Pananaliksik

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

i

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA AKADEMIKONG PERFORMANS NG MGA

MAG-AARAL SA MATAAS NA ANTAS NG PAARALANG

PANLABORATORYO NG QUIRINO

STATE UNIVERSITY

Aksyon Riserts na Iniharap sa mga Guro ng College of Teacher Education

Quirino State University

Diffun, Quirino

Bilang Bahagi ng Katuparan ng mga Pangangailangan

Sa Kursong Batsilyer sa Edukasyong

Pansekondarya

JERSON B. FERNANDEZ

ALJHUN C. MEŇA

LORETO B. PADAPAT

CESAR G. TABERNA

December 2018
ii

Republika ng Pilipinas
Quirino State University
Diffun, Quirino

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang aksyong riserts na ito ay may pamagat na “ Mga Salik Na Nakaaapekto sa

Akademikong Performans ng mga Mag-aaral sa Mataas na Antas ng Paaralang

Panlaboratoryo ng Quirino State University, sa taong 2018 na inihanda at ipinasa nina

Jerson B. Fernandez, Aljhun C. Meña, Loreto B. Padapat Jr. at Cesar G. Taberna, bilang

bahagi ng katuparan sa mga pangangailangan para sa kursong Batsilyer Sa Edukasyong

Pangsekundarya.

Advisory Committee

ELVIRA A. TAMANGAN, Ed. D AGATON P. PATTALITAN,Jr.,Ph.D


Guro sa Prof. Ed 44 Guro sa Pananaliksik
_____________________ ____________________

CHARLIE MERIALES
Tagapayo
___________________
Sinang-ayunan at tinanggap bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan sa kursong
Batsilyer sa Edukasyong Pangsekundarya.

AGATON P. PATTALITAN Jr.,Ph.D


Tagapangulo ng Departamento ng BSED
__________________
Petsa ng Lagda
iii

Dahon ng Pagkilala

Nais ipaabot ng mga mananaliksik ang taos-puso nilang pasasalamat upang

maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Dr. Agaton P. Pattalitan Jr.,Ph.D

Guro sa pananaliksik at BSEd-Chairperson sa pagbabahagi niya ng kaniyang

kaalaman at paggabay sa amin mula umpisa hanggang sa matapos naming ang pag-aaral na

ito. Naging mahirap ang paggawa ng pananaliksik na ito ngunit ginawa niya ang kanyang

makakaya upang mahasa ang aming galling.

G. Charlie Meriales

Sa aming tagapayo na walang sawang tumulong sa amin upang magrebisa sa aming

ginagawang pananaliksik. Isa siya sa tumulong upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Sa aming Pamilya

Para sa kanilang suporta lalong lalo na sa tulong pinansyal, sa mga payo at

pagmamahal na siyang naging inspirasyon naming upang maging matagumpay ang

pananaliksik na ito.

Sila rin ang dahilan kung bakit kami nagpupursige sa aming pag-aaral.

Sa aming mga Tagatugon

Sa pagsagot at pagbabahagi ng kaalaman, karanasan at opinion tungkol sa aming

paksa. Hindi namin matatapos ang pag-aaral na ito kung wala kayo, sapagkat kayo ang may

pinakamalaking kontribusyon sa proyektong ito.

Sa Poong Maykapal
iv

Sa kanyang paggabay, pagbibigay lakas ng loob, galing at talino upang

maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral na ito. Kami’y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng

kanyang tulong at ambag sa matagumpay na pananaliksik na ito


v

Dahon ng Paghahandog

Ang pag-aaral na ito ay buong pusong inihahandog ng mga mananaliksik sa kanilang

Mga magulang , kapatid, kamag-aral at sa lahat ng tumulong at nagbigay

Payo at higit sa lahat sa Panginoong Diyos sa kanyang

Paggabay at pagbibigay lakas ng loob at

At kakayahan upang matagumpay

Na maisagawa at matapos

Ang pag-aaral

Na ito.

J.B.F.

A.C.M.

L.B.P.

C.G.T.
vi

TALAAN NG NILALAMAN

DAHON NG PAMAGAT-------------------------------------------------------------------i
DAHON NG PAGPAPATIBAY-----------------------------------------------------------ii
DAHON NG PAGKILALA----------------------------------------------------------------iii
DAHON NG PAGHAHANDOG ---------------------------------------------------------v
TALAAN NG MGA NILALAMAN -----------------------------------------------------vi
ABSTRACK----------------------------------------------------------------------------------ix
PAHINA

I INTRODUKSYON
Rasyonale -----------------------------------------------------------------------------1

Paglalahad ng Suliranin--------------------------------------------------------------3

Layunin ng Pag-aaral-----------------------------------------------------------------4

Saklaw at Delimitasyon--------------------------------------------------------------5

Haypotesis-----------------------------------------------------------------------------5

Konseptwal Paradym-----------------------------------------------------------------6

Depenisyon ng mga Terminolohiya------------------------------------------------7

II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Literatura---------------------------------------------------------------8

Kaugnay na Pag-aaral----------------------------------------------------------------8

III METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral----------------------------------------------------------------10

Lugar ng Pag-aaral-------------------------------------------------------------------10
vii

Instrumento sa Pananaliksik--------------------------------------------------------10

Paraan ng Pangangalap ng Datos---------------------------------------------------11

IV RESULTA AT DISKASYON

I Propyale ng Tagatugon------------------------------------------------------------12

Talahanayan 1.1 Gulang ng mga Tagatugon-------------------------------------12

Talahanayan 1.2Kasarian ng mga Tagatugon------------------------------------13

Talahanayan 1.3 Estado ng mga Tagatugon -------------------------------------13

Talahanayan 1.4 Etnikong Kinabibilangan ng mga Tagatugon----------------14

II Mga Salik Na Nakakaapekto sa mga Tagatugon------------------------------

Talahanayan 2.1 Salik sa Tahanan-------------------------------------------------15

Talahanayan 2.2 Salik sa Paaralan-------------------------------------------------16

Talahanayan 2.3 Salik sa Guro-----------------------------------------------------16

Talahanayan 2.4 Salik Sa Kapwa Mag-aaral-------------------------------------17

Talahanayan 2.5 Personal na Salik-------------------------------------------------18

Talahanayan 2.6 Salik sa Teknolohiya--------------------------------------------19

V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom-----------------------------------------------------------------------------------21

Kongklusyon --------------------------------------------------------------------------21

Rekomendasyon-----------------------------------------------------------------------22

BIBLIOGRAPIYA-----------------------------------------------------------------------------23

APPENDIX A Liham ng Pahintulot---------------------------------------------------------24

APPENDIX B Talatanungan------------------------------------------------------------------25

APPENDIX Curriculum Vitae-----------------------------------------------------------------26


viii

ABTRACK

FERNADEZ JERSON B., MEṄA ALJHUN C., PADAPAT LORETO B., TABERNA

CESAR G. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA AKADEMIKONG

PERPORMANS NG MGA MAG-AARAL SA MATAAS NA ANTAS NG

PAARALANG PANLABORATORYO NG QUIRINO STATE UNIVERSITY.

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng

bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Ngunit may mga hadlang din

na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya nararapat lamang na maging maagap ang

bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang ito.

Ang lawak ng pinag-aralan ng isang mag-aaral sa akademya ay maaring malaman sa marking

nakukuha niya sa panahong ginugugol niya sa pag-aaral. Pinaniniwalaang ang grado ng isang

tagapahiwatig ng isang pagkatutuo. Kung ang isang mag-aaral ay makakakuha man ng isang

mataas na marka, ito’y magpapakita na siya’y marami ng natutunan sa panahon ng kanyang

pag-aaral; samantalang kung mababa ang grado ay nangangahulugan ito na hindi gaanong

karamihan ang kaalaman na kanyang natutunan.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang mga Salik na Nakaaapekto sa

Akademikong Perpormans ng mga Mag-aaral sa Mataas na Antas ng Paaralang

Panlaboratoryo ng Quirino State University.

Ang pamaraang ginamit sa pag-aaral na ito ay (Descriptive type of Research) na

naglalarawan ng mga pananaw ng mga mag-aaral sa salik na nakaaapekto sa kanilang

akademikong perpormans.

Upang masuri at mabigyang ng interpritasyon ang mga datos na nakalap ay ginamit

ang mga angkop na istadistika gaya ng “mean”, “frequency counts”, “percentage

distribution”at T-test.
ix

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod: Ang resulta ay nagpapakita na

mas nakararami ang may edad na 17. At makikita rin dito na nangunguna ang mga tagatugon

na babae. Karamihan sa mga tagatugon ay nasa grupo ng etnikong ilokano. Ipinapakita rin sa

pag-aaral na ito na ang salik sa tahanan at salik sa guro ang may malaking epekto sa kanilang

akademikong perpormans at walang masyadong kinalaman ang mga personal na salik, salik

sa paaralanat salik sa teknolohiya.

Sa resultang lumabas sa pag-aaral na ito ay nabuo ang mga konklusyon na

sumusunod: 1.) Lumalabas sa pag-aaral na mas nakakarami ang mga babaing tagtugon kaysa

sa mga lalaki. Karamihan din sa mga tagatugon ang may gulang na 17. Napag-alamang sa

pananaliksik na ito na nasa etnikong kinabibilangan nila ay Ilokano.2.) Dahil sa moral at

pinansyal na suporta ng kanilang mga magulang at mga babasahin sa kanilang tahanan na

may kaugnayan sa kanilang mga asignaturang kung kayat sila,y may mataas na marka sa

kanilang mga asignatura.3) Nawiwili ang mga mag-aaral kung ang kanilang guro ay may

maayos na pustura, magandang pag-uugali at pakikitungo at nakikitaan ng kabihasahan sa

paksa o sa asignaturang ituturo.4.)Ang paggamit ng mga guro ng angkop na estratihiya at

teknolohiyabilangkagamitang pampagtuturo ay nakakapukaw ng atensyon ng mga mag-aaral.

Dahil sa natuklasan sa pag-aaral na ito, iminumungkahi ng mga mananaliksik ang

mga sumusunod na rekomendasyon: 1.) Base sa resulta ng naisagawang pag-aaral,

iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga magulang na dapat panatilihing at palawigin

ang suporta sa moral, pinansyal at iba pang aspeto na nakatutulong upang mas maging mataas

ang kanilang marka.2.) Ang mga paaralan katulad ng mga high school at mga unibersidad ay

kailangang maibigay ang mga wastong pangangailangan ng mga mag-aaral sa mga pasilidad

at mga kagamitang pang edukasyon.3.) Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na


x

nararapat alamin ng mga mag-aaral anga mga salik na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral

para malaman ang mga kailangan nilang pag tuunan ng pansin .4.) Ang mga guro ay dapat

maging isang mabuting halimbawa at inspirasyon sa mga mag-aaral na kaniyang tinuturuan.


xi

KABANATA I
Panimula

Rasyonale

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng

bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa mundo. Ngunit may mga hadlang din

na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya nararapat lamang na maging maagap ang

bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang ito.

Ang pagkabatid sa batayan ng pagkatuto ay ang perpormans ng isang mag-aaral. Ang

mag-aaral na maraming natutunan ay gumaganap ng maayos. Ang pagkahusay ng isang mag-

aaral ay siyang nagsisilbing ebidebsiya ng pagkatuto. Samoy (2000).

Ang lawak ng pinag-aralan ng isang mag-aaral sa akademya ay maaring malaman sa

marking nakukuha niya sa panahong ginugugol niya sa pag-aaral. Pinaniniwalaang ang grado

ng isang tagapahiwatig ng isang pagkatutuo. Kung ang isang mag-aaral ay makakakuha man

ng isang mataas na marka, ito’y magpapakita na siya’y marami ng natutunan sa panahon ng

kanyang pag-aaral; samantalang kung mababa ang grado ay nangangahulugan ito na hindi

gaanong karamihan ang kaalaman na kanyang natutunan. Gayunpaman, marami nang

karanasan at pag-aaral ang nagpapatunay na may iba pang salik na nakakaapekto sa

nakukuhang marka o grado ng mag-aaral.

Sa panahon ding ito, ang mga estudyante ay nakararanas ng hirap sa pagpukos sa

kanilang sarili sa pag-aaral. Marami ding interapsyon na nakakagulo sa kanilang pag-iisip. Isa

na rito ang paggamit ng teknolohiya, bagkus na sila’y magpupukos sa kanilang pag-aaral ay

mas inuuna nnila ang paggamit ng teknolohiya. Dahil sa paggamit nila dito, mas nakukulanga

na ang kanilang pokus sa kanilang aralin, dahil din sa mga problemang kinikimkim o
xii

dinadaing at hindi na nila mahahanapan ang solusyon ay dinadaan nalang sa kanilang mga

barkada. Ditto na sila nagsisimulang tumahak ng maling landas at sila’y nalululong na sa mga

bisyo at masasamang gawain.

Isa rin sa mga nakakapukaw ng pansin sa mga estudyante ay barkada, barjada na

siyang nagdadala minsan sa mga estudyante sa mga msasamang Gawain.

Naiimpluwensiyahan din sila ng mga ito na gumawa ng mga bagay bagay na nagreresulta ng

maling gawain na siyang dahilan ng pagkakababa ng kanilang grado o marka.

Ang hindi maayos na ugnayan at relasyon ng mga magulang ay isang salik na

nakakaapekto sa pag-aaral ng isang estudyante, sapagkat nawawalan ng ganang mag-aral,

naguguluhan ang isip na dahilan ng pagkawala ng kanilang pokus.

Ayon kay Sizer-Webb et al. (1999) lahat tayo ay nangangailangan ng matibay na

pakikipagrelasyon sa kaniyang kapwa.Mahalaga na may mapagsasabihan tayo ng mga

problema, mababahagian ng ating karanasan at makapagpahayag ng sariling opinyon.

Marahil ay ang pakikipagrelasyonang nakikita ng mga kabataan para lubusan nilang makilala

ang kanilang sarili at maipahayag ang sarili nilang damdamin.

Isa rin minsan ang magandang pakikisama sa kapwa mag-aaral ang nakakaapekto sa

pag-aaral ng mga estuyante dahil may magandang pakikisama lalong silang nabibigyan ng

gana upang magpursige sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay Canto (2018). Ang mga maaaring salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga

estudyante ay ang mga sumusunod: una ay ang Akademya o ang pormal na edukasyon nito.

Teknolohiya lalo na ang social media. Impluwensya ng mga panoorin sa telebisyon at

sinehan. Pagbabasa ng mga libro at kung ano pang mga materyal na babasahin.

Pakikipagkapwa tao lalo na ang mga pinipiling makasama't maging kaibigan. Kultura at
xiii

tradisyon ng kinalakihang lipunan lalo na ang mga norm nito. Mga ligal na patakaran at mga

isinasagawa ng Pamahalaan lalo na ng pampublikong ahensya ng edukasyon at Paglinang sa

kakayahan at talento ng mag-aaral.

Kaugnay nito, sa pag-aaaral ng mga mag-aaral ay kailangang isa-alang-alang ang mga

salik na magbibigay sa kanila ng maganda at di magandang epekto sa kanilang pag-aaral

upang sa ganun ay maging matagumpay sila sa anumang gusto o mithiin nila sa buhay.

Marami nang mananaliksik ang nakapagpatibay at naglahad ng mga impormasyon

tungkol sa maganda at di-magandang epekto ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya

gaya ng cellphone, tablet at iba pa.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga salik na nakakaapekto sa

Akademikong performans ng mga mag-aaral sa Mataas na antas ng paaralang Panlaboratoryo

ng Quirino State University.

Ito’y naglalayong masagot ang mga sumusunod na tanong.

. Ano ang propayl ng tagatugon batay sa:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Sibil status

1.4 Pangkat Etnikong kinabibilangan

2. Ano ang ibat-ibang salik na nakakaapekto sa akademikong performans ng mga mag-aaral

ng Mataas na antas ng paaralang Panlaboratoryo Ng Quirino State University batay sa

kanilang:
xiv

2.1Salik sa Tahanan

2.2Salik sa Paaralan

2.3Salik sa Guro

2.4 Kapwa Mag-aaral

2.5 Personal na Salik

2.6 Salik sa Teknolohiya

3. Ano ang inyong mga paraan para mapanatili o mas lalo pang mapataas ang inyong grado?

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng Pag-aaral na ito ay malaman ang mga salik na nakakaapekto sa

akademikong perpormans ng mga mag-aaral ng Mataas na antas ng paaralang Panlaboratoryo

ng Quirino State University. Layunin nito na mas lalong pang paunlarin ang mga kaalaman

nila

Ang pananaliksik na ito ay may mga sumusunod na layunin.

1. Malaman ang propayle ng mga tagatugon batay sa kanilang:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Sibil Status

1.4 Pangkat Etnikong kinabibilangan

2. Alamin ang mga salik na nakakaapekto sa Akademikong performans nga mga taga-tugon

sa mga sumusunod na salik:


xv

2.1Salik sa Tahanan

2.2Salik sa Paaralan

2.3Salik sa Guro

2.4Kapwa Mag-aaral

2.5Salik sa Teknolohiya

3. Malaman ang mga paraan ng mag-aaral para mapataas at mapanatili ang grado .

Saklaw at Delemitasyon

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga salik na nakaaapekto sa

akademikong performans ng mga mag-aaral sa mataas na antas ng paaralang panlaboratoryo

ng Quirino State University.

Ang tumugon sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 31 na mag-aaral sa mataas na Antas

ng paaralang panlaboratoryo ng QSU.

Haypotesis

Null Haypotesis:

Walang kaugnayan ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong perpormans ng

mga mag-aaral

Alternatibong Haypotesis

May kaugnayan ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong perpormans ng mga

mag-aaral.
xvi

Konseptwal paradaym

Input Proseso Output

*Propayl ng tagatugon

 Kasarian
 Etnikong
kinabibilangan
 Sibil Status
 Pagpapasagot sa
*Mga salik na mga talatanungan
Malaman ang mga salik
nakaaapekto sa  Pagsusuri,
na nakakaapekto sa
Akademikong paglalahad at
akademikong perpormans
perpormans ng mga pagbibigay ng
ng mga taga tugon sa
mag-aaral interpertasyon sa
asignaturang Filipino.
mga nalikom na
 Tahanan datos
 Paaralan
 Mga guro
 Kapwa Mag-aaral
 Personal
 Teknolohiya

Makikita sa Konseptwal Paradigma ang input o pinagbatayan, proseso, at ouput o

kalabasan ng pag-aaral at ang mga tagatugon. Nakalahad sa unang kahon ang propayl ng mga

tagatugon at ang mga salik na nakakaapekto sa kanilang akademikong perpormans. Sa

ikalawang kahon ay ang prosesong ginamit sa pag-aaral, pagpapasagot ng talatanungan at ang

pag-iinterpretasiyon sa mga datos na nakalap. Sa ikatlong kahon ay ang kalabasan ng pag-

aaral.

Terminolohiyang Ginamit sa Pag-aaral


xvii

Akademikong Perpormans-Ang terminong ito ay tumutukoy sa grado ng mga mag-

aaral sa kanilang akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa K-12.

Guro- Sila ang mga tao na naghahatid ng kaalaman sa kanyang tinuturuan gamit ang

pamamaraan at mga materyales na siyang nagsisilbing tulay upang malipat ang kaalaman ng

epektibo sa lahat ng ng mga nangangailangan.

Mag-aaral-Mga mag-aaral na tagatugon ng ginagawang pananaliksik. Tumutukoy ito

sa lahat ng nag-aaral sa isang paaralan o sa lahat ng instutusyon na nagbibigay ng edukasyon.

Sa pag-aaral na ito ang mga estudyante na tinukoy ay ang mga mag-aaral sa Paaralang

panlaboratoryo ng QSU.

Salik- ito ang mga bagay na nakakaapekto sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Senior High-Ang mga mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral pa lamang sa K-12

Program sa ilalim ng.

Suliranin-Anumang bagay na hindi agad mapagpasyahan sanhi ng anumang

kadahilanan, gusot at problema. Wala pang paraan ng paglutas.

KABANATA II
Mga Kaugnay na Literatura
xviii

Ang mga sumusunod na literature at pag-aaral ay itinatala, sa bahaging ito ay

matutunghayan ang mga kaugnay na literature at pag-aaral na makabuluhang ginamit ng

mananaliksik na pinamagatang “ Mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Perpormans ng

Mataas na Antas ng Paaralang Panlaboratoryo ng Quirino State University.

Mga kaugnay na Literatura

Ayon kay Bangon (2004), ang mga kagamitan o resources ay isinasaalang-alang ang

kahandaan at kasapatan ng mga ito sa pagtuturo.

Sa pag-aaral naman nina Belieg (2004), ang kaligirang sosyal ay isa ring

nakaaapekto sa akademikong perpormans ng mag-aaral, isang salik sa pagkatuto batay sa

isang kaligirang natural.

Malaki ang kontribusyon ng mga taong nakapalibot sa isang estudyante na nagiging

sanhi rin para maapektohan ang kanilang pag-aaral. Dahil sila ang palaging nakakasama ng

mga estudyante dito rin nakabasi ang kanilang mga gawain kung ito ay tama o mali

Rubin (2002), ang paggamit din ng mga makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter

ay isang epektibong paraan para mas mapadali ang paggawa ng Gawain sa eskwela ngunit

kalaunan, hindi na pang-edukasyunal na layon ang sadya ng mga mag-aaral sa kompyuter, sa

halip, “kompyuter games” at hindi alintana ang pagbabasa ng akademikong perpormans.

Ayon kay Danielson (2002) mas lubusang matuto ang mga estudyante sa kanilang

aralin at mga gawain kung sila mismo ang unang magbibigay ng sarili nilang opinyon sa

kanilang mga gawain bago ito tuunan ng pansin ng guro.


xix

Ang pag-aaral ay nagsisilbing pandayan ng kaisipan at hulmaan ng pagkatao at kung

bibigyang kahulugan, ito’y magsisilbing pamana ng magulang at walang makakaagaw

ninuman.Recto (2004)

Makikita na kung ang bawat estudyante a ykailangan dapat tuunan ng pansin ang

kanilang pag-aaral para maging isa silang kapaki-pakinabang sila sa ating lipunan at

nagpapakita na ang isang estudyante nangangailangan ng mataas na grado para maging isang

salamin na isa silang. Pinapakita rin na ang magulang ang isang hulmaan para lalong

magpursigi ang isang estudyante sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay (Singh, 2000) ang pagkasangkot ng magulang sa estado ng pag-aaral ng

mga estudyante at ang kawalan nila ng katayuan ng buhay at magiging epekto nito sa mga

batang kasalukuyang nag-aaral.

Naaapektohan ang isang estudyante sa kaniyang pag-aaral kung ito ay walang

kakayahan sa buhay, dahil sa kawalan ng pinansyal na pangangailangan iniisip ng isang mag-

aaral na magtrabaho para matustusan ang pag-aaral. Kaya ang mga estudyante ay wala nang

oras para mag-aaral ng maayos.


xx

KABANATA III
Metodolohiyang Ginamit

Ang kabanatang ito’y nagpapakita ng mga desinyo at paraan ginamit sa pag-aaral ng

mga mananaliksik upang makuha ang mga datos na kailangan. Makikita sa kabanatang ito

ang uri ng pananaliksik na isinagawa, saan ginawa ang pananaliksik, bilang ng mga

tagatugon at mga instrumenting ginamit sa paglikha ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga masisigasig at matatalinong mananaliksik at sa pamamaraang ginamit ay

nakabatay sa matagumpay na pananaliksik. Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik

sa pag-aaral na ito ay “descriptive type of research”. Inuusisa rin ditto ang mga iba’t-ibang

salik na nakakaapekto sa akademikong perpormans nga mga mag-aaral at masusing

inilarawan nang buo ang penomeno ayon sa pamanaw at karanasan ng mga taga-tugon.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mataas na antas ng paaralang panlaboratoryo ng

Quirino State University, Diffun Quirino, sa taong panuruan 2018-2019, partikyular sa mga

mag-aaral ng grade 11-12. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa lahat ng mga mag-aaral na nag-

aaral sa nasabing paaralan.

Instrumento Sa Pananaliksik

Isa sa mga ginamit ng mananaliksik sa pag-aaral na ito para sa paglikom ng mga datos

na kailangan ay ang talatanungan. Ang talatanungan ay binubuo ng propayl ng mga mag-

aaral at mga tanong na kinakailangan sa pagkalap ng datos upang matukoy ang salik na

nakakaapekto sa sa akademikong perpormans ng mga magaaral.


xxi

Paraan ng Pagkakalap ng mga Datos

Upang maging pormal ang pangangalap ng datos ay nag-abot ng liham ang mga

mananaliksik sa punong guro ng paaralang panlaboratoryo ng Quirino State University bilang

paghingi ng kanyang pahintulot sa pagsasagawa ng naturang pag-aaral. Pagkatapos

mapahintulutan ang kahilingan ng mananaliksik, kami ay nagpamudmud ng mga

talatanungan sa mga tagatugon.


xxii

KABANATA IV

Resulta At Diskusyon Ng Mga Datos

Sa kabanatang ito, inilahad, sinuri at binigyang kahulugan ng mga mananaliksik ang

mga datos na nakalap. Inihanay sa mga talahanayan ang mga datos sa pamamagitan ng

paggamit ng mga angkop na istadistika.

Sa pag-aaral na ito, mahalagang malaman ang mga salik na nakaaapekto sa

akademikong performans ng mga mag-aaral sa mataas na antas ng paaralng panlaboratoryo

ng Quirino State University.

Talahanayan 1.1 Edad ng mga Tagatugon

Edad Bilang Bahagdan


16 7 22.58%
17 15 48. 38%
18 8 25.80%
19 1 3.22%
Total 31 100%

Ayon sa talahanayan 1 makikita ang edad ng mga tagatugon na kung saan ang

karamihan sa mga tagatugon ay nasa edad na 17 na may 48.38 na porsyento at sinundan ng

edad na 18 na may 25.80 na porsyento habang ang edad na 16 ay may 22.58 na porsyento

may 3.22 na porsyento ang taong 19. Pinapakita na karamihan sa mga tagatugon ay nasa edad

na 17.
xxiii

Talahanayan 1.2: Kasarian ng mga Tagatugon

Kasarian Bilang Bahagdan


Lalaki 12 38.71%
Babae 19 61.29%
Total 31 100%

Ayon sa talahanayan 2 pinapakita ang ugnayan ng kasarian ng mga tagatugon na kung

saan karamihan sa mga tagatugon ay babae na may bilang na 19 at may porsyentong 61.29

habang ang bilang ng mga lalaking tagatugon ay 12 na may 38.71 na porsyento. pinapaikita

lamang ng talahanayan na karamihan ng mga tagatugon ay babae.

Talahanayan 1.3: Sibil Istatus ng mga Tagatugon

Sibil Istatus Bilang Bahagdan


Single 31 100%
Total 31 100%
Ayon sa talahanayan 3 makikita ang ugnayan ng Sibil Istatus ng mga tagatugon na

kung saan halos lahat ng mga taga tugon ay single na may kabuong porsyento na 100%.

Talahanayan 1.

4: Pangkat Etnikong Kinabibilangan ng mga Tagatugon

Etniko Bilang Bahagdan


Ilokano 25 80.64%
Ifugao 2 6.45%
Igorot 4 12.90%
Tagalog 0 0
Total 31 100%

Sa talahanayan 4 makikita ang porsyento ng mga taga tugon ayon sa Pangkat Etniko

na karamihan ng mga tagatugon ay nasa grupo ng Ilokano na may bilang na 25 at may


xxiv

porsyentong 80.64 sinundan ng grupo ng Igorot nama’y bilang na 4 at may porsyentong

12.90

II. Iba’t-ibang Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Performans ng mga mag-aaral


ng Mataas na Antas ng Paaralang Panlaboratoryo ng Quirino State University Batay sa
kanilang:

Talahanayan 2.1: Salik sa Tahanan

Salik sa Tahanan Std. QD


Mean Deviation
1. Palaging nagpapakita ng moral at pinansiyal na 1.4194 .50161 Lagi
suporta ang aking mga magulang sa aking pag-aaral
2. Hinihikayat ako ng aking mga magulang sa pag-aaral 1.2903 .46141 Lagi
sa aking mga aralin.
3. Mayroon akong matiwasay na silid sa aming tahanan 1.7419 .63075 Minsan
para sa aking pag-aaral
4. Marami kaming mga babasahing may kaugnay sa 2.0000 .57735 Minsan
aking mga aralin sa aming tahanan.
5. Tinutulungan ako ng aking mga magulang at kapatid 1.6774 .83215 Minsan
sa aking takdang aralin at Gawain.
Categorical Mean 1.6563 .49834 Lagi

Batayan: 1.00-1.66 -(Lagi)


1.67-2.34 - ( Minsan)
2.35-3.00 -( Hindi Kailanman)

Makikita sa Talahanayan 5 ang mga salik na nakaaapekto sa tahanan kung saan ang

mga mag-aaral ng Mataas na antas ng paaralang Panlaboratoryo ng Quirino State University

pinapakita dito na halos lahat ng mga pahayag ay napakahulugan bilang Lagi. Ito ay

nagpapakita na ang lahat ng tagatugon ay laging nararanasan ang mga pahayag na nabanggit

bilang epekto ng tahanan sa kanilang pagkatuto sa paaralan.


xxv

Napag-alaman na ang wastong gabay ng mga magulang ay nakatutulong sa pagkatuto

ng mga mag-aaral katulad ng resulta ng una at ikalawang pahayag na nagsasabing ang

pagsuporta at panghihikayat ng mga magulang sa kanilang pag-aaral ay lubhang nakatutulong

ito sa kanila.

Talahanayan 2.2: Salik sa Paaralan

Salik sa Paaralan Std. QD


Mean Deviation
1. Mayroong kaaya-ayang silid-aralan sa 1.6129 .66720 Lagi
aming paaralan
2. Mayroong sapat na kagamitan para sa pag- 1.7742 .84497 Minsan
aaral.
3. Nagsasagawa ng mga seminar at iba pang 2.0000 .73030 Minsan
programa na may kaugnayan sa aming aralin.
4. Ang paaralan ay kaaya-ayas para sa pag- 1.3871 .49514 Lagi
aaral.
5. Nabibigyan ako ng pagkakataong matuto sa 1.6774 .83215 Minsan
paaralan.
Categorical Mean 1.6903 .61501 Minsan

Batayan: 1.00-1.66 - (Lagi)


1.67-2.34 -( Minsan)
2.35-3.00 - ( Hindi Kailanman)

Ayon sa kanilang karanasan, nailahad at Makikita sa Talahanayan 6 na halos lahat ng

mga tagatugon ay minsang nararanasan ang mga pahayag na nabanggit bilang epekto ng

paaralan sa kanilang pagkatuto sa kanilang mga aralin.


xxvi

Sa pananaliksik na isinagawa nina Agudes at Tadeo (2018), na ang mga pasilidad ng

paaralan at wastong gabay sa mga ito ay lubos nakatutulong upang mapaunlad pa lalo ang

mga kakayahan at abilidad ng mga mag-aaral.

Talahanayan 2.3: Salik sa Guro

Salik sa Guro Std. QD


Mean Deviation
1. Gumagamit ng mahusay na estratehiya ang aming guro sa aming 1.3548 .48637 Lagi
talakayan.
2. Mayroon kaming mabuting ugnayan ng aking guro. 1.4516 .56796 Lagi
3. Mayroong sapat na kaalaman ang aking guro sa aming mga aralin. 1.2258 .42502 Lagi
4. Nalilinang ang aking kaisipan sa pagtatanong ng aking guro habang 1.5161 .62562 Lagi
kami ay nag-aaral.
5. Kaaya-aya ang postura at pag-uugali ng aking guro na siyang 1.3871 .61522 Lagi
nakahihikayat sa akin upang maging interisado sa aming mga aralin.
Categorical Mean 1.3871 .50049 Lagi

Batayan: 1.00-1.66 - (Lagi)


1.67-2.34 - ( Minsan)
2.35-3.00 - ( Hindi Kailanman)

Ang Mean iskor ng lebel kung gaano kadalas makaapekto ang guro sa pagkatuto ng

mga mag-aaral sa kanilang aralin, ayon sa kanilang karanasan ay nailahad sa talahanayan na

ito bilang 7 at makikita sa talahanayan na ito na lahat ng mga pahayag ay napakahulugan

bilang lagi.

Ito ay nagpapakita na ang lahat ng mga tagatugon ay laging nararanasan ang mga

pahayag na nabanggit bilang epekto ng kanilang guro sa kanilang pagkatuto sa kanilang mga

aralin. Napag-alamang ang kakayahan ng guro at suporta ng mga nasa kinauukulan ay

malaking salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.


xxvii

Talahanayan 2.4: Kapwa Mag-aaral

Kapwa Mag-aaral Std. Qualitative


Mean Deviation Description
1. Mayroon akong mabuting ugnayan sa aking Lagi
mga kamag-aral. 1.3871 .49514
2. Tinutulungan ako ng aking mga kapwa mag- Lagi
aaral sa mga mahihirap na gawain sa aming mga
aralin. 1.5806 .62044
3. Marami sa aking mga kamag-aral ay Minsan
kinalulugdan ang mga asignatura at mga aktibiti
ditto. 1.8065 .60107
4. Madaling unawain at gawin ang mga aktibiti sa Lagi
paaralan. 1.5806 .50161
5. Masaya ang klase sa mga aralin 1.3226 .47519 Lagi
Categorical Mean 1.5355 .30282 Lagi

Batayan: 1.00-1.66 - (Lagi)


1.67-2.34 - ( Minsan)
2.35-3.00 - ( Hindi Kailanman)

Ayon sa talahanayan 8 ang Salik sa Kapwa mag-aaral na kung saan makikita sa mean

eskor na Lagi pinapakita lamang na karamihan sa mga taga tugon ay nararanasan ang salik sa

kapwa mag-aaral.

Halos sa lahat ng pahayag ay nakakaapekto sa mga nasabing mag-aaral kaya napag

alamang na ang kapwa mag-aaral ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga

estudyante.

Talahanayaan 2.5: Personal na Salik


xxviii

Personal na Salik Std. Qualitative


Mean Deviation Description
1. Kinawiwilihan kong pasukan ang mga aralin ko. 1.4516 .50588 Lagi
2. Masaya ang mga gawainsa mga ibat-ibang 1.4839 .50800 Lagi
asignatura.
3. Madali kong maunawan ang mga paksang 1.8710 .56225 Minsan
tinatalakay ng aming mga guro
4. Nahihikayat akong gawin ang aking aktibiti sa 1.5806 .76482 Lagi
lahat ng aking mga asignatura.
5. Nais ko pang palawakin ang aking maisipan at 1.2903 .46141 Lagi
kaalaman sa lahat ng asignaturang aming
tinatalakay.
Categorical Mean 1.5355 .39459 Lagi

Batayan: 1.00-1.66 - (Lagi)


1.67-2.34 -( Minsan)
2.35-3.00 - ( Hindi Kailanman)

Ang mean eskor ng lebel kung gaano kadalas nakakaapekto ang personal na salik sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang aralin,ayon sa kanilang karanasan ay nailalahad sa

talahanayan na ito bilang 9 at makikita na halos ng lahat ng pahayag ay lagi o nararanasan ng

mga taga tugon.

Kayat napag-alamang na kung ang mga mag-aaral ay naka tuon ang kanilang mga

sarili sa pag-aaral, may kagustuhang matuto o mapalawak pa ang kanilang kaalaman at

masayang ginagawa ang mga aktibiti ito nagiging salik upang mapakaapekto sa kanilang pag-

aaral at mapataas ang kanilang akedemikong perpormans.

Talahanayan 2.6: Salik sa Teknolohiya


xxix

Salik sa Teknolohiya Std. Qualitative


Mean Deviation Description
1. Mas nawiwili akong mag-aral kung gumagamit 1.6452 .66073 Lagi
ng makabagong teknolohiya ang aming guro sa
pagtuturo.
2. Malaking bahagdan ng aking oras ay nagugugol 2.0323 .60464 Minsan
ko sa paglalaro ng gadgeyt.
3. Ginagamit kog pampalipas oras ang facebook at 1.9677 .54674 Minsan
iba pang sosyal medya sa gabi sa halip na mag-aral
4. Pinagkukunan ko ng impormasyon sa aking pag- 1.5161 .50800 Lagi
aaral at mga takdang aralin ang internet.
5. Nakagawian kong magsaliksik ng mga 1.6774 .47519 Minsan
impormasyon at mga babasahin na may kaugnayan
sa aking mga aralin.
Categorical Mean 1.7677 .25349 Minsan

Batayan: 1.00-1.66 -(Lagi)


1.67-2.34 -( Minsan)
2.35-3.00 - ( Hindi Kailanman)

Mean iskor ng lebel kung gaano kadalas ang epekto ng teknolohiya sa pagkatuto ng

mga tagatugon sa kanilang mga asignatura, ayon sa kanilang karanasan ay nailalahad sa

talahanayan 10 Makikita sa talahanayan na halos lahat ng mga mga pahayag ay

napakahulugan bilang Minsan. Ito ay ay nagpapakita na ang lahat ng mga tagatugon ay

minsang nararanasan ang nga pahayag na nabanggit bilang epekto ng teknolohiya sa kanilang

pagkatuto.

Sa pag-aaral ni Bello (2014) lumabas na mas may kakayahang ang mga mag-aaral na

pumasok sa paaralang gumamgamit ng mga teknolohiya sa pagtuturo.


xxx

KABANATA V

Lagum,Konklusyon at Rekomendasyon

LAGOM

Ayon sa kinalabasan ng pag-aaral na ito napag-alamang karamihan sa mga tagatugon

na nakakaranas sa akademikong perpormans ay mga nasa edad na 17 at kabuoang bilang na

15 at may 48.30 na porsyento. Halos lahat din ng mga taga tugon ay mga kababaihan na nasa

may kabuoang bilang na 19 at may 61.29 na porsyento. Pinapakita rin ng pananaliksik na ito

na lahat ng taga tugon ay walang karelasyon o single na may bilang na 31 at may posyentong
xxxi

100%. Napag-alaman na sa lahat ng tumugon ay nasa etnikong grupo ng mga Ilokano na

may bilang na 25 at 80.64 na porsyento.

Sa maga kalkulasyon ay natuklasan na ang mga tagatugon ay minsang nakakaranas ng

epekto na ang tahanan, paaralan, kapwamag-aaral, personal na salik at teknolohiya ay

nakakaapekto sa kanilang pagkatuto sa kanilang mga asignatura.

Lumabas din sa pag-aaral na ang mga tagatugon ay palaging nakakaranas ng epekto

sa guro sa kanilang pagkatuto sa asignatura.

KONKLUSYON

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ay nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Lumalabas sa pag-aaral na mas nakakarami ang mga babaing tagtugon kaysa sa

mga lalaki. Karamihan din sa mga tagatugon ang may gulang na 17. Napag-

alamang sa pananaliksik na ito na nasa etnikong kinabibilangan nila ay Ilokano.

2. Dahil sa moral at pinansyal na suporta ng kanilang mga magulang at mga

babasahin sa kanilang tahanan na may kaugnayan sa kanilang mga asignaturang

kung kayat sila,y may mataas na marka sa kanilang mga asignatura.

3. Nawiwili ang mga mag-aaral kung ang kanilang guro ay may maayos na pustura,

magandang pag-uugali at pakikitungo at nakikitaan ng kabihasahan sa paksa o sa

asignaturang ituturo.

4. Ang paggamit ng mga guro ng angkop na estratihiya at teknolohiya bilang

kagamitang pampagtuturo ay nakakapukaw ng atensyon ng mga mag-aaral.

REKOMENDASYON

Ayon sa resultang lumabas sa pag-aaral na ito ay nabuo ang mga sumusunod na

rekomendasyon:
xxxii

1. Base sa resulta ng naisagawang pag-aaral, iminumungkahi ng mga mananaliksik

sa mga magulang na dapat panatilihing at palawigin ang suporta sa moral,

pinansyal at iba pang aspeto na nakatutulong upang mas maging mataas ang

kanilang marka.

2. Ang mga paaralan katulad ng mga high school at mga unibersidad ay kailangang

maibigay ang mga wastong pangangailangan ng mga mag-aaral sa mga pasilidad

at mga kagamitang pang edukasyon.

3. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na nararapat alamin ng mga mag-aaral

anga mga salik na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral para malaman ang mga

kailangan nilang pag tuunan ng pansin .

4. Ang mga guro ay dapat maging isang mabuting halimbawa at inspirasyon sa mga

mag-aaral na kaniyang tinuturuan.


xxxiii
xxxiv

APPENDIX B
Talatanungan
Kami po ay mga mag – aaral ng Quirino State University na nasa Unang Taon ng
kursong Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya.
Inihanda ang talatanungang ito para matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa
akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa mataas na antas na paaralang panlaboratoryo
ng Quirino State University.
I.Punan ng angkop na kasagutan ang mga katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga tagatugon batay sa?
Pangalan: ____________ (optional)
Kasarian: Lalaki [ ] Babae [ ]
Edad: _______
Sibil Status: Single [ ] Married [ ]
Etnikong kinabibilangan:
[ ] Ilokano [ ] Ifugao [ ] Igurot At iba pa:______________
II. Panuto: Ang mga sumusunod ay may kinalaman sa paksa ng pananaliksaik.
Basahing mabuti ang bawat pahayag at lagyan ng tsek ang hanay ayon sa iyong sariling
karanasan.
3-Lagi 2-Minsan 1-Hindi kailanman

Mga pahayag Lagi Minsan Hindi


Kailanman
Salik sa tahanan
1. Palaging nagpapamalas ng moral at pinansyal na
suporta ang aking mga magulang sa aking pag-
aaral.
2. Hinihikayat ako ng aking mga magulang sa pag-
aaral sa aking mga aralin.
3. Mayron akong matiwasay na silid sa aming
tahanan para sa aking pag-aaral.
4. Marami kaming mga babasahing may kaugnay sa
aking mga aralin sa aming tahanan.
5. Tinutulungan ako ng aking mga magulang at
kapatid sa aking mga takdang-aralin at gawain.
Salik sa Paaralan
1. Mayroong kasiya-siyang silid-aralan sa aming
paaralan.
2. Mayroong sapat na kagamitan para sa pag-aaral.
xxxv

3. Nagsasagawa ng mga seminar at iba pang


programa na may kaugnayan sa aming aralin
4. Ang paaralan ay kaaya-aya para sa pag-aaral.
5. Nabibigyan ako ng pagkakataong matuto sa
paaralan.
Salik sa Guro
1. Gumagamit ng mahusay na estratehiya ang aming
guro sa aming talakayan.
2. Mayroon kaming mabuting ugnayan ng aking
guro.
3. Mayroong sapat na kaalaman ang aking guro sa
aming mga aralin.
4. Nalilinang ang aking kaisipan sa pagtatanong ng
aking guro habang kami ay nag-aaral
5. Kaaya-aya ang postura at pag-uugali ng aking
guro na siyang nakahihikayat sa akin upang
maging interisado sa aming mga aralin.
Kapwa Mag-aaral
1. Mayroon akong mabuting ugnayan sa aking mga
kamag-aral.
2. Tinutulungan ako ng aking mga kapwa mag-aaral
sa mga mahihirap na gawain sa aming mga aralin.
3. Marami sa aking mga kamag-aral ay kinalulugdan
ang mga asignatura at mga aktibiti dito.
4. Madaling unawain at gawin ang mga aktibiti sa
paaralan.
5. Masaya ang klase sa mga aralin.
Personal na Salik
1. Kinawiwilihan kong pasukan ang mga aralin ko.
2. Masaya ang mga gawain sa mga ibat-ibang
asignatura.
3. Madali kong maunawaan ang mga paksang
tinatalakay ng aming mga guro.
4. Nahihikayat akong gawin ang aking aktibiti sa
lahat ng aking mga asignatura.
5. Nais ko pang palawakin ang aking kaisipan at
kaalaman sa lahat ng asignaturang aming
tinatalakay.
Salik sa Teknolohiya
1. Mas nawiwili akong mag-aral kung gumagamit ng
makabagong teknolohiya ang aming guro sa
pagtuturo.
2. Malaking bahagdan ng aking oras ay nagugugol
ko sa paglalaro ng gadyet.
3. Ginagamit kong pampalipas oras ang facebook at
iba pang sosyal medya sa gabi sa halip na mag-
aral.
4. Pinagkukunan ko ng impormasyon sa aking pag-
aaral at mga takdang aralin ang internet.
xxxvi

5. Nakagawian kong magsaliksik ng mga


impormasyon at mga babasahin na may
kaugnayan sa aking mga aralin.

APPENDIX C

Curriculum Vitae

Pangalan: JERSON B. FERNANDEZ


xxxvii

Kapanganakan:

Petsa: March 09,1999

Pook: Dumanisi,Diffun,Quirino

Gulang: 20

Kasalukuyang Tirahan: Purok 01 Dumanisi,Diffun,Quirino

Mga Magulang:

Father: Wilson U. Fernandez

Mother: Benita B. Fernandez

Mga Paaralang Pinasukan:

Elementarya: Dumanisi Elem. School

ALS PASSER

Mga Seminar na Dinaluhan:

 Barangay Newly Elected Official ( BNEO),at Sun Shine Wave Resort Brgy.
Patul San tiago City

Curriculum Vitae

Pangalan: ALJHUN CABURIAN MEṄA

Kapanganakan:
xxxviii

Petsa: January 18, 1999

Pook:Campamento, Diffun Quirino

Gulang:19

Kasalukuyang Tirahan: Campamento, Diffun, Quirino

Mga Magulang: Allan S Meña

Gina C Meña

Mga Paaralang Pinasukan:

Elementarya: Campamento Elementary School

Sekondarya: Magsaysay National High School

College:

Quirino State University

Mga Seminar na Dinaluhan:

Red Cross Seminar 2016

Curriculum Vitae

Pangalan: LORETO B. PADAPAT

Kapanganakan:
xxxix

Petsa:

Pook: Ricarte Norte, Diffun, Quirino

Gulang: 21

Kasalukuyang Tirahan: Ricarte Norte Diffun, Quirino

Mga Magulang:

Mga Paaralang Pinasukan:

Elementarya: Ricarte Norte Elementary School

Secondarya: Diffun National High School

Tertiary: Quirino State University

Mga Seminar na Dinaluhan:

Curriculum Vitae

Pangalan: CESAR G. TABERNA

Kapanganakan:
xl

Petsa: October 16, 1998

Pook: P-02, San Pascual, Diffun, Quirino

Gulang: 20

Kasalukuyang Tirahan: P-02, San Pascual, Diffun, Quirino

Mga Magulang:

Father: Carlos P. Taberna

Mother: Rosalina G. Taberna

Mga Paaralang Pinasukan:

Elementarya: San Pascual Elementary School

Secondarya:

Junior: Magsaysay National High School

Senior: Magsaysay National High School

Tertiary: Quirino State University

Mga Seminar na Dinaluhan:

 Philippine Red Cross,( Aurora West Elementary School)

You might also like