AP Lesson 3 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Q1 –Module 2 – Lesson 3

Ang Daigdig at Ang Isyu ng


Kapaligiran
Mga karaniwang kalamidad sa Pilipinas

Lindol
Dahil matatagpuan ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire , ang rehiyon kung saan
aktibo ang mga bulkan, madalas na nakararanas ang bansa ng mga pagyanig dahil sa
paggalaw ng crust ng Daigdig. Ito ang lindol at ang pahsabog ng mga bulkan. Ayon sa
Philippine Institute og Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nakararanas na ang
Pilipinas ng 106 lindol na may lakas na magnitude 6.0 o mas mataas.
PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale
Intensity Description
I Scarcely Perceptible – Delicately balanced objects are disturbed slightly
II Slightly felt – felt by few individuals at rest indoors.
III Weak – felt by many people indoors especially in upper floors of buildings
IV Moderately Strong – Vibration is felt like passing of a heavy trucks
V Strong – Strong shaking and rocking felt throughout a building.
VI Very Strong – Heavy objects or furniture move or may be shifted
VII Destructive – people are frightened and run outdoors and difficult to stand
VIII Very Destructive – People are panicky. Many well-built buildings are
considerably damaged.
IX Devastating – People are forcibly thrown to the ground. Most buildings are
totally damaged

X Completely devastating – Practically all man-made buildings are totally


damaged
Intensity ay ang lakas ng paggalaw ng lupa samantalang ang Magnitude ay ang
sukat ng seismic energy na nagmumula sa sentro o epicentre ng lindol.
Baha - Pitumpong porsyento ng ibabaw ng daigdig ay natatakpan ng tubig at ito ay may
iba’t ibang anyo gaya ng mga lawa , atmospera, latian,tubig sa katawan, ilog, karagatan,
dagat, niyebe,glacier, yelo, halumigmig sa lupa, at permafrost.
Ang pagbaha ay depende sa sumusunod:
1. Lokasyon – baha sa ilog, baha sa dalampasigan, at baha sa mataong lugar
2. Tagal – flash flood at sheet flood
PAGASA – isang standard flow warning system
Code Duration Description Response
Yellow 7.5-15 mm rain in the Caution: flooding is Monitor the weather
span of 1hr possible condition through the
news
Orange 15-30 mm intense Flood is threatening Be alert and get ready
rain and low-lying
Red More than 30 mm Serious flooding Evacuate
rain in an hour expected in low-lying
areas
Tsunami – isang mataas na daluyong na karaniwang epekto ng paggalaw ng lupa sa ilalim
ng dagat. Bihirang makaranas ang ating bansa ng Tsunami. Ang pinakamapaminsalang
tsunami na nangyari sa bansa ay ang Moro Gulf Tsunami noong Agosto 17, 1976 na
pumatay ng humigit-kumulang sa 8,000katao. Dahil dito binuo ni Pangulong Ferdinand
Marcos ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bagyong Tropikal – ay isang kondisyon kung saan sobrang mababa ang air pressure at
may hanging umaabot sa 35 kilometro sa bawat oras 0 kph. Nabubuo ito sa mga karagatan
ng tropiko 0 sub-tropiko kung saan ang temperature sa ibabaw ng tubig ay mas mataas ng
26 na digri Celsius. Ibang bansa ang tawag nila ay hurricane, cyclone at willy-willy o
whirlwind dust storm.

Klasipikasyon ng mga bagyong tropical


1. Tropical depression – umaabot sa 61 kph ang bilis ng hangin
2. Tropical storm – umabot sa 62-88 kph ang bilis ng hangin
3. Severe tropical storm – umaabot sa 89-117 kph ang bilis ng hangin
4. Typhoon – umaabot sa 118-220 kph ang bilis ng hangin
5. Super typhoon – lagpas sa 220 kph ang bilis ng hangin

Mga babala ng bagyo o Public Storm Warning Signal (PSWS) ay ipinaaalam sa mga tao
upang malaman nila ang lakas ng hangin at dami ng ulan na aasahan mula sa bagyo.

Pangalan ng mga Bagyo – pinapangalanan ang mga bagyo upang maging mas madali ang
komunikasyon. Ang World Meteorological Organization na nagsimula noong 1953 ay isang
ahensiyang internasyonal na namamahala dito.

Pagsabog ng Bulkan – dahil sa lokasyon ng Pilipinas na may mga tectonic plate at trench,
madalas ang pagsabog dito ng mga bulkan.
Klasipikasyon ng mga Bulkan
1. Aktibong bulkan – ang mga ganitong bulkan ay sumabog na sa huling 600 taon batay sa
tala ng kasaysayan.
2. Maaring maging aktibong bulkan – hindi pa gaanong matagal ang mga bulakng ito
3. Hindi aktibong bulkan – ang mga ito ay hindi kailanman sumabog at ang anyo nito ay
nabago na ng hangin at ulan.
May anim na aktibong bulkan sa Pilipinas: Mayon, Taal, Bulusan, Kanlaon, Pinatubo, at
Hbok-Hibok.
Batay sa Republic Act No. 10121ang disaster risk reduction (DRR) ay nangangahulugan ng
pagbawas sa panganib ng sakuna sa pamamagitan ng sistematikong pagsuri at pamamahala
sa mga sanhi ng sakuna.
Pagbabago sa klima o climate change – ito ay ang kabuoan at malawakang pagbabago sa
klima ng mga relihiyon.
Greenhouse Effect – ay ang pag-init ng ibabaw ng Daigdig at ang kalawakang kalapit nito
dahil sa pagdami ng mga gas tulad ng halumigmig (water vapor), methane, nitrous oxide, at
cardon dioxide
Global Warming
Ay ang pagtaas ng temperaturang dulot ng mga natural na salik kagaya ng
pagsabog ng bulkan at pag-iiba-iba ng init ng araw. Ngunit, sa kasalukuyan, ito ay epekto
na rin ng mga Gawain ng tao dahil sa mga binubugang gas sa atmospera ng Daigdig.
- Mga Epekto ng Global Warming
• Pagbabago ng init at ulan sa mundo
• Pagbabago sa ecosystem at biodiversity
• Pagkatunaw ng mga yelo sa dagat ()glaciers) at pagtaas ng tubig sa mga karagatan
• Mas mapaminsalang ng mga bagyo
Sagot sa Climate Change
• Ang UNFCC – United Nations Framework Convention Climate Change
• COP21 - Convention of Parties –pinakamataas na tagagawa ng desisyon ng
kumbensyon
• Republic Act No. 9729 – kilala bilang Climate Change Act of 2009. Isa ito sa komisyon
na mangunguna sa pagtingin at pagtaya ng mga programa ng pamahalan ukol sa
climate change.

You might also like