Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa ating pakikipag talastasan sa araw-araw ay isa na ata ang pragmatiks sa kakayahan na

madalas nating nagagamit. Nagagamit ito sa mga pagkakataong kailangan nating gawin ang ating mga
sinasabi o kailangan na mabigyan ng aksyon ang mga salitang ating sinabi. Ito ay nag kakayahang
pragmatiks. Ano nga ba ang pragmatiks? Ang pragmatics ay ang pag-aaral kung papaano
iniimpluwensyahan ng konteksto ang paraan ng paghahatid ng impormasyon ng mga sentens.
Samakatwid, ito ay pag-aaral ng aktwal na pagsasalita. Ayon kay (Yule,1996) “Binigyan pansin dito ang
gamit ng wika sa mga kontekstong panlipunan gayundin kung paano lumilikha at nakauunawa ng
kahulugan ang tao sa pamamagitan ng wika.” Nakatuon ang larangan ng pragmatiks sa komunikatibong
sa aksyon sa loob ng kontekstong sosyokultural., sa madaling salita, binibigyan pansin ang kaangkupan
ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

Sinabi ni Paul Grice, isang Britong lingguwista, ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay
ng dalawang bahagi ito ay ang: (1) implisit, ang pang-ilalim at hindi sinasabi, (2) explicit, ang direk na
sinasabi. Tatlo ang implisit na pwersa: asersyon o pahayag, interogativ o tanong at imperative o utos.
Asersyon ang isang pahayag na naghahatid ng impormasyon at ito’y maiintindihan na totoo o hindi.
Interogativ naman ito kapag gusto nating makakuha ng impormasyon. Imperativ naman kapag gusto
nating pakilusin ang iba.

Ayon kay Paul Grice ang mga kombersasyunal-maksim na ginagamit para maging akma ang mga
pahayag ng mga mag-kausap sa isang kombersasyon. Ang mga ito ay maksim na kwantiti, kwaliti,
relevans at maner. Ang ibig sabihin ng mga ito ay sa maksim na kwantiti ay kailangang gawing
imformativ at naaayon sa hinihingi ng pagkakataon ang kontribusyon ng nagsasalita sa usapan. Sa
maksim na kwaliti ay hindi tayo dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay na hindi natin
alam kung totoo o kung kulang ang ating ebidensya. Sa maskim na relevans ay ipinapalagay ng nakikinig
na makabuluhan sa paksang pinag-uusapan ang sinasabi ng nagsasalita. Sa maskim na maner ay
ipinapalagay na maliwanag at hindi Malabo ang sinasabi ng nagsasalita na hindi ito ipagkakait ang
anumang bagay na importante.

Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech act. Ang speech act
theory ay isang teoryang batay sa aklat na How to Do Things with Words ni J.L. Austin (1975).
Pinapaniwalaan sa teoryang ito na ang yunit ng komunikasyong linggwistik ay hindi ang simbulo, salita o
ang pangungusap mismo, kundi ang produksyon o paglikha ng mga simbulo, salita o pangungusap sa
pagganap ng kanilang tinatawag na speech acts. Tatlong komponent ang bumubuo sa mga aktong
linggwistik sa teoryang ito. Ang mga ito ay lukyusyonari, ilokyusyonari, at perlokyusyonari.

Ang lukyusyonari ay ang akto ng pagsasabi ng isang bagay. Ito’y naipapakita sa pagtatanong at pagsagot
sa mga tanong, pagbigay ng mga impormasyon, pagbigay ng kahulugan, paglalarawan at iba pa. Ito ang
akto ng paggamit ng referring expression (pariralang pangngalan) at predicating expression (pariralang
pandiwa) upang magpahayag ng proposisyon.

Pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay sumesentro ang ilokyusyonari. Mahihinuhang sa


pag-unawa sa aktong ito, mapagtatagumpayan ang pagkamit ng komunikatib kompitens na tinatawag
din na pragmatik kompitens na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin ang agkop na barayti
ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.

Ang panghuling komponent ay ang aktong perlokyusyonari o ang pagsasabi sa isang bagay na
kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens sa damdamin at isipan ng tagapakinig. Ito’y maaring
maganap sa anyo ng panghihikayat, panghahamon, pananakot at iba pa. Halimbawa, kung ang isang tao
na nakasakay sa eroplano ay sisigaw ng “may bomba”, tiyak na magkakagulo ang mga nakasakay sa
nasabing sasakyan.

Samakatwid, ang una ay may kahulugan, ang ikalawa’y may pwersa, at ang ikatlo’y may
konsikwens.

You might also like