LAS 4 Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Learning Activity Sheet for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Lesson : Quarter 1, Week 4, LAS 1


Activity Title/Topic: Gamit ng Wika sa Lipunan
Objective/s: 1.Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay
halimbawa.
2. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan.
Code: F11PS – Id – 87, F11EP – Ie – 31
Reference/s: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
SLM Quarter 1 module 7 & 8
Writer: Johnrey A. Pacio, Neirene Rosemae A. Castillon
Compiler: Cyril G. Dulay

Background Information for Learners/Panimula (Susing Konsepto)


Ang paggamit ng wika ay sadyang hindi maiiwasan. ‘Ika nga ng iba,ito ay inevitable. Ang halaga nito ay
panlipunan. May kung anong lakas itong taglay na nakapagpabuo at nakapag-iisa sa lipunan. Makikita natin ang
kahalagahan ng paggamit ng wika kahit kailan at kahit saan. Kung
dati-rati ay limitado lamang tayo sa panonood ng telebisyon, pakikinig sa radio, pagbabasa ng mga diyaryo at magasin
upang makakita o makarinig ng mga sitwasyon ng pakikipagtalastasan, ngayon ay makakakuha tayo ng iba’t ibang
sitwasyong nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan sa iba’t ibang paraan.
MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
1. INSTRUMENTAL - tumutugon ito sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.
Nagpapahayag ito ng pakiusap, pagtatanong at pag-utos.
halimbawa:
Kumusta ka Maria?
Pakidiligan naman ang mga mga snake plants sa labas.
2. REGULATORYO – tumutukoy ito sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
halimbawa:
Bawal lumabas-labas ngayon ang mga menor de edad.
Kailangang magsuot ng face mask kapag lalabas.
3. INTERAKSIYONAL -nakapagpapanatili at nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
halimbawa:
Rosa: Naubos na pala mga malunggay niyo?
Maria: Oo eh. Kunti lang rin iyon. Araw-araw kasi kami nagmamalunggay.
4. PERSONAL - ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.
halimbawa:
Rosa: Buti pa nga kahit papano nakakalabas tayo kahit dito sa kalye lang natin. Sa ibang mga kalye at mga lugar may
naglilibot pa rin at naninitang mga pulis.
5. HEURISTIKO - wikang ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan. Ang mga proseso nang pagkuha ng impormasyon ay sa pamamagitan ng pagtatanong, pakikipanayam o pag-
interbyu at pananaliksik.
halimbawa:
Kinuhanan ng interbyu si Pangulong Duterte kanina batay sa isyung pagpapasailalim sa General Community Quarantine
ng Metro Manila.
6. IMPORMATIBO - kabaliktaran ng heuristiko. Ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita.
halimbawa:
Maria: Bukod sa maraming sustansiya ang makukuha sa malunggay,maaari rin ito pantulong sa pagpapadami ng gatas
ng ina para sa breastfeeding.
7. IMAHINATIBO – ginagamit sa pagpagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan. Ginagamit rin ito sa
mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay, at
maikling katha.
halimbawa:
Hindi nakikita ang virus na animo’y si kamatayan bigla-biglang papasok sa pintuan at kukunin ka na lang.
Directions/ Instructions / Panuto:
Sagutin ang sumusunod na gawain. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Exercises / Activities / Pamaraan 1
Magbigay ng mga paraan kung paano epektibong magagamit ang mga Gamit ng Wika. Gamitin ang graphic organizer.
Bibigyang linaw at ipaliwanag ito sa isang buong papel.

MGA PARAAN UPANG MAGING EPEKTIBO ANG PAGGAMIT NG WIKA


Paalala:Ang rubrik sa pagpupuntos ay makikita sa bahagi ng performance task.
Exercises / Activities / Pamaraan 2
Hanapin sa Hanay B ang gamit ng wika sa lipunan na inilalahad sa pamamagitan ng isang halimbawa o sitwasyon sa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_______1. Pagsabi ng “Maraming salamat po!” A. heuristiko
_______2. Pag-uusap ng isang tindera
at mamimili sa palengke. B. imahinatibo
_______3. Isang karatulang may nakasulat na
“Ipinagbabawal ang pamimitas ng bulaklak.” C. impormatibo
_______4. Paggamit ng matatamis na salita ng isang
binata sa kanyang paniningalang pugad. D. instrumental
_______5. Balita sa CNN kaugnay sa kasalukuyang
kalagayan ng bansa ukol sa pananalasa ng COVID-19. E. interaksiyonal
_______6. Mga pagganap sa teatro
_______7. Pagsasagawa ng panayam sa mga kalahok F. personal
ng isasagawang pananaliksik
G. regulatoryo

Exercises / Activities / Pamaraan 3


Magsaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan at gawan ito ng iskrip ng isang
patalastas. Salungguhitan ang mga ito. Pagkatapos ay itala ang mga nailahad na halimbawang sitwasyon na ginamit sa
iskrip sa kinabibilangang kahon sa ibaba.

Instrumental Regulatoryo INTERAKSIYONAL PERSONAL

HEURISTIKO IMPORMATIBO IMAHINATIBO

Guide Questions
1. Dapat bang ang angkop ang wikang gagamitin sa bawat sitwasyon sa patalastas?
2.Anong gamit ng wika sa lipunan ang palaging ginagamit sa mga patalastas ?

Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos


Rubriks sa Paggawa ng Iskrip ng Patalastas
Pamantayan 1 2 3 4 5 Puntos
Nilalaman o Walang Kulang na Halos Mahusay at Napakahus
Diyalogong koneksyon kulang sa mabuti ang malaman ang ay ng mga
Nabuo sa paksa konsepto nilalaman mensaheng ipinasok sa
ang ang gustong nilalaman.
nilalaman. nilalaman iparating.
ng paksa.
1 2 3 4
Wikang Ginamit Gumamit ng Gumamit ng Angkop ang Angkop na
mga salitang mga hiram na mga salitang angkop ang mga
pabalbal sa salita sa ginamit sa salitang ginamit
diyalogong ginawang diyalogo. sa diyalogo.
nilikha diyalogo.
1 2 3
Pagkamalikhain Mahusay at Hindi gaanong Napakahusay at kiytangkita
kinakitaan ng kinakitaan ng ang pagiging
pagiging pagiging malikhain. malikhain.
malikhain.
1 2 3
Kalinisan Marumi ang Hindi gaanong Malinis ang gawa.
pagkakagawa malinis ang gawa.
ng iskrip.
Kabuuang Puntos

What I Have Learned


Ano ang palaging ginagamit mong gamit ng wika sa araw-araw? Bakit?
Bigyang halimbawa ang iyong sagot.

Additional Activities for Mastery


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong gamit ng wika ang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba?
Nagpapahayag din ito ng pakiusap, pagtatanong at pag-utos.
a. heuristiko b. instrumental c. personal d. regulatoryo
2. Ito ay ginagamit sa pagpagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing pamamaraan. Ginagamit rin ito sa mga akdang
pampanitikan tulad ng tula, nobela, maanyong sanaysay, at maikling katha.
a. imahinatibo b. impormatibo c.interaksiyonal d. instrumental
3. Anong gamit ng wika ang ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-
aaralan? Ang mga proseso nang pagkuha ng impormasyon ay sa pamamagitan ng pagtatanong, pakikipanayam o pag-
interbyu at pananaliksik.
a. heuristiko b. instrumental c. personal d. regulatoryo
4.Anong gamit ng wika ang kabaliktaran ng heuristiko? Ito ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa
paraang pasulat at pasalita.
a. imahinatibo b. impormatibo c.interaksiyonal d. instrumental
5. Pagpapaalala ng ina sa anak na dapat nakauwi na sila bago pa man magtakipsilim.
a. imahinatibo b. interaksiyonal c. personal d. regulatoryo
6. Alin sa mga sumusunod na gamit ng wika ang ang makikita kapag sumulat siya ng liham na nagtatanong kung paano
makakukuha ng iskolarsyip sa isang unibersidad o kolehiyo.
a. heuristiko b. instrumental c. personal d. regulatoryo
7. Kapag ikaw ay nakikipanayam sa ilang kabataan kung paano hinati-hati ang oras sa pag aaral?
a. heuristiko b. interaksiyonal c. instrumental d. regulatoryo
8. Kung ikaw ay nag-anyaya sa bisita na saluhan kang kumain.
a. imahinatibo b. impormatibo c.interaksiyonal d. instrumental
9. Kapag naghihinuha ka sa mga pangyayari sa kuwento.
a. imahinatibo b. impormatibo c.interaksiyonal d. instrumental
10. Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng gamit ng wika na
regulatoryo ?
a.Paghihinuha sa mga pangyayari sa kuwento.
b.Pag-anyaya sa bisita na saluhan silang kumain.
c.Pag-uulat sa klase ng tungkol sa kasaysayan ng wikang pambansa.
d.Pagpapaalala ng ina sa anak na dapat nakauwi na sila bago pa man magtakipsilim .

Performance Task/s (pls include rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos)


Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng mga sitwasyong panlipunan. Magtala ng mga tiyak na salitang madalas
gamitin sa napiling sitwasyon. Tukuyin ang gamit ng wika na kinapabibilangan. Bigyang-pansin ang pormalidad sa
paggamit nito. Isulat ang iyong tala talahanayan sa ibaba.

Sitwasyong Panlipunan Mga tala ng mga salita Gamit ng Wika


o mga pahayag na
ginamit
1. Dyip/bus/tricycle driver sa halimbawa: Regulatoryo
kaniyang mga pasahero at “Bayad muna bago
kapwa tsuper bumaba.”
2. Simbahan
3. Rally ng mga manggagawa/
Magsasaka
4. Health worker sa mga
pasyente sa isang Rural Health
Unit
5. Usapan ng mga bata sa isang
internet shop
6. Pag-uusap ng punong-guro at
mga magulang ng mga mag-aaral
Pangkalahatang pagsusuri sa naitalang mga salita o pahayag:
* Sa paanong paraan ba nagamit ang wika? Ipaliwanag.
*Anong gamit ng wika sa lipunan ang nangibabaw? Ipaliwanag.
Rubrik
5 pts. – punto ng pagsasalaysay
5 pts. – kalinawan at organisasyon ng mga ideya
5 pts. – gramatika at estruktura
15 pts.
Punto ng Pagsasalaysay
5 4 3 2 1
Mahusay na Mahusay Magaling Nangangailangan Mahina
Mahusay ng Pagsasanay
Kalinawan at Organisasyon ng mga Ideya
5 4 3 2 1
Mahusay na Mahusay Magaling Nangangailangan Mahina
Mahusay ng Pagsasanay
Gramatika at Estruktura
5 4 3 2 1
Mahusay na Mahusay Magaling Nangangailangan Mahina
Mahusay ng Pagsasanay

Answer Key/Susi sa Pagwawasto

Activity 1 Activity 2 Activity 3

Nasa guro na kung ilang puntos ang 1. E Paalala: Nasa guro na kung ilang
kanyang ibibigay batay sa rubrik. puntos ang kanyang ibibigay batay sa
2. D rubrik

3. G

4 .F

5. C

Additional Activities for Mastery Performance Task

1. Paalala: Ang puntos ay nakadepende


2. sa tamang sagot nasa guro na kung
3. ilang puntos ang kanyang ibibigay
4. batay sa rubric.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

You might also like