Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Piling Larang Akademik

Unang Markahan – Modyul 5:


Pagsunod sa Estilo at Teknikal na
Pangangailangan ng Akademikong
Sulatin

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang isang mag-
aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa pagsunod sa
estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. Ang sakop ng
modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang
ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa
pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.
Layunin:
Natutukoy ang mga estilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat ng
panukalang proyekto
Naiisa-isa ang mga estilo at etika sa pagsulat ng panukalang proyekto
Naisasabuhay ang mga kaalaman sa mga pagsulat ng panukalang proyekto.

 Alamin
 Subukin
Pagsasanay A

Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat bilang.

Isa sa mga batayan sa pagpapanukala ng proyekto ay ang


pangangailangang pangkomunidad.
Ito ay panukalang naisagawa na.
Ito ay gawaing di basta-basta.
Nangangailangan ito nang mabilis na pagkilos at pagpaplano.
Hindi na nangangailangan ng ibayong pananaliksik.
Masusing sinusuri ni Malou ang mga datos na kanyang ilalagay sa
panukala.
Ginagawa ang pagpapanukala upang masolusyunan ang nakikitang
problema.
Kinakailangang angkop ang mga detalye na gagamitin sa pagpapanukala
Mahalagang may sapat na plano sa gagawin.
Nakasalalay sa husay ng plano at suhestiyon ang panukala.
Pagsasanay B
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
May nakikita ka bang suliranin sa inyong komunidad?
Ilahad ang naiisip mong maaaring maging solusyon dito?
Anong proyekto ang maaari mong magawa bilang bahagi sa pagresolba sa
mga suliraning ito?

Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang


malaman ang etika at estilo sa pagsulat ng panukalang proyekto. Bago
ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod
na gawain.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


Anong mga nakikitang mong problema sa inyong lugar ang kayang
solusyunan ng kabataang tulad mo?
May naiisip ka ba kung paano ito masosolusyunan?
Paano ka magiging bahagi sa mga proyekto sa inyong pamayanan?

Pagsunod sa istilo at etikal na


Aralin
pangangailangan sa
1 akademikong sulatin
(panukalang Proyekto)

Tandaan: Tiyaking naunawaan at masunod ng mga mag-aaral ang mga panuto sa pagsasagot.
Makatutulong kung basahin munang mabuti ngmga mag-aaral ang lahat ng bahagi at panuto
bago ito simulant. Ipinaaalala rin ng guro ang pagpapahalaga sa katapatan sa pagsasagot at
pagwawasto nito.


Tuklasin
Panukalang proyekto:
•Pagpapanukala ng proyektong tinatayang reresolba sa kasalukuyang
suliranin.
•Binubuo upang makabuo ng programang magpapaunlad sa kasalukuyang
sitwasyon.
BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPANUKALA NG ISANG PROYEKTO?
MAHALAGA ITO UPANG MAKAGAWA NG PROYEKTONG MAGSOSOLUSYON SA
LUMALAGANAP NA PROBLEMA
MAHALAGA RIN ITO UPANG MATIMBANG NG LAHAT ANG ANGKOP NA
PROYEKTONG DAPAT ISAGAWA.
TAGLAY NITO ANG MGA PROYEKTONG GUSTONG ISAGAWA, MGA TAONG
SANGKOT AT SAKOP NG GAGAWING PROYEKTO
BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO:
1.Panimula- dito inilalahad ang rasyonalo ang mga suliranin, layunin o
motibasyon sa proyekto.
2. Katawan- dito inilalagay ang mga detalyeng gagawin at ang
iminumungkahing badget para sa mga ito.
3. Kongklusyon- dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring maidulot ng
proyekto.
MGA ESPISIPIKONG LAMAN NG ISANG PANUKALANG PROYEKTO:
1.Pamagat- dapat malinaw at maikli
2.Proponent ng Proyekto- tumutukoy sa mga tao o organisasyon na
nagpapanukala ng proyekto.
3.Kategorya ng proyekto- kung ito ba ay isang seminar, palihan, fund raising at
iba pa
4. Petsa- kung kalian ipapadala ang proposal at ang haba ng pagsasagawa ng
proyekto
5. Rasyonal- inilalahad dito ang pangangailangan sa pagsasakatuparan ng
proyekto at ang mga kahalagahan nito.
6. Deskripsiyon ng proyekto- inilalahad ang panlahat at tiyak na detalye at
kung paano ito isasakatuparan
7. Badyet- lahat ng inaasahang gagastusin sa proyekto
8. Pakinabang- ano ang maaaring bunga at kung kanino ito magbebenepisyo
Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka lang sa
iyong kliyente at ang layunin mo ay itanghal ang serbisyo o produkto sa kanya
upang tangkilikin.
Tiyakin din ang PAGGAWA NG PALN OF ACTION
Pag-apruba at paglabas ng budget 7 araw
Pagbuo ng mga opisyal at puno ng komite 1 araw
Reserbasyon ng pagdarausan 1 araw
Pagkontak samga kalahok 7 araw
Paggawa ng patalastas 3 araw
Pagpapadala ng liham imbitasyon 1 araw
Pag-aayos ng venue kalahating araw
Programa kalahating araw
Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga planong gagawin upang
maipakita sa mag-aapruba na ito ay organisado at sigurado
Huwag magkakamali sa pagtutuos ng kinakailangang badyet
TIPS SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO
1.Alamin ang mga bagay na makapagkokombinsi sa nilalapitang opisina o
ahensiya sapag-apruba ng panukalang proyekto
2.Bigyang diin ang mga kahalagahan ng panukalang ito.
3.Tiyaking malinaw, makatotohanan at angkop ang badyet na hinihingi
4.nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba ng proyekto.

Basahin ang halimbawang panukalang proyekto sa ibaba. Ilagay ang O sa mga


bilang na nagpapahayag ng nilalamn ng binasa at N kung hindi.
Pamagat ng Proyekto:
Pinamagatang ‘Talentadong Guro (Mini Concert)’ ang gawaing ito kung saan
lalahukan ito ng mga piling guro sa Lagro High School at ang mga estudyante
ang magsisilbing madla.
Proponent:
John Andrei C. Arollado
2200 Admi site Saint Benedict Street Tala Caloocan City
09359631086Maria Eunice V. Dacumos
B 91 L85 Domingo De Ramos St. Lagro Nov. Q.C.
092122327021
Kategorya ng Proyekto:
Ang Gawain ay isang mini concert pagbibidahan ng mga piling guro ng Lagro
High School kung saan ipapakita ng mga guro ang kanilang mga tinatagong
talento.
Petsa:
Gaganapin ang gawain sa Oktubre 5, 2018 bilang pagdiriwang na rin sa araw
ng mga guro.
Rasyonal:
Upang mabigayan ng pagkakataon ang mga guro na makapagpahinga at
mailabas ang talent at para na rin magkaroon ng ibang paraan sa pagdiriwang
ng Araw ng mg guro, ang gawaing ito ay iminumungkahing maimplimenta at
mabigyan katuparan. Kinakailangang gamitin ang stage ng Lagro High School
pati na rin ang open grounds para sa mga manunuod o audience.
Kakailanganin din ng mga sound system, lightings at iba’t ibang instrumento
na nais gamitin ng mga guro upang maipakita ang kanilang talento.
Makatutulong ito sa mga gurong makapagpahinga sa akademikong usapin at
mag-aliw sa pagpapakita ng talento at pagnuod sa mga talento ng kapwa guro.
Deskripsyon ng Proyekto:proyektong ito ay maituturing na mini concert ng
mga piling guro ng Lagro High School kung saan sila ay magpapakitang gilas
ng kanilang mga talento. Ito ay gaganapin sa Lagro High School Quadrangle sa
Oktubre 5, 2018 araw ng Biyernes mula 3:00 pm – 8:00 pm. Ang mga
estudyante ay aanyayahing bumili ng tiket upang makadalo sa gawain at
magsisilbing madla ng mga guro.
Badyet:

Benepisyong Dulot ng Proyekto:


Unang unang makikinabang nito ay ang mga guro, bukod sa
makapagpapahinga sa gawaing pampaarala, mailalabas din nila ang talentong
nais ipakita sa madla. Isa rin sa mga makikinabang sa proyektong ito ay ang
mga mag-aaral ng Lagro High School. Itong mini concert na ito ay magsisilbing
pahinga nila mula sa mga actibidad nila sa paaralan. Ikalawa ay ang paaralan
ng Lagro High School. Dahil ang ito ay concert, magkakaroon ng entrance fee o
bayad sa tickets ang mga nais dumalo na mga estudyante. Ang malilikom na
pera ay gagamiting pondo ng school para sa mga susunod pang mga proyekto.


Suriin
1. Ang proponent ay ang mga kalahok sa proyekto.
2. Kung walang budget ang proyekto ay possible pa rin itong matuloy.
3. Mahalaga na ang lugar na pagaganapan ay maipaalam sa kinauukulan
bago gamitin.
4. Kinakailangan ng mahabang oras at panahon sa pagpaplano ng programa.
5. Ginawa ang concert upang makapagpahinga sa akademikong trabaho ang
mga mag-aaral.
6. Gagamitin ang kikitain sa pagpapagawa ng paaralan.
7. Ang kategorya ng proyekto at ang kung ano ang gagawing programa.
8. Ang principal ay proponent ng proyekto.
9. Sa labas ng paaralan gagawin ang programa.
10. Nais nitong masoluyunan ang kawalan ng talento ng mga guro.
11. Makatutulong ang paghubog sa kasanayan sa pagsolusyon sa mga
problema ng paaralan.
12. Madaling matatapos ang gawain kung pinagtutulong-tulungan.
13. Ang pagpapanukala ay sa iisang tao lamang nakasalalay.
14. Kapag naipanukala ang isang proyekto, ito ay agad na isasakatuparan.
15. Detalyado at masusi ang pagpapanukala ng proyekto.

Pagsasanay A:
Aling bahagi sa panukalang proyekto ang inilalarawan sa bawat bilang?
1. Himihiling kami ng 40,000 sa pagsasakatuparan ng proyekto.
2. Tatagal ng tatlong araw ang seminar worksyap na ito
3. Konsultasyon ng lahat ng manggagawa kaugnay ng iminumungkahing
proyekto
4. Panukala para sa medical mission sa Enrile, Cagayan
5. Hinihiling naming na maipagawa ang aming opisina at mapalakihan ito.

Pagsasanay B:
Magsaliksik ng mga panukalang proyekto na maari mong gamitin. Himayin
ang mga bahagi nito sa ibaba. 10 puntos

 Pagyamanin


Isaisip
1. Ang panukalang proyekto ay pinaghahandaan at pinaglalaanan nang
mahabang panahon.
2. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
3. Mahalaga ang pondo sa pagsasakatuparan ng anomang proyekto
4. Nagsasagawa nito upang magresolba sa isang problema o magsagawa ng
proyektong kapaki pakinabang.

Isagawa
Sumulat ng balangkas ng panukalang proyekto upang masolusyunan ang
paglaganap ng Covid 19 sa inyong lugar.


Tayahin

Pagsasanaya A:
Ilagay ang tinutukoy sa bawat bilang.
1.Nilalaman nito ang mga halagang kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
gawain.
2.Kinalalagyan ng mga taong sangkot sa proyekto
3.Inilalarawan kung paano gagawin ang proyekto
4.Inilalagaya kung anong uri ng programa ang gagawin.
5.Inilalagay ang maaaring kahinatnan o kapupuntahan ng programa

Pamantayan Napakahusay Katamtamang Husay Nangangailangan


4 pang paghusayin
6 2
orihinalidad Gumamit ng larawan Gumamit ng alinmang Hindi gumamit ng
at ideyang orihinal orihinal sa pagsulat, orihinal na larawan at
maaaring larawan o ideya
ideya
Organisasyon Malinaw ang Hindi masyadong Hindi malinaw ang
pagkakahanay ng mga malinaw ang organisasyon ng ideya
larawan at kaisipan organisasyon ng mga
ideya
Nilalaman Napapanahon at Napapanahon ngunit Hindi napapanahon
interesante ang hindi masyandong ang paksang napili
nilalaman o mensahe interesante

Wastong gamit ng Mahusay na nagamit May ilang Hindi wasto ang gamit
wika ang wika pagkakamali sa gamit ng wika
ng wika
Pagsasanay B:
Mula sa balangkas na ginawa mo sa bahaging Isagawa, ilapat ito sa
iyong panukalang proyekto. Siguraduhing nabigyan ng pansin
ang istilo at etikal sa pagbuo nito.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Napakahusay Katamtamang Husay Nangangailangan


4 pang paghusayin
6 2
orihinalidad Gumamit ng larawan Gumamit ng alinmang Hindi gumamit ng
at ideyang orihinal orihinal sa pagsulat, orihinal na larawan at
maaaring larawan o ideya
ideya
Organisasyon Malinaw ang Hindi masyadong Hindi malinaw ang
pagkakahanay ng mga malinaw ang organisasyon ng ideya
larawan at kaisipan organisasyon ng mga
ideya
Nilalaman Napapanahon at Napapanahon ngunit Hindi napapanahon
interesante ang hindi masyandong ang paksang napili
nilalaman o mensahe interesante

Wastong gamit ng Mahusay na nagamit May ilang Hindi wasto ang gamit
wika ang wika pagkakamali sa gamit ng wika
ng wika

*Gumawa ng maikling bidyo ng presentasyon ng iyong


panukalang proyektong ginawa.

 Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin:

Badyet
Petsa
Proponent
Pamagat
Pakinabang
Suriin:

N
N
O
O
N
N
O
N
N
N
N
O
N
N
O

Subukin:
TAMA
MALI
TAMA
MALI
MALI
Sanggunian
Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro
• Lolita T. Bandril at Voltaire M. Villanueva.Pagsulatsa Filipino sa Piling
Laangan (Akademik at Sining).Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al.Filipinosa Piling
LaranganAkademik. Malabon City. Jimczyville Publications. 2016
•Google
https://www.google.com/search?
q=halimbasa+ng+bionote&tbm=isch&ved=2ahUKEwjXhPmHgsDpAhWVet4KHYBzCB4Q2-
cCegQIABAA&oq=halimbasa+ng+bionote&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoCCAA6BggA
EAoQGFCzgw1Y16QNYNanDWgAcAB4AYAB4wWIAbEtkgENMC43LjYuMi4zLjEuMZgB
AKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=39zDXpeZEpX1-
QaA56HwAQ&bih=616&biw=1173#imgrc=d1vdUPxiZT4yVM
https://www.google.com.ph/search?
q=Kabanata+III+pagsulat+ng+buod+at+sintesis&hl=en&prmd=inv&s
xsrf=ALeKk02rYYhe-wQnY1ZMVjjgaFW8kGXj-
w:1591543070017&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi
R2NT6_-
_pAhU2xIsBHesoDXkQ_AUoAXoECA0QAQ&cshid=1591543078514
&biw=424&bih=786#imgrc=i3H3NMpO0vVl_M

You might also like