pa ang selpon ko. Hindi ko rin alam kung paano makakapunta sa kanila dahil
napakahina ko sa direksyon. Kaya naglakad ako at nakipagpanayam sa mga residente ng Barangay na
iyon.

May nakakwentuhan akong kumakain ng mani at inalok pa ako. Habang kumakain siya ng mani,
naglalakad kami pabalik sa Wetland Park. Sa totoo lang pagod na ako nun at hindi ko na rin matandaan
kung bakit kami bumabalik, may kakausapin ata. Kaswal lang kami mag-usap, para bang nakilala namin
ang isa’t isa nung nakaraang linggo. Habang naglalakad kami, sinabi niya sa akin, “Ayan pala, iyan ang
dating kapitan namin, pwede mo siyang tanungin.”, tinuturo niya ung lumalabas na sasakyan sa dadaanan
naming bahay. Nagpasalamat ako.

Nagpakilala at ako at nagtanong ng onting katanungan. At sinabi niya sa akin na sumakay na ako at siya
ang maghahatid sa akin sa susunod kong destinasyon. Nagkwento lang siya ng mga nangyari sa Wetland
Park at mataimtim akong nakinig. Unti-unti ko nang nabubuo ang iskrip sa utak ko. Tuwang-tuwa ako nung
nakapanayam ko siya, dahil nalaman ko kung anong dapat kong gawin at ano ang dapat naming ipakita sa
aming dokyumentaryo.

Pahinga na muna pala ako.


BIYERNES, ENERO 25 , 2020
11:53 PM. Ngayon, ginagawa na ung maikling dokyumentaryo. Ine-edit na ung bidyo. Ang trabaho ko
ngayon ay isulat ang mga sinabi ng mga nakapanayam namin.
// KOPYA NG MGA EBAS //
PALAISDAAN = Jose B. Ocampo, Rona H. Ocampo, Jerico H. Ocampo
1:54 - 1:59
(kajose) Magdamag nandito lang ako sa tirahan.
(rona) Dito na natutulog
[ √ ] 2:29 - 2:35
(kajose) Dito na kami kwan ay, kinalakihan namin dito. Magulang namin kasi, ganito ung mga trabaho
rin.
[ √ ] 3:55
(rona) ung langis
3:57
(sir alan) ung katas ng langis saka mga basura nakakamatay
08:56 - 08:59
(rona) mahalaga kasi dito kami kumukuha ng kabuhayan
[ √ ] 10:08 - 10:10
(rona) wag silang magtapon sa ilog
[ √ ] 10:12 - 10:16
(rona) linisin nila ung ilog, magtapon sila ng basura sa tamang basurahan
[ √ ] 11:08 - 11:11
(kajose) dito lang din ay madalas ding magtapon diyan
RESIDENTS
Interview 1 = Romeo Dela Cruz, 33, Nagtatrabaho sa daungan (tapa, tuyo, bagoong)
> halaga ng Wetland Park
[ √ ] 01:30 - 1:43
talagang maganda sa isang barangay na mayroong ganon dito. sa amin na may pinapasyalan at dinadayo
ng mga iba-ibang tao
> halaga ng Ibong Dayo Festival
[ √ ] 01:54 - 01:56
ang halaga saken non ay parang masaya lang
Interview 2 = Merida S. Tolentino, 42, Housewife
> halaga ng Ibong Dayo Festival

[ √ ] 0:41 - 0:49
sa festival na yon makikita yung mga produkto ng Tortugas
Interview 3 = Jose Cruz, 51, Tricycle Driver
> itsura ng wetland park dati
0:26 - 0:30
iyon ang pinaghahanapbuhayan ng mga tao rito. yung lugar na 'yon
> pagtutulungan
[ √ ] 02:14 - 02:24
ung lugar namin di dating ganto, gumanda nang ganito "kasi nga po sa pagtutulungan niyo po?" oo sa
pagtutulungan ng mga estudyante, mga barangay
> halaga ng Wetland Park
[ √ ] 02:34 - 02:44
ang pinakamahalaga kasi yan kauna unahan naging pasyalan pagkatapos naging kwan sa turismo at
kumikita kahit paano yung barangay diyan
> halaga ng Ibong Dayo Festival
03:20 - 03:27
ganon lang din eh, pumapasyal lang diyan mga kwan pagkatapos naguuwian lang din, wala naman
kaming nakikitang pagbabago
Interview 4 = Marian D. Buan, 43, Tindera
> halaga ng Wetland Park
[ √ ] 02:09 - 02:15
para saken okay naman dahil ung lugar namin, napapasyalan, nadadayo ng mga iba-ibang lugar
> pagtutulungan
[ √ ] 02:56 - 03:00
kauna unahan number one ung pagtutulungan ih, pagkakaisa ng isang baryo
SIR ALEXANDER QUIZON
GUHIT PINAS CHAPTER ADVISER
>"mensahe ng artworks?"
[ √ ] 09:28 - 09:40 (12 secs)
Unang-una, bird sanctuary yon. Gusto kong ipakita ron na di lang ung ibon ang dapat alagaan kundi ung
kapaligiran. Kasi kapag wala ung kapaligiran, walang pupuntahan ung mga ibon.
>"pagtutulungan?"
14:54 - 15:05 (11 secs)
Oo naman, naniniwala ako don. Kasi kahit anong ganda naiisip ng isang tao magkaroon ka man ng
advocacy kung wala namang susuporta sa iyo. Nag-iisa ka lang. Ang kaya mo lang gawin, pang-isang tao.
> endiiing
03:29 - 03:46 (17 secs)
E ung isang artist pag nagpipinta ka lang para ihh magpaimpress ng ibang tao para kang impressionist.
Pero para kang jeep na bumabyahe nang walang ruta kung saan pupunta.

[ √ ] 04:11 - 04:37 (26 secs)


Pero pag nagkaroon ka ng advocacy na, dun nagdadagsa ung suporta sayo, ung naiintindihan ka nila,
dadami ung artists na makakagaya o tutulad sayo. Magiging magandang example ka. Pag ung artist para
sa sarili lang, para kang jeep takbo lang nang takbo walang ruta.
[ √ ] 04:40 - 04:58 (18 secs)
Alam niyo naman kung saan nanggagaling ang advocacy. Sa taas. Sa taas galing yon. Pag nagkaroon ka ng
advocacy o nakita mo na ung advocacy mo sa buhay lalo na sa art. Para ka nang jeep na may ruta. So may
sasakay na sayo. May sasabay sayo.
[ √ ] 05:19 - 05:36 (17 secs)
Katulad nila James Medina, artists sila na hindi na nila iniisip ung sarili nila. So parang ako may advocacy
ako na ikalat ung art, sila naman advocacy nila ibalik ung ganda ng kalikasan natin, environmental
protection.
ALAN BALBUENA
CITY TOURISM OFFICE OF THE CITY GOVERNMENT OF BALANGA
CITY OF BALANGA WETLAND & NATURE PARK
TOURISM OPERATION ASSISTANT
> kalagayan ng Wetland Park dati
[ √ ] 3:32 - 3:47
Ito ay dating ano lang, isang empty space. Wala 'to, parang... wala pa ung mga structures. Konti palang
ung mga halaman. So ito ay dating ano lang... ang tawag dito nung araw Baypark / Bilili (? Bilile ata ewan)
So ito ay parang tapunan lang ng mga basura. Parang small dumpsite.
> tulong ng mga residente sa pagdevelop ng wetland park
[ √ ] 4:20 - 4:47
Ung residente syempre part sila ng development. Syempre, iniimpose namin yung mga ordinance,
iniimpose namin yung mga batas, kailangan din sila. Sila mismo ang dapat sumunod para maipakita rin sa
mga taga ibang lugar blabla. pakikiisa yun sa mga chuchu.
> mensahe ng sining
[ √ ] 9:40 - 9:56
ung pagbibigay halaga hindi lamang dun sa mga nasa paligid natin o ung mga yan, yan, ung mga ibon,
kasi ung pag gumuhit ka ng isang bagay, dapat talaga malalim e diba, parang pinapakita mo ung
pagmamahal mo sa kalikasan
[ √ ] 10:11 - 10:20
so lahat ng nasa paligid natin mahalaga, so sa sining natin dun natin maieexpress ung ah, kung gano
kahalaga ung ating kalikasan

Kabanata 5: Pagal
Malapit nang matapos ang lahat.
“TAPOS KO NA!!”
LINGGO, ENERO 27, 2020
5:22 AM. Kailangan nang matapos ang iskrip ngayon. Tangina, wala pa akong maayos na tulog sa buwan na
‘to.
MAHIWAGANG ISKRIP
INTRODUCTION:
Sa kabila ng bilis na paglipas ng panahon at ibat ibang pabaon ng buhay, naiisip mo rin ba kung kamusta na kaya
ang ating kalikasan? Nababagabag ka rin ba sa kaniyang poot at hinanakit? Umaasa ka rin ba, na baka sakaling,
ito'y maibsan natin kung agad na aaksyunan?
sa paghalik ng araw sa lupa
sa kaluskos ng mga dahon
sa pagdating ng alon sa dalampasigan
at sa pagaspas ng pakpak ng mga ibon
"Gintong maituturing ang pagtutulungan." Ito ang aking natuklasan nang minsan akong bumisita sa isang malawak
na tanawin sa dulo ng Barangay Tortugas sa Balanga City, Bataan.
______________________________________________________________________
KATAWAN KATAWAN KATAWAN OHH! KATAWAAAN!:
Sa malapit na palaisdaan, naninirahan ang ama na ang nais lamang ay ang matulungan ang kanilang pamilya. Sa
araw araw niyang pamumuhay, isa sa kanyang pangunahing layunin ang maitaguyod ang isang buong araw. Sa
tulong ng yaman ng katubigan.
2:29 - 2:35 = Jose B. Ocampo
"Dito na kami kwan ay, kinalakihan namin dito. Magulang namin kasi, ganito ung mga trabaho rin."
ang kabuhayan na ito ay namana na rin ng kaniyang anak
sa murang edad pa lamang, dinanas na ang buhay mangingisda
< pasok video bata huli alimango >
Di natin maitatanggi na malaki ang naitutulong nito sa kanilang kabuhayan
Ngunit di maiiwasan ang suliranin
Na sumubok sa kanilang katatagan
< naisip ko rito clips ng maduduming lugar tapos yan voiceover ni mami rowena tas ung nilagay niyo na "tao rin ay
chuchu" ung si sir alan nagsasalita di ko mahanap sa record ih >
3:55 = Rona H. Ocampo
"ung langis"
10:08 - 10:10 = Rona H. Ocampo
"wag silang magtapon sa ilog"
10:12 - 10:16 = Rona H. Ocampo
"linisin nila ung ilog, magtapon sila ng basura sa tamang basurahan"
ito lamang ang lugar na nagsilbing panghanapbuhay at isa ang kanilang pamilya sa iba pang naapektuhan ng
kapabayaan ng barangay
11:08 - 11:11
(kajessie) "dito lang din ay madalas ding magtapon diyan"
kapabayaan na nagdulot ng kahirapan
3:32 - 3:47 = Alan Balbuena
"Ito ay dating ano lang, isang empty space. Wala 'to, parang... wala pa ung mga structures. Konti palang ung mga
halaman. So ito ay dating ano lang... ang tawag dito nung araw Baypark / Bilili (? Bilile ata ewan) So ito ay parang
tapunan lang ng mga basura. Parang small dumpsite."
may pagkakataon pa kaya na maligtas ang kanilang kapaligiran?
4:20 - 4:47 = Alan Balbuena
"Ung residente syempre part sila ng development. Syempre, iniimpose namin yung mga ordinance, iniimpose
namin yung mga batas, kailangan din sila. Sila mismo ang dapat sumunod para maipakita rin sa mga taga ibang
lugar blabla. pakikiisa yun sa mga chuchu."
dahil sa kaganapang ito, mas naging maginhawa ang paghahanapbuhay ni Mang Jessie (nakahuli na siya yehey)
pati na rin sa mga naninirahan dito
ganito ang magagawa ng pagkakaisa ng mga tao
dito nagsimulang lumago ang wetland park
02:56 - 03:00 = Marian D. Buan
kauna unahan number one ung pagtutulungan ih, pagkakaisa ng isang baryo
kasabay nito ang pagdami ng populasyon ng ibong dumadayo sa lugar na ito
< shot ibon lipad ung kay juny pweds hehez >
ito'y isang munting pasyalan para sa iba
02:34 - 02:44 = Jose Cruz
"ang pinakamahalaga kasi yan kauna unahan naging pasyalan pagkatapos naging kwan sa turismo at kumikita
kahit paano yung barangay diyan"
01:30 - 1:43 = Romeo Dela Cruz
"talagang maganda sa isang barangay na mayroong ganon dito. sa amin na may pinapasyalan at dinadayo ng mga
iba-ibang tao"
02:09 - 02:15 = Marian D. Buan
"para saken okay naman dahil ung lugar namin, napapasyalan, nadadayo ng mga iba-ibang lugar"
ngunit kung titingnan natin, ang halaga ng lugar na ito ay ang pagpapanatili at ang pag p protekta sa kapaligiran
< kahit eto lang pls HAHAHA >
01:20 - 01:24 = Dating Kap./Counselor Vic
"ang talagang heart nito is iconserve at iprotect ung environment"

ang dating nasa panganib,


ngayon ay madalas nang binibisita
sa pagkapal ng mga punong bakawan
sa pagkakaisa ng bawat residente
at sa kanilang paglalakas-loob
dumagsa ang mga taong nais masilayan
ang ganda ng malayang paglipad ng mga dumarayong ibon
dito napagtanto ng barangay na talagang malaki ang magagawa ng pagkakaisa sa pagpapanatili ng kalagayan ng
isang lugar
02:14 - 02:24 = Jose Cruz
ung lugar namin di dating ganto, gumanda nang ganito "kasi nga po sa pagtutulungan niyo po?" oo sa
pagtutulungan ng mga estudyante, mga barangay
ito ang simula ng pagdaraos taon-taon ng pagdiriwang ng Ibong Dayo
01:54 - 01:56 = Romeo Dela Cruz
ang halaga saken non ay parang masaya lang
0:41 - 0:49 = Merida S. Tolentino
sa festival na yon makikita yung mga produkto ng Tortugas
katuwang nito ang mga alagad ng sining na nagpapabuhay sa kamalayan ng nakararami sa pamamagitan ng
kanilang mga obra
09:28 - 09:40 = Sir Alexander Quizon
"Unang-una, bird sanctuary yon. Gusto kong ipakita ron na di lang ung ibon ang dapat alagaan kundi ung
kapaligiran. Kasi kapag wala ung kapaligiran, walang pupuntahan ung mga ibon."
ang mga naturingang alagad ng sining ay nagbahagi ng kanilang adbokasiya hinggil sa kalikasan
kami ay nabigyan ng pagkakataong iguhit ang aming gustong ipahiwatig bilang preparasyon sa darating na
pagdiriwang
< pasok video ng gawa gawa ng sketch basta kahit anong preparation sana para sa mural >
dito namin maihahayag ang aming gustong iparating sa pamamagitan ng sining
9:40 - 9:56 = Alan Balbuena
ung pagbibigay halaga hindi lamang dun sa mga nasa paligid natin o ung mga yan, yan, ung mga ibon, kasi ung
pag gumuhit ka ng isang bagay, dapat talaga malalim e diba, parang pinapakita mo ung pagmamahal mo sa
kalikasan
10:11 - 10:20 = Alan Balbuena
so lahat ng nasa paligid natin mahalaga, so sa sining natin dun natin maieexpress ung ah, kung gano kahalaga
ung ating kalikasan
mumunting gawain na maaaring makapagpamulat sa marami
04:11 - 04:37 = Sir Alexander Quizon
"Pero pag nagkaroon ka ng advocacy na, dun nagdadagsa ung suporta sayo, ung naiintindihan ka nila, dadami
ung artists na makakagaya o tutulad sayo. Magiging magandang example ka. Pag ung artist para sa sarili lang, para
kang jeep takbo lang nang takbo walang ruta."
04:40 - 04:58 = Sir Alexander Quizon
"Alam niyo naman kung saan nanggagaling ang advocacy. Sa taas. Sa taas galing yon. Pag nagkaroon ka ng
advocacy o nakita mo na ung advocacy mo sa buhay lalo na sa art. Para ka nang jeep na may ruta. So may sasakay
na sayo. May sasabay sayo."
05:19 - 05:36 = Sir Alexander Quizon
"Katulad nila James Medina, artists sila na hindi na nila iniisip ung sarili nila. So parang ako may advocacy ako
na ikalat ung art, sila naman advocacy nila ibalik ung ganda ng kalikasan natin, environmental protection."
______________________________________________________________________
ENDING:
Sa kabila ng bilis na paglipas ng panahon at ibat ibang pabaon ng buhay, tulad namin, mayroon pa ring
nangangamusta sa ating kalikasan. Mayroon pa ring nababagabag sa kaniyang poot at hinanakit. Mayroon pa ring
umaasa, na baka sakaling, ito'y maibsan natin kung agad na aaksyunan.
Ikaw? Isa ka ba sa amin?
______________________________________________________________________
ADDITIONAL SHTS:
Total Time na Makukuha ng Interviews = 213 secs / 3 minutes & 33 secs
mga naisip ko lang na shots ganyan (saka ni alika) wao may isip sana ol:

√ maduming tubig, maduming lupa, basta maduming lugar ganorn


√ mga taong nagtutulong tulong
√ kung may makukuhanan din sana na mga taong pumupunta sa wetland, ung mga turista nga ganorn
√ pagguhit ni sir aaaal
√ yon basta mga gumuguhit kahet sino nalang HAHAHA
√ ending: Ikaw? - mukha muna ng batang musmos
Isa ka ba sa amin? - mata ng bata titig sa camera
Kabanata 6: Pighati
“Ang panalo ay ang team Balatkayo”
LINGGO, PEBRERO 2, 2020
7:33 PM. Tangina.
Eto, pagkatapos ng lahat ng pagod para sa maikling dokyumentaryo, pagod ulit ang kasunod.

Lahat ng napagdaanang paghihirap, putangina. Binawi ung retain dahil school-based lang daw ang laban ng
mga grupo. Tangina pabor na sana sa akin at sa mga kagrupo ko na sila ung nanalo (kahit marami silang
nilabag na rules) pero putangina binawi ung retain?

Putangina, compelling pa raw ika, e puro basura at dahon lang naman laman ng dokyumentaryo nila.

Lumaban kami nang patas ditto tangina. Grabe lang talaga yung sistema.

Napagod din naman kami.


LUNES, PEBRERO 3, 2020
5:50 PM. Dito pa rin sa bahay nila Perlas nagsusulat ng maderpaking notes.

Ang sarap ng kape.


// UGH KAIRITA, REKWAYRMENTS NANAMAN?? //
*PAGPAG
[ ] Tekstong Naratibo <movie review banghay>
[ ] Tarp

*RESEARCH
[]

MARTES, PEBRERO 4, 2020


1:18 PM. Hindi na ako halos pumapasok sa eskwela. Inaasikaso namin ng kaibigan ko ang mural para sa
gaganapin na Ibong Dayo Festival. Saka tangina, sobrang umay ng guro namin. Ayoko nang isipin ung mga
pinaggagawa niya sa amin, pero para bang siya mismo ang nagdadagdag ng rason para kainisan namin
siya.
Kabanata 7: Isinawalang-bahala
Anong pakiramdam na pagkatapos ng lahat ng paghihirap…
Isinawalang-bahala lang ng iba?
BIYERNES, PEBRERO 21, 2020
10:27 AM. Nasa bahay kami nila Sir Al ngayon ng kaibigan ko.

Ang saya ng linggong ‘to dahil di ako pumasok. Sumama kami ni Perl sa Roving Art Workshop. Tapos
ngayon hindi rin kami pumasok kasi tamad kami. Saka wala naman kasing gagawin sa iskul at kailangan
pa naming tapusin ang mural.

Pumunta kaming Balanga, Orani, Orion, Mariveles, Hermosa, Dinalupihan, saka Limay. Libre ang pamasahe.
Libre rin ang pagkain maghapon. Nakaipon ako ng limang daan at binigyan pa kami ng limang daan para sa
pakikitulong.

Ayun, ayoko na mag-aral. Tangina rin ni Lagago.


BIYERNES, MARSO 13, 2020
10:52 PM. Tangina sira lahat ng debays na meron ako. Bakasyon pa. Buti at nakahiram pa kami ng laptop
sa tita ko. At ito nanaman ung nakakabanas na guro namin. Para bang pinamumukha niya sa grupo namin
na mas maayos ang grupo niya nung dokyumentaryo. Tanginang mga sipsip talaga.

Kahit inis na inis ako, nirespeto ko siya sa pag-uusap namin kanina. Pinaliwanag ko kung bakit kailangan
namin ng maayos na grado. At isa pa, hindi niya pinanindigan ang retain na sinabi niya sa amin.
MARTES, MARSO 17, 2020
1:31 PM. Umabot sa amin ang balita na kinausap ng guro namin ang isa pa naming kaklase. At putangina,
sinabihan niya ba naman kami ng gahaman sa grado. Tangina laos na yang GRADES DON’T MATTER na yan.
Putangina kung ganoon lang din ang pag-iisip nila, sana ay hindi nalang din sila nag-aral, at sana hindi
nalang din nagturo yang guro na yan.
BIYERNES, OKTUBRE 16, 2020
10:54 AM. Hanep, nandiri ako sa sarili ko nung binasa ko ulit ung mga sinulat ko. Ung ulo ko parang
puwedeng pumutok kahit kalian.
LINGGO, OKTUBRE 18, 2020
6:58 AM. Tangina ko talaga dalawa palang natatapos ko na asignatura tapos unang linggo palang ina sino
ba nagsabi non tae tatapusin daw lahat.
Kabanata 8: Kwento Nila
Naiisip mo rin ba ang kalagayan ng iba?
Masaya ka ba sa sistemang kinahaharap mo ngayon?
Hindi ka ba nasasakal?
Hanggang kalian mo balak magbulag-bulagan?
MIYERKULES, NOBYEMBRE 11, 2020
11:28 PM. May nagkukuwento kanina sa isang publikong grupo. Sabi niya, ung tatay ng kaklase niya, na
heneral ng PNP, tinamaan daw ng ligaw na bala. Malinis siya magtrabaho, ayon sa mga kasamahan niya sa
pulisya. ‘Yung nanay naman niya, sa PNP din nagtatrabaho. Ang pagdidisiplina raw sa kanila roon ‘mali ng
isa, parusa sa lahat’. Tapos kapangkat ng nanay niya ung nakagawa ng mali, kaya nadamay ung nanay niya,
pinatapon sa Mindanao. Limang taon niyang hindi nakita ‘yung nanay niya. Pinabalik lang sa Luzon sa
kadahilanang namatay ang tatay niya.

Hanggang ngayon hindi pa rin alam kung sa’n nanggaling ‘yung bala na ‘yon. Ligaw na bala ba talaga?

Putangina. Nakakatakot.

Padami nang padami ung mga taong namamatay, pinapatay, pumapatay. Hindi ko na maalala kung kanino
ko nalaman ito, sinabi niya sa akin na mayroong kota sa mga huhulihin na nagdodroga o kahit sino na may
ginawang krimen. Kapag hindi nila naabot ung bilang na sinabi sa kanila, sila ung paparusahan. Kaya ang
nagiging kalabasan, pati mga inosente hinuhuli para sa sarili nilang kapakanan. Hindi ko rin alam kung ano
bang papaniwalaan ko, basta ang alam ko putangina ng gobyerno.
HUWEBES, NOBYEMBRE 12, 2020
1:06 AM. Naalala ko si inay. Sinabi sa akin ng doktor na meron siyang Dementia. Hindi lamang siya
madalas makalimot, mabilis din na magbago ang kaniyang mga desisyon. Sobrang maalaga si itay, hindi
man niya alam ang sakit ni inay noon, hindi siya mapapagod na pasayahin si inay, para bang ang bawat
araw ay Araw ng mga Puso.

Hindi ko alam na mas maagang babawian ng buhay si inay. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal
ko siya. Sa isang iglap, pakiramdam ko’y walang pagitan sa akin at sa kamatayan. Hindi ko masyadong
nabibisita si inay sa ospital, dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagkokompyuter. Gusto ko pang
magpasalamat, kahit makakalimutin siya, naaalala niya kung kalian ang kaarawan ko. Ngingiti siya sa akin
at sasabihing, “Maligayang kaarawan, anak,”

Sobra akong nangulila. Kahit si itay ay nalulong sa bisyo. Nung lumipas lamang ang ilang taon, doon lang
naming napagtanto na hindi ito ang gusto ni inay na mangyari sa amin. Kaya inayos namin ang aming mga
sarili, at noong si itay naman ang nagkaroon ng Dementia. Alam na namin kung ano ang dapat na gawin.

Salamat, inay. Mahal na mahal na mahal kita. Pasensiya na at wala ako sa iyong tabi nung iyong mga
huling araw. Patawad.
BIYERNES, NOBYEMBRE 13, 2020
7:57 PM. Parami nang parami ang binabalita sa telebisyon na pinatay. Karamihan sa kanila ay inosente. At
mga pulis pa ang mga mamamatay-tao.

Tanginang mga pulis.


Kabanata 9: Araw ng mga Puso…. Tukso
“Kayrami nang winasak na tahanan.
Kayrami ng matang pinaluha
Kayrami ng pusong sinugatan
O, tukso, layuan mo ako”
-eva eugenio
LINGGO, PEBRERO 14, 2021
12:00 AM. Ang nais ko lamang po sa araw na to ay may makalaro sa tetris. Amen.
11:58 PM. Wala nang humabol. Hindi man lang nakapagtetris. Sa araw-araw na may nakalandian ako,
parang ngayon lang ung wala. Biro lang.

Isa pa pala, kingina hindi ako umabot para sa scholarship ng Benilde. Tangina kasi ng Form 137 ko nasa
senior na pala, hindi lang inasikaso ng dati kong guro. Tangina talaga nun.
HUWEBES, PEBRERO 18, 2021
9:27 PM. Nakausap ko ung kaibigan ko kahapon sa discord, kawawang Hacob. May problema nanaman sa
relasyon nila nung Cj, kakatapos lamang ng Araw ng mga Puso. Tangina rin nito ni Hacob e, binabalik-
balikan pa rin siya ng dati niyang kalandian, tapos putya, pinapatulan din. Lakas magpatukso amputa.
BIYERNES, PEBRERO 19, 2021
5:16 PM. Natapos ko man ang mga modyuls kahapon, kailangan ko pang tapusin ung storya na
pinapagawa sa amin para sa finals namin. Pangatlong kabanata palang ang tinitipa ko ngayon, sana
matapos ko na para makapinta na ako ulit.

5:40 PM. Tangina, tuwing inaalala ko ung nangyari nung nakaraang taon, parang ayoko nalang ituloy ang
pagkukwento. Pero alam kong kailangan kong maging matapang, harapin, at tanggapin kung ano man ang
nangyari sa dokyumentaryo namin.

7:14 PM. Wala na ko malagay sa kwento ko pero gustong gusto ko na matapos.


SABADO, PEBRERO 20, 2021
1:07 AM. Kinamusta ko si Hacob, nag-usap na ulit sila ng kasintahan niya na si Cj. Ayon tanga tanga kasi
pinatulan pa si Denz. Ngayon nalilito siya, tas may balak pa atang pumili ron sa dalawa.

1:02 PM. Habang si Hacob nagmumukmok, ako kinikilig hehehehehehehe.

1:06 PM. Kingina ng jowa neto ni Hacob. Sinabi ba naman sa akin na may kanser si Hacob. Kinausap ko
nang maayos, tapos magsisinungaling sakin nang malupitan.
Kabanata 10: Putangina Mo
Walang nakakaalam. Walang makakaalam. Ikaw at ikaw lang naman.

“Ikaw ba’y nasasaktan? Sa pamumuhay ng hangal? Manatiling mulat sa hirap ng ‘yong paghinga.” - Pappel
LINGGO, PEBRERO 21, 2021
1:35 PM. Takbo.

tumitindig ang balahibong


takot sa peligrong paparating
iniiwasan ang dulo ng hangganan
kalian matatamo ang inaasam na kalayaan?

masyadong mapanganib
hinanda ang mga paa at ika’y tumakbo

takbo sa katotohanang nakaukit sa bawat sulok ng iyong dadaanan


takbo, takbo
sa kaniya nakasalalay ang iyong kahihinatnan
takbo, takbo
hanggang saan ang kakayanin ng iyong kalamnan
takbo, takbo
hanggang kalian mo ito tatakasan

tagu-taguan maliwanag ang buwan


pagbilang kong tatlo nakatago na kayo
isa, dalawa, tatlo

kahit saan mo pa isiksik ang iyong sarili


mahahanap at mahahanap ka pa rin
SHH!
LUNES, PEBRERO 22, 2021
4:15 PM. Pumunta ako sa eskwelahan kanina para magpasa ng storya.

11:57 PM. Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin na patay na ung kinaiinisan kong guro kanina lang.
Ang susunod na programa ay rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. Maaaring
may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sekswal, horror, o droga, na hindi angkop sa mga bata.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-

May tatlong bibe akong nakita kanina. Yung isa mataba at yung isa mapayat. Mga bibe sila. Pero ung isa
may pakpak sa likod, siya lang yung ganon. Sa tingin ko siya ang lider ng mga bibe at sinabi niya ang mga
katagang “Kwak, Kwak!”

Tapos na po. Salamat kung nakaabot ka man dito. Kung ito naman ang una mong binasa, ayos ka rin.
Gusto mo tetris muna tayo?

You might also like