Kabanata 1 - Pamamaraang Komunikatibo at Katangian NG Mabisang Estratehiya Sa Pagtuturo NG Wika - Rodota, Patricia Mae Torregoza

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAMAMARAANG KOMUNIKATIBO SA PAGTUTURO NG WIKA

Inaasahang Bunga
1. Naipaliliwanag ang mga batayang konsepto sa komunikatibong pagtuturo ng wika
2. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabisang estratehiya sa pagtuturo ng
wika at iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito
3. Nabibigyang halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang
pamamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.

ESTRATEHIYA AT PAMAMARAAN
ESTRATEHIYA
• Isang planadong proseso para sa isang partikular na gawain.
PAMAMARAAN
• Hakbanging sunud sunod na gumagabay sa mga guro sa kanyang pagtuturo at
pagkatuto.

Ano ang Estratehiyang Pangkomunikatibo?


Ang estratehiyang komunikatibo ay paraan na ginagamit sa paglilipat ng
konsepto, ideya, katotohanan, kasanayan at saloobin sa pag iisip at mga gawain ng mga mag
aaral mula sa pagkikilala lang sa gramatika tungo sa pagpapalawig , pag uugnay at paggamit
sa aktwal na sitwasyon sa tunay na buhay, pasalita o pasulat

Batayang Edukasyon sa Level Sekundari ng Department of Education


Ang isang mabisang komunikeytor sa Filipino ay yaong nagtataglay ng
kasanayang makro. Ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita at pakikinig. Bukod dito, may
kabatiran at kasayanan din siya sa apat na component o sangkap ng kasanayang
komunikatibo gaya ng gramatikal, sosyo lingwistik, diskorsal at estratejik.
Ang terminong kakayahang, pangkominikatibo o communicative
competence ay nagmula sa linguist, sociologist, anthropologist at folklorist na Dell Hymes ng
Portland Oregon.
Ayon sa orihinal na ideya niya, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat
magkakaroon ng kakayahang linggwistika o granatikal upang epektibong makipagtalastasan
gamit ng wika ng linggwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at
maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
Sa makabagong paraan ng pagtuturo, ang mga gawain sa loob ng klasrum ay
nakatuon sa sama sama at tulung tulong na pagsisikap ng guro at estudyante upang matamo
ang itinakdang gawain. Binibigyang diin ang integrasyon ng paksang aralin sa pag aaral sa
pag aaral ng wika
Guro- Tagapagpadaloy ng pagkatuto
Estudyante- Ang aktinong nagsasalita, nakikinig, bumabasa at nagsusulat kung
kinakailangan
MGA KATANGIAN NG ISANG MABISANG ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO NG WIKA
1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag aaral
2. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba iba ng mga mag aaral
3. Bunga ng pagtutunlungan ng guro at ng mga mag-aaral
4. Nagsasalang alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag aaral
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mag aaral
6. Naaakit sa aktibong partisipasyon ng klase
7. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunod sunod ng mga hakbang
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo
10. Nagsasaalang alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto

MGA PAMAMARAANG AT ESTRATEHIYA KOMUNIKATIBO SA


PAGTUTURO NG WIKA
Sanggunian:
https://prezi.com/a3eicocnuh-v/mga-estratehiya-sa-pagtuturo-ng-wika-at-ang-
pamamaraang-komu/

You might also like