Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1B
Katangiang Pisikal ng Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1B: Katangiang Pisikal ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan, EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Elsa F. Cayetano
Editor: Rizal P. Cantiller
Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: John Jesson S. Monserate
Arnold G. Chan

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

ii
Alamin

Magandang araw sa iyo! Ang modyul na ito ay isinulat ng may-akda upang


matutuhan mo ang paksang “Katangiang Pisikal ng Asya”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa


tatlong aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Mga Anyong Lupa at Anyong
Tubig sa Asya
Aralin 2 – Vegetation Cover ng Asya
Aralin 3 – Klima ng Asya
Pinagkunan: FreePhysical Map of Asia.Mapswire.com.

Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito ay inaasahang makakamit mo


ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency -MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nailalarawan ang mga natatanging anyong lupa at anyong tubig sa Asya;
2. Natutukoy ang mga salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng
klima at vegetation cover ng Asya;
3. Nasusuri ang mga epekto ng katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga
Asyano (MELC); at
4. Naipagmamalaki ang likas na kagandahan ng Asya.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Aling pahayag ang hindi kabilang sa katangiang pisikal ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.
B. Ang Asya ay tirahan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa tulad ng tangway, kapuluan,
bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halamanan.
D. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking
implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
2. Iba-iba ang klima sa Asya. Ano ang katangian ng klima sa rehiyong Timog Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-
ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init, at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa sa
loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig ng rehiyon at mahirap manirahan ang tao.
3. Ang ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, Indus sa India, at Huang Ho sa China ay ilan
lamang sa mga ilog na mahalaga sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampanin
nito?
A. Sa mga ilog na ito umunlad ang mga kauna-unahang kabihasnan sa Asya at
maging sa buong daigdig.
B. Maraming mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Asya ang naganap sa mga
ilog na ito.
C. Madalas magdulot ng pinsala at pagkasawi ng mga tao tuwing may pagbaha sa mga
ilog na ito.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsilbing-daanan ng mga barkong pangkalakalan ng mga
bansang kabilang sa rehiyon.

1
4. Ano ang tumutukoy sa uri o dami ng halaman sa isang lugar?
A. klima B. topograpiya C. vegetation cover D. monsoon
5. Ano ang uri ng damuhan na may ugat na mababaw o shallow-rooted short grasses?
A. savanna B. steppe C. praire D. rainforest

Suriin

Modyul

1B Katangiang Pisikal ng Asya

Napakahalagang pag-aralan ang pisikal na kapaligiran ng Asya. Sa Asya


matatagpuan ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig. Nagtataglay din ng iba’t
ibang uri ng klima at vegetation cover ang Asya dahil sa laki at lawak nito. Ang
katangiang pisikal na ito ng Asya ay may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga
Asyano noon at at ngayon.

Balikan

Punan ang Talahanayan: Tukuyin kung anong rehiyon, bansa o kabisera ang
tinutukoy sa bilang. Isulat sa notebook ang sagot.

REHIYON BANSA KABISERA


Hilagang Asya 1 Baku
2 India 3
4 Saudi Arabia Riyadh
Silangang Asya Japan 5
6 Thailand 7

Unawain ang mga larawan sa kanan.


Gamit ang iyong mapa ng Asya o
internet kung mayroon, tukuyin ang mga
nasa larawan.

Bakit mahalagang alamin ang mga


anyong lupa, anyong tubig at maging
klima sa isang bansa?

Anyong Lupa at Anyong Tubig


Ang Asya ay tirahan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa at anyong tubig. Bawat uri
nito ay ginagamit, nililinang at patuloy na naghahatid ng kapakinabangan sa mga
Asyano.

2
3
Malaki ang kapakinabangan ng mga anyong lupa at anyong tubig sa mga tao.
Bukod sa tirahan ng mga tao, dito rin sila kumukuha ng kanilang pagkain at ng
kanilang hanapbuhay. Ginamit nila ang mga kapatagan, talampas, lambak-ilog sa
pagtatanim. Nakakukuha sila sa mga bundok at bulubundukin ng mga mineral at
mga halamang gamot. Nagsisilbing pananggalang ang mga bundok sa mga bagyo at
sigwa.
Ang anyong tubig tulad ng dagat, karagatan at look ay nagsisilbing depensa,
rutang pangkalakalan, paggagalugad at pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat.
Ang mga ilog at lawa ang siyang pinagkukunan ng inumin at ginagamit sa pang-araw-
araw na gawain. Ito rin ang pinagmulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at
pananim, daanan ng mga transportasyong pantubig at pinagkukunan ng mga pagkain
at mga palamuti. Ang mga anyong lupa at anyong tubig na ito ay nakapagdudulot ng
malaking impluwensiya sa kultura at pamumuhay ng mga Asyano.

Vegetation Cover ng Asya


Ang vegetation o uri ng dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.

4
Klima ng Asya
Ang klima ay
tumutukoy sa karaniwang
panahon o average
weather na nararanasan
ng isang lugar sa loob ng
mahabang panahon.
Kinapapalooban ito ng
mga elemento tulad ng
temperatura, ulan at
hangin. May mga salik na
nakaaapekto sa klima ng
isang lugar tulad ng
lokasyon, topograpiya, uri
o dami ng mga halaman
at distansiya sa mga
anyong tubig.

Ang Monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na may
matinding epekto sa lipunan. Ito ay galing sa salitang Arabe na “Mausin” nanganagahulugang
season. May dalawang uri ng monsoon: Ang northeast monsoon o hanging amihan, ang hangin
ay namumula sa Siberia, kaya ang hangin ay malamig o mahalumigmig. Ito ay nararanasan
tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero, nagdudulot ng mababang temperatura at
walang dalang masyadong ulan.

Ang southwest monsoon o hanging habagat, ang hangin ay nagmumula sa karagatan


papuntang kontinente. Malakas na hangin na may dalang malakas na ulan, nararanasan ito
tuwing buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Intermonsoon ay panahon na nagpapalit ng
monsoon, nararanasan ito tuwing buwan ng Oktubre at Abril, may kahinaan ang hangin sa
panahong ito.

Northeast Monsoon o Hanging Amihan Southwest Monsoon o Hanging Habagat

5
May mabuti at hindi mabuting dulot ang monsoon sa isang lugar. Ang mabuting dulot
nito ay nagagamit natin ang dalang ulan para sa irigasyon ng ating pananim, at ang hangin ay
nagagamit natin sa paglalayag. Ang sobrang lakas ng pag-ulan na dala ng monsoon ay
nagdudulot ng matinding pagbaha na nagiging dahilan ng pagkasira ng ari-arian ay hindi
magandang epekto ng monsoon.

Pagyamanin
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Katangiang Pisikal ng
Asya”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Gawain 2
Data Retrieval Chart. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala sa hinihinging
impormasyon ng tungkl sa katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Asya.
KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Anyong lupa at Klima Vegetation Cover
tubig
HIlagang Asya
Kanlurang Asya
Timog Asya
Silangang Asya
Timog Silangang
Asya

6
Isaisip
Gawain 3
Tanong-sagot. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel

Kamusta mag-aaral. Sagutin ang mga tanong sa pisara.

1. Ano ang kahulugan ng klima? vegetation


cover?
2. Bakit nakararanas ng iba’t ibang klima ang
mga bansa sa Asya?
3. Bakit iba-iba ang vegetation cover ng Asya?
4. Paano nakaaapekto ang monsoon sa mga
Asyano lalo na sa sektor ng agrikultura?
5. Sa paanong paraan nakaaapekto ang mga
anyong lupa at anyong tubig sa buhay ng
mga Asyano?
6. Bilang Asyano, maipagmamalaki mo ba ang
taglay na katangiang pisikal ng Asya?

Isagawa

Gawain 4
Eco-Map. Magsaliksik ng mga natatanging anyong lupa at anyong tubig na
matatagpuan sa mga bansa sa Asya (pumili ng isang bansa) at kapakinabangan nito sa
mga taong nakatira sa piniling bansa sa Asya. Gamitin ang mga datos na nakuha sa
paggawa ng Eco-Map.
Paraan ng Paggawa:
1. Iguhit aang mapa ng piniling bansa sa bond paper.
2. Tukuyin sa mapa ang lokasyon ng anyong lupa at anyong tubig sa pamamagitan ng
paggamit ng arrow.
3. Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga anyong lupa at anyong tubig at itala ito
sa loob ng kahon.
4. Sa tabi ng kahon, isulat ang mabuting dulot at kapakinabangan ng bawat anyong
lupa at anyong tubig sa mga nakatira sa bansa.
Rubriks sa pagmamarka ng Eco-Map:
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Wasto ang mga impormasyon at iginuhit na
Nilalaman 10
mapa.
Mahusay na naipaliwanag ang mabuting dulot o
Paliwanag kapakinabangan ng mga anyong lupa at anyong 10
tubig sa tao
Mapang Angkop at makatotohanan ang pagkakaguhit sa
Iginuhit 6
mapa
Disenyo Malikhain at masining ang gawang mapa. 4
Kabuuan 30

7
Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.
1. Ang Asya ay may iba’t ibang uri ng klima. Anong klima ang karaniwang
nararanasan ng mga Asyano sa Hilagang Asya?
A. tagyelo B. tag-init C. tag-ulan D. taglagas

2. Ang Asya ay may iba’t ibang uri ng halaman o puno. Nakadepende ang mga uri
nito sa lokasyon ng isang lugar. Ano ang mahalagang vegetation na makikita sa
rehiyong Timog Silangang Asya?
A. rainforest B. savanna C. taiga D. tundra
3. Bakit madalas nakararanas ng malalakas na bagyo ang mga bansa sa Silangan
at Timog Silangang Asya?
A. Dahil laging madilim ang kalangitan sa mga bansang ito.
B. Dahil matataas ang mga lugar na matatagpuan sa rehiyon.
C. Dahil malapit sa Pacific Ocean kung saan nabubuo ang mga bagyo.
D. Dahil ang mga rehiyon ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire.
4. Mahalaga ang ugnayan ng kapaligiran sa pag-unlad ng mga pamayanan. Ano ang ginawa
ng mga tao sa kapaligiran upang umunlad ang kanilang pamayanan?
A. Nagbago ang kapaligiran upang maging kapaki-pakinabang sa mga tao.
B. Walang ginawa ang mga tao sa kapaligiran upang maging maunlad sila.
C. Inabuso ng mga tao ang kapaligiran kung kaya’t nanatili silang mahirap.
D. Ginamit nila ang kapaligiran upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
5. Bumalik sa Pilipinas ang iyong tiyuhin na nagtatrabaho sa Saudi Arabia sa
Kanlurang Asya. Alin sa sumusunod ang malaking pagbabago na kaniyang
mararanasan pagdating sa Pilipinas?
A. Mas mayaman ang Saudia Arabia kaysa sa Pilipinas.
B. Mas mainam ang klima sa Pilipinas kaysa sa Saudi Arabia.
C. Mas kaunti ang tao sa Pilipinas kaysa sa Saudi Arabia.
D. Walang pagbabago ang mararanasan pagdating sa Pilipinas.

Karagdagang Gawain

You might also like