Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

marami ay matagal siyang namuhay na nag-iisa dito sa daigdig.

Hindi nalaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot sa


kanyang pag-iisa.  Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay
umisip siya ng isang magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal ng lupa upang gawing
mga tao, sa gayon ay malunasan ang kanyang kalungkutan.
Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa.  Sa hindi
malamang sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang
buksan ay maitim at sunog.  Ang lumabas na sunog ay naging
nuno ng mga Ita.
Hindi nasiyahan ang Bathala sa una niyang pagsubok.  Kumuha uli
siya ng lupa at hinubog na anyong tao at isinilid sa hurno.  Sa
takot niyang ito'y masunog tulad ng una, hinango agad sa kalan.
Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi.  Ito naman ang mga
ninuno ng mga puting lahi.
Muling humubog si Bathala ng lupa at iniluto sa hurno.
Palibahasa'y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi napaaga ni
napahuli ang pagkakahango niya sa pugon.  Hustong-husto ang
pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay.  Ito ang
pinagmulan ng lahing kayumanggi na kinabibilangan ng mga
Pilipino.

You might also like