Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KARAPATANG PANTAO PARA SA LAHAT

Hangad nami’y karapatang pantay sa lahat


Pagtratong nakasasakit sa iba’y dapat tuldokan

Huwag paapi kung kaya’t lumaban

Tigil na at tayo ay magsama-sama

Ating ipaglaban ang sarli

Sa mapanakit na salita at gawa

Upang tayo’y hindi kawawa


Sa mga taong walang awa

Pakinggan nyo ang aking tinig!


Karapatan ko gusto kong bawiin!
Buksan mo ang iyong mata!
Mga mamamayan umiiyak dahil sa hirap!

Buksan mo ang iyong puso!


Mga bata sa lansangan walang makain at pamilya!
Buksan mo ang iyong isipan!
Mga LGBTQ ay walang ginawang kasalanan!
Karapatan namin gusto naming bawiin!

Sapagkat iyong ipagmalaki ang sarili

Sa nagawa mong mabuti


Upang sa gayon ikaw ay mapuri

Sa huli hindi magsisi

Karapatan ng tao na magbahagi

Sa may hinanakit palagi

Sa kanyang isipang sumasagi

Upang damdamin ay gumaan palagi

TINIG NG KAHIRAPAN

Ang sikmura'y kumakalam

Mangmang at walang alam

Bulsa'y walang laman

Buto't balat ang katawan

Kadalasan ay iniisahan

Kakulanga'y pinagsasamantalahan

Kinukutya at pinagtatawanan

Dahil lang sa kahirapan

Kami rin ay taong nabibilang sa lipunan

Bakit sa halip na tulunga'y pinagsasamantalahan

Sa opportunidad ay mas inuuna ang mayayaman


Kami'y minamaliit dahil sa kakapusan

Kahirapan ay dahil na rin raw sa aming katamaran

Umaasa lang sa limos ng gobyerno't mayayaman

Mawalang galang na po sa inyong opinyon

Ngunit masdan niyo muna ang buong sitwasyon

Hindi lahat ng mahirap ay dahil sa kapabayaan

Maaaring biktima lang ng mapang-aping lipunan

Sa halip na isantabi at husgahan

Tayo nalang ay magtulungan

Pagbigyan ang aming daing sa lipunan

Pagkakapantay-pantay lang naman ang munting kahilingan

Wag kaming husgahan dahil lang sa kahirapan

Sama sama nating paunlarin ang bayan, mayaman man o mahirap

You might also like