Inflation - Talumpti

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

EFFIN IMPLASYON

Naikwento ba ng iyong lolo’t lola na noon ay nakabibili sila ng kompletong pagkain sa


halagang Php1.00 lamang? Sa katunayan, ito ay mahirap isipin dahil ngayon, ang Php1.00 ay
nakabibili ng isang kendi lamang. Ang presyo ng pagkain, upa, at iba pa ay tumaas na kompara
sa mga nakalipas na dekada at ito ay dahil sa implasyon. Ang implasyon ay ang pagtaas ng
presyo ng mga bilihin at serbisyo mula noon hanggang ngayon. Sa bawat pagtaas ng presyo,
lumiliit ang kapasidad mong bumili. Noong Hulyo 2018, ang implasyon ay umabot na sa mahigit
na 5.7%. Mas mataas kaysa sa average na 5.5%. Dulot nito, kailangan mo pang maglagay ng
karagdagang salapi upang makabili ng pagkain, makabayad ng buwis, upa, at iba pa.

Pero bakit nga ba may implasyon? Ano ba ang mga sanhi nito? Maraming kadahilanan kung
bakit nagkakaroon ng implasyon gaya ng ekonomiya, mga negosyo, politika, sitwasyon ng ating
bansa at iba pa. Kasama dito ay ang ay ang paghimok ng suplay at demand or
pangangailangan ng tao. Ang implasyon ay nangangahulugang kailangan mong magbayad
nang higit pa para sa parehong mga kalakal at serbisyo.

Maraming mga tanong ang kailangang masagot tungkol sa implasyon. Ilan dito ay: Una,
Masama ba ang implasyon? Hindi. Sa katunayan, ang pamahalaan ay nagnanais ng implasyon,
ngunit sa loob lamang ng isang katanggap-tanggap na saklaw. Pangalawa, Paano napipigilan
ang implasyon? Ang pagrevise ng monetary at trade o kalakal na mga polisiya/policies, pati na
rin ang pagbibigay ng subsidyo sa mga mahihirap, ay ilan lamang sa mga paraan kung saan
maaaring pigilan ng pamahalaan ang implasyon. Kasama rin ditto ang Rice tariffication,
suspension of excise taxes of fuel, monetary policy tightening, ang pagpapabilis ng Build, Build,
Build na proyekto, at pagbaba ng VAT to 10%.

Ang panghuling katanungan ay ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng


implasyon sa ating bansa. Kalakip sa mga positibong epekto ng implasyon ang
Deflation/Deplasyon at lalo na kapag ito ay hinimok ng demand. Ito ay isang tagapagpahiwatig
na ang mga tao ay may mas maraming pera upang gumasto at sumasalamin sa isang
lumalagong ekonomiya. Kalakip naman sa negatibong epekto ay ang pagbaba sa halaga ng
pagtitipid, pagbaba ng sahod ng mga trabahante, at ang paghina ng economic growth kapag
ang pagtaas ng implasyon ay hindi naagapan.

Konklusyon: toms nalang!!!!!!

You might also like