Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Butuan Child Academy, Inc

Ampayon, Butuan City


S.Y. 2021-2022

PRE-TEST IN FILIPINO 4

Pangalan:______________________________________ Baitang at Pangkat:_____________________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kahon bago ang bilang.

1. Ang ___________ ay pumapasok sa paaralan araw-araw


A. aso B. bata C. kaarawan D. simbahan)

2. Nagtimpla ng kape si Aling Aurora para sa kanyang asawa. _____ ay isang mapagmahal na
kabiyak.
A. Ako B. Sila C. Siya D. Kami

3. _____ ka pupunta?
A. Magkano B. Sino C. Saan D. Ano

4. _____ ang iyong pangarap sa buhay, matutupad ito kung magsisikap ka.
A. Anuman B. Saanman C. Gaanuman D. Kailanman

5. Ang bahay ni Andrew ay maganda ngunit ___________ang kay Ian.


A. lalong maganda B. higit na maganda C. mas maganda D. maganda

6. _____ ang kanyang damit kaysa sa akin.


A. maliit B. mas maliit C. napakaliit D. ubod ng liit

7. Ang aking silid ang __________ sa lahat ng kuwarto sa bahay.


A. maluwang B. lalong maluwang C. higit na maluwang D. pinakamaluwang

8. Bukas _____ ang mag-anak pa-Maynila.


A. luwas B. lumuwas C. luluwas D. lumuluwas

9. Si Karen ay _____ ng damit kahapon.


A. laba B. naglaba B. maglaba C. maglalaba

10. Ang pagong ay _____ maglakad.


A. mabilis B. mabagal C. malakas D. mahina

Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop o pook. Ang pang -
uri ay maari ring maglarawan sa hugis, sukat, at kulay ng pangngalan. Samantala, an g
Pang-abay naman ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay -turing sa pandiwa (o iba pa
tulad ng pang-uri, o kapwa pang-abay) pwera sa pangngalan.

11. Alin sa mga sumusunod ang pagkakaiba ng pang-uri sa pang-abay?

A. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa.


B. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pang-abay at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa.
C. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pandiwa at ang pang-abay ay naglalarawan ng pangngalan.
D. Ang pang-uri ay naglalarawan ng pangngalan at ang pang-abay ay naglalarawan ng pandiwa at pang-uri.

12. Ang mataba__ baboy ay alaga ni Tina. Anong pang-angkop ang dapat ilagay sa patlang?
A. na B. ng C. g D. a

13. Ang masipag __ ama ay nakapagpatapos ng kanyang tatlong anak sa kolehiyo.


A. na B. ng C. g D. a
14. Si Marife ay matalino _____ tamad mag-aral. Anong pangatnig ang dapat gamitin sa patlang?
A. kung B. dahil C. ngunit D. sapagkat
15. _____ hindi uulan sa Sabado, pupunta tayo sa tabing-dagat.
A. Kung B. Ngunit C. Upang D. Subalit
16. _____ ay matalik na magkaibigan. Anong simuno ang naaangkop gamitin sa patlang?
(A. Si Alice B. Virgie C. Si Alice at Virgie D. Siya

17. Anong pangungusap ang gagamitin sa pagtatanong?


A. Ako ay magbabakasyon sa Baguio.
B. Aray! Napakasakit ng tiyan ko.
C. Saan ka pupunta?
D. Tumayo ka.

18. Anong pangungusap ang gagamitin mo pag-uutos?


A. Isara ang pinto.
B. Sino ang iyong guro?
C. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan.
D. Pakiabot mo nga ang aklat na nasa mesa.

19. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain ng kendi. Alin ang sanhi?
A. Sumakit ang kanyang ngipin
B. dahil sa sobrang pagkain ng kendi
C. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobra
D. Sumakit ang kanyang ngipin dahil sa sobrang pagkain

20. Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon, nakapasa siya sa pagsusulit. Alin ang bunga?
A. Nakapasa siya
B. Sapagkat nag-aral si Ben
C. Nakapasa siya sa pagsusulit
D. Sapagkat nag-aral si Ben ng kanyang leksiyon

21. Isulat ang pangalan ng iyong paaralan sa isang kahon. Alin dito ang tama?
A. B.
BCAI
BCAI

C. BCAI D. BCAI

22. Sa aking palagay, hindi maganda ang panahon bukas. Ang pahayag ay isang _____.
A. katotohanan B. opinyon C. kasabihan D. sawikain

Ang Anunsyo Klasipikado ay isang Bahagi ng Dyaryo sa Tabloid man o Broadsheet at binubuo
ito ng mga Pagiindorso ng mga Bahay,lupa at mga kagamitan. Dito 'rin makikita ang Mga Bakanteng
Trabaho na maaaring pasukan.

Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng


isang pahayagan.Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya
sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon.Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid,
magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging
araw.Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu.
Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan
ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang editoryal sa layuning magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan
ng nakararaming tao.

Ang diksiyunaryo (talahuluganan, talatinigan ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng
isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud-sunod ng titik ng abakada o alpabeto.
Nakatala rin dito ang mga kahulugan ng salita, maging ang mga etimolohiya o pinagmulan ng salita, mga
pagbigkas (diksiyon), at iba pang mga impormasyon; o isa rin itong aklat – na kung tawagin
ay leksikon (lexicon) na may mga nakatalang salita ng isang wika at nakaayos din ayon sa mga titik ng
abakada o alpabeto ngunit naglalaman naman ng mga katumbas na salita sa ibang wika. Ang tawag sa
taong tagapaghulog o tapagtala ng mga salita sa isang diksiyunaryo ay diksiyunarista leksikograpo) Kung
susuriin, ang salitang talatinigan ay nangangahulugang listahan ng mga pagbigkas, subalit minsan din itong
ginagamit na panturing sa aklat na diksiyunaryo.

Talaan ng nilalaman o table of contents, listahan ng mga yunit at ang mga pahina nito kung saan
ito matatagpuan.

23. Alin sa mga sumusunod ang wastong gamit ng anunsiyo klasipikado?


A. dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol sa artista
D. dito maaaring makahanap ng trabaho

24. Alin sa sumusunod ang wastong gamit ang pangulong-tudling?


A. dito mababasa ang pangunahing balita ng pahayagan
B. dito mababasa ang opinyon ng pahayagan
C. dito mababasa ang balita ukol sa artista
D. dito maaaring makahanap ng trabaho

25. Ano ang wastong gamit ng talahulugan?


A. dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito
B. ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman nito
C. dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito
D. ito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng
paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan matatagpuan ang mga ito

26. Ano ang wastong gamit ng Talaan ng Nilalaman?


A. dito makikita ang mga paksang taglay ng aklat gayundin ang mga pahina kung saan makikita ito
B. ito ang pinakamahalagang bahagi ng aklat sapagkat dito mababasa ang kabuuang nilalaman nito
C. dito nakatala at nakaayos nang paalpabeto ang mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang
kahulugan ng mga ito
D. ito makikita sa likuran ng aklat at makikita ang mga paksang tinalakay sa aklat na nakaayos ng
paalpabeto gayundin ang pahina kung saan-saan matatagpuan ang mga ito

27. Anong pamatnubay ang titignan sa diksyunaryo upang mahanap ang salitang barya?
A. grap-lider B. anod-dram C. kalikasan-labuyo D. pabula-sektor

28. Anong salita ang makikita sa pagitan ng pamatnubay na pormal-tradisyon?


A. santakrusan B. editor C. lider D. ugat

Basahin ang kuwento at sagutin ang bilang 29-35.

ANG MAGKAPATID
Ni Sharon H. Manuel

Ang mag-asawang Mang Juan at Aling Tasiang ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Aron at
Sharlin. Masayang-masaya ang mag-asawa sa pagdating ng dalawang bata sa kanilang pamilya. Lahat ng
pangangailangan ng dalawang magkapatid ay sinisikap ibigay ng mag-asawa. Pinalaki nila nang puno ng
pagmamahal ang magkapatid.

Walang naging problema ang mag-asawa sa pag-aalaga sa mga bata. Subalit lumaking parang
aso’t pusa ang magkapatid. Madalas na nag-aaway ang magkapatid sa maraming bagay laro na sa mga
laruan at sa gawaing-bahay.

Minsan, sa gitna ng pag-aaway ng magkapatid, hindi naiwasan ni Aling Tasiang ang magalit.
Pinagsabihan niya ang kanyang mga anak.

“Aron, Sharlin,” pagsisimula ni Aling Tasiang. Hindi maganda sa magkapatid ang nag-aaway. Dapat
kayong dalawa’y laging magmahalan, mag-unawaan at magbigayan. Paano na lamang kung wala na kami
ng tatay ninyo. Walang ibang magdadamayan kundi kayong dalawa lamang,” ang sunod-sunod na paalala
ni Aling Tasiang.
Minsan, nagkasakit si Aling Tasiang. Nagkataon namang bumiyahe ang kanilang ama upang
maghatid ng mga produktong gulay sa kabilang bayan. Hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang dahil
nanghihina siya. Tinawag niya ang kanyang dalawang anak upang sabihing magsaing at maglaga na muna
ng itlog upang sila’y makakain habang wala pa ang kanilang ama.

“Ikaw na ang magluto,” sabi ni Aron kay Sharlin.

“Bakit ako?” tanong naman ni Sharlin. “Di ba ikaw ang mas matanda dapat ikaw ang gumawa,”
patuloy na sumbat ni Sharlin.

“Bahala ka! Kung hindi ka kikilos eh di walang kakain!” paismid na sagot ni Aron.

Dahil sa sobrang pagkadismaya sa dalawang anak, tumayo si Aling Tasiang sa kanyang higaan
upang pumunta sa kusina. Subalit sa kanyang pagtayo bigla siya nahilo at walang anu-ano’y natumba.

Agad namang nilapitan ng magkapatid ang kanilang ina upang tulungang makabangon.
Nagkatinginan sila at agad na humingi na patawad sa kanilang ina.

Magmula noon hindi na nakitang nag-away ang magkapatid. Magkasundong-magkasundo sila sa


lahat ng bagay. Hindi lamang sa paglalaro kundi sa pagtulong sa kanilang mga magulang.

29. Sino ang magkapatid sa kuwento?


A. Aron at Sharlin B. Ana at Maria C. Ara at Shara D. Ava at Shania

30. Saan naganap ang kuwento?


A. sa bahay ng mag-anak B. sa simbahan C. sa palengke D. sa paaralan

31. Bakit hindi makapagtrabaho si Aling Tasiang?


A. dahil malakas siya
B. dahil tinatamad siya
C. dahil nanghihina siya
D. dahil may pupuntahan siya?

32. Paano natuto ng leksiyon ang magkapatid?


A. sa pamamagitan ng pamamalo ng kanilang nanay
B. sa pamamagitan ng pagmamalupit ng kanilang magulang
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabuya ng kanilang magulang
D. sa pamamgitan ng pangyayari sa kanilang nanay nang minsan itong magkasakit

33. Alin ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa ibaba


I. Nagkasakit si Aling Tasiang
II. Magkasundong-magkasundo na ang magkapatid.
III. Masaya ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang anak.
IV. Bumiyahe ang kanilang ama upang maghatid ng gulay.

A. II-IV-I-III B. III-I-IV-II C. III-IV-I-II D. II-I-IV-III

34. Ano ang maaaring mangyari kung hindi pa rin natuto ng leksiyon ang magkapatid?
A. magiging masaya ang kanilang mga magulang
B. magiging malungkot ang kanilang magulang
C. magiging mabuti silang mga anak
D. magiging maunlad ang buhay nila

35. Alin sa mga sumusunod ang sumusuportang detalye sa binasang kuwento.


A. Si Aron at Sharlin ay magkaibigan.
B. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay magkapatid.
C. Si Aron at Sharlin ay magkapatid na hindi magkasundo.
D. Si Mang Juan at Aling Tasiang ay mag-asawa na hindi nagmamahalan.
Basahin ang sumusunod na balita at sagutin ang bilang 36-39.
MANILA - Nabuwal ang isang poste ng ilaw sa center island ng Mindanao Avenue Extension sa Quezon
City matapos mabangga ng isang truck, Biyernes. Ayon sa drayber na si Jerrymie Donayre, nakaidlip siya
habang nagmamaneho at nagising na lamang siya ng bumangga ang kaniyang minamanehong sasakyan
sa poste."Hindi ko na napigil ang antok at pagod dahil umaga pa ako nagsimulang bumiyahe," ani
Donayre.Galing Bulacan ang truck at pauwi na siya upang gumarahe sa Antipolo nang maganap ang
insidente. Bagamat self-accident ang nangyari, mahaharap pa rin ang drayber sa kasong reckless
imprudence resulting in damage to property dahil sa nasirang poste.

36. Bakit bumangga ang sasakyan?


A. dahil madulas ang daan
B. dahil madilim ang kalsada
C. dahil nakatulog ang drayber
D. dahil may iniwasang tumatawid sa kalsada ang drayber

37. Ano ang angkop na pamagat o ulo ng balita?


A. poste ng ilaw, nabuwal nang banggain ng trak sa Quezon City
B. drayber nakatulog, nahulog ang sasakyan sa bangin
C. sasakyan nabuwal, poste ng ilaw bumangga
D. trak nawalan ng preno, bumangga

38. Naalarma ang mga residente nang makita ang malakas na tubig na umaagos o dumadaloy sa bundok.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang umaagos mula sa pangungusap?
A. naalarma B. dumadaloy C. malakas D. tubig

39. Ang pag-ibig ay nagdudulot ng kapayapaan at hindi kaguluhan.


Ano ang kasalungat ng kapayapaan sa pangungusap?
A. pag-ibig B. nagdudulot C. kaguluhan D. kayamanan

Pag-aralan ang bar grap at sagutin ang kasunod na tanong.

40. Sa anong buwan mayroong pinakamababang bilang ng mag-aaral na magdiriwang ng kaarawan?

A. Mayo B. Hunyo C. Hulyo D. Agosto

You might also like