Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Introduksyon

Ang pag-aaral ay nakatuon sa mga epekto ng depresyon sa mga kababaihan ng Grade 12

sa Piapi High School. Sa pag-aaral na ito, matutukoy ng mananaliksik ang mga posibleng epekto

ng depresyon sa mga kababaihang mag-aaral sa Piapi High School. Magsasagawa ang

mananaliksik ng isang pag-aaral ukol sa mga maaaring sintomas dito. Pagkatapos ng

isinagawang pagsasaliksik, ang mananaliksik ay gagawa ng isang talakayan at konklusyon mula

sa paksa.

Ang depresyon ay karaniwan sa ating lahat, lalo na sa mga kabataan sa panahon ngayon.

Ito ay isa sa pinakamadalas na nararamdaman ng mga kabataan na nakakaapekto sa kanilang

pag-iisip. Ito ay isang seryosong problema na kinakaharap ng lahat at kinakailangan gamutin at

pagtuonan ng pansin dahil ito ang nagiging sanhi ng pagkasira ng buhay ng isang tao. Maaari

ring maging sanhi ang depresyon sa pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan ng

pagpapakamatay o pagkitil ng sariling buhay.

Sa panahon ngayon, ang mga kabataan lalo na ang mga kababaihan ang madalas na

naaapektuhan dito dahil makikita na sila ay mahina sa pagkontrol ng kanilang mga emosyon.

Ang depresyon ay madalas na nakakaapekto sa kalidad ng buhay, kalusugan at mga pisikal na

aktibidad ng isang tao. Ang depresyon ay maaaring humantong sa iba’t ibang mga emosyonal at

pisikal na mga problema at maaring mabawasan ang iyong kakayahang sa paggawa sa isang

trabaho. Ang mga kabataan na mayroong depresyon ay nanganganib na maghirap mula sa hindi

magandang pagganap sa gawaing pang-akademiko. Nang dahil sa depresyon, naaapektuhan ang

pag-aaral ng mga kabataan.


Makikita sa isang pag-aaral na ang mga sintomas ng depresyon ay ang mga taong may

mababang pagpapahalaga at kumpiyansa sa sarili, mga taong nakakaranas ng “stress” at maging

ang mga may mga seryosong karamdaman. Sa isang pag-aaral, tinatayang nasa 8.9% ng mga

kabataan sa Pilipinas ang nakakaranas ng katamtaman hanggang sa matinding mga sintomas ng

depresyon at ang mga kababaihan ang may mas mataas na porsiyento kaysa mga kalalakihan.

Ayon sa World Health Organization o WHO, ang pangkalahatang pagkalat ng depresyon sa

Pilipinas ay 3.3 porsiyento. Tinatayang nasa 6 milyong mga Pilipino ang tinatayang nabubuhay

na may depresyon na nagiging dahilan na ang bansang Pilipinas ay pangatlo sa pinakamataas na

bilang ng mga problemang sa kalusugang pangkaisipan.

Malinaw na ang depresyon ay isa sa dahilan kung bakit mas lumalala ang buhay ng mga

tao. Ang nagiging dahilan dito ay sa lahat ng pagkakataon ang mga Pilipino ay hindi

komportable na pag-usapan ang kanilang mga problema lalo na kung tungkol ito sa depresyon ng

dahil sa takot na sila ay mapuna. Ipinapahiwatig ng pag-aaral na ito, na ang mga epekto at

sintomas tungkol sa depresyon ay sapat ngunit hindi nito ginagawang hindi mapanganib ang

depresyon sa mga kabataan lalo na sa mga kababaihan. Bilang konklusyon, ang pag-aaral na ito

ay isinagawa upang unawain at sagutin ang mga tanong tungkol sa mga epekto ng depresyon sa

mga kabataan partikular sa mga kababaihan. Sa paggawa nito, ang pag-aaral na ito ay

kumakatawan sa isang pundasyon para maunawaan ang kahalagahan ng pagharap sa depresyon

sa bawat sitwasyon.

You might also like