Reflection Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mindanao State University- Iligan

Institute of Technology
College of Education
Direct Line: (063) 223-3806 Email Address: cass.english@g.msuiit.edu.ph
https://msuiit.edu.ph/academics/colleges/cass/programs/english/index.php

Isang pangangailangan sa kursong Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika Fil 120 A5

Repleksyong Papel
Domeyn ng Wika (Domeyn ng wika na nagkokontrol (CDL), Domeyn ng wika na
bahagyang nagkokontrol (SCDL), at Domeyn ng wika na di-nagkokontrol (NCDL)).

nina
Diamla, Aynie R.
Fototana, Sanemie S.

Ipinasa kay
Prop. Kristine H. Aron

October 2021

1|Page
Layuning maipaliwanag ang Mga Domeyn o Larangang Pangwika

Noong Oktubre 16, 2021 ay nag ulat kami tungkol sa Domeyn ng wika. Ito ay sa

paraan ng google meet kung saan ang mga estudyante at mga guro ay dito na

nagsasagawa ng klase. Hindi namin inakala na sa gano’ng klase ng pag-uulat ay

aming mararanasan saaming mga buhay. Ang pandemyang Covid-19 ay talaga

namang sinubok ang bawat indibidwal. Hindi mo akalain na ma-mumulat ka na lang

sa ganitong lagay ng pamumuhay at klase ng pag-aaral.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa aming propesor ng asignaturang Introduksyon

Sa Pag-Aaral Ng Wika na si Propesor Kristine H. Aron sa kanyang nakakabilib na

paggamit ng iba't ibang paraan ng pagtuturo. Ang aming napagdaanan sa unang

batch na mga asignatura sa unang semester, ay naging masaya naman kahit sa

kabila ng pandemyang Covid-19. Alam naming mas ma e-enjoy sana namin ang

aming mga asignatura ngayon kung kami ay nag aral ng face-to-face ngunit alam rin

namin na kaya isinagawa itong bagong paraan ng pag-aaral ay para rin sa

kaligtasan ng bawat indibidwal.

Iba-ibang paraan ng pagtuturo ang ginawa ni Propesor Kristine. May mga araw na

ang paraan na ginamit niya ay Presentation. Gumamit siya ng PowerPoint

Presentations para ituro ang ilang mga paksa. Masasabi kong epektibo ito. Mas

hindi kasi nakakaantok kapag may PowerPoint. At kung ang isang tao ay may

problema sa pandinig, walang problema dahil ang pinaka- importanteng konsepto ay

nakikita namin ito saaming mga screen. At ang maganda pa dito ay inu-upload niya

ang mga files sa Mole App. Hindi na kailangan mahati ang aming atensyon sa

pagsulat, pagbasa at pakikinig.

2|Page
Bumalik naman tayo sa nangyari saaming pag-uulat ni Sanemie Fototana tungkol sa

Domeyn ng Wika noong Oktubre 16, 2021 ng tanghali. Sa aming paksa na Domeyn

ng Wika, layunin namin na sa huli ng aming pag-uulat ay ang aming mga kaklase ay

malaman kung ano ang Domeyn ng Wika. Kung bakit ito mahalagang matutunan at

malaman ang iba’t ibang klase ng Domeyn ng Wika. Ang Domeyn ng Wika ay may

tatlong klase ng Domeyn. Ito ang Domeyn na Nagkokontrol o sa Ingles ay

Controlling Domains of Language, Domeyn Nagkokontrol nang Bahagya o sa Ingles

ay Semi-Controlling Domains of Language at ang pangatlo ay Domeyn na Di

Nagkokontrol o sa Ingles ay Non-Controlling Domains of Language. Layunin din

namin na malaman nila at pagka-kaibahan ng tatlong Domeyn ng Wika.

Sa pamamagitan ng aming Powerpoint presentation, kung saan dito namin lubos na

ipinakita at dito nakalagay ang aming ini-ulat na may paksang Domeyn ng Wika. Sa

unang bahagi ng aming pag uulat ipinaliwanag namin kung ano ba ang kahulugan

ng Domeyn. Ang domeyn ng pangwika ay tumutukoy sa larangang pangwika ng tao

na regular na ginagamitan ng partikular na varayti ng wika o kombinasyon ng mga

varayti. Ito ay ayon kay Richards, J. Platt and H. Platt, 1993. Tumutukoy ito sa

anumang disiplina, gawain, grupo, samahan o okupasyon ( na nagkakaroon ng

pagkakabuklod-buklod) tungo sa isang partikular na mithiin. Tinatawag din itong

larangan ng wika sa Filipino. Halimbawa: Disiplina – Filipino, Gawain – Pagtuturo,

Grupo – Languages Faculty/ Kaguruan ng mga Wika, Okupasyon – Guro. Sunod

naman naman na aming ginawa ay ipinaliwanag at ipina-intindi ang tatlong klase ng

Domeyn ng Wika. 

3|Page
Mga Domeyn o Larangang Pangwika

Mga domeyn ng wika na nagkokontrol (CDL) - Ang wika at varayti ng wikang

ginagamit dito maging pasalita o pasulat ay idinidikta-May katiyakan at wastong

gamit ng mga salita (tamang impormasyon, tamang balarila/grammar). Kabilang sa

domeyn na ito ay ang mga sumusunod: A. Ang administrasyon ng gobyerno na

binubuo ng eksekutiv, Legislativ, at Hudisyal. B. Sensya, Teknolohiya, at industriya.

C. Edukasyon sa mga antas ng Elementarya, Sekondarya, Bokasyonal at mga

kursong Teknikal, Tersarya at Gradwet. D. Profesyon na binubuo ng Medisina, at iba

pa. Ang sumusunod ang mga katangian ng mga domeyn na ito: a) nagdidikta ng

wika at rejister na dapat gamitin (ang wikang dapat gamitin dito ay ang mga wikang

natutunan sa eskwelahan-Ingles at Filipino); b) ang domeyn ay nangangailangan ng

kasanayan sa pagbasa at pagsulat na katanggap-tanggap at wasto. Bagamat

idinidikta ang wikang dapat gamitin sa mga domeyn na nabanggit, isinasaalang-

alang naman ang katayuan ng mga tagapagsalita at maging ang lugar at sitwasyon

ng nag-uusap at ang pag-uusap, Kinakausap ng nakatataas o ng boss ang

subordineyt niya sa wikang naiintindihan nito. Ipinaliliwanag ng titser ang paksa o

ang aralin sa tulong ng wikang vernakular sa lugar. Ipinaliliwanag ng abogado sa

kanyang kliyente ang kaso sa wikang naiintindihan ng kanyang kliyente, at iba pa.

Cebuano ang wikang vernakular sa Cebu, Iligan City at ibang lugar sa Mindanao lalo

na sa Rehiyon X. Tagalog ang vernakular sa Maynila, NCR at mga karatig pook.

Hiligaynon ang vernakular sa Iloilo o sa Rehiyon VI, atbp. Ilokano ang vernakular sa

Rehiyon 1, 2, atbp.

4|Page
Mga domeyn ng wika na bahagyang nagkokontrol (SCDL) - Ang mga domeyn na

bumubuo rito ay ang relihiyon at mas midya May partikular na wika na ginagamit sa

mga domeyn na ito ngunit hindi kasinghigpit ng sa CDL. May alternatibong wika na

ginagamit sa domeyn na ito-wikang naiintindihan ng mga tao sa lugar. Nakakalahok

ang mga tao sa mga gawain sa mga domeyn na ito nang di nangangailangan ng

pagkabihasa o iskil sa anyong pasulat, ngunit nangangailangan ng iskil sa pagbasa.

Maaaring gamitin sa mga domeyn na ito ang wikang Ingles, Filipino, at/o vernakular

sa lugar ngunit dapat isaalang-alang ang kasanayan sa pagbasa. Halimbawa:

Entertainment (tv o radyo), Relihiyon-Politika. 

Mga domeyn ng wika na di- nagkokontrol (NCDL) - Ang pinakamahalagang mga

domeyn dito ay ang tahanan at ang komunidad. Maaaring gamitin dito ang kahit

anong wika o varayti ng wikang alam pareho ng mga kalahok o ng mga nag-uusap.

Hindi nangangailangan dito ng mga kasanayan o iskil sa pagbasa at pagsulat o

maaaring minimal lamang. Bukod sa wikang vernakular sa lugar, ginagamit din dito

ang linggwa franka sa rehiyong kinabibilangan.Bagamat may mga itinatakdang wika

na dapat gamitin sa bawat domeyn ng wika, malinaw naman na higit sa isang wika

ang maaaring lumitaw sa bawat domeyn. Ayon kay Holmes (1993:27-28), ang iba't

ibang tao ay maaaring gumamit ng iba't ibang mga wika sa parehong domeyn. Ang

pangyayaring ito ay bunga ng impluwensya ng iba't ibang faktor-panlipunan na

nakaaapekto sa repertwa ng pagsasalita ng isang indibidwal.

5|Page
Nang matapos nanamin ipaliwanag ang bawat domeyn ng wika, kami ay naghanda

ng Video tungkol rin saaming paksa upang ito’y mas lubos na maintindihan ng aming

mga kaklase.

Sa huling bahagi ng aming pag-uulat, nag bigay kami ng pagsusulit sa aming mga

kaklase at ang panuto nito ay sa malinis na papel, Ipaliwanag ang kaibahan ng

Tatlong Domeyn Pangwika. At kapag ito ay maipaliwanag nila ng maayos, sila ay

bibigyan ng sampung puntos. Binigyan namin sila ng limang minuto para sagutan ito.

Para sa konklusyon ng aming repleksyon papel, masasabi naming naipaliwanag

namin ng mabuti ang aming paksang Domeyn ng Wika dahil mabilis naman itong

naintindihan na aming mga kaklase. Para naman sa resulta ng aming pagsusulit na

aming ibinigay saaming mga kaklase, ang lahat ay binigyan namin ng sampung

puntos dahil nakita namin na na ipaliwanag nila ang bawat domeyn ng wika at ang

pagkakaibahan ng tatlong domeyn ng wika. Muli kami ay nagpapasalamat sa mga

naging parte ng aming pag-uulat. Saaming propesor na si Kristine H. Aron at

saaming mga kaklase sa pag partisipasyon sa aming pag-uulat.

6|Page

You might also like